Nakatanggap ako ng tag mula kay Rob at sinasabing ililista ko ang aking mga new year's resolution dito sa The Chook-minder's Quill. Pero wala akong new year's resolution dahil hindi ko talaga nakagawiang gumawa nito.
Kaya nag-isip nalang ako ng kung anong bagay na maaring mailista na may kaugnayan sa aking buhay ngayong bagong taon at napagpasyahan kong isiwalat na ang isa sa aking mga lihim. Nagtatanong kasi palagi si kaibigang Kosa kung bakit nakasulat sa aking blog header na "ang mga lihim at kwento ng isang dayuhang magmamanok" gayong wala namang mga sikretong naibubunyag dito, kundi ako'y puro kwento lamang!
Kaya heto na, (matapos kong ihayag ang aking pananaw tungkol sa mga hula at pampaswerte) sisimulan ko ngayong Enero 2009 ang paghahayag ng mga nakatagong lihim ng isang magmamanok. Ang unang pinakatagu-tago kong sikreto kung saan ako humuhugot ng sobra-sobrang lakas sa pagharap ng anumang pisikal at emosyonal na mga hamon dito sa manukan; at ang mga dahilan kung bakit ako'y nananatiling malusog sa buong taon ang siyang una kong ibabahagi sa inyo!
Ang tinutukoy ko ay ang pagkain. Kahit na naikwento ko na noon ang tungkol dito, ngayo'y nais ko pa ring dagdagan ang mga impormasyon dahil alam kong ang lahat ng aking mga kaibigan dito sa blogosphere ay hindi naman ito nabasa noon. Heto ang patikim! Nakalista sa ibaba ang aking mga kakainin sa unang dalawang linggo ng Enero ngayong 2009! [Sana'y ayos lang ito kay Rob.]
ITEMS | QTY/UNIT | Au$ | PhP* |
Thailand Rice | 5 kgs | 7.00 | 224.00 |
Fresh Meat (beef spare ribs) | 1 kg | 7.79 | 249.28 |
Fresh Meat (lamb shank) | 1 pc | 3.00 | 96.00 |
Mighty Soft Fruit & Spice Loaf Bread | 650 g | 4.35 | 139.20 |
Kraft Oreo Creams | 150 g | 2.05 | 65.60 |
Oven -baked Pastry Apricot | 1 pc | 2.21 | 70.72 |
Oven-baked Croissant (butter) | 200 g | 3.53 | 112.96 |
Oven-baked Strudel (custard) | 55 g | 1.13 | 36.16 |
La Famiglia Pan Bread | 2 x 450 g | 6.78 | 216.96 |
Family Pizza (Hawaiian) | 520 g | 4.49 | 143.68 |
Rosedale Brandy Basket | 1 pk | 4.99 | 159.68 |
Moonbulk Strawberry Jam | 500 g | 3.20 | 102.40 |
Country Cup Oriental Chicken/Corn Soup | 2 pks | 2.16 | 69.12 |
Black & Gold Tuna in Oil | 2 x 185 g | 2.80 | 89.60 |
Kraft Mayo (easy squeeze) | 410 g | 2.85 | 91.20 |
Heinz Tomato Sauce | 300 mL | 1.76 | 56.32 |
Maggi Sweet Chili Sauce | 300 mL | 2.30 | 73.60 |
Devondale UHT Skimmed Milk | 2 x 2 L | 3.52 | 112.64 |
Mildura Orange Drink | 2 x 185 g | 1.99 | 63.68 |
Mildura Orange/Passion Fruit Drink | 2 L | 3.98 | 127.36 |
Mildura Orange/Mango Drink | 2 L | 1.99 | 63.68 |
Dairy Whipped Cream Lite | 250 g | 5.15 | 164.80 |
Nestle Yoghurt Diet (mixed berries) | 1 kg | 5.59 | 178.88 |
Paul’s Custard Low Fat (vanilla) | 600g | 2.56 | 81.92 |
Kraft Cheese Fat-free Singles | 205g | 3.69 | 118.08 |
Red Delicious Apples | 0.960kg | 4.79 | 153.28 |
Apricots | 0.315kg | 2.20 | 70.40 |
Avocado | 1 | 1.79 | 57.28 |
Kiwifruits | 3 | 2.07 | 66.24 |
Mango | 1 | 4.49 | 143.68 |
Oranges (medium) | 1.330kg | 3.05 | 97.60 |
Strawberries | 1 punnet | 3.99 | 127.68 |
Bok Choy (pechay) | 2 | 1.78 | 56.96 |
Lebanese Cucumber | 0.150kg | 0.57 | 18.24 |
Loose Carrot | 0.095kg | 0.14 | 4.48 |
Tomatoes (vine-ripened) | 0.770kg | 4.61 | 147.52 |
TOTAL | 120.34 | 3850.88 |
---------------------------
*Ang presyo sa Philippine peso ay naka-base sa kasalukuyang average exchange rate na Au$ 1.00 = PhP 32.00.
