Monday, December 1, 2008

Ang Sampung Katotohanan

Nagpapasalamat ako kay Maya at kay Francis Ko sa Friendship Award na ibinigay nila sa akin. Ako’y natutuwa at napili nyo akong bigyan nito, subalit ang award palang ito ay may kasamang tag kung saan kinakailangan kong ilista at i-post dito sa aking blog ang 10 Facts About Myself! Whew! Pinapahirapan niyo naman ako!

Sabi ni Mayalicious, “Wag kayong KJ, gawin nyo 'to! At hindi ko na rin ilalagay ang instructions, malalaki na kayo, I'm sure alam nyo na ang gagawin nyo. Kung nagawa nyo na yan before, pwes gawin nyo uli, basta!

Ang sinabi naman ni Francis Ko, “Gusto ko ring makaalam ng 10 Facts about... RJ...”

Napaka-demanding nilang dalawa. Pero sige pagbibigyan ko na sila. Baka sa susunod ay hindi niyo na 'ko bigyan ng magandang award. [Aba, ‘pag ganito palagi, tag at awards nalang ang blog entry natin nito!]

10 FACTS ABOUT THE CHOOK-MINDER:

1. Ipinanganak sa bayan ng Mlang, Cotabato, Philippines; panganay sa tatlong magkakapatid; at tuwing ika-238th na araw ng taon ang birthday ko.

2. Height: 6’1”

3. Hindi ako nagba-basketball, baseball nalang pwede pa.

4. Weight: 191.4 lbs

5. Right-handed kapag nagsusulat at nagti-text, bukod doon, left hand na ang ginagamit ko.

6. Hindi ko talaga gusto ang hugis at anyo ng ilong ko. Kaya nga ayaw ko sanang magsusuot nitong mask namin dito sa work kung hindi lang talaga maalikabok, dahil baka madadagdagan ang pagka-pango ng ilong ko. Pero sabi ng aking Australian workmate,There’s nothing wrong with your nose, mate! Hahahaha! Natuwa talaga ako sa sinabi niyang ‘yon.

7. Sa buong buhay ko isang music tape (casette) palang ang nabili ko, ang album ni Alanis Morissette. Isang music CD rin ang nabili ko, ang album ng Backstreet Boys. Favorite Song ko ang The Warrior is a Child, pinakapaborito kong gitarahin ang Jubilee Song, Ako’y Isang Pinoy at Ang Panginoon ang Aking Pastol.

8. Kapag ako’y kumain talagang may Go, Grow and Glow foods. Kinukumpleto ko talaga, dapat may representative from every food group. Mahilig din ako sa bagoong, alamang, patis at toyo. Gusto ko tuwing kain ko, isa sa mga ito ang nasa hapag-kainan. Buti nalang may malapit na Asian Store kaya hindi ko ito problema rito sa Australia. Pero pinipilit ko nang iwasan ito... Naaawa na ako sa mga kidneys ko.

9. Particular din ako sa tulog, sa edad kong ito target ko pa rin ang 8 hours of sleep each day. 95% of the time nakukuha ko naman ang length of sleep na gusto ko.

10. Favorite subjects ko noong college ang Veterinary Anatomy at Veterinary Surgery. Pinaka-hate ko naman ang Veterinary Pharmacology pero sa asignaturang ito ako nakakuha ng pinakamataas na marka sa board exam. Nagtataka talaga ako. [Minsan sinubukan ko na ring gumawa ng post about Pharmacology, dahil na-miss ko ito. Nakaka-nosebleed nga lang.]

Ang dami palang pwedeng isulat, ano? Mahigit sampu na nga itong nabanggit ko rito. May pang-11th pa nga sanang nais kong isulat, kung anong blog at kung sinong blogger ang pinaka-favorite ko. Kaya lang 10 facts lang daw!

