Thursday, December 25, 2008

Noche Buena sa Australia

Akala ko'y magiging malungkot na ang pagdiriwang ko ng Pasko rito sa manukan. Tulog ako simula alas siyete ng umaga hanggang alas tres ng hapon kahapon (24 Dec. 2008) dahil pumasok pa ako sa trabaho noong nakaraang gabi, at 6:15 ng umaga na ako nakatapos.

Dalawang mga manok ang aking kinatay, mga alas quatro ng hapon, para sa Noche Buena. Dala-dala ang mga dressed chickens, iniwan ko muna ang Aking Tahanan at pumunta sa kabilang farm (3kms. away). Nandoon sa manukang 'yon si Gem- isang kaibigang Filipinong farm manager, nasa parehong company kami.

Mga alas sais ng gabi nang dumating ang aming kaibigang si John at ang kanyang asawang si Melissa galing Dublin, S.A., at si Kuya Bruce na mula sa kalapit na bayan ng Wild Horse Plains para samahan kami ni Gem habang kami'y nagbabantay ng mga manok- na hindi naman pwedeng basta nalang iwan lalo na ngayong malalaki na ang mga ito.

May dala silang mga pinamalengke nila galing sa Woolworths na sabay-sabay naman naming inihanda at iniluto.



Si John at ako habang nagi-grill ng hita ng lamb! Si John ang pinakamasarap magluto sa aming lahat, at kung naaalala niyo siya ang ikinuwento ko noon sa aking post ditong Baybayin at Bigkasin.


Ang hita ng lamb.



Crackling roasted pork at prawns...




Ang aming hapag sa Noche Buena...




...at ang alak.



Brandy basket with custard, thick cream, whipped cream and fresh fruits for dessert!


Sama-sama sa Noche Buena dito sa Australia.
(Lissa, John, Gem, Bruce, RJ)


Kahit papaano naging masaya naman ang aming pagdiriwang ng kapanganakan ni Kristo! Maligayang Pasko sa lahat!


--------------------
Ang dalawang litsong manok ay naiwan pa sa oven nu'ng kami'y kumain, nauna kasing isinalang ang roasted pork. Sa Christmas lunch nalang namin kakainin ang litsong manok.

[Pananghalian sa araw ng Pasko ang nakagawiang salu-salo ng mga taga-Australia, hindi tulad nating sa hating-gabi ito ginaganap. Kung ang mga litson, hamon at queso de bola ay hindi nawawala sa hapag-kainan ng mga Pilipino tuwing Pasko, ang whole roasted turkey naman ang palaging inihahanda ng mga Australians sa kanilang Christmas lunch.]

22 comments:

darkhorse said...

wow sarap!
Merry Christmas po!

Kosa said...

Sabi ko na nga ba doc, hindi pababayaan ni santa na maging malungkot ang pasko mo...

taena.. sana nman maniwala ka na kay santa ngayun...

sige sige merry xmas...
nakakatakam ang mga pagkain..

RJ said...

DARKHORSE
Unang nakapag-comment ah, kahit Pasko nakabukas ang internet (parang ako).

Anong inihanda niyo dyan ngayon DH? Maligayang Pasko rin sa 'yo!


KOSA
Tama, naniniwala na ako sa 'yo, si Santa ay nandyan lang sa tabi-tabi... Handang pasayahin ang mga taong medyo nalulungkot (tulad ko), hahaha! Naniniwala na ako ngayon sa sinasabi mong 'Santa Claus' bro!

Hahaha! Natatakam ka ba, anong inihanda niyo dyan Canada ngayong araw ng Pasko? Maligayang Pasko! o",)

Anonymous said...

Yehey!!! na-enjoy mo din ang season! thanks to your friends there!

yummy yung "Brandy basket with custard, thick cream, whipped cream and fresh fruits for dessert"!!!! Takam!

merry christmas!

RJ said...

MEOW
Merry CHristmas, nakadalaw ka talaga ngayon! o",)

Yes, nang dahil sa aking mga kaibigan naging masaya ang pagdiriwang ko ng Pasko dito! At ang daming pagkain, tama ka, masarap talaga 'yong brandy baskets with custard, cream at fresh fruits!

RedLan said...

daming handa at salu-salo kaya. ang saya naman. Merry christmas to you!

PaJAY said...

Buti naman at masaya rin pala pasko mo..mukhang ang saya saya mo doc...ayos!...

Maus said...

galing ha !
at least ur not alone
iba talga ang pinoy walang iwanan sa special occassion...

I am Bong said...

it's nice to see you happy this Christmas parekoy kahit wala ka sa Pilipinas...

