Friday, October 17, 2008

Ang Lahing Matibay

Sa darating na taong 2018 ay posibleng hindi na puproblemahin ang nakakahawa, nakamamatay at kinatatakutang bird flu (September 2008 isyu ng Poultry International). Nilalayon ng pag-aaral at pananaliksik ng mga dalubhasa sa United Kingdom na makapaglikha ng isang lahi ng manok na may likas na resistensiya at kakayahang puksain ang Avian Influeza H5N1 virus!

Ngunit ang mga viruses ay makapangyarihan, mayroon silang kakayahang regular at patuloy na magbagong-anyo sa loob ng katawan ng isang tao o hayop –isang dahilan kung bakit napakahirap silang puksain. Hindi kaya maaaring may panibagong anyo at mas nakamamatay na uri ng bird flu virus na namang susulpot bago pa man mailabas ang may malakas na resistensiyang lahi ng manok sa 2018?

Sa makabagong panahon, halos wala nang imposible sa katalinuhan ng tao. Kaya handa akong maghintay, mananalangin at aasang ang proyektong ito’y magtatagumpay!

KAILAN KAYA MAGKAKAROON NG PAG-AARAL at pananaliksik na ang layon ay makalikha ng mga lahi ng taong hindi sakim sa kayamanan? ‘Yong isang proyektong sasadyaing makagawa ng mga lahi ng taong likas na may kasiyahang-loob at puno ng pagmamahal sa kaniyang kapwa tao? Sa makabagong panahong punong-puno ng karunungan, maari kaya itong makamtan?

Kapag ang ating pamahalaan ay maglalaan ng ‘isang bayong may laman’ (pwede ring doblehin tulad ng nakasanayan) para sa proyektong ito, ako’y magkukusang-loob na ihinto na ang pagiging isang chook-minder, magboboluntaryo na akong maging isang mananaliksik upang makatulong sa paggawa ng panibagong lahi ng tao.

6 comments:

Chico said...

anong hawak mo? texas ba yan? hehehe

Off topic: Go to blogthings.com and see what your name means.

With regards to the drawings, it took me between 15 to 30 minutes para tapusin ang bawat isa, depende sa subject. Pero nagpapaint din talaga ako using watercolors.

Blog images ba ng kelangan, i took all my images for blogs sa www.gettyimages.com. As in lahat nanjan for free.

Thanks nga pala for always visiting my blogs, i appreciate it. I also read yours. Medyo tamad lang kac akong magcomment back hehehehe, but il make up.

Anyway, God bless and yngat sa outback!

paperdoll said...

ang galing naman nun. . kaso sa 2018 pa. . sana pinangarap co rin maging imbentor:D magiimbento aco ng manok na pag tinapat sa araw magiging fried chicken:D

pchi said...

"isang bagong lahi ng tao?"

hmmmm.... wala pa akong masabi sa ngayon

nagresearch nga rin ako noon about niyang Avian influenza na yan

sana mapuksa na yan, mahilig pa naman akong kumain ng tinolang manok, paano na lang

Roland said...

may dalawang katanungan na pumasok sa isip ko ng mabasa ko ito.

1- bird flu ba sa ay lalaking manok lang dumadapo? ano na ang tawag pag sa babaeng manok?

2- ang bird flu ba ay past tense ng bird fly?

sana mabigyan mo ako ng kapaliwanagan... para matapos na ang mga agam-agam na gumugulo sa isip at puso ko.

maraming salamat. hanggang sa muli!

RJ said...
This comment has been removed by the author.
RJ said...

ROLAND
Isang araw rin akong nag-isip para masagot ang mga tanong mo.

1. Ang bird flu ay tumatama rin sa mga babaeng manok at ibon. Hindi nga lang ako sigurado kung ano ang tawag 'pag sila na ang tamaan nito, siguro ay 'flower flu' or 'rose flu'?

2. Para sa akin, ang 'bird flu' ay FUTURE tense ng bird fly! Ito'y sa kadahilanang ang lahat ng mga ibong lumilipad ay posibleng matamaan ng 'bird flu' sa hinaharap.

Sana'y naliwanagan ko ang iyong dumilim na isipan, at nawa'y nahaplos ko rin ang iyong balisang puso.