Pasensya ka na kung hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa 'yong mahal na mahal kita... Natatakot kasi ako. Takot akong sabihin mo lang na wala kang nararamdaman para sa akin... na kaibigan lang ang turing mo sa akin. Takot rin akong baka hindi totoo itong nararamdaman ko para sa iyo... na baka kaya ko lamang nasasabi ngayong mahal na mahal kita dahil sa matinding kalungkutan at pangungulila rito sa ibang bansa.
Bakit mo pa kasi ako niyakap ng napakahigpit nu'ng huli tayong nagkita bago ako umalis papunta rito sa Australia? Napakatagal na nu'n, 29 buwan at anim na araw pero pakiramdam ko'y kahapon lamang ito nangyari. Tatlong oras bago lumipad ang aking sinakyang eroplano mula sa NAIA, nag-text ka pa sa aking, "See you... hope to see you in other parts of the world." Alam mo bang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito binubura sa aking inbox? Ipinangako ko kasi sa aking sariling mananatili ang mensaheng 'yon sa aking telepono hanggang sa dumating ang araw na magkikita tayo rito sa Australia, at tuluyan na ring magsasama habambuhay.
May mga pangarap at pangako ako... pero ang pangarap na 'yon ay sariling pangarap ko lamang, at ang pangakong 'yon ay pangako ko lamang sa aking sarili. Wala naman kasi tayong pormal na usapan. Hindi naman tayo commited sa isa't-isa.
Ito rin siguro ang dahilan kung bakit sa dinami-dami ng mga babae rito sa Australia, nananatili pa rin akong nag-iisa hanggang ngayon. Naka-isang taon na ako sa Queensland, mahigit isang taon na rin ako rito sa South Australia, nakarating na ako sa mga lalawigan ng New South Wales at Victoria ngunit wala talaga akong nakitang katulad mo! Hindi naman nakapiring ang aking mga mata, hindi naman ako bulag, at hindi pa naman malabo ang aking paningin ngunit wala pa rin akong makita. Hindi lang pala 'bulag' ang pag-ibig; binubulag din pala nito ng mga taong umiibig! Talo pa nito ang katarata at glaucoma!
Madalas naman akong nagti-text sa 'yo pero napakadalang naman ng reply mo. Pero ayos lang, siguro'y abalang-abala ka palagi ngayon dahil balita ko'y umangat na raw ang posisyon mo sa trabaho. ...sa bagay, ang roaming sim ko, hindi ko naman tinatanggal 'yan sa cellphone ko. Text ka lang kapag kailangan mo ng makausap at tatawagan kita kaagad. Nandito lang ako, naghihintay ng mga mensahe mo.
Sana'y mapagbigyan mo ako. Sana'y hayaan mong patunayan ko sa iyo at sa aking sariling tunay ang nararamdam kong ito. Baka kasi akala mo'y sa Veterinary Epidemiology lang ako mahusay, nais kong malaman mong ang isang magmamanok na tulad ko'y marunong ring magmahal ng isang babaeng katulad mo.
10 comments:
Sarap naman ng mensahe, "nais kong malaman mong ang isang magmamanok na tulad ko'y marunong ring magmahal ng isang babaeng katulad mo."
Palagay ko naman ay mapapansin ka na nya... ano ba ang pangalan nya?
A blessed Thursday.
lupet naman...
sa tingin ko ito yung talagang wagas at tunay na nagmamahal...sobrang cheeeeesy hehehe
dont worry mapapadalas din ang text nun.
john lloyd ikaw ba yan?
SWEET!
Sana nga eh mabasa nya to. Good luck RJ
aha! parang nahawaan ka dok ng AH1N1 ah...juks.... aheks... i mean prang nahawaan ka nila Poging (ilo) Cano ah.... aheks.... ayan mayu na-miss din ako...weepeeee.... ^_^
isang Tagay doc!
ganyan talag siguro ang pag-ibig...may mga bagay na nakakatakot isugal. sa isang iglap kase, maaring mawala ang lahat.
pero sabi ko nga doc, kailangan sabihin mo sa kanyan yung nararamdaman mo para malaman mo kung kailangang ipunin mo yung planu na yun o hindi. baka naman kase planu ka ng plano ng sasakyan para sa inyung dalawa eh, iisa ka lang palang bibyahe... sayang naman.
Ayun oh!!!naiinlab din pala ang magmamanok...ngayon lang ata ako nakabasa ng ganito dito sa pahina mo pre :D
ahoy! in lab si doc aga. sarap ng feeling noh!.hehehe
ahemmm....
amoy pag ibig dito ah
doki, gusto kong manukso :)
ang thrilling naman ng istoryang ito
parang telenobela
abangan ang susunod na kababata
Huwag ka nang magpalampas ng marami pang panahon...sabihin mo na sa kanya kung anu ang niloloob mo! Baka naghihintay lang siyang magsabi ka. Go for it, baka maunahan ka pa ng iba!
Doc, ganyan talaga ang umiibig. May kasamang agam-agam. Natural lang yan. Uminom ka ng dalawang "shot", tanggal yang kaba ng dibdib mo, sabay diga!
Mrs ko nga, nalaglag ang panty sa mabulaklak ko lang na sulat. Kaya mo yan!
(Huwag sanang mabasa ni commander 'to)
Post a Comment