Monday, November 3, 2008
Beautiful!
Nagpapasalamat ako kay PCHI sa kanyang pagkilala at pagbigay ng Beautiful Blog Award sa Chook-minder’s Quill. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito dahil parang wala namang criteriang nakalagay at hindi naman naipaliwanag kung paano pumili ng blog na pagbibigyan ng pagkilalang ito. Gayunpaman, tuwang-tuwa pa rin ako (kahit wala nang Awards Night), dahil ang CM Quill ay isa sa mga napili niyang blogs na pagkalooban nito.
Ano kaya ang nakita niyang beautiful dito sa aking blog? Siguro naman hindi ako. Ang mga manok ko kaya? Ang mga laman ng isipan at puso kong isinulat ko? Ang mga larawang inilagay ko? O ang kabuuan ng blog kong ito? Ang mahalaga, ito ang unang award na natanggap ng Chook-minder’s Quill! [May kasunod pa kaya?] Maraming Salamat, PCHI!
--------------------------------------------------
Marami nga talagang ibig sabihin ang salitang “beautiful.” Sa Pilipinas ginagamit ko lang madalas ang “beautiful” sa isang babae at sa mga tanawin! Pero nang dumating ako rito sa Australia noong January 2007, natuklasan kong ang pagkain pala rito ay nailalarawan ng maayos ng mga Australians gamit ang pangturing na ‘beautiful’ at hindi ‘delicious!’
Naalala ko noong pinatikim namin ng pork adobo ang aming mga Aussie workmates (sa isang piggery sa Queensland) ang sinabi nila ay, “Huhmn [sarap na sarap], beautiful!!!”
---------------------------------------------------
Ako na naman ngayon ang mamamahagi ng Beautiful Blog Award na ito. Ito ang mga sumusunod na beautiful blogs ang nais kong pagkalooban nito:
1. Hiraya: Endless Journey ni Fjordz. Wala pa ako sa blogosphere, napadpad na ako sa blog na ito (dahil sa paghahalungkat ko ng mga bagay-bagay sa www), kaya ako’y nakisubaybay na rin sa walang katapusang paglalakbay ng ‘Promil Kid’ na ito! Napakahusay niyang magsulat! Nailalahad niya ng maayos ang lahat ng mga bagay na kanyang nararamdaman at naiisip, madali itong maunawaan. Kapag nagsulat madamdamin, ngunit sa mga litrato nya siya ay masayahin!
2. Anghel na Walang Langit ni Roland. Mula sa langit napadpad siya sa Pilipinas, lumipad sa Espanya at nakarating hanggang Sulemanya! Nagtatanong ang ‘anghel’ na ito kung bakit narito siya sa lupa. Sa kanyang mga isinusulat ang kanyang kabaita’y talagang makikita, kaya sasagutin ko na siya sa kanyang tanong: "Ikaw ay narito sa lupa upang magbigay inspirasyon gamit ang iyong magaling na pluma, at upang gabayan ang mga taong sa araw-araw ay iyong nakakasalamuha."
3. On the Coffin Rock ni Roneiluke, RN. Napakahusay mag-English! Beautiful and lovely talaga ang kanyang mga gawa! Kahit na mahaba at maliliit ang font, binabasa ko pa rin ang mga ito! Magaling magkwento, siya na siguro ang susunod na Dan Brown, Gabriel Garcia Marquez o Paulo Coelho.
4. Dude of Distraction ni Chico Kunejo. Sa dami ng kanyang mga posts, nakakatatlo pa yata sa isang araw, talagang nakaka-agaw-pansin nga talaga siya! Hindi ka naman mabibigo sa kanyang mga akda, kumpleto sa mood—may malungkot, may masaya, may nakakatakot at may nakakatuwa. Isang accountant na may beautiful mind, kaya karapat-dapat gawaran nitong Beautiful Blog Award!
5. Mayaman pa sa Daga ni Homebodyhubby. Well-researched ang mga mahahabang blog entries nya, ang daming mapupulot! Akala ko noong una ang usapan ay puro daga, hindi pala, palagi rin nitong pinapaalala ang relasyon ko sa Maylikha.
6. Pamatay Homesick ni Ever. Siya ay isang arkitektong kasalukuyang nasa Kuwait, at ang pampalipas oras niya ay pagpipinta. Isa siyang alagad ng Sining! Napapahanga ako sa mga gawa nya, lahat pang Beautiful Blog Award talaga!
7. The Sandbox ni BlogusVox. Napakalawak ng kanyang mga sariling paniniwala at pananaw sa mga isyu sa lipunan at sa buhay. Masarap basahin ang kanyang mga entries (maiksi lang pero kaya niyang ilahad lahat ang kanyang opinyon) at kaabang-abang ang kanyang comics strip series (na pinamagatang Buhay Buhangin)!
