Thursday, October 9, 2008

Ang Aking Tahanan

Ito ang aking tahanan, ito'y nasa gitna ng malawak na kabukiran ng South Australia. Ganito siya kung tingnan sa labas, napakaliit lang. Aking nasisilayan ang pagsikat ng araw sa bandang kanan nitong litrato, at doon din sa dulong 'yon ang aking pintuan. Ang nakatayong hugis "T" sa itaas ay ang antenna ng aking telebisyon.
Pagpasok na pagpasok mo sa aking pinto, makikita mo kaagad ang aking rice cooker, kahit dito sa Australia, kumakain pa rin po ako ng kanin, dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw. Katabi nito ang bread toaster, at nasa itaas ang microwave oven. Ang kulay itim na yan ay ang simpleng stereo kung saan napapatugtog ko ang aking mga paboritong musika at nasusubaybayan ko ang daily countdown sa 107.1 S.A. FM.
Ayan ang saku-sakong bigas na aking binili sa kalapit na Asian Store, ang nasa kaliwang pinto na yan, na may kulay berdeng ilaw ay ang aking ref, na kung tawagin sa Australia ay fridge.

Nararamdaman kong parang gusto niyong buksan at makita ang laman nga aking fridge, kaya heto, dahil kaibigan kita pagbibigyan kita.
KALIWA. May kaunting double-smoked ham at bacon, isang dosenang itlog, at siyempre ang (aming produktong) marinated garlic chicken. Ang nasa gitnang palapag ay ang dalawang uri ng keso (with sweet chili flavor 'yong isa), at ang butter. Makikita mo rin dyan ang sariwang gatas na nasa kahon kung saan nakapatong ang isang kahon ng dates na inangkat pa ng Australia sa Iran. Makikita rin ang palamang Lady's Choice (sa ganitong sitwasyon men's choice na rin po ito) at ang strawberry conserve na paborito kong isama sa aking picklets sa almusal. Nasa pinaka-ibaba nakaimbak ang mga napapanahong prutas at ang aking mga paboritong gulay.

IBABA. 'Yang mga nasa door shelves ay ang orange at lemon cordial, at ang alak na galing Jacob's Creek. Nasa itaas na shelf ang breakfast cereals, Kraft mayonnaise at tsokolateng gawang Australia.

KANAN. Sa freezer ang mga sugpong nakabalot sa papel (talaga? Ganyan ang istilo ng Woolworths), ang pork ribs, karne ng tupa at ang niluto kong munggong hindi ko naubos.



Ito ang aking lababo at ang aking kalan. Sa kalang iyan ko iniluluto ang mga lutuing natututunan ko sa Wyatt's Kitchen at sa bago kong natagpuang My Food Trip. May maliit din akong hurnohan kung saan iniluluto ko ang aking paboritong hapunan.





Ito ang aking maliit na telly ('yan ang tawag ng mga Australians sa kanilang TV). Dito ko napapanood ang aking mga paboritong palabas, kasama na rin ang Bandila ng ABS-CBN sa SBS tuwing 6:45n.u.



Ito ang hapag-kainang ginagawa ko na ring computer table. Dito sa silid na ito kaya kong silipin ang buong mundo! Sa tulong ng aking laptop at ng Bigpond wireless modem (kulay asul sa litrato), ako'y nagkakaroon ng regular na kontak sa aking mga malalapit na kaibigan at mga kamag-anak.

Sa maliit na daigdig na ito unti-unti kong tinutuklas ang Mga Lihim ni Hudas at nakikisabay sa mga mapangahas na paglalakbay ng isang Anghel na Walang Langit. Dito ko rin nakilala ang madamdaming si Hiraya, at ang puno ng inspirasyong Dude of Distraction. Nakita ko rin kung paano makipagsapalaran ang isang Manilenya, Filipino in Canada, at ang isang mahusay na alagad ng sining sa Kuwait sa pamamagitan ng kanyang mga Pamatay Homesick.


Dito rin sa mesang ito gumagana ang aking pluma, ang kakaiba at espesyal na balahibong aking nabanggit sa nakaraan kong post.

At kapag ako'y napapagod at inaantok, hihiga na kaagad ako rito sa aking kama. Dito rin ako nagti-text bago matulog at nagsasabing good night and sweet dreams sa aking mga contacts sa Pilipinas.


