Dito sa Australia, ang isang dayuhang manggagawang tulad ko ay naghahanap ng kayamanan sa loob ng chicken sheds. Ngunit sa labas ng mga maalikabok na manukang ito, may mga kayamanang umaapaw. Sobra-sobrang mga kayaman ngunit hindi naman magiging akin!
-------------------
"GUMASTOS NGAYONG PASKO!" Ito ang panawagan ni Australian Prime Minister Kevin Rudd sa lahat ng mga biniyayaan niya ng bonus noong December 8, 2008. Ito ay bahagi ng Economic Security Strategy ng pamahalaang Australia.
Au$1.8 bilyon ang ipinamigay ng Federal Government ng Australia noong Lunes sa mga:
1. Pensioners/Seniors/Veterans - Au$1,400 kung nag-iisa na sa buhay
- Au$2,100 para sa mag-asawa
2. Carer Allowance - Au$1,000 para sa mga taong nag-aalaga ng kanilang mga kamag-anak na matatanda at nagkakasakit na. Kaya kapag pinili nilang alagaan ang kanilang asawa, tatay, o nanay na maysakit, tiyak na makakatanggap sila ng isanlibong dolyar na bonus ngayong Pasko.
3. First-time Home Buyers - Mula sa dating Au$7,000 ginawa nang Au$21,000 ang subsidiya ng pamahalaan sa mga taong ngayon pa lang bibili ng bahay.
4. Family Tax Benefit - Au$1,000 bawat anak na may edad 21-pababa. Ibinibigay ito sa mag-anak na kumikita lamang ng Au$12,287 o mas mababa bawat taon. Kaya mas maraming anak, mas malaki ang makukuhang bonus, mas mayaman ngayong Pasko!
Source: The Australian
"KUMAIN NG KARNE NG CAMEL!" Ito naman ang sinabi ng mga siyentipiko ng Australia, at kanila itong itataguyod sa lahat ng mga lider ng bansa sa Canberra ngayong araw.
Dumudoble raw kasi ang populasyon ng mga camel sa Australia tuwing ika-9 na taon kaya sa kasalukuyan humigit-kumulang 1 milyong mga camel na ang malayang gumagala sa mga gitnang bahagi ng kalupaan (3.3 milyon sq. km.) ng Australia. Dahil dito, sinabing ang Australia na ang may pinakamaraming mga mailap na mga camel sa buong mundo.
Napag-alaman ng mga mananaliksik sa Nothern Territory na maraming mga inprastraktura ang nagigiba, at masyadong nasisira ang kapaligiran dahil sa mabilis na pagdami nitong mga camel dito sa Australia.
Unang dinala ng mga Afghan ang mga camel dito sa Australia noong taong 1838 upang makatulong sa paggawa ng mga telegraph lines, riles ng tren, pagmimina atbp. doon sa mga madisyertong bahagi ng bansa. Sino ang mag-aakalang pagkatapos ng 170 taon ay magiging problema itong mga hayop na kanilang pinakawalan sa disyerto noon.
Kung 15% lang ng mga Australiano ang kumakain ng karne ng kangaroo, di ko lang alam kung ilan sa kanila ang gustong kumain ng karne ng camel, habang umaapaw naman ang tone-toneladang mga karne ng baka, baboy at tupa rito sa bansang ito.
Titikim naman ako kapag may mabibili nang karne ng camel sa mga supermarkets.
Sources: ABC News
--------------------
Nabanggit na lang din ang kangaroo, naisulat ko na dati na ang buntot ng mga kangaroo ang siyang pinakamahalagang bahagi sa pagbabalanse ng kanilang katawan. Kapag ang kanilang buntot ay masaktan o masugatan hindi na sila makakalundag!
Sa aking pamamasyal sa Narana Aboriginal Cultural Center sa Victoria noong nakaraang Biyernes, nakita ko ang nulla-nulla. Ito ay isang kagamitan ng mga katutubong Australianong ginagamit na pamalo sa mga buntot ng kangaroo kapag gusto nila itong hulihin para gawing karne at kainin. Ito ay yari sa mga matitigas na halamang makikita sa malawak na kagubatan ng Australia.
