Sunday, November 9, 2008

Ang Kapalit

Sayang talaga! Hindi ko na naabutan ang seremonya ng kasal. Wala na akong magawa, tapos na ang lahat nang ako’y dumating. Kasal na sila, kainan nalang ang aking inabutan. Sayang talaga! Suot ko pa naman ang espesyal na damit at sapatos na matagal nang nakatago (dahil di ko naman nagagamit dito sa manukan).

Pinagpapawisan at humihingal akong pumasok sa restaurant na pinagdausan ng magarbong salu-salo. Lahat ng mga mata’y nakatutok sa akin, ‘di ko alam ang aking gagawin. Magkahalong panghihinayang, pagsisisi, pagkainis, lungkot, at pagod ang aking naramdaman. Marahil ako’y namumutla noong mga oras na ‘yon.

Bigla SIYAng ngumiti at kumaway nang ako’y kanyang nakita! Masayang-masaya SIYA, nababasa ko sa kanyang mga mata!

Pero ako, hindi ko alam kung saan ko ipo-posisyon ang aking sarili. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung mauunawaan niya ang mga bagay na ihahayag ko sa kanya. Hindi ko nga rin alam kung bibigyan niya ako ng pagkakataong magpaliwanag. Gustong-gusto ko na talagang sabihin... Pero tama bang doon ko mismo sa kasayahang ‘yon isisiwalat ang lahat ng kahihiyang ito?

Alas dose ng tanghali ang kasalang magaganap. Pero alas-onse na ng umaga, 30 kilometro pa ang aking lalakbayin para makarating sa pagdadausan ng kanilang kasal! Ang malas ko talaga! Nakasarado ang mga kalsada dahil sa isang mahalagang parada. Kasalukuyang walang bumibiyaheng bus o tren sa Adelaide patungong Glenelg ng mga oras na ‘yon. Pinahinto lahat ang biyahe, nang dahil sa isang tradisyonal na gawain ng lungsod.

Mga tatlumpong minuto pa ang aking hinintay bago nagsimulang maglakbay ang mga bus! Dali-dali naman akong sumakay, ngunit alam ko nang ako’y mahuhuli na sa isang mahalagang okasyong aking dadaluhan.

Alas dose y media na nang ako’y nakababa ng bus. 30 minutes late na ako. Wala na talagang pag-asang ako’y makakahabol pa, pero binilisan ko pa rin ang lakad ko, nagbabakasakaling kahit kaunti, ay may maaabutan pa ako.

Halos tumatakbo na ako, natatanaw ko na ang aking pupuntahan! Malapit na malapit nalang! Ngunit... Bigla akong may narinig na napahak sa aking paanan! Dinig ko ang tunog, kahit na ang kalsada’y napakaingay. Habang ako’y patuloy sa mabilis kong paghakbang, bigla kong naramdamang lumuluwag ang sapatos na suot ko sa kanan. Damang-dama kong may malamig hanging gumagapang sa aking nakamedyas na mga paa!

Ako’y huminto. Tiningnan ko upang siyasatin kung ano problema sa aking nakasapatos na paa! Bigla akong nanghina, dahil ito ang aking nakita!


Nang matapos ang kainan, at nakauwi na lahat ng mga panauhin, nilapitan ko SIYA—ang aking kaibigan, sila ng kaniyang asawa... Ang bagong kasal. Ikinuwento ko sa kanila ang gusot na aking naranasan habang ako’y nasa daan papunta sa kasalan.

At ito naman Ang Kapalit, ang dahilan kung bakit ako na-late.

23 comments:

Anonymous said...

wow! new shoes! pa burger ka naman!

burger!burger!burger!

paperdoll said...

haha! kuya buti may naabutan ka pa ngang pagkain. . hehe. .

gutom na rin ung sapatos moe. . naranasan co rin masiraan sa daan. .masiraan ng sapatos. . lol

may moral lesson acong natutunan. . wag bibili ng made in china. . hehe

Anonymous said...

hahahahah. kaya naman pala eh. :)

I am Bong said...

wow, bagong sapatos! binyagan... hehe

Anonymous said...

saklap ng kapalaran mo kapatid...kung sa akin nangyari yan..hindi ko alam ang gagawin ko sa mapait na kinasadlakan ko :( di bale masarap naman yata ang handa e...:)

PEDRO <- - - said...

hehehe.. pag sinuwerte ka nga naman.. pero atleast napalitan na ng bago! :D

RJ said...

CHICO
Kung nandito ka lang kahit ilang burger pa, ayos lang. Pag magkita nalang tayo.


PAPERDOLL
May mga pagkain pa naman, pagdating ko kasi hindi pa nagsisimula ang kainan.

Hindi naman sana Made in China 'yong luma kong sapatos, matagal lang talagang hindi nasuot, siguro 1 yr and 10 months nang nakatago lang.