25 comments:
wow.. pangdalawang linggo na yan..
taena.. tama nga yung sabi nila, kikita ka ng dollars, gagastos ka nman ng dollar.. ang mahal pala mabuhay sa ausi...
salamat sa pampasikat doc..lols
kitakits
ako ba nauna? lols... bat kase sinasala pa ang commento dito? lols
joke joke joke
ingats doc
katakam takam ang mga inihanda nyo sa media noche. Yung nakalista lahat mauubos mo the whole month? nasurprise ako sa price ng isang mangga ha.
Isa lang ang masasabi ko, bakas sa inyong mga mukha ang kasiyahan kahit malayo kayo sa inyong mahal sa buhay. You are lucky to have those friends na matatawag mong kapamilya dyan. have a prosperous new year sa inyo!
mouth-watering! happy new year!
Ay ang sarap naman ang handa nyo! kahit kakaunti kayo at well arrange ang table ha. naguilty tuloy ako kasi itong pasko namin ngayon ay napakasimple lang kasi yun ang gusto ng mga anak ko eh. Gusto nila simple lang at ok naman sa akin kasi tinatamad na akong maghanda ng marami tapos hindi naman namin maubos dahil laging kaming tatatlo. bawi na lang sila pag reunion on the 25th
Happy New year RJ !!! God Bless
RJ (LOL)hindi kaya magulat ang nag-tag sa iyo. listahan sa kusina naman ang sinulat mo..hahaha. JOKE lang.
pero ang mahal din pala ang budget sa food dyan.parang dito rin sa pinas. Pero masmura ang fresh beef dito ng kaunti 230 per kilo ang kuha ko.
O my gas polgas!
halos 150php para sa kamatis?!
whew!
:D
oo nga no? dang mahal ng kamatis jan at mangga! samantalang dito sa cavite, humihingi lang kami't nakikipitas lang kami sa kapitbahay namin. anyways, ang importante ay naging masaya ang inyong media noche.
happy new year!
nakakatakot naman palang mabuhay dyan, parekoy. ang mahal mahal. parang hindi ako makarecover sa mahal ng mga presyo. at inililista pa talaga kung ano ang kakainin.
Walang Chippy o di kaya Boy Bawang na cornik? Talaga namang health concious si kapatid eh. Pero tama ka dyan. Mahirap magkasakit, lalo na't nag-iisa ka. Take care bro!
KOSA
Sinasala ko ang comments para SAFE tayong lahat. Alam mo na...
REDLAN
Siguro mga 2 weeks mauubos ang 90% ng mga pinamili kong ito. Mahal nga ang presyo ng mangga, isang piraso lang yan- P143.68.
BERT LOI
Happy New Year din sa iyo! o",)
NANAYBELEN
Si Lissa po ang mahusay mag-arrange ng table, inayos nya talaga para rin sa pictures! hahahah!
Wala po akong natanggap na reply ka Rob, kahit na-inform ko na siya tungkol dito sa post ko. Nag-announce pa siyang mawawala raw sa blog world ng 1 week.
Mahal nga po ang karne ng baka rito, pero mas mahal pa ang karne ng manok! Buti nalang libre na rito sa farm.
YANAH
Mahal nga ang kamatis, vine-ripened daw kasi at na-produce gamit ang hydroponics!
RDACONCEPTS
Mahal talaga, kaya swerte kayo dyan sa Cavite Rejie! Happy New Year din sa iyo! o",)
I AM BONG
Hahaha! Sorry Parekoy nag-explain naman ako sa post ko kung bakit ito ang inilathala ko di ba?
