Tuesday, January 20, 2009

Dalawang Dosenang Ginto

THERE'S TIME FOR EVERYTHING
The busy and the unoccupied persons in Flinders Street Railway Station.
Melbourne City, Victoria, AUSTRALIA

------------------------------------

ORAS GINAGAWA
6 Working as a chook-minder
8 Recreation and Relaxation
2 Food preparation, meals, snacks
8 Rest and sleep
24


1. Lima o anim na oras lang ang trabaho ko sa isang araw (6 days a week) bilang isang magmamanok pero nakakapagod din ito. The shorter, the better... may mga pagkakataon ngang tatlo hanggang apat na oras lang akong nagtatrabaho sa isang araw. Hindi kailangang magtrabaho ako ng matagal, lalung-lalo na ang mag-overtime sapagkat fixed salary every fortnight ang sistema ng bayaran ng kumpanyang aking pinagtatrabahuan.

2. Mayroon pa akong walong oras para sa pagbabasa ng mga aklat, pag-iinternet, panonood ng mga pelikula at mga palabas sa local TV at The Filipino Channel; o di kaya'y mamasyal sa Elizabeth Mall (45 minute drive) para makapanood ang sine at mamili ng mga bagay na kailangan ko... pero pakiramdam ko napakaiksi pa rin ng panahong ito kaysa sa kung nasa loob ako ng manukan.

3. Kapag binuo, umaabot lang ng dalawang oras sa isang araw ako naghahanda ng pagkain at kumakain pero bumilis ang pagtaas ng aking timbang nitong huling dalawang buwan. Samantalang noong unang taon ko rito sa Australia, pareho lang din naman ang kalidad at dami ng aking kinakain pero pumayat ako noon. Kung dati ay 85 kgs. lang ang timbang ko, ngayo'y naging 93 kgs. na ulit- ganito ako kabigat noong umalis ako sa Pilipinas noong January 15, 2007. Mas hiyang 'ata akong mag-alaga ng mga manok kaysa ng mga baboy.

4. Walong oras pa rin naman ang kabuuan ng aking pahinga at tulog sa isang araw.


FLINDERS STREET RAILWAY STATION
(1910)
corners Flinders & Swanston Sts., Melbourne


Time is gold.

11 comments:

eMPi said...

ganda ng pic oh... ayon kaya pumayat ka noon kahit pareho lang ang dami ng kinain mo... kasi nagaadjust pa yong body system mo... hehehe

mightydacz said...

hi dokie,talgang time is gold ka dok.ang mg mall dyan maaga daw nagsasara?

RJ said...

MARCOPAOLO
Ganun ba ang analysis dun Mark kaya ako gaining weight ngayon? Whew!

Maganda ba ang picture? Salamat!


MIGHTYDACZ
Yes, maaga nga nagsasaraang mga malls dito. 5pm pa lang sarado na sila; except Thursdays na halos lahat ng mga malls ay bukas hanggang 9pm.

yAnaH said...

ang hindi ko maintindihan eh kung bakit magkakasama sa iisang entry ang mga salitang: pagtaas ng timbang, baboy, pagkain at manok.,... wala lang.... awwwwttttttts kase eh.. mabilissang silip alng poh ito.. nagnakaw ng ginintuang oras mula sa makabuluhang gawain... ahihihihi


there is never enough time for all the things that byou wanna do in your life..

Anonymous said...

24-karat gold. :)
(Angganda ng architectural design ng building, pati kulay.)

RJ said...

HOMEBODYHUBBY
Yes, 24-karat.

Talagang gusto ko lang po i-post ang photo nitong building kaya gumawa ako ng (medyo di magandang) kwento para rito, wala na talaga akong maisip kasi busy po kami these days. Chick arrival po kasi.

Nu'ng hindi ko nagustuhan ang post kong ito, sinapawan ko siya kagad nu'ng 'Phoenix'... pero nakita nyo pa rin ito! Whew!

Ayaw ko na rin itong burahin.

RedLan said...

buti ka pa mas mahaba ang oras na walang trabaho keysa oras ng trabaho. ako rin tumataba. kasalukuyan kasi kapag pagod sa trabaho, sa pagkain ko binubuhos. lol

Nanaybelen said...

kaya ka tumataba kasi hindi ka gaanong emotionally stress siguro medyo physically tired lang.

Inspector Clouseau said...

Pretty neat shots. Especially the building in Melbourne. I came across your blog while "blog surfing" using the Next Blog button on the Nav Bar at the top of my blogger.com site. I frequently just check out other blogs out of curiosity to determine what other people are doing. I am invariably surprised. Nice.

RJ said...

THE LOGISTICIAN
Welcome to The Chook-minder's Quill! o",)

Thank you very much for appreciating the photo.

Joanie said...

Your blog makes me miss Australia soooooo much! I miss Flinders station. The trains and the trams!