Pumasok ako sa kanilang munti at ipinagmamalaking mall—ang Grand Central. Diretso kaagad sa food court at excited ako nang makita ko ang McDonald’s at KFC. May Red Rooster at Hungry Jack’s naman pero hindi ko ito pinansin, doon na ako sa mas kilala at kabisado kong kainan, siyempre.
Bigla akong nalungkot nang malaman kong ang McDonald’s at KFC sa Australia ay hindi pala naghahain ng kanin! Kung sa Pilipinas may extra rice at extra gravy pa 'ko, dito kailangan ko na palang kalimutan ‘yun. Di na rin kasi uso ang magbigay o magbenta pa ng extra gravy rito. Nagulat din ako nang biglang ngumiti ang nasa counter nang binanggit ko salitang ‘French fries.’ ‘CHIPS’ kasi ang tawag nila sa pritong patatas dito, at doble ang laki ng hiwa kaysa sa Pilipinas!
Nagpasya akong sa KFC nalang kumain kasi nandoon ang paborito kong pritong manok. ‘Two-piece feed’ ang in-order ko—dalawang pirasong original recipe fried chicken (ang paborito kong thigh part, wala ring hot and spicy rito), mashed potato, CHIPS and a roll (isang maliit at malambot na tinapay na may linga sa ibabaw), plus a can of softdrink. Kung hindi ako nagkakamali nasa Au$7 ang halaga nito noon.
“Anything else?” tanong ng napakagandang cashier!
“That’s all, thank you” sagot ko.
Pindot-pindot at, aba nagtanong ulit!
“Hav-it-hee- O-tayk a-way?”
Hindi ako nakasagot agad! Inulit niya ang tanong niya sa akin, “So-ri, hav-it-hee O-tayk a-way?” sabay ngiti!
HAVE IT HERE or TAKE-AWAY? Kayo, masasagot nyo kaya kaagad kapag tinanong kayo ng ganito?
---------------------------------------------------------
Sorry, hindi ko po nakunan ng litrato ang napakagandang cashier!
6 comments:
ha ha ha,pards nag-gaganun ka narin ha...ok ah!..buti nga dyan may gravy dito sa kuwait wala,pag order ka ng kfc ketsap ang bibigay sayo.
kahit siguro ako tatlong beses ko bago makuha yun,buti ikaw 2 beses lang.
EVER
Ganun?! Walang gravy ang KFC sa Kuwait?! Ano naman ang partner ng fried chicken? French fries or rice?
“Hav-it-hee- O-tayk a-way?” >> hirap nga nito hehehe.. sarap ng kfc! na miss ko na ang tsiken ah.. :D
so that's your new you c: glad to see your facec: thanx for the comments c: read my answers too c: view my new look of my other blog c:
http://pinay-chicken-heart.blogspot.com/
thanx for the help c:
whatda!!! hahahaha.
sa sobrang pagkaislang eh ndi ko nga rin yan maiintindihan. ang layo ng lugar mo. hahaha.
saya dyan sa australia, OUTBACK OUTBACK!!! hehehe
hayz, the best ang gravy ng kfc... nung nsa spain ako, may cauliflower pa yung gravy nila... yum yum yum... haha, ganun talaga pag lumabas ka ng pinas... forget the rice... huh sa pinas lang yata uso ang kanin, hehe.
Post a Comment