Sila’y nabuo dahil sa hampas ng mga alon, kahit may matinding unos sila’y di nakakaahon, at di nakakaligtas sa bagsik ng panahon! Kahit yari sa batong-apog, di halatang sila'y marupok. Sa gitna ng mga pagsubok, angking kagandaha'y kanilang naabot!
Wala silang mga palamuti o magarang kasuotan, subalit sila’y may angking gandang talagang hinahangaan!
Sila’y di kasinlaki at di kasinlawak ng mainland Australia (7.74 million sq. km.) pero ang kanilang katanyagan ay di naman mapantayan. Sa mga mapa madalas sila’y di nakikita, at kung sila nama’y naisama palagi namang nasa ibaba. Sila’y nandoon sa ibaba, ngunit sila’y tinitingala!
Sila’y di nakakaalis sa kanilang kinatatayuan, at napakalayo ang kanilang kinalalagyan (190 km. southwest of Melbourne) pero sila’y hangad masilayan at sadyang dinadalaw ng karamihan!
------------------------------
Sabado ng gabi pa ako nakarating dito sa Aking Tahanan galing sa pamamasyal sa Victoria ngunit hindi kaagad ako nakapag-update dito. Pakiramdam ko biglang huminto ang mundo dahil sa trip na ‘yon! Sa nakalipas na tatlumput-walong oras kapag may maisip naman akong isulat, hindi ko naman alam kung paano ko ito isusulat. Whew!
Natuwa ako pagdating ko rito sa Aking Tahanan dahil matapos ang 15 linggo gumana na rin sa wakas ang aking aircon matapos ayusin ng napaka-abalang technician! Kaya kahit summer na summer sa labas ngayon, pwede na ring maging winter dito sa loob!
Sinorpresa rin ako ng taga-AAACOM, dahil matapos ang isang buwang paghihintay, naikabit na rin nila sa wakas ang satellite dish para sa aking The Filipino Channel!
At... ang kanang gulong sa unahan ng company vehicle na (gamit ko at) palaging flat sa nakaraang 3 linggo, ay naipa-vulcanize na rin sa wakas ng farm manager! Daming naganap habang wala ako rito. Napakagandang aginaldo ngayong Pasko!
Tapos na ang pamamasyal, balik na ako sa trabaho, at balik na rin sa pagba-blog.
16 comments:
Welcome back Dr. RJ!
How's the vacation? hehehe
Makata rin pala si dok.
Maraming accomplishments sa iyong pagbabalik. Good thing for you. At least medyo "naiba" ang mundong ginagalawan mo.
Welcome back and God bless.
Doc Aga..lols
agaw hiningang mga tanawin...
maligayang pagbabalik...
binabati kita... may TFC ka na.
parang nasa pinas ka pa din daw kapag may ganyan ka.
wahaha! sa sobrang pagkahanga ay nakabuo ng tula. . ang galing ah! haha. . natuwa aco.
Sila’y nandoon sa ibaba, ngunit sila’y tinitingala! -astig to. . kahit mahirap tingalain ang nasa baba. . meaningful. . hehe
ang ganda, , kahit masama ang maramdaman to naiinggit talaga aco. . huhu. .
magandang balita yan. napaaga ang magagandang nangyayari sayo. sana magtuloytuloy yan.
hindi ba malamig jan? bakit kailangan mo ng aircon?
MARCOPAOLO
Ayos ang bakasyon! Masaya! Dami akong nakita, at yung Port Campbell National Park, pinakamaganda sa mga natural sites na nakita ko na rito sa Australia.
MIKE AVENUE
Bilis makapag-comment ah.
Natuwa talaga ako sa mga nangyari rito habang wala ako. Ang mga bagay na 'yon ang mga nagpapabigat din sa utak ko noong hindi pa nagagawa. Salamat at ayos na lahat ngayon.
KOSA
Na-miss mo 'ata ako, bro?! hahaha!