Palaging may isang aklat sa tabi ng aking kama, na aking binabasa upang sumigla ang aking kaluluwa. Kung mapapansin niyo sa salamin, makikita ang isang maliit na bote, 'yan ay aking gamot pampahid na talagang nagagamit kapag ako'y pagod na pagod sa maghapong trabaho.

Sa loob ng aking tahanan ay may isang gitara. Hindi naman ako mahusay kumuskos nito, pero kapag dumating ang mga pagkakataong nais kong tumugtog, naririnig ko rin naman ang nakakaaliw niyang tunog! Huwag kayong mag-alala dahil wala naman akong kapitbahay kaya walang magagambala.

Naalala nyo siguro ang aking paminggalan, heto, ako na ang nagbukas para sa inyo. Hindi mawawala ang Milo bilang pang araw-araw na bukal ng enerhiya, at nariyan rin si Mama Sita na aking saklolo pag nagmamadali na akong magluto.

Ito ang aking tahanan, ang aking tahanang napakalayo sa aking Bayan. Kapag ako'y wala sa Aking Tambayan, siguradong dito nyo ako matatagpuan.


11 comments:

Chico said...

oh my, parang di ko yata kayang tumira nang nag iisa sa ganyang lugar,parang napaka lungkot..pero sabi ko nga, alang alang sa pamilya, kailangan magtiis.

pero nice ang place mo ah, kumpleto hehehe, wala ba namang naliligaw na mabangis na hayop jan? hehehe ingat ka jan.

iceah said...

cool place you got there c: i love traveling and knowing places c: our family has that kind of adventure spirit c: thanx for dropping by my blog c: my chickenheart blog is somwhat of the same color as this blog of yours but it's about parenting and all c:

Roland said...

wow, ang gara ng pad mo... sa labas akala mo isang sasakyang nakapark lang... but whats inside is so amazing... kaya mong mabuhay dyan ng mag-isa.

salamat sa patuloy na pakikibahagi mo sa langit ko.

ingats palagi.

Anonymous said...

Type ko itong haybol mo! :D
Homebody ako pero minsan gusto kong nagbabakasyon sa ibang lugar, kung pwede nga lang ay dala-dala ang buong bahay ko. Naiba-byahe ba ito na parang RV? O RV na nga ba ang tawag din dito?
Salamat sa pagbisita sa blog ko, RJ -- lagay kita sa blogroll ko.
By the way... my bestfriend is now living with his family there in South Australia. ;)

RJ said...

HOMEBODYHUBBY
Yes, naiba-biyahe rin ito, idudugtong lang sa towbar ng vehicle, pwede nang dalhin kahit saan. May toilet din ito sa loob pero hindi ko na kinunan ng ritrato. Hahaha, yun nalang ang natitirang private sa 'haybol' kong ito.

CARAVAN ang tawag nila nito rito sa Australia.

Sino nga pala yung kaibigan mong nandito sa S.A.?

Dear Hiraya said...

saya naman sa tahanan mo.. kakaiba,.. sarap magpicture picture hahaha tapos sa loob parang hotel!! ang gara!!!! hahahaha!! tapos tapos... ang daming pagkain!!! wohoOooo!!! mahilig ako sa pagkain.... ang sarap!!! tapos... tapos... pareho tayo ng laptop hahahaha black nga lang sayo grey sa akin hahahaha!!

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Anonymous said...

Hey Chook..buti ka nga e kahit maliit may sariling bahay...ako wala :( maraming salamat sa link...mabuhay ka!

Nandyan pala sa Australia ang isa kong kapatid at pamilya nya, kadarating lang mula sa Singapore nung April.

Ingat lagi dyan at ingat naman ako lagi dito :)

RJ said...

FJORDAN ALLEGO
Kung gusto mong magpicture-picture punta ka rito, welcome kayong lahat! Pag magutom ka, pwede kang kumain kahit anong gusto mo dyan sa fridge or pantry.

Teka, huwag mong kalimutang dalhin ang laptop mo, madalas ka pa namang mag-post sa Hiraya. Baka mahihirapan tayo kapag itong laptop ko ang gagamitin mo habang nandito ka.

RedLan said...

wow. sosyla pala ang caravan mo. para kang artista na nasa shooting location. hehehe

Loida of the 2L3B's said...

May multo ba dyan?

;)

Anonymous said...

pRang nkakataqot
tumira jan..hehe.!
:)

pero bongga ung
house mu
aa.!