Minumulto ako! Pilit ko man itong kinakalimutan, araw-gabi pa rin niya akong binabalikan!
Sa nakalipas na dalawamput-isang buwan at isang linggo, unti-unting nawawalan ng saysay ang anim na taong iginugol ko sa pag-aaral sa USM. Sa aking kasalukuyang katayuan, ang aking propesyon ay parang isang kaluluwa—nandiyan lang sa isang tabi, nagpaparamdam, ngunit hindi ko nakikita ang kanyang silbi! ...sa bagay, kung hindi marahil sa aking natapos sa Pilipinas, hindi rin siguro ipinagkaloob ng Australian Immigration ang hawak kong visa ngayon.
Isang napakasamang bangungot para sa akin ang magtrabaho bilang isang karaniwang magmamanok dito sa Australia! Kinikilabutan akong suungin araw-araw ang makapal na alikabok, at ang nakasusulasok na amoy at hibla ng mga balahibo ng manok na nakalutang sa hangin sa loob ng shed! Kahindik-hindik ang mamulot at maglibing ng daan-daang mga patay na manok araw-araw! Nakakakilabot ang magpatakbo at maglingap ng isang napakalaking manukang may mga makabagong kagamitang mekanikal at elektrikal! Nakakaduwag ang magtrabahong mag-isa sa gabi, pati ang tumira sa isang nilisang bahay na napakalayo sa kabihasnan!
Nakakatakot! May nagpaparamdam... Tumatayo ang aking mga balahibo sa nakalipas na limang araw dahil nararamdaman ko ang kawalan ng gana sa aking pang-araw-araw na mga gawain. Nagsisilundagan ang mga daga sa loob ng aking dibdib dahil parang ayaw ko nang ipagpatuloy ang sinimulan kong laban para sa aking mataas na PangaRap!
Natatakot rin naman akong biglang lisanin ang manukang ito. Nangangamba akong mawalan ng trabaho sa gitna ng pandaigdigang krisis sa ekonomiya... Ikinakatakot kong umuwi sa Pilipinas at maging isang palamunin ng aking ina! Ano kaya ang naghihintay sa akin pagdating ko sa aking Bayang matagal ko na ring iniwan? Iuunat kaya Niya ang Kanyang mga braso upang ako'y yakapin pagbaba ko ng eroplano, o ako’y katakutan at palalayasin na tulad ng isang dyablo?
Ayaw kong tumanggap o humarap sa kasindak-sindak na mga panlalait, kaya takot rin akong basta nalang susuko sa labang ito. Ayaw kong tawaging isang batang takot sa multo o isang batang talunan!
Limang buwan na lang sana ang aking hihintayin at matutupad na rin ang aking pinaPangaRap! 154 na tulog nalang sana at ako’y makakalabas na mula s4 kulun5ang i7o, at malaya ko na ring masisilayan ang bukang-liwayway na hindi na isang bilanggo sa rehas ng aking mga PangaRap! 154 na araw nalang sana ang aking titiisin, pero bakit ako ngayo’y minumulto ng napakaraming mga katanungan at walang humpay na binabagabag ng di mabilang na mga kinatatakutan?
Paubos na yata ang aking katapangang harapin ang mga katakot-takot na pagsubok! ...mga pagsubok para sa isang beterinaryong Pilipino—na piniling maging isang karaniwang magmamanok sa ibang bansa.
Dito sa mundo, ang daming multo!
18 comments:
pards ayos ang hulma ng letra...elib ako sa paggawa mo ng sulat na ito..
maraming naghahangad na makapunta dyan..alam kong kaya mo yan...
EVER
Talagang nagbabasa po kayo ng aking mga isinusulat. Natuwa naman po ako. Maraming Salamat sa muling pagpuri sa aking isinulat!
May mga panahon po talaga na naaalala ko kasi ang aking nakasanayang gawin sa Pilipinas.
Pero kinakaya ko naman po talaga ang kalagayan ko rito, nilalakasan ko ang loob ko. Hahahah!
...sa bagay napakarami namang advantages, at may mga mapaglilibagangan naman dito, isa na ang pagbabasa ng mga nakaka-pukaw-sigla ninyong mga kwento sa inyong mga blogs.
ang daming links. . datapwat sapagkat di co masyadong maarok. . hehe. . minumulto ka ng pagkamiss. . tiistiis. . may katapat na biyaya ang bawat lungkot at hirap na binubuwis. . wahhhhh. . kuya sumasabog utak co seo. . haha. . basta kaya mo yan! at ingatan mo sarili mo. . sigarong ayaw ka rin namang makita ng pamilya mong mukhang miserable. . hehe. .
ano ba tong pinagsasabi co?
PAPERDOLL
Naku, ganun ba?! Mahirap maarok? Hayaan mo maghahanap ako ng paraang mabago ang takbo ng mga pangungusap sa post na ito.
Salamat sa puna.
tyaga na lang RJ limang buwan na lang kamo- mabilis naman ang panahon. tutuk ka na lang sa computer para makalimutan mo ang pagiging magmamanok mo dyan. Mahirap tanggapin ng kalooban kung isa kang professional tapos magmamanok naman ang bigay na trabaho sa iyo. di bale dolyar naman yan na hindi kikitain dito sa pinas kahit isubsub mo ang sarili mo sa pagtratrabaho dito. Steppingstone mo lang naman yan. Good Luck!
NANAYBELEN
Magaling na po ba kayo? Kumusta na po ba ang inyong mga mata? Ang liliit pa naman ng font ko ngayon at mahaba pa itong aking recent entry.