Yes, parang nasa Pilipinas lang kapag may TFC. Pero nu'ng unang nanood ako rito last Saturday, naninibago talaga ako sa mga shows, medyo naiba na kasi ang napapanood ko sa loob ng halos dalawang taon!
PAPERDOLL
Wish ko rin Paperdoll na tuloy-tuloy itong mga magagandang nangyayaring ito.
Summer sa Australia (at sa buong Southern Hemisphere) kapag December, January at February kaya mainit dito ngayon.
May binigay sa akin si utol ko na malaking book ng buong continent ng Australia. Hindi nakakasawang titigan ang mga photographs -- lalo na siguro kung mga aktwal na tanawin na!
Ganda naman jan...aussie! cguro daming australiana jan....juke...lol
Nice pics and views!
Kaw nagsulat ng tula na yan? Galing naman!
Maraming magagandang bagay ang naghintay sayung pagbalik and wish more to come.
Wow may TFC na siya. Nice to know that. hehehe. Welcoma kapamilya in australia.
wow! welcome back kuya RJ!! hahaha gaganda ng mga pics.. kelan kaya ako makakapunta sa mga ganyang lugar tsk tsk.. hilig ko pa man din yung mga ganyang views tsk tsk..
bakit TFC lang? dapat kumuha ka rin ng GMA Pinoy TV hahaha
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
Welcome back RJ! :) Sana mas madami pang pics yung shinare mo. Para masaya! Haha!
Wow, may tfsc ka na! Kapamilya! Manonood ka ng Wowowee!! LOL. Welcome back ulit! :)
HOMEBODYHUBBY
Sa Australia din po ba si utol nyo?
Yes, magaganda po ang mga tanawin dito sa Australia. Ang lalayo nga lang po ng distance nila sa isa't-isa, kaya mahirap puntahan ng isahan lang. Dapat one at a time.
DARKHORSE
MArami talagang Autraliana, siyempre! Hahah!
Photos? Dalawa nga lang inilagay ko, buti na-appreciate mo.
Salamat sa pagbisita rito.
REDLAN
Ako nga ang nagsulat, bro. Maganda ba? Sa totoo lang di ko nga nagustuhan 'yan, basta ko nalang isinulat para lang may kaunting masabi sa picture ko. Hahaha! Di gumagana ang utak at pluma ko ngayon.
FJORDAN ALLEGO
Nagustuhan mo ba ang dalawang mga photos? Marami pa sana kaya lang baka di na maganda pag sobrang dami ang ilagay ko. Dalawin mo nalang sa Friendster ko. (,"o Kapag makabili ka na ng iPhone, ang pamamasyal naman sa Australia ang pag-iipunan mo.
TFC muna ngayon, saka na 'yong Pinoy TV. Pero parang hindi ko pa narinig dito ang Pinoy TV, hindi masyado ang promotion nila rito sa AU.
ISHNA PROBINSYANA
Nahihiya akong maglagay ng mga photos. Ah sige pwede yung mga pictures na wala ako. Sige sa susunod, gawan ko ng kwento para maging meaningful naman!
Yes, kahit nung nasa Philippines ako, Kapamilya talaga, hanggang dito. Pero parang di ako mahilig manood ng Wowowee. =,(
Maligayang pagbabalik doc! pareho pala tayong ngayon lang din nakauwi sa sariling tahanan e.. ikaw pisikal na nagliwaliw ako naman e nabaliw lol! wala lang..walang puwang ang pagbablag sa akin nitong mga nakaraang araw...nakakapanghinayang namang iwanan yung blag kaya eto muling nagbalik :) putsa apat na post nga lang nagagawa ko isang bwan nitong mga huling bwan.
Maganda kaya nga tinanong kita. Keep it up.
Is this part of the 12 Apostles in The Great Ocean Road?
JOAN
Yes! It is in the area close to the Loch Ard Gorge.
Post a Comment