Siguro ang dasal ng mga Australyano ay narinig na rin ng Panginoon. Simula kasi nu’ng dumating ako rito sa kanilang bansa noong Enero ng nakaraang taon, ang buong bansa ay tinatamaan ng El Nino Phenomenon.
Ang takbo ng panahon ngayong araw ay hudyat na siguro ng pagsisimula ng nakikinita ng mga siyentipiko sa magiging lagay ng panahon sa bansang ito. Kaninang umaga nang ako’y gumising, pumapatak ang ulan kaya ako’y muling nahimbing! At kanina sa trabaho, umambon naman ng husto!
KANINA RIN SA TRABAHO, kumulog at kumidlat! Kumulog at kumidlat pero hindi doon sa kalangitan, kundi dito sa loob ng aking katawan! Nakaramdam ako ng isang napakatinding sakit na biglang gumuhit dito sa ibabang bahagi ng aking likuran! Sagad hanggang butong tumagos mula sa ‘king mga kalamnan!
17 comments:
ahh i see... naulan din dito... sobrang lamig sa office syempre dahil malakas ang aircon. hehehe
ahhhh.. sabi nila nasisira na ang mundo kaya madaming di maipaliwanag na nagyayari sa ulat panahon...
may sakit ka doc aga?
taena.. hindi maganda yan... bandang ibaba ng likod? sa bandang tagiliran? sa may bewang? isa kase yan sa sintomas ng disorder sa bato eh.. sige sige increase water intake... tapos magbanyo kapag naiihi..lols minsan kase tinitiis ang pagbabayanyo lalo na kapag busy sa blogging at chatchat.
get well soon..
meri xmas
MARCOPAOLO
ang bilis makapag-comment ah. Dito kahit walang aircon ngayon ayos lang.
KOSA
Yup, may sakit ako ngayon. Baka slip disc or sciatica... natatakot ako! =,( ANg sakit talaga! Di ako makatayo ng ayos.
Bumalik ka na pala. Naku ano bang nagyari sa iyo at di ka makatayo sa sakit? magpacheck up ka agad.
sige. get well soon.
bilib din ako sa iyo parang grabe ang sakit ang pagkadescribe mo sa sakit mo pero nakaka -blog ka pa rin heheh
NANAYBELEN
Sabado pa po ako nakabalik. Masakit po talaga, baka magpapa-check-up na po ako bukas.
Opo kahit masakit, nakapag-blog pa rin po ako.
Salamat sa pagdalaw! (,"o
NAKU! alam mo ba ang ibig sabihin nyan? tumatanda ka na. . ehehe. . pahinga ka na lang muna at wag mo pwersahin ang sarili mo. . akala co anong kulog at kidlat ang naramdaman moe. . basta kung di mo kaya wag. . ;P
kumusta ang bakasyon?
sa isang banda mas maganda ang mas malamig na temparatura
pero mas mabuti kung laging mag iingat para di magkasakit...
PAPEL
Hahaha! Tama. Tumatanda na nga siguro ako! (,"o
Ano na namang kulog at kidlat ang nasa isip mo Paperdoll?! hahaha! Ikaw talaga ang daming naiisip.
Yup, pahinga muna ako.
ABE MULONG CARACAS
Ayos naman ang bakasyon, masaya, at marami akong nakita... may kaunting nabili.
Mas gusto ko nga kung malamig. Sobrang ingat nga ako para hindi magkasakit pero hindi talaga maiwasan. Pero sa ngayon, hindi na masakit ang likuran ko.
Blame it from the rain yeh yeh...(kanta yun!) Ayus sarap kpag ulan (fav ko ulan! kc parang kumakanta yun tunog ng patak ng ulan) kaso ingat sa sudden change of temperature bka mag-kasakit...tc
low back pain ba yan doc? Tama ka mahirap magkasakit dahil pasko at malayo ka sa faamily. Sana eh ok ka na..
iba talaga ang pasko dyan, tulad ng comment ko nuon: christmas in summer samantalang sa iba ay winter!
merry christmas!
DARKHORSE
Masaya ka ah! pakanta-kanta pa.
Hirap ngang magkasakit, kaya araw-araw ang Centrum, pampalakas ng resistensiya, at dahil "I want to be complete."
MEOW
Yes, low back pain... Ngayon nakakatayo na ako ng maayos pero medyo masakit pa rin.
Hahaha! Yes, kakaiba nga talaga rito ang Pasko, bukod sa kung paano nila ito i-celebrate, ang panahon ay kakaiba rin talaga rito kapag December.
Merry Christmas din sa 'yo, Meow!
pa check up ka. mahirap magkasakit. take care and god bless rj!
REDLAN
YEs, magpapa-check up na ako. Naku, di ko nabanggit dito sa post kong napakamahal ng check up dito sa Au. Pero anuhin ang pera kung may dinaramdam naman. Hahaha! May pera nga ba?
Ang aking health insurance meron. Mahal din ang bayad ko sa kanila buwan-buwan. Magamit nga. (,"o
Sadyang malawakan ang naging epekto ng global warming. Ako man nagugulat sa bigla-biglang pagbabago ng panahon dito sa Pilipinas na hindi ko naman nakikita nung kabataan ko. :(
Huwag naman sanang slipped disc iyang sa likod mo. Baka na-stressed lang sa trabaho, o kaya sa byahe?
May bigla ako naalala, inihabol ko na lang dito. Ako pards, sumasakit ang likod sa kako-computer. :)
HOMEBODYHUBBY
Hahaha! Ako kahit masakit ang likod ko nakaharap pa rin sa computer.
Sa ngayon po ayos na ang likod ko, hindi na sya masakit kaya masaya na po ulit! Sa tingin ko sa sobrang gala nga 'yon. Hahaha! (,"o
"I want to be complete" wow romantic na phrase yun ah - inspired?...lol
Post a Comment