Pagkatapos madala lahat sa dressing plant ang aming mga alagang manok noong Lunes ng umaga, kanina (Miyerkules) ay naging abala na naman kami sa paghahanda ng manukan dahil sa Biyernes ay darating na naman ang susunod na laksa ng mga sisiw! [Tuwing ika-60 araw paulit-ulit lang itong aming mga ginagawa: maghanda ng sheds, tanggapin ang mga sisiw, mamumulot ng mga namamatay na mga manok, at kapag malalaki na sila- magha-harvest...]
Hindi tulad sa Manila na nagiging 18'C ang temperatura o sa Benguet na umaabot ng 8'C sa kasalukuyang panahon, lumalampas 30'C na ang aming temperatura rito, 41'C pa nga kahapon! Dahil sa init ng panahon dito, mas natutuyo at mas lumulutang ang mga mapipinong hibla ng tinadtad na dayami ng trigo na aming ginagamit bilang banig ng mga sisiw. Ang resulta mas lalo kaming nangangati habang nagsasabit ng mga kurtina at naglalagay ng mga bakod sa loob ng manukan! Whew!
Pero kahit pagod sa loob ng manukan, pagpasok ko rito sa aking caravan at masilip ko sa dashboard na may mga nag-iiwan pa rin ng puna sa aking mga paulit-ulit na mga hinaing tungkol sa aking trabaho, nawawala na rin ang lahat ng sakit ng aking katawan. Ganito pala ang pagba-blog, parang katumbas pa nito ang dalawampung Paracetamol (salamat Abou sa paghahambing na ito).
Isa sa mga updated na blogs kanina ay ang Life's a Twitch ni Yanah kaya 'yon ang una kong narating. Habang binabasa ko ang entry niya tungkol sa mga fairy tales ay na-realize kong ang mga suliranin ng ibang tao ay totoo ngang mas mabigat pa kaysa sa ating mga sariling problema. Gusto ko sanang mag-comment pero napakahaba ang nais kong isulat, kaya ini-link ko nalang siya sa dati kong post na tungkol din sa mga fairy tales.
Kaya du'n sa mga nagsasawa na sa aking mga paulit-ulit na posts, pasensiya na pero habang ako'y hindi pa nakakagawa ng panibagong entry para rito sa The Chook-minder's Quill heto ili-link ko kayo ulit sa dati kong post, ang Fantastic Reality. Ito ang sagot ko kay Yanah sa kanyang fairy tales. Kung medyo mahaba ang panahon niyo sa pagbabasa, pwede niyo itong basahin.
Doon sa mga nakarating sa at nakapagbasa ng isiningit kong post na Monetary Pharmacology (a metaphor), pasensiya na kung dumugo ang inyong ilong. Post ko rin dati ito sa kabila, at dahil nagkaroon ng mga virus (?! sariling term ko lang 'yan) comments na paulit-ulit (mga 300 comments na siguro), binura ko ito doon at isiningit ko rito. Nasasayangan kasi akong mawala itong bunga ng kalikutan ng aking utak. Sa mga naka-appreciate, Meow at Mightydacz, maraming, maraming salamat!
Ako'y magbabalik... kaagad!
14 comments:
sisiw nA Naman?
kelan lag yun ahhhhh
taena.. ambilis nga nman ng usad ng panahan... akalain mo yun, 2009 na!!!!
kaya mo yan doc!
kitakits..
ako ba ang una?
heheheh
wish ko lang
Hi! Just dropping by. Nice blog!
u r always welcome dockie....
haha paracetamol!!
at dahil dyan babalik balik ako sa blog mo haha
trabaho na naman yan Doc... Good Luck!!!
wow daming sisw nyan ah, sarap siguro ng job mo dyan encountering with the puoltry and other animals...
hello RJ, magiging busy ka na naman nyan sa mga bago mong inakay hehehe..
ung nanay ko dati nagtrabaho sa medyo maliit na farm din.. fighting cocks tas may mga chicken laying eggs din sila.. tas everytime maghatch yung mga eggs.. diba incubate sila tas yun nga.. pag nilabas na sila.. ready for trimming.. nakikigupit din kasi ako.. yung mga spaces sa paa nila nigugupitan yun gamit nipper.. yun lang.. wala lang.. ni-share ko lang yung experience ko with the sisiws :D
Nakakaumay nga ang paulit-ulit. Sa trabaho ko nuon pag may rush na exhibit kailangang magpuyat ng one week (more or less), nai-invade na pati ang panakaw na pagtulog --- napapanaginipan ko ang hindi maawat na paglabas ng mga text, graphics, o photos sa computer printer. Magigising ako... pag tulog ko, iyon uli. :D Mabuti na lang at lenient naman ang mga boss namin pagkatapos ng exhibit week --- mga dalawa o tatlong araw na pwede kaming mag-leave o ma-late sa pagpasok (para makabawi ng tulog).
MARCOPAOLO
Tama ka, habang may sisiw, may trabaho kami. Kapag wala nang darating na sisiw, papauwiin na ako dyan sa Pilipinas. o",)
MISTY
Sa simula Misty masarap, pero habang lumaon, medyo nakakasawa na rin. Salamat sa pagbisita. (,"o
CHUBSKULIT
Sigurado. Ang mga sisiw na ito ang nagpapakain sa akin at siyang nagdadala sa akin kung saan ko gustong pumunta! Napakamakapangyarihan nila!
YANAH
May experience ka rin pala bilang isang magmamanok! Kaya kapag i-adapt kita rito tulad ng sinabi mo dati, wala na sigurong problema kasi sanay ka na.
Ngayon ko lang narinig na ginugupitan ang mga spaces sa paa nila?!?! Ang alam kong ginugupitan ang kanilang tuka/debeaking?
HOMEBODYHUBBY
Hahaha! Natawa naman ako sa naging karanasan ninyo, Kuya Homebodyhubby! Swerte n'yo nga po, mabait ang boss niyo.
Kumusta ang mga hamsters? Matagal na po kayong walang post tungkol sa kanila ah.
KOSA
Yup, ikaw na naman ang una. Kung may 1st honor dito sa The CMQuill, ikaw na yon, salamat sa pagbabasa (?!?!). Parang kailan lang, oo parating na naman ang mga kiti! Whew!
ALPHA
Nice blog?! Are you sure? Can you understand what I have written in this post?!?! I have some English entries below.
MIGHTYDACZ
Aba, nakabalik ka kagad ah. o",)
ABOU
Paracetamol at special mention lang pala kailangan para babalik-balik ka rito, yaan mo, gagawin ko 'yan palagi. JOKE! o",)
Sige, balik ka ha, kumusta ang Boracay?
Parang buhay rin ni Ara ang nadatnan mo dyan sa Australia. Tama ka iba ang maidudulot o connection ng blog at communication sa pamilya kahit malayo ka sa Pinas. TC!
wow challenging yun work mo...mataas na posisyon malaking responsibility - kaya marami kang talent sayong binigay...tc n God bless!
Post a Comment