Tuesday, October 14, 2008

Baybayin at Bigkasin

May isang suliraning hindi madaling lutasin kahit 636 na araw na akong nakatira rito sa Australia. Medyo hirap akong bigkasing gaya ng mga Australians ang ilan sa mga salitang Ingles. [Hindi rin pwedeng hindi ko ito bigkasing gaya ng pagkabigkas nila dahil siguradong hindi kami magkakaintindihan.] Napakalaki kasi ang kaibahan ng mga tunog ng ‘patinig’ nila rito kaysa kung paano natin ito binibigkas sa Pilipinas.

Mag-focus tayo sa patinig na ‘A’. Sa aking pandinig (na maayos pa naman po ayon sa resulta ng aking huling medical exam), magkasintunog ng ‘A’ at ‘I’ rito sa Australia!

HALIMBAWA: Ang isa sa mga pinakamalaking groceries/supermarkets dito ay I.G.A. Kung ako ang magbibigkas nito, sasabihin kong [ay-dyi-ey]. Hindi nila ako naiintindihan ‘pag ganun ang pagkabigkas ko, dahil para sa mga Australians dapat ay [ay-dyi-ay]!

MAY KWENTO ANG AKING MGA kaibigang Pilipinong nagtatrabaho sa Isuzu-Adelaide. Bigla silang natakot at nabagabag noong unang araw ng pasok nila sa trabaho. Bago raw kasi sila nagsimula noong umagang ‘yon tinanong sila ng kanilang Australian supervisor ng, “[Ar yu re-di to-die]?” Akala ng mga Pilipino, ang tanong ay, “Handa na ba kayong mamatay?” kaya hindi sila nakasagot, kinabahan at nag-alala ng lubusan. Nasa Australia sila para maghanap-buhay, hindi para mamatay! Mga tatlong araw rin bago nila naunawaang ang tanong ay, “Are you ready today?”

MADALAS [dahil kami’y nakatira sa isang lugar na 90kms ang layo mula sa capital city] ANG MGA DOKUMENTO AT bayarin namin sa bangko, telepono, internet at iba pang mga pribado at pampublikong tanggapan ay inaayos nalang sa pamamagitan ng pagtawag at pakikipag-uusap sa telepono.

May kaibigan ako ritong si John Caasi. Ang problema, kapag kinukuha na ang pangalan, at ipinapabaybay na ito sa kanya, hindi makuha-kuha ng kausap nya sa kabilang linya ang tamang spelling ng apelyido nya! Maririnig at makikitang matiyaga niyang binabaybay at binibigkas ito gamit ang Filipino-style English phonetics, “Ca-a-si, [si-ey-ey-es-ay].” May isang dokumentong noong dumating na kay John, ang nakasulat ay “John Ceesa.”

Kaya tumawag ulit si John... Binaybay at binigkas nya ulit ang kanyang apelyido, Australian-style phonetics na ang gamit nya, “Ca-a-si, [si-ay-ay-es-ay].” Nang dumating ang panibagong dokumento, “John Caasa” naman ang nakasulat! Sinubukan rin ni John ang phonetic alphabet pero hindi rin ito alam (?!?!) ng kausap nya sa kabilang linya, kaya hindi sila nagkaintindihan.

Ang mga salitang nagtatapos sa patinig na “O” ay isa ring isyu, lalo na rito sa S.A. [sa Queensland kasi hindi ko naman ito napansin]. Ang “Hello” kapag binanggit dito, ang naririnig kong tunog ay [He-loy], ang “Let’s go” ay [Lets goy], at ang "thank you" ay [theynk yoy]. Bakit kaya ganito sila? I don't knoY!

Kaninong phonetics ba ang tama, ang sa Pilipinas o ang sa Australia?

8 comments:

iceah said...

to some places the way they pronounce matters in their communication c: practice makes perfect my dear c:

by the way could you teach me how to change my header? my other blog :

http://pinay-chicken-heart.blogspot.com/

is in need of changing i want my header changed it's pretty much the same in style with your blog but the header, i don't know how to change it could you teach me how? please write the instructions here after my comment or answer it here in your comment box?pls.pls.pls. c:

thanx in advance c:

Jules said...

juz ko natawa naman ako dito hehehe. ingat lagi rj! :)

pchi said...

wahahaha!

yun nga ang problema natin sa kanila o problema nila sa atin?

hehe

nagtuturo pala ako ng Ingles sa mga hapon, sabi nila

sana lahat ng tao sa mundo pareho mag_ingles ng mga Pilipino.. and dali daw kasing maintindihan

so paano yan, same talaga ang a at i? hirap niyan ha

RJ said...

PCHI:
Galing mo ah, English teacher! Wow!

Yes, sa aking pandinig, talagang magkasintunog ang A at I nila rito sa Australia. Di ko lang alam sa pandinig ng iba...

Nanaybelen said...

nalaala ko rin ang mga indian noon.. tanong nya sa akin- wers the wurl cluk? ako naman ay dali dali kung tinuro ang wall clock na nakasabit sa dingding. Diosko po ang galit nya sa akin dahil ang tanong pala nya ay Where is the ward Clerk? e kabayan nyang indian ang ward clerk namin at ginawa ko daw orasan ang kabayan nya.
yun naman supervisor namin na British, paulit-ulit na lang ang indian ng pardon ang sagot sa briton dahil nga hirap din namin maintindihan -- nainis ang briton- sabi nalang nya "Follow my lips."

RJ said...

NANAYBELEN
Hahahah! Dami rin pala kayong collections ng mga kwentong may kaugnayan sa wika at komunikasyon.

"Follow my lips." Buti kung bumubuka ng maayos ang kanilang mga labi, madalas hindi rin naman. These experiences are part of our overseas adventure, anyway. I-enjoy nalang natin ito.

Roland said...

haha... tnx sa info... at least im ready (to live not die)in case mapadpad ako jan... nyahahaha!

-mnel- said...

funny! :)

i used to have a classmate who came from australia and i loved her accent. she sounds cute when she tries to speak tagalog. =D