9 comments:
Very educational post doc. Dami kong natutunan. Kung dito sa Pilipinas iyang mga kamel na iyan, hindi na kailangang pilitin ang mga tao na kumain. Sa hirap ng buhay dito, kahit buntung hininga kinakain dito. Pagpepiyestahn iyan dito!
Mabubuhay ba ang kamel dito sa Pi'nas kung ibi breed? Yung climate ba natin kakayanin nila?
Really nice post!
sarisaring info to ah. . haha. . sarap naman maging australiano. . kelan kaya mangyayari dito sa pinas ang mabigyan ng ganyang kalaking bonus ang mga mamamayang pinoy?
pati pala camel madami jan. . dito nila ilagay sa pinas ung iba para tayo naman ang may mapaglaruan. . hehe. . hindi pa kasi aco nakakakita nyan sa personal. .
ang dumadami jan kinakarne. . naku RJ! pag dumami na pinoy jan umuwi ka na! baka kaw naman karnehin nila. . haha
sobrang yaman pala ng awstralya.. eh para sa mga mangagawang banyaga na tulad mo wala bang ipapamudmud ang gobyerno sa inyu?
sana nman meron... hahahah kung wala man, siguro yung kumpanya na kinabibilangan mo ang magpupuna nito..
sabi nila ang karne ng kamelyo eh hindi nman ganun kasama.. oks na din.. pero kung ayw talaga ng mga awstralyano yun, ipamigay nalang nila sa mga naghihirap na bansa sa aprika para dun mapakinabangan.. para nman kahit papano, maging masaya ang pasko ng mga batang nagugutom dun... ganun na din yung mga matatanda..lols
ahhhhh pamalo pala yan, akala ko pa nman isang mahalagang bagay na hawak hawak ng mga hari o reyna nung unang panahon
MIKE AVENUE
Ito hindi ito based sa mga facts pero sa tingin ko mabubuhay ang camel sa Pilipinas. 'Yong camel dyan sa photo ko ay kuha 'yan sa Southeast Queensland, subtropical/temperate ang klima sa areaNG 'yon pero survive sila sa Australia Zoo.
PAPERDOLL
Ako nga rin nag-isip kung kailan kaya mamimigay ng ganyang bonus ang Pilipinas.
Yes, marami rin camel dito. Hahaha, tulad ng mga kangaroo kakarnehen din sila dahil dumadami na sila. Hahahaha! Baka nga Pinoy na ang kakarnehen nila sa susunod! May point ka, sa totoo lang dumadami ang mga Filipino rito!
KOSA
Walang ipapamudmod na kayamanan para sa mga dayuhang manggagawang tulad ko, bro. Hay, sana magbibigay rin ng bonus ang kumpanya namin pero hindi 'yan kinaugalian dito.
Huhmn, may point ka dun sa pagbibigay nalang ng karne ng kamelyo sa mga naghihirap na bansa, pwede 'yon. Wala kasing planong kumain ang mga Australyano niyan.
Hahaha! ganda kasi ng background kaya sa tingin parang gamit ng mga hari at reyna itong 'nulla-nulla.' Pamalo lang 'yan ng buntot ng kangaroo.
Wow... Educational ah... salamat sa Doc sa mga info. Yaman pala ng Australia!
parang lecture... ayos! :)
alam kong out of the topic to.. pero salamat sa alam mo na... alam kong nabasa mo yung nabasa ko at thank you sa isa sa mga pag-aawat.. basta sana po nagkakainitindihan tayo.. cheers-glesy the great
this is one of the reasons why i love checking your blogs parekoy --- EDUCATIONAL! The subject is not my field but hindi sya nosebleeding to me... hehe
keep it up!
MARCOPAOLO
Buti naman may natutunan ka... Mayaman nga ang bansang ito, pero sa ngayon napakababa ng exchange rate ng pera nila sa atin.
JOSHMARIE
Hahaha! Lecture ba?! (,"o
GLESY THE GREAT
Napadpad ka ah, salamat!
Yup, alam ko ang ibig mong sabihin. Di naman kasi siguro dapat dumating pa sa ganu'n... Sana magkaayos na sila.
I AM BONG
Maraming Salamat, bro...
Hindi ba nakakadugo ng ilong? Talagang pinapa-simple ko kasi.
Kumusta na sa inyo ngayong Pasko?
Post a Comment