...sa bagay, mag-iisang dekada nang araw-araw ay naging bahagi na ng aking buhay ang harapin at patunayan ang mga kadahilanan at kaparaanan ng mga karamdamang nauuwi sa kamatayan! At sa aking mga pagsusuri ng mga bangkay, hindi ko alam kung lubusan ko na ngang natuklasan ang mga katotohanan at hiwagang nasa likod ng kamatayan!
Nalaman ko nga marahil ang mga sanhi ng iba’t-ibang mga sakit kasabay ang mga pangyayaring naganap sa loob ng katawan na nagdulot ng agarang pagkamatay ng aking mga alaga, ngunit nananatili pa ring isang malaking katanungan sa aking isipan ang mga kahiwagaan sa likod ng kamatayan ng sangkatauhan...
Tuwing may mga tandang o inahin kasing namamatay, wala akong naririnig na mga pagtangis at wala namang nalulumbay! Kapag pinatay ko upang masuri ang may sakit na kulig wala naman itong mga mahal sa buhay na naliligalig. Kung mamatay ang isang guyang, wala naman siyang hinaharap na nasayang o di kaya’y mga pangarap na nakapanghihinayang! Mamatay man ang munting kuting, o pumanaw man ang isang tuta wala itong kaluluwang sa kabilang-buhay may mapapala! Sa mga nilalang na gaya nila, may kahulugan kaya ang kamatayan?
2 comments:
so mas gusto mong maging hayop kaysa sa tao? ...haha...sa totoo lang nakakatuwang isipin na ang buhay ng mga aso, pusa, manok ay ganun lang... walang iniisip na iiwanan... basta pag dedbol na sila, dedbol na sila.
ROLAND:
Mas gugustuhin ko pa ring maging tao. Mas masaya at mas makulay kasi ang buhay ng isang tao!
Post a Comment