BLOGUSVOX
May Chippy rin po rito at Bawang pero sa Asian grocery po 'yon. Hindi pa po ako nagawi roon, baka sa susunod na linggo po.
CONGRATULATIONS po sa inyong nakuhang karangalan at pagkilala sa Top 10 Pinoy Blogs! (,"o
doc bka pwede ka magdonate ng manok para may handa at pulutan ako sa bertdey ko :)
hi dokie naks naman talgang health is wealth si dokie.tara na dok mamalengke na tayo.
di ka naman nag iisa dyan kabayan kita mo dami mong food kaya.
POGING (iLo)CANO
Wow! Malapit na ba birthday mo?! Kailan? Parang ayaw mo namang sabihin kung kailan, paano kita mabibigyan ng manok n'yan?!
MIGHTYDACZ
Hahaha! Tara, dami pang kulang yan, mga pork, at Asian veggies na sa Asian store ko pa bibilhin.
MAUS
Yes kahit sa bahay ako lang mag-isa, 'pag nakalabas ako ng town marami namang mga kaibigang mapupuntahan.
hmmmmm mahilig ako sa manok ahihihihi
mag-isa ka lang jan diba?
since mahilig ako sa manok at mag-isa ka alng jan, pwde bang ampunin mo na lang ako? hahahahaha
YANAH
YES, Yanah! MAG-ISA lang ako rito. Wala bang magagalit kapag ampunin kita rito? Sanay ka bang manirahan sa isang bukid? 93kms away kami sa city, malayo ang malls at mga restauants. Whew! At medyo maalikabok at mabaho ang chicken farm. Kaya mo 'yon?
ang mahal pala jan... kc 2 weeks groceries at kung anik anik q umaabot lng ng mor or less 1000. magisa lng din ako! happy new year! kelan uwi mo d2 s pinas?
Nilista mo talaga? At may brand pa?
Pero napansin ko lang ha, for two weeks mo yan? Grabe. Siguro pang 1 month ko na yan.
At di ka mahilig sa potato? Sarap pa naman yan pag hinalo mo sa pechay at dun sa spare ribs. Nilaga!
EMAR
Mahal nga ang mga produkto rito Emar, kasi iba rin ang status ng market nila. Plano pa lang, sa April 2009 ang holiday ko dyan sa Phils.
NEBZ
YES, inilista ko po talaga... Pati brand para talagang realistic ang dating. At normally, hindi naman ako nagko-convert pag namimili rito, isinama ko lang ang price sa Phil peso para maka-relate kaagad ang mga kaibigang bloggers na wala rito sa Australia.
YES, 2 weeks, siguro 90% nito ay ubos na. Malakas pala akong kumain kaysa sa 'yo kung ganu'n?! Hahaha!
Di ako masyadong mahilig sa patatas. Tama kayo, nilaga nga ang isa sa mga iniluto ko ngayong panahon, kaya hindi ako bumili ng patatas dahil may natira pang dalawang piraso sa huli kong pinamalengke, ang isa du'n ang inihalo ko sa nilaga. Kung mapapansin nyo wala ring bawang, luya at sibuyas, dahil may natira pa rin po.
Wag kasing iconvert sa peso para di mafeel kung expensive o hindi... hehehe
elow pards,di talaga nawawalan ng manok ang mga handa mo.he he he.:)
This is the reason why tipid na tipid ako ngayon... I am on a diet at naggygym... Bawas taba... Hehe!
Happy New Year!
Wow! that was quite a feast there. I admire your life RJ. Hope 2009 will be a great year filled with amazing surprises!
And thank you so much for reading my blog :-)
[url=http://sunkomutors.net/][img]http://sunkomutors.net/img-add/euro2.jpg[/img][/url]
[b]cheap software sale, [url=http://sunkomutors.net/]software market price[/url]
[url=http://sunkomutors.net/][/url] install oem software on enabling form editor adobe acrobat 9
software retail stores [url=http://sunkomutors.net/]academic software in[/url] university student software discount
[url=http://sunkomutors.net/]a niche store software[/url] online software downloads
[url=http://sunkomutors.net/]adobe photoshop cs4 torrent[/url] campus software discount
pricing softwares [url=http://sunkomutors.net/]Mac Parallels Desktop[/b]
Post a Comment