Monday, December 29, 2008

Ang Aking 2008

ENERO 2008 nang iniwan ko ang aking dating trabaho sa isang babuyan sa Queensland, Australia matapos ihayag ang di-ko nagustuhang kinalabasan ng aking Job Performance Evaluation doon. Pauwi na sana ako sa Pilipinas ng buwang ito kung hindi dahil sa tulong ng mga kaibigan at kakilala na siyang nagdala sa akin dito sa isang manukan sa South Australia.

Kaya habang pinagpaplanuhan ng Malacanang ang pagpapahaba ng serbisyo ni AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon, at habang pinagkakaisahan
ng Kampi ang pagpapalayas kay Speaker Jose de Venecia mula sa kanyang posisyon, ako’y naging abala sa pag-aayos ng aking mga dokumento para sa isa na namang working visa rito sa bansang Australia.

PEBRERO 2008. Wala akong trabaho sa buong buwang ito, pero dahil sa mga mababait na taong aking nakilala sa Queensland, nakayanan kong manirahan sa Australia kahit ako’y hindi kumikita. Kasalukuyan kong hinihintay ang pasya ng Australian Department of Immigration and Citizenship (DIAC) tungkol sa aking panibagong working visa application nang nag-sorry si Australian Prime Minister Kevin Rudd sa lahat ng mga biktima (aborigines) ng Stolen Generations dito sa Australia noong mga taong 1869 hanggang 1969.

MARSO 2008. Sa unang tatlong linggo ng buwang ito ay wala akong nababalitaan tungkol sa aking ini-apply na visa, subalit hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa, tulad ng pag-asang hawak ng magkakapatid na Noynoy, Kris, etc. Aquino na malulunasan pa ang natuklasang colon cancer ng dating Pangulong Cory.

Marso 2008 din nang sinabi ni Pangulong Arroyo na sapat ang suplay ng bigas sa bansang Pilipinas, at sampung araw matapos niya itong sabihin ay iginawad na rin sa wakas ng DIAC ang aking bagong working visa para sa isang manukan.

Sa buwan ding ito nagsimula ang The Chook-minder’s Quill pero hindi pa ito naging aktibo sa blogosperyo.


ABRIL 2008 nang nakarating ako sa Sydney Opera House, ito’y nangyari isang araw bago ako nagsimulang magtrabaho rito sa napakaalikabok manukan. Habang ako’y kasalukuyang nag-a-adjust sa aking bagong trabaho at mga kasamahan nababalitaan ko sa ABS-CBN Bandila tuwing umaga ang mabilis na pagtaas ng presyo ng bigas sa Pilipinas at ang mga mahahabang pila ng mga mamimili sa mga palengke para lamang makabili ng NFA rice.


MAYO 2008 nang nalungkot ang mga sakop ng Anakpawis dahil sa di-napapanahong pagpanaw ni Rep. Crispin Beltran. Sa buwan ding ito nagsimula ang mainit na usapin sa pagitan ng GSIS at Meralco hanggang sa nakarating sa balasahan sa Court of Appeals kung kaya naging sikat ang magkapatid na Sabio, pati na rin sina Justices Vicente Roxas at Bienvenido Reyes. Hindi ako nakatutok sa mga balita ng buwang ito dahil naging abala naman ako sa pagbabantay ng manukan habang nagbakasyon ng isang buwan sa Iran ang aming farm manager.


HUNYO 2008 habang ako’y abala sa paghahanda para sa aking South Australian Driver’s Examination, dinukot ng mga nagpakilalang Abu Sayaff ang mamamahayag ng ABS-CBN na si Ces Drilon kasama ang kanyang mga cameramen.

Tuwang-tuwa ako dahil nakuha ko kaagad ang aking SA driver’s licence noong ika-19 ng Hunyo subalit pagkalipas ng dalawang araw naghinagpis naman ang mga pamilya at mga mahal-sa-buhay ng mga naging biktima (773) ng pagkalunod ng M/V Princess of the Stars malapit sa San Fernando, Romblon.


