Wednesday, June 24, 2009

May Kulang...

Nasa harapan ko na ang lahat... Pwede ko nang angkinin at tikman ang lahat ng gusto ko. Pero hindi ako natuwa.


Naalala ko kapag nagkakatay ang tatay ng manok noong araw, hindi na kami nag-aagawan ng mga bahagi nito kapag nailuto nang tinola. Kabisado na namin ang hatian; alam na ng bawat isa ang nauukol para sa kanya... Kay tatay napupunta ang balunbalunan, kay nanay naman ang nasa bandang puwetan, hati kami ng kapatid kong sumunod sa akin sa dalawang hita't binti, at kay bunso naman ang atay. Masaya naming pinagsasaluhan ang simpleng hapunang ito lalo na't sinasabayan pa ng kwentuhan tungkol sa mga nangyari sa bawat isa sa amin sa maghapon.



Sa totoo lang, hindi ko talaga alam noon kung ano ang lasa ng balunbalunan! Naisip ko, kapag maging tatay na ako, matitikman ko na rin yan.

Minsan, sinabi ko sa nanay na kung maaari'y hati kami sa puwet. Pero ang wika niya, "Hindi ito pwede sa mga wala pang asawang tulad mo. Sige ka, gusto mo bang hindi ka makapag-asawa? Aatrasan ka ng mga babae niyan kapag kakain ka nitong nasa bandang hulihan ng manok..." Palibhasa'y takot din akong hindi makapag-asawa kaya hindi ko na inulit pa ang kahilingang 'yon.

[Alam kong masama, pero] ...naiinggit din ako kay bunso. Nu'ng hindi pa kasi siya ipinapanganak o kumakain, sa akin napupunta ang atay. Pero dahil mabait akong kuya, ayos lang.

Buti nalang, dalawa ang hita at binti ng manok. Hindi kami nag-aagawan ni utol.

Kadalasa'y naiiwan talaga ang buong pitso at ang magkapares na mga pakpak. Itinatabi ito ng tatay para babaunin namin papuntang eskwelahan kinabukasan.


KAHIT PAGOD SAPAGKAT tatlong magkakasunod na araw nang maraming gawain sa loob ng manukan , pinilit ko pa ring magkatay ng isang manok kanina. At dahil hindi naman nababagay sa uri ng manok na 'tong gawing tinola, iniluto ko itong adobo para sa aking hapunan. Wala pang isang oras, isang napakasarap na hapunan na ang nasa aking harapan!

Kumpleto ang mga bahagi ng manok na nasa palayok kanina. May atay, may balunbalunan, may puwet... nadu'n ang paborito kong hita't binti, kasama pati pitso, mga pakpak, at dalawang 'adidas'. Naalala ko tuloy ang aming mag-anak...

Nasa harapan ko na ang lahat kanina. Pwede ko nang angkinin at tikman ang lahat ng gusto ko. Pero hindi ako natuwa. Kumpleto... ngunit may kulang!





----------
Sa lahat ng mga kaibigang sumuporta sa aking akdang The Keynote- na kalahok sa 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards, maraming, maraming salamat po.


.

35 comments:

RJ said...

nakakahomesick naman tong post mo na to pards. sarap alalahanin nung panahong sabay sabay pa kayong lahat sa pagkain ano? yung tipong nabibilaukan ka pa sa kakatawa. ibig lang sabihin na kahit nasayo na lahat, meron pa ring kulang kung hindi mo rin kasama ang mga mahal mo sa buhay.

nga pala, paborito ko naman ang pwet ng manok. hehehe.

I am Bong said...

hai. this post moved me.

"Nasa harapan ko na ang lahat kanina. Pwede ko nang angkinin at tikman ang lahat ng gusto ko. Pero hindi ako natuwa. Kumpleto... ngunit may kulang!"

Galing doc rj! I always salute to your posts...

Chyng said...

Im touched, dameng memories ng tinola at parts ng manok na yan. :D

Maus said...

pag uwi mo doc do buy whole andoks and enjoy it with your family hehehe...
ganda naman ng kwento mo ...

bertN said...

I'm sure you know that you are a good writer...if you don't, I'm telling you.

eMPi said...

ahhh... isa lang ang ibig sabihin nito... miss mo sila... :)

2ngaw said...

Homesick na naman to parekoy eh, iwas akong gumawa ng ganito pero pag di ko na talaga kaya gagawa rin ako