JOSHMARIE
At least napatawa kita, nahihirapan kasi talaga akong magsulat ng nakakatawa.

Anonymous said...

Ayos tong story mo..natest yung patience mo..(di ka ba nabadtrip?)..i'm sure bumanat ka sa kainan..(pambawi).hehee

RJ said...

BONG
sa buong buhay ko hindi ko pa naranasang bininyagan ang sapatos ko. Pag nandito ka siguro, first time talagang mangyayari sa akin yun.


MANILENYA
Masaklap nga pong nakakatawa talaga! hahaha! Buti nalang hindi masama ang mood ko that time. Tumawa nalang din ako. At ang binilhan ko ng kapalit, mga 100m lang ang layo mula sa kinalalagyan ko nung nasira ang luma kong sapatos. Swerte na rin.


PEDRO
Naku, ayaw ko pa sanang palitan yun, kasi hindi pa naman yun masyadong nasuot. Wala lang akong choice. Au$119.95 ang presyo nung kapalit. =,( Nakakapanghinayang.

eMPi said...

mabuti naman at may kapalit kaagad... :)

braggito said...

Hello To. thanks for visiting my blog. Yeah, I'm from Iloilo. I don't speak Karay-a (but can understand), only hiligaynon. Each town in Iloilo kasi has their own dialect like if you're from Pototan, your accent would differ from Passi, Barotac Nuevo or Dumangas. Iloilo City naman is exclusively hiligaynon.

Salamat gid To kag halong ka lang da permi.

Anonymous said...

perstaym dito..lolz

kapag minamalas ka nga nman.. hahaha oks lang yan.. one of your best experience maybe na di mo makakalimutan..

RJ said...

MARCOPAOLO
Wala akong ibang choice, kailangang makakuha agad ako ng kapalit! Kaya ganun.


BRAGGART
Salamat man sa pagbisita sa akon.

Naalala ko tuloy ang kaibigan kong galing ng Balasan na nasa Queensland ngayon. Tinatawag akong Toto, (and he speaks Hiligaynon). Kahit nung college days ko, Toto ang tawag sa akin. Nagustuhan ko rin naman.

Nanaybelen said...

siguro hindi made in marikina ang shoes mo.. kasi mukhang bago pa pero wasak na.

wanderingcommuter said...

hahaha. bwisit na sapatos... hahahaha

Nebz said...

Dun sa title at sa simula ng kwento, akala ko love story mo...ung parang ur running to the wedding because you're going to finally profess to her. Un pala...

Hmmm...ganda ng climax ha. Tsaka na rin ung sapatos.

PS: Tatay ko ang tawag sa akin Toto. Ilonggo kasi sya. Sa kapatid ko naman: Inday!

mightydacz said...

hahaha kakatuwa!!!itigil ang kasal!!!binigyan mo ako idea magbabaon ako ng extrang sapatos.psst maganda ang pagkakakwento mo dr rj.

Kigwa said...

kawawa naman yung sapatos mo he he he

Unknown said...

parekoy! hahaha!
natawa talaga ko promise!
hahaha.. bakit ganun kalaki yung sira?
hahahahahahahaha

pano ka ba maglakad?

RJ said...

NANAYBELEN
Hindi nga po yan made in Marikina. Luma na po yan, mga 3 years na. Pero 2years ko nang hindi naisuot.


WANDERINGCOMMUTER
Nakarating dito!

Bwisit talaga yung sapatos na yun! Laking abala ang ginawa nun sa akin, ayun itinapon ko na sa basurahan sa Glenelg!


NEBZ
Gusto ko po sanang comedy pero hindi ko kayang gumawa ng nakakatawang entry. Kaya yun ang kinalabasan.

Maganda po yung sapatos, maganda rin ang presyo! Huhuhuh! =,(

Toto rin pala kayo?!

RJ said...

MIGHTYDACZ
Nakakatuwa talaga! Buti hindi ako bad mood that time kasi 3 days na akong nakakapag-break sa work. Salamat nagustuhan mo ang pagkakwento.


PASTILAN
Kawawa ang sapatos, mas kawawa ang nagsuot ng sapatos.

Nakarating kayo rito, salamat sa pagdalaw! Dami nyong blogs, di ko alam kung saan ako magsusubaybay.


RONTURON
Natuwa talaga ako, napatawa kita! Kasi ang target ko nitong entry kong to comedy sana, parang di ko kayang magsulat kagaya mo. Hahahah!

Ganun kalaki yung sira kasi siguro talagang marupok na. Matagal nang nakatago lang, mga 22 months na.

Normal naman akong maglakad, pero that time talagang nagmamadali ako.

pchi said...

ahahaha

nauna nang nagutom ang sapatos man

nagustuhan ko yung pagsasalaysay mo, ang drama!

hehe

ALiNe said...

Grabe naman nagyari dyan sa shoes mo ;p