HULYO 2008 nang naitala ang pinakamataas na presyo ng langis ($132.55/bariles) ngayong 2008 kaya lahat ay apektado, maraming na-'high blood', lalo na ako dahil nagkataon ding nagka-problema kami sa contractor ng bahay na pinapatayo sa Pilipinas ng aking tiyahing kasalukuyang nasa Inglatera. Tumaas ng triple ang halaga ng dapat sana’y abot-kayang halaga ng kubong ‘yon... At kung hindi lang dahil sa kapayapaan at pagmamahalang naging mensahe ni Pope Benedict XVI sa World Youth Day 2008 na idinaos sa Sydney, NSW marahil ay kung ano na ang aking nagawa sa contractor ng construction naming ‘yon doon sa Pilipinas.


AGOSTO 2008, hindi na talaga mapigilan ang aking pagtanda dahil sa buwang ito ay opisyal na akong naging 29 na taong gulang! Kaunti lamang ang bumati sa akin ng Happy Birthday, siguro’y dahil may hang-over pa ang lahat sa magarbo at matagumpay na Olympics 2008 na ginanap sa Beijing, China.

Naging apektado rin ako rito sa Australia nang ibinalita ang inililihim na Memorandum of Agreement on Ancestral Domain sa Mindanao na siyang pinangunahan ng retiradong Heneral Esperon na naging Peace Adviser na ni Pangulong Arroyo ng mga panahong ito.


SETYEMBRE 2008 nang nalason ang humigit-kumulang 53,000 mga bata sa Tsina dahil sa gatas na kontaminado ng melamine, na sinabayan naman ng pagkahilo ng aming buong pamilya dahil sa problemang dala ng pag-ibig! Whew! Hanggang ngayo’y hindi pa ito tuluyang nalutas at hangad kong sa darating na taon ay masosolusyunan na rin ito sa tulong ng Maykapal. Dahil sa mga suliraning ito, tuluyan akong naging manhid sa pandaigdigang balitang nalulugi na ang malaking kumpanyang Lehman Brothers sa Estados Unidos!

OKTUBRE 2008 nang bumalik sa Pilipinas ang sinasabing utak ng DA-Fertilizer Fund Scam na si Joc joc Bolante matapos ang halos dalawa’t kalahating taong hawak siya ng US Immigration and Customs Enforcement. Pero di ko masyadong natutukan ang balitang ito dahil naging abala ako sa aking pagba-blog sapagkat sa buwang ito ko napagpasyahang makisali na rin sa kapana-panabik mundo ng blogging.


NOBYEMBRE 2008 nang nangyari ang isang pinaka-nakakahiyang kaganapan sa aking buhay ngayong taon nang ako’y pumunta sa isang kasalan ng isang kaibigan sa Glenelg, S.A. Samantalang doon sa Estados Unidos, nagsasaya naman si Barack Obama at ang kanyang mga taga-suporta dahil sa kanyang tagumpay sa US Presidential Elections 2008 laban kay John Mc Cain.


DISYEMBRE 2008 binisita ko ang Victoria, Australia dahil hangad kong makita ang lungsod ng Melbourne at ang ipinagmamalaki nitong The Twelve Apostles sa The Great Ocean Road! Natuwa naman ako sa aking mga naging karanasan, mga nakilala at mga nakita! NAGKAROON DIN AKO NG koneksiyon sa The Filipino Channel at naayos ang airconditoning system ng aking caravan (matapos ang tatlong buwang paghihintay ng technician). HINDI AKO NAKAPANOOD NG boxing match nina Pacquiao at dela Hoya dahil ako’y dumalo sa isang Christmas party noong araw na ‘yon.

Libu-libong mga OFW ang umuwi sa Pilipinas ngayong buwan pero ang karamihan ay hindi umuwi upang ipagdiwang ang Pasko kasama ang kanilang mga pamilya kundi dahil nawalan na sila ng trabaho dahil sa pandaigdigang krisis pang-ekonomiya. Kaya kahit nahihirapan ako at hindi ko nakikita ang aking kabuluhan bilang isang magmamanok dito sa bansang Australia, swerte pa rin siguro ako dahil ako’y may trabaho. Sana’y matutunan ko ring mahalin ang gawaing ito at ipinagdadasal kong sana’y magkaroon na rin ako ng Australian residence visa ngayong Taon ng Toro—ang 2009!