------------------------


[Nilagyan ko ng pinaka-latest photo ko ang blog entry kong ito. Kuha yan noong November 26, 2008 sa Rundle Mall, Adelaide, S.A. Pasensiya na po, hindi professional photographer ang kumuha niyan kaya minabuti kong i-crop nalang ito. Sana ayos lang sa inyo.]

23 comments:

kosa said...

ako una... hahahaha..
taena.. sandali babasahin ko muna..
ipapasa din kaya to?

masterkosa said...

ahhhhh kaya pala malusog ka doc..lols bagay nga sayu ang maging manggagamot..pero sabi nila mashealthy ang buhay kung di masyado sa anumang maalat...

yan ba yung tropeo sa tag na to? baka nman ibang tropeo yung nakuha mo doc..lols joke joke joke..
nice nice

kinarera mo talaga ahhhh..
lols.. binabati kita doc aga..lols
isa kang tunay!

MarcoPaolo said...

umepal lang ako... hehehe

Nebz said...

Clean living! Buti k pa.

One thing that I like about your blog is that you write meaningful posts. Informative. Heartwarming. Congrats po.

At dahil December 1 ngayon, let me be the first to greet you Merry Christmas. Hehe.

homebodyhubby said...

Ahehe, buti nga yan RJ, 10 lang, may kasama pa award! Yun kaunaunahan ko tag na parang ganyan din, 7 lang pero may ABCD hanggang Z. Dami nga ‘green’ kasi babago pa lang ko nun at yun ang una ko nakitang ‘trend’ sa blogosphere, kumbakit yun pa bumenta ng husto (highest hits so far? aheeh, tsowee... kakahiya... ayaw ko naman magbura o maghide ng naipost na)
Ang tangkad mo pala? Hindi obvious sa mga pictures mo dito. Yung #6, tama si Australian workmate, a nose is a nose whatever the size and shape.

paperdoll said...

wow! tangkad mo pala kuya! hehe. . ahmm. . ryt handed pag nagsusulat at nagtetext? so pag nag aano ka left na gamit mo? nag kakain ba. . haha. . ano daw? lol

ayoco di ng ilong co. . apir tayo! haha. .

favorite co rin pala si Alanis morissette. . apir ulit! haha. .

nice. . facts you!lol

PaJAY said...

kaw ba yan doc!???lolz..parang iba yung nasa profile a..hahaha...

Everlito (ever) Villacruz said...

pards pang oki-oki dok ang dating ah..ha ha ha.

Nanaybelen said...

ang taas mo pala.

Tama nga yung Australiano "there's nothing with your nose, mate!" Ok sa kanya kasi matangkad ka kung kaparehas ka lang ng mga pandak na pinoy dyan , baka pinagtatawanan ka-kasi pandak na pango pa...

BlogusVox said...

Okay yan doc, healthy lifestyle. Meron ka pang 3G's (Go, Grow & Glow). Ako 2G's lang (galunggong). : )

Lionheart : Richard the Adventurer said...

Naks naman....


Pwede bang ipost mo naman ang Top 10 na lihim, mo...


Lolz... Joke lang... Wala lang magawa!

REDLAN said...

uy, marami talaga akong nalalaman about sau. sana more more pa. joke lang. sa pango ng ilong, di ka nag iisa, pareho tayo. lol. astig yung sabi ng aussie ah. totoo naman eh. unless manosebleed ka sa english niya. joke. sa ngayon, gusto ko rin matarget ang 8 hours na sleep. minsan nga isang oras lang pero nakakasakit sa ulo.

abe mulong caracas said...

this is one of the best post of posts you've written bro!

Rio said...

wow dok..taga mlang ka pala??
magkapitbahay lang kayo ng mga kamag anak ko..hehe

Fjordan Allego said...

aba! andami kong nalaman sayo kuya RJ ah hahaha... yung bday mo.. galing galing! hahaha tapos masyado kang partikular sa maraming bagay gay ng tulog, pagkain,.. tsk tsk.. bakit ako hindi??? hahahhaa

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

iceah said...

congrats pareng RJ c:
BTW: please give me your email add sa chickenheart ko or wowlegs na comment box kasi invite kta sa socsksargen bloggers c:

RJ said...