Merry Christmas ulit!

RJ said...

REDLAN
Dami kapag tingnan sa photo! Hahaha, very deceiving to bro! Pero hindi nga namin naubos. Lima lang naman kasi kami.

Merry Christmas, too!


PAJAY
Unexpected ang nagyaring salu-salo kaya masaya nga ako. o",)


MAUS
Yes, akala ko kasi wala akong mapupuntahang pagtitipon noong Christmas eve, pero nagyari ito, ayos talaga!


I AM BONG
Salamat, bro! Naging masaya naman sa awa ng Diyos.

Ang Pasko sa bahay niyo, kumusta? Masaya ba ang Mama mo? Ayos na ba siya ngayon? Di na ba siya nalulungkot?

Abaniko said...

Buti naman at may mga kasama ka sa Christmas at happy naman ang okasyon. Mukhang masarap nga ang handa nyo eh.

Merry Christmas, ulit! :)

Nanaybelen said...

Wow!!! ang sarap ang handa. Kami simple lang. ayaw nal=man nang mga anak ko na magluto kahit fried chicken paano halos araw araw yun ang pinapaulam ko sa kanila.

Naala ala ko tuloy nong' ofw din ako masarap magluto ang mga boys at taga kain lang kaming mga girls. LOL

Nanaybelen said...

Hayyy.. ano ba itong computer ko nagluluko di ko tuloy alam kung na-published na ang aking comment . ulitin ko na lang ulit. sabi ko. masarap ang handa nyo. Naalala ko tuloy nong Ofw din ako- masarap magluto ang mga boys at kaming mga girls ay taga kain lang. LOL

Anonymous said...

Wow, see naging joyful ang inaakala mong blue Christmas hehehe.. God is great RJ..

Chubskulit Rose said...

Sarap naman nyan! Belated Merry Christmas RJ!

Anonymous said...

Happy Holidays RJ, wishing you a prosperous new year!

Anonymous said...

May your new year be as joyful as the Christmas Eve man!

Anonymous said...

Naalala ko nung bago pa ako rito. Na assign ako sa liblib na "satellite earth station". Pupunta kami sa karatig na farm para doon mag noche buena kasama yung mga kabayan nating nagtratrabaho doon. Kahit doon lang kami nagkakilala, ang saya at parang matagal na kaming magkaibigan. Pag balik namin sa istasyon may pabaon pang isang dosenang tray ng itlog at mga gulay.

Ishna Probinsyana said...

Hi RJ! Buti naman at hindi malungkot ang Noche Buena at Pasko mo dyan! Mukhang ang sasarap ng pagkin ah? :)

Kamusta naman kaya ang magiging New Year celebration nyo dyan?

Anonymous said...

Natutuwa ako na pag ganitong mga okasyon, nagtitipon-tipon ang mga magkababayan maski saan naruon. :D Mahusay yan, naiiwaksi o nababawasan ang nararamdamang pangungulila sa mga mahal sa buhay.
Pards, mas nagiging obvious ang pagiging malaking tao mo sa mga pictures na may kasama ka. Dyan sa lima, mas na-emphasized pa kasi mas malapit ka sa lens ng camera. Nahihili ako sa mga taong malalaking bulas --- humigit-kumulang 1,625.5 mm lang kasi ako hehe.
Happy new year sayo RJ!

RJ said...

ABANIKO
NANAYBELEN
RYLIEJ
CHUBSKULIT
MISTY
JOOPS
Salamat sa pagdalaw, mga pagbati at mga wishes! Merry Christmas and a Happy New Year sa inyong lahat!


BLOGUSVOX
Nakakatuwa namang isipin ang kuwento niyong 'yan... Happy New Year po!


ISHNA PROBINSYANA
May plano na sa New Year's Eve, sana maging masaya ulit, pero ayaw ko nang magpuyat... Hirap kasi magtrabaho kinabukasan.

Masarap nga ang mga pagkain. o",)


HOMEBODYHUBBY
Wow! Ayan, nakabalik na po kayo. Nakita ko na po ang mga photos nyo sa reunion n'yong magkakapatid, nanay at mga pamangkin nyo! Sana next Christmas makakauwi na rin ako.

Kaya nga po, mas kapansin-pansin na ngayon ang size ko kasi may mga katabi na ako sa larawan. naku, in mm. pa ang isinulat nyo, di ako maka-relate kaya iko-convert ko po muna. hahaha! o",)

Happy New Year din po!

mightydacz said...

hello dokie akoy lubusang humahanga sa iyo ang 2008 mo ay napakabuluhan,makasaysayan at makulay punong puno sa buhay