Maraming Salamat po sa encouragement! 'Yan nga po ang palagi kong naririnig, na stepping stone lang po ito. Totoo naman po talaga, kaya kinakaya ko. Sarap nga rin yung sa simula ang mahirap kaysa sa bandang huli. Nagdadasal naman po akong may maaasahan din naman akong maganda sa laban kong ito.
hindi mangyayari ang ikinakatakot mo sakaling magdesisyun kang lisanin ang manukang naging mundo mo na ng ilang buwan. gayunman naniniwala akong hindi mo dapat gawin yun...hindi ngayon!
bakit ka nga ba matatakot sa multong nagbibigay ng pagkain sa iyo at sa pamilya mo? may kalaban nga bang multo o ang sarili kalooban lang ang kinakalaban mo?
wag ngayon pare...maswerte ka pa rin...
parang gusto ko magnosebleed sa tagalog mo.. ang galeng. :)
ABE MULONG CARACAS
Maraming salamat sa magandang payo. Tama po kayo, baka ang aking sariling kalooban ang siyang multong kalaban ko.
At naliwanagan akong, ang nagmumulto pala sa aki'y mga bagay na hindi ko dapat katakutan dahil ito ang nagpapakain sa akin.
Napangiti nyo po ako sa sinabi nyong maswerte pa rin ako.
JOSHMARIE
Nosebleed na naman?!
Nari-realize ko na ngayong ang mga salitang "nosebleed" at "hayz" ay mga karaniwang salitang ginagamit sa blog. O ito ba ang bagong expression dyan sa Pilipinas ngayon?
Hahaha! Mas napansin pa ang aking wikang ginamit kaysa sa aking mga nararamdaman. Napaka-distractive pala ng mga salita't pangungusap na ginamit ko. Hayaan mo't pipilitin kong baguhin para hindi na nosebleed [epistaxis, tama ba ROn? MNEL?].
In the long run, wala naman sigurong nasasayang sa mga pinag-aralan at pinagdaanan na ng isang tao.
Nakakapagod nga ang 'routinary' na gawain mo sa araw-araw. I can feel your loneliness, but I hope hindi pa naman job burnout yan. Sana makakita ka dyan ng malapit na kaibigan with whom you can spend your day-offs or weekends.
ang galing mong magsulat sa tagalog. matry nga minsan. kasi naman nabubulol ako magsulat in filipino. hehehe!
nako minumulto ka pala...uhmm...mahirap gumawa ng isang bagay na wala yung passion lalo na kung ang trabaho mo mismo ang kinatatakutan mo. naimagine ko tuloy yung ginagawa mo araw araw... vet ka pala. astig! marami kaming kahayupan dito sa bahay...
hope you find your passion :)
---
thanks for the compliment :)salamat at pinagtyagaan mong basahin. talaga? 8 pm maliwanag pa rin? sa bagay malapit na kasi kayo sa south pole...ganun ba yun? hahaha!
is it true na walang halloween dyan? hmmm...bakit?
HBH
Tama po kayo, walang masasayang na pinag-aralan.
Sa tingin ko hindi pa naman job burnout itong nararamdaman ko. Madalas nga rin po may mga kaibigang nagyayayang mamasyal, kaya nakakapag-unwind din naman ako.
Kumusta ang mga daga nyo? Tapos na po ba ang Mocha Bridge?
RONEILUKE, RN
Aabangan ko ang Filipino post mo sa On the Coffin Rock.
Maliwanag pa nga ang 8pm dito. Ito ay ang influence ng EARTH TILT. Search mo nalang sa www. ha.
Ayaw ng mga locals ang Halloween celebration dito, pauso lang daw yan ng US. Purely business strategy. Pero sa UK (London) meron din daw. Doon naman galing ang karamihang taga-Au.
Alang hiya din ang Australia. Isang veterinary doctor, gagawin lang magmamanok.
Konting tiis nalang RJ. Pag nakuha mo na ang mga papeles na kailangan mo, mas pa riyan ang mararating mo. Dagdagan mo na lang ang tapang mo.
Happy Halloween!
ahhh..ganun pala yun. sige hindi nako magtatanong sayo kahit kailan. i have drafts in filipino. pinagiisipan ko pa kung ipopost ko.
peace out!
Waaaaaaaah, good thing girls do cry, that's what I do when I feel what you felt. When I feel burnt out, alone, exhausted, inept... I just cry to God for comfort.
Living in a different country away from your immediate family is a battle in itself, added with stress at work... ahhh, it's definitely a warzone inside our head.
I still believe that in every battle is an opportunity to be victorious. There's always a winner inside you RJ! Ikaw pa? Defeat is not in your vocabulary, *winks.
Kapag nanlalamig ka, kapit ka lang sa mainit. Kapag may tyaga, di lang nilaga ihahain sau, lechon manok pa, paborito mo, dba? hehehehe
tc, God Bless...
Galing!
Nakakaelibs ang pagkakatagni tagni ng mga salita. Nakakaantig ng damdamin. Congratulations.
D ko matandaan kung kaninong blog ko nabasa (o article kaya sa dyaryo): Our major decision is not whether we're leaving the Philippines, but rather if we're coming back.
namumulto rin mga namatay na manok? nakakatakot naman, tumayo ang mga balahibo... kahit yung mga kulot, hahaha. joke!
ang husay ng pagkakagamit ng mga salit. swak na swak! nakakabilib.
napakatatag mo kuya rj...pagpalain ka...kaya mo yan. :) tayong lahat me kanya kanyang multo...ako gusto ko rin mag abroad pero sa kabila nang pagsisikap ko, di ako makakita nang maganda. k naman ang pinag aralan ko. matalino naman siguro ako huhuhu. pero parang hindi pa siguro talaga ito ang tamang oras.
musta na?
Post a Comment