KOSA
Hindi ko muna ipapasa ang award at tag na ito. Aangkinin ko na muna.


MASTERKOSA
100% sure akong yan ang tropeo nitong award na natanggap ko.

hahaha! kinarera ba? Ganyan ako ka totoo!


MARCOPAOLO
Ayos! Pwede naman pala ang ganitong comment eh. Ayan PinUBLISH ko, bro.


NEBZ
Merry Christmas too!

Na-challenge naman ako dun sa sinabi nyo about my blog. Feeling ko kasi hindi naman ganun kaayos ito. Salamat sa puna.

RJ said...

HOMEBODYHUBBY
Yes, yun po ang height ko, pakiramdam ko nga po sobra eh. Kung pwede nga lang ipamigay ang ibang bahagi nito, gagawin ko.


PAPERDOLL
Yup! Kung ano man yung iniisip mong yun, kapag nag-'ano' ako, left hand na ang gamit ko.

Dami nating similarities sa buhay ah!


PAJAY
Yes, ako po ito Sir! Tunay na tunay, hindi 'to kathang-isip lang. (,"o

Salamat sa pagdalaw. Binibisita ko rin po kayo sa Klasrum niyo.


EVER
ganun ba? Oki doki dok? Kapamilya kayo ano?


NANAYBELEN
Nagulat po sila nung una nila akong makita dito sa work, akala kasi nila ang Pinoy na darating ay pandak! Mas matangkad pa ako sa kanila.

Pati ang ilong ko, wala raw problema, di ko lang po alam kung nagsasabi sila ng totoo. Hahahah!

RJ said...

BLOGUSVOX
May galunggong po ba kayong nabibili dyan sa Gitnang Silangan?


LIONHEART: RICHARD...
Pa-unti-unti, post ko ang mga lihim ko. Abangan!


REDLAN
Pagod na rin magsulat ng mga Katotohanan. Kaya ayos nalang yung 10 lang.

Naku, 1hr lang tulog nyo? Hindi ko kaya yan!


ABE MULONG CARACAS
One of the best?! hahahah! Ayan medyo nakilala nyo na ako.

RJ said...

RIO
Doc, sino po ba ang mga kamag-anak niyong nasa M'lang?


FJORDAN ALLEGO
Dami ba? Ano pa ba ang mga nais mong malaman? Alam mo naman contact number ko, di ba? Hahahah!

Pati ang birthday ko talagang inalam mo ha. Hintayin ko ang iyong pagbati, bro.

Napansin ko nga, parang hindi ka mahilig matulog, palagi kang gising! Sipag mo kasi.


ICEAH
Salamat! (,"o

Iniwan ko na po sa Chicken Heart ang email ad ko.

pchi said...

oi, slowly disclosing details about yourself na ah

ang bigat mo pala! hehe. biruin mo 191 pounds,halos sakong bigas na yun ah

hehe

Mike Avenue said...

-Binilang ko pa kung saan babagsak yung birthday mo!
-August 26th. Pag leap year? August 25th.
-Tangkad mo, doc!
-The Warrior is a child- Gary Valenciano ba?
-Eat lang ng maalat para humaba ang buhay... hahahaha.
-Hindi ako makatulog lately. GUsto ng katawan ko palaging may tama.
-Ok lang naman ang pic - sinturon ba ang hawak mo? Hehehe.

Mabuhay!

RJ said...

PCHI
Tagal na nga akong nagkukwento tungkol sa sarili ko... mas marami lang ito ngayon, tagged kasi ako.=,(


MIKE AVENUE
Yung inilagay ko sa post, regular year 'yon. hahaha! (,"0

Yes, 'display belt' yan sa mall. May naka-display kasing reindeer dyan sa gitna, pinalibutan nila ng sinturon! Ayaw 'atang pahawakan.