WALANG NAGBAGO. Tulad ng naikwento ko na sa Aking Tambayan, mga tatlong araw na namang hindi tumunog ang aking roaming mobile phone!
Huhmn... Malamang abala ang aking mga kamag-anak at mga kaibigan sa Pilipinas sa mga Halloween Parties, at sa paggunita ng Todos los Santos at Araw ng mga Kaluluwa. Naisip ko tuloy na tama ang sinabi ni Batanggero, takot itong mga buhay na dalawin sila ng kanilang mga ‘yumaong mahal-sa-buhay’ kaya sila’y bumibisita sa mga puntod—kandila'y itinitirik at mga bulaklak ay ini-aalay.
Buti pa itong mga patay, naaalala. Subalit ang mga buhay na nasa malayo, kahit isang text message hindi man lang maalalang padalhan. Pero sa ganitong mga panahon, hindi na uobra ang pagtatampo (hindi rin naman ako matampuhin). Kaya ako ay nagparamdam sa aking mga mahal sa buhay sa Pinas!
Pinadalhan ko sila ng text message, “Kumusta? U *Siguro’y abala kayo sa mga panahong ito. Ayos lang ako rito. o”,) ”
Aba, ang daming nag-reply! Nakakatuwa!
Marahil tama nga ang paniniwalang nabanggit ni Batanggero. Minsan kailangan nating magparamdam para tayo ay maalala.
DARLING HARBOUR, Sydney, New South Wales, Australia
13 comments:
salamat po sa pagbanggit at pag-unawa sa mga paniniwala ko... madami kc sa atin ang mga nakikiuso lng... pero hindi nmn nila isinasa-puso kung ano ung talagang dapat gawin...
makita lng na madaming tao, makikisabay na... pwede namang "magparamdam" kahit walang okasyon...
sa uulitin...
ay kuya parang tumaba ka ah? :)
wow! kuya! p0werful sa pagwave ah. . hehe. . hindi ka pa natatanong kung kmusta ka na jan nasagot mo na kagad ah. . :D
“Kumusta? U *Siguro’y abala kayo sa mga panahong ito. Ayos lang ako rito. o”,) ”
hehehe.. buti na lang may text akong isa mula sa probinsya. tinatanong kung kailan kaming mag-iina uuwi.
kumakaway ka na. mukhang magbabakasyon ka a.
It reminds me of an old saying about old friends; "It's not that they'd forgotten. Their just busy makin' a livin'".
Oo nga pala, I included you in my blog role. Para madaling pasyalan. : )
Hindi pala pumasok yung comment ko kaninang umaga ("error" eka nga kanina). Anyways eto yun:
Natawa naman ako dito sa istorya mo (natuwa, actually). Bilib ako sa paggamit mo ng 'parallelism' sa mga post entries mo. ;)
VHONNE
Salamat sa pagdalaw! Naramdaman mo 'ata ang pagparamdam ko sa iyo.
JULES
Ganito talaga ang katawan ko, maraming taba. =(
PAPERDOLL
Napansin mo pa ang pagkaway ko. Ikaw talaga daming napapansin.
Nilalagyan ko na rin kaagad ng kasalukuyang kalagayan ko ang aking mga ipinapadalang txt msgs para makatipid sa load. Di na nila kailangan pang kumustahin ako. U
NANAYBELEN
Siguro maayos na ang mata niyo, nakakapag-blog hop na po kasi ulit kayo.
Parang pauwi na po ba ang aking pagkaway? Matagal pa po ang plan kong pagbabakasyon. Feb., March or May 2009 pa po.
BLOGUSVOX
Maganda ang saying na yan, ngayon ko lang po narinig [nabasa?!].
Salamat po sa pagsama ng aking blog sa inyong mga "Pasyalan!" Natuwa naman po ako, kahit hindi masyado malaman ang mga pinagsusulat ko, parang nagustuhan niyo rin.
HBH
Palagi na rin po kayong nakakadalaw sa akin, baka napabayaan na po ninyo ang inyong mga daga nyan.
Ewan ko nga po ba, sabi nga ng aking friend dito na si Ate Maylene lahat nalang ng mga bagay ay binibigyan ko ng kahulugan. Ganito lang siguro ang resulta sa utak na wala masyadong ginagawa, palagi po kasing katawan ang gamit ko rito sa work.
buti ka nga may roaming eh..
ako nga wala. so wala talaga tatawag o magtetext sa akin.
pero ok na yun, at least wla akong iniiexpect. baka nga busy lang sila kac undas.
ps,
ok na rin yun kesa naman maalala ka nila at dalawin ka kasi patay ka na. hahaha joke! ok na yun buhay na walang dalaw!
"Minsan kailangan nating magparamdam para tayo ay maalala."
AMEN to that statement parekoy...
ayos naman ng eyestrain ko pag rest ako ng ilan oras. advice ng optician hwag daw akong mag-computer. hhhhayyy! na addict na ako. Hindi pwede!
6 ang minamanage kong blog at pinabayaan ko ang dalawa kaya lang biglang binigyan ng task kaya pinilit ko ulit buhayin. nakakapagod at hilong hilo narin ako. balo baloktot ang english at post ko, pero ok naman sa kanila. hehehe
hays...nakakalungkot nga yung ganun...hays...hindi lang mga multo ang pwedeng magparamdam. hehehe!
---
try reading it. masaya! hehehe! marami ngang disappointed dun sa 'order' but it's my second favorite from the movie series. i just love 'azkaban'.
yan ang first two kong nabasa. try reading digital fortress. astig! deception point was may least fave.
ps. hales is my bestfriend. :)
hehe! i know. i kid. peace!
"Maganda ang saying na yan, ngayon ko lang po narinig [nabasa?!]."
Of course its the first time you read about it. I made it up, based on an old song.
Post a Comment