Congratulations to the Lucky 7 guys! [You can get the Beautiful Blog Award code here.]
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
18 comments:
ayy! di aco kasale! di bale! beautiful naman acoe. . . diba diba? sabihin mo lang oo masaya na co. . *lol
salamat pards...danda danda naman ng award!...:)
danda danda din si paperdoll.:)
congrats! ei bout the movie search mo na lang the cure movie sa youtube
salamat sa award, i didnt expect this! wala akong nakareding speech!
salamat manok! este chook minder.this is special, parang miss friendship award sa miss universe.
iba to, kasi ang mga award ko lang dati eh puro related sa mga quiz shows. national accounting quiz bowls, battle of the brains, lahat na yata ng quiz eh nagparticipate na ko,
pero this one is special nga kac its an award for the exploit of my life! walang efforts, as in pagiging totoo lang,
for that...muchos gracias
wow!! kasali ako! hahahaha!! salamat po!! hahaahha!! natuwa naman ako dun!!
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
wow..maraming maraming salamat talaga, RJ. hehehe! xenxa na pero gusto ko kasi tlaga maliit lang ang font. ang cute kasi. ahehehe!
nalagay ko na pala yung banner sa sidebar ko. thanks alot! :)
Salamat Ruel. Mas na-flattered ako dun sa description mo ng blog ko. Nakakataba ng puso pag ang papuri ay galing din sa isang blogger. Salamat uli.
P.S. Katulad mo, ako rin ay nagtataka kung ano ang "criteria" ng award at kung saan ang pinagmulan. Hmmm... I wonder what Batman will do in a situation like this?
bAKIT wala ako? hahaha joke.. nakikisawsaw sa isang nanlilimahid na platito ng grasya
thanks for recomending these blogs. you have a great reading list!
na miss ko blog mo kuya ah! :D wow congrats :D
wow, second placer ako... salamat kuya... ilagay ko banner sa blog ko one of these days... mejo busy lang sa pagtuturo sa papalit saken d2... ingats palagi jan!
beautiful pala ang delicious! hmmm...
ahaha. beautiful chicken award dapat sa yo
hehe
ang criteria ko po ay:
naaaliw ako sa mga sinusulat. period. hehe
Angganda nga ng award, pards, thank you very much. Hanapan ko ito ng magandang pwesto sa blog ko.
Ako lang pala ang hindi blogspot sa aming pito, ano? :D (atsaka, so far, ang WP sa blogroll mo).
PAPERDOLL
Yes beautiful ka naman, kaya naisip kong doble doble na kapag bigyan pa kita ng ganitong award.
EVER
Hahaha! malamang natuwa na si Paperdoll kasi pati kayo nagsabing danda niya.
ABE MULONG CARACAS
Salamat! OK try kong hanapin yung "CURE."
CHICO
Kung ako Awards Night ang hanap, ikaw speech agad ang naisip mo ha. Nakalimutan ko yan.
FJORDAN
Yes, kasali ka talaga, Beautiful ang Hiraya, alam mo yun.
RONEILUKE, RN
Walang anuman. Parang putol yung banner na yan sa sidebar mo, napansin ko lang, sobrang haba siguro.
No worries dun sa mahaba at maliit mong font.
BLOGUSVOX
Wow! Good, at nagustuhan nyo ang description ko sa blog nyo. Totoo po yun.
Nabasa ko na yung paghahanap at pagkatuklas nyo sa misteryong nakabalot dito sa award na ito. Ayos lang, hindi naman ako na disappoint.
KOSA
Sorry po. Hindi ko pa kasi lubos na nababasa ang blog mo kaya di kita naisama. Pag mayroon sa susunod, baka ikaw ay maisama ko na rin.
FLOR
Salamat sa pagdalaw! OK ang trip mo sa Hongkong ah. Nabasa ko na rin ang ilan sa mga posts mo.
JULES
Buti napadalaw ka ulit. Salamat!
ROLAND
Tinawag pa akong kuya, mas matanda po ba ako sa inyo?!
OK kahit anong gawin nyo sa award na yan, ayos lang sa akin. Basta ibinigay ko yan sa inyong lahat dahil nagustuhan ko ang inyong mga blogs.
PCHI
Yes, madalas beautiful ang adjective ng pagkain dito.
Good! Naaaliw ka rin pala sa mga isinusulat ko. Na challenge tuloy akong pagbutihin ko pa ito.
HOMEBODYHUBBY
Yes, kayo lang po ang sa WP. Kulang pa nga itong award na ito sa galing ng mga posts nyo. Talagang pinagpapaguran nyo yung mga infos na pinipresent nyo doon.
Salamat at kahit medyo abala kayo sa inyong business ay nakakdalaw pa rin kayo dito.
kakatuwa naman yung post mo na toh! sana maka join din ako sa blogosphere nyo...newbie pa lang kase ako ika nga, and finding new friends here...
Post a Comment