Saturday, December 13, 2008

Kalayaan

Kay Rizal... Kay Bonifacio.
Kay Marcos o kay Aquino.
Kay Jollibee o kay Mc Do.
'Kapamilya' o 'Kapuso.'
Smart o Globe sa telepono.
Cha-cha doon sa kongreso
pati na rin sa senado.
Sa relihiyon at prinsipyo-
hati ang mga Pilipino!

26 comments:

Kosa said...

ako, kay:
Rizal
Marcos
Jbee
KAPUSO
Globe
pasadoble sa kongreso
ayoko sa senado

kristiano ako
proud pinoy ako.lol

Anonymous said...

wag kang mag alala kahit saan may pag hahati hati :)

abe mulong caracas said...

nice one bro...

(i dont have to say more)

BlogusVox said...

Okay ka talaga RJ! Short, concise but very thought provoking not to mention it was written in rhymes pa!

Anonymous said...

very true! watak watak!
anu say mo na si mannny pacquiao lang daw ang buklod sa pinoy!

RJ said...

KOSA
Aba pumili, at isinulat ang nais...

Ako proud Pinoy rin, bro!


MANILENYA
Sa tingin ko nga po, kahit saan may pagkakahati-hati talaga. Madalas kapag may freedom, daming nakakayang abutin ng mga pakpak.


ABE MULONG CARACAS
Wow! Ayan, nagustuhan nyo itong napakaiksi kong post. Maraming Salamat! (,"o

RJ said...

BLOGUSVOX
Natuwa naman ako, na-appreciate ng may-ari ng The Sandbox itong aking post. Bigla ko lang po itong naisip kaninang umaga, kaya isinulat ko kaagad kahit maiksi, ayaw ko munang magsulat ng mahaba.

Maraming, maraming salamat po... (,"o


MEOW
Ayan, tinanong ako about kay Manny Pacquiao.

Say ko?- TAMA, nagkakaisa nga ang mga Pilipino tuwing may boxing si Pacman, pero pagkatapos ng laban niya balik naman ulit sa dati. Pansamantalang pagkakaisa lang, hindi ko nga alam kung 'pagkakaisa' ang tawag dito. Kasi ang tunay na pagkakaisa, para sa akin, ay 'yong pangmatagalan.

Hindi naman nating pa-boxingIN lang ng pa-boxingIN si Manny, 'yong walang hinto-hinto para habang buhay siya ay nagkakaisa ang mga Pilipino.

eMPi said...

Ayos!!!

meow said...

hahaha! natawa ako sa "pagboxin ng pagboxingin si manny!" hahahA!

RedLan said...

galing magcompose ng tula. am forever kapamilya.

pamatayhomesick said...

ayos ang tirada pards..he he he.:)

Mailap said...

may pag-asa pa ang ating bayan...
simulan natin sa 2010...

hehehe... tumakbo ka na nga kuya Rj. para matapos na to...

Dear Hiraya said...

nagustuhan ko to kuya! astig!! pramis!!

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Ishna Probinsyana said...

Dun sa napakaikling sinulat mo na yun, anlawak ng nasakop. Heehee. Galing!

Anonymous said...

hello sayo... MERRY XMAS AND HAPPY NEW YEAR!!! mwah! salamat sa pagiging bahagi ng blog ko! magpapahinga muna ako.

-joshy

PaJAY said...

Marcos,KApuso at Jolibee ako!..ayos!!...lolz..

tamang trip doc a..hahaha.kahit maikli ayos sa olrayt tula mo...

pchi said...

ok lang naman hati di ba

isipin mo kung nagkaisa naman pero dun pala sa negative side

ok naman ang may opposition eh (hehe)

we're different so have different opinions and biases

that's normal

sa physical world nga din may lightness at darkness
good at evil

miss you rj!

merry christmas1

Anonymous said...

Ito yata ang talagang impromptu post -- no pictures, just a few words, but loaded! ;)

RJ said...

REDLAN
Palagi mo naaappreciate ang aking likha... Maraming Salamat! o",) Pareho tayo, Kapamilya.


EVER
Hahaha, ayos po ba? Parang painting din ba ang post na ito- a million words? (,"o


BATANG MAILAP
Naku parang wala sa plano ko ang maging politician. Di ko kaya 'yon BJ.


FJORDAN ALLEGO
First time ko lang narining na nagustuhan mo ang blog entry ko, ito pang maiksi. Salamat! Natuwa ako. (,"o


ISHNA PROBINSYANA
Nakarating ka na rito! Ayos ka na ba, wala ka na bang hang-over sa party sa Victoria...?

Salamat sa pag-appreciate nitong maiksi kong post.

RJ said...

JOSHMARIE
Sige pahinga ka muna. Mukhang pagod ka na nga kasi sa previous post mo, maiksi na. o",)

Maligayang Pasko!


PAJAY
Aba! Pumili ah. Sa bayani, sino? Tiyak kay Rizal kayo. Buti naman nagustuhan mo ang tulang ito.


PCHI
Merry Christmas, too!
OO nga ano, kung nagkaisa ang lahat sa negative side, papaano na?! Pero teka, matatawag pa bang 'negative' 'yon kung lahat ay nagkaisa? (,"o


HOMEBODYHUBBY
Nagulat ako nakapag-update kayo ng blog at nakapamasyal pa. Akala ko kasi magbi-break po kayo.

Impromptu nga po ito, habang naghahanda ng breakfast naalala ko, type ko kaagad. Wala na nga akong nailagay na photo kasi nagmamadali na po ako. Papasok pa kasi sa trabaho.

Merry Christmas!

darkhorse said...

Rizal, Aquino, Jollibee...yun lng alam ko eh...lol

Hati nga lahat pati dialect sobrang dami din...lol nice post!

Ishna Probinsyana said...

Wala na akong hang over sa party sa Victoria Court. Heehee. At nakalimutan kong sabihin na Kapamilya since birth ako. LOLOL

Nanaybelen said...

parehas lang kay marcos at jose rizal.

mc do

Anonymous said...

nice makata ka pala! nyayaahaha.

Anonymous said...

Mahirap nga...hati-hati kaya nasakop ng mga Kastila. LOL.

Magandang araw po at Meri Xmas!

RJ said...

DARKHORSE
Daming bagay talagang magkakahati ang mga Pilipino, ano?! Di ko naisama ang dialect ah.


ISHNA PROBINSYANA
Ayos! hahaha!

Kapamilya rin ako since birth, palibhasa 'yon lang din ang stationg makukuha sa amin noon. Pero ngayon, kahit dito sa Australia, ako'y certified Kapamilya!


NANAYBELEN
Aba, pumili kayo ah! Merry Christmas po!


PAURONG
Ayan, napadalaw ulit si Jonell! Pagkatapos burahin si Plakda, Paurong naman ngayon...

Maligayang Pasko!


MIKE AVENUE
Mahirap talagang isipin pero 'yon ang katotohanan. Merry Christmas din!

[May countdown ka pa sa blog mo kung ilang araw ka nang di naka-inom ah, meron din ba para sa paninigarilyo? Parang 'di ko napansin. o",)]