Manigong Bagong Taon sa ating lahat!

26 comments:

Maus said...

Galing mo at na diary mo lahat nang pangyayari sayo for the yr 2008..
abangan ko ulit ang 2009 para sayo hehe

PaJAY said...

Ayos Doc!...KALENDARYO to a...

Babasahin ko muna...:)

PaJAY said...

YOU.... "deserve all the accolades in the world" for these post DOc..(linya ni delahoya..hahahaha)..

ANg galeeng!..pinagsabay mo ang tungkol sa matibay at mapanindigan na pananaw mo sa buhay at ang mga nangyari sa pinas na pinagkasya mo sa di naman gaanong mahabang post...

Pwede bang mag apply na contractor sa bahay mo?...lolz..

Nice post doc...

HAppy new year sayo...

Anonymous said...

huwaaaaaat?
alala mo pa yung mga yun hanggang ngayun?
anglufeeeeet doc!!!

sige i wish you all the best para sa taong 2009!!!

at syempre kitakits pa rin!

happy new year!!

abe mulong caracas said...

ayos...parang yearender ng isang isang television station...ang galing formula

updated ka pala bro kahit malayo ka sa pinas...

galing ng unang pic mo...parang hi tech na farmer...

manigong bagong taon and have a great year ahead!

RJ said...

MAUS
Hahaha! Sige, abangan! o",)

Happy New Year rin sa iyo, Maus!


PAJAY
Hahaha! Comment muna bago basa? Ayos lang. Hahahaha!

Salamat, alam kong medyo boring talaga ito, pero salamat at nagustuhan mo pa rin.

Mag-apply kang contractor? Magkano ba ang contract price mo? o",) Hahaha, Happy New Year!



KOSA
Yup! Naaalala ko pa, mga malalaking balita kasi. Siyempre nag-check din ako doon sa mga di ako sigurado kung anong month naganap ang isang balita.

Salamat sa wishes, happy new year din sa iyo!


ABE MULONG CARACAS
Parang pang-TV station ba?! o",) Yes, updated ako kasi may Filipino news kami rito tuwing umaga sa isang Australian TV station.

'Yong unang picture ko ay nakasakay ako sa pamputol ng damo, 'yan ang ginagawa ko noong Feb-Mar 2008 pampatanggal ng boredom nu'ng wala akong ginagawa dahil wala akong trabaho.

Salamat sa greetings! Happy New Year din sa 'yo!

my-so-called-Quest said...

wow! every month ang galing! hehe

ingats palagi kuya ha! at happy happy new year po! =p

I am Bong said...

hands up na ako sa kagalingan mo sa pagsulat at pagdudugtong-dugtong ng mga pangyayari parekoy. puede ka ng maging historian. hehe

happy new and im looking forward to read more of your posts next year. galing! keep it up...

Anonymous said...

Hahaha! Parang "recap" ng balita sa buong taon to ah! Magaling!

Tama ka RJ, count your blessings. You should be thankful that you have a job. Consider yourself lucky kahit anong hirap o pangungulila ang nararanasan mo dyan.

lucas said...

wow! ito ang YEAR-END REPORT ayon kay RJ! ahehe! nakanaks! ang dami talagang nangyari ngayong taon at hanga din ako sayo kasi kahit nadyan ka eh updated ka sa mga pangyayari dito..ahehe...ako walang ganang manood ng balita..ahehe!

happy new year RJ! :)

RJ said...

MY-SO-CALLED-QUEST
Salamat sa pagbasa, alam kong medyo boring itong post na ito... HAppy New Year, Doc Ced!


I AM BONG
Salamat Bong sa pag-appreciate! Hahaha, nakakatuwa naman ang salita mong 'hands-up', talaga ha?! o",)

Happy New Year din sa 'yo!


BLOGUSVOX
Yes, salamat po sa mga paalala...


LUCAS
Welcome back, Ron! o",)

Wala lang kasing magawang medyo napapagana ang utak kaya nakikinig nalang ako ng mga balita palagi. Ikaw, napaka-abala mo kasi siguro kaya pagod ka nang maging kumplikado ang buhay mo nang dahil sa mga di naman gaanong magandang balita.

Happy New Year!

punky said...

wow ang galing! may driving license ka diyan! madali lang ba kumuha niyan? kasi dito sa atin napakatagal. hehe.

RJ said...

BERT LOI
Actually, napakahirap kumuha ng driver's licence dito sa Australia! May witten at practical exams pang kailangang ipasa! Nasa left side of the road pa nagda-drive kaya nagdadagdag ito ng kumplikasyon para sa akin- kasi nga sanay tayo sa right side of the road, di ba?!

Matagal nga makuha ang driver's lic sa pilipinas, pero napakadali namang makapag-apply at ma-approve. Ang paghihintay ng card ang matagal, ano?

0 said...

wow! sana mas maging masaya ang taong ito para sa ating lahat. Happy New Year tol/kuya :)

Anonymous said...

happy new year kuya rj! :)

Anonymous said...

Happy new year, RJ! Balik ako "next year." :D

yAnaH said...

i wish all ur for this year be granted...


hapi nyu yir!

Polahola said...

OMG. Kayhaba ng post. Honestly di ko binasa, pero I can say that the pictures speaks for itself. Napakavisual ng blog mo.:)

RJ said...

ROBNUGUID14
Sana nga mas masaya pa, Rob! Happy New Year din.. Binigyan mo pa ko ng assignment sa NY Resolution. Hahaha!


JOSHMARIE
Ayan, nakarating ulit! Kumusta ang bakasyon sa Quezon? Happy Valentine's Day sa 'yo!

Bagong mga photos sa profile ah. Cool!


HOMEBODYHUBBY
Hihintayin ko ang iyong pagbabalik! Kung basahin parang ang tagal n'yong mawawala! Happy new Year!


YANAH
Thank you! Happy New Year din sa yo, Yanah!


POLAHOLA
Ang ganda ng pangalan! Wow!

HONESTY is the best policy... Tama ka kung ano 'yong nasa picture 'yon na rin 'yong nasa words. hahaha! o",)

Hahahappy New Year, Polahola!

Ishna Probinsyana said...

Ang haba!! Ganyan din yung ginawa kong year ender post last year! As in detailed. Ang saya din magbalik tanaw? kahit 1 year lang, parang ang dami ng nangyari. :)

March 2008 ka pala, ako naman January 2008 nagstart ang promdiwood ko. :)

Happy new year and thank you for being part of my 2008! Happy 2009 blog friend! =)

Anonymous said...

Wow! the year that was!

Happy new year doc! i wish you all the best the Year 2009 has to offer!

Anonymous said...

Buti na lang hindi ka nakauwi agad nung Enero. :D
Natutuwa ako dahil may mga kababayan akong tulad mo na kahit wala sa Pilipinas ay nakaaalam ng mga nangyayari dito.
Nawa'y maging maamo ang kasaganahan at pagpapala sayo sa taon na ito at maging sa mga susunod pa, RJ!

pchi said...

naks! ang habay...detalyado pati kasabayang pangyayari sa global politics

buti naalala mo lahat yun, wala ka pang memory gap

uu nga pala, ok na keyword ko. weired nga eh. pero alam mo weird pa rin siya kasi may mga keys na ngkapalit. hay. sana makabili nko ng bago (keyboard lang muna) hehe

RJ said...

PCHI
Yes, kailangan mo na nga sigurong bumili ng bagong keyboard para tuloy-tuloy ang pagba-blog mo.

Nebz said...

Very belated Merry Christmas and Happy New Year! Impressive ang post mo. May social and political relevance. Hehe.

Thank you, RJ, for writing good posts. I look forward to reading more of you in 09!

Abou said...

magaling na paglalahad!

salamat din nga pala sa pag post ng msg sa chatbox ko. kung sakaling maisipan mong mag post uli ng msg dun, sa link na ito ka muna dapat pumunta para makapag post

http://abou.cbox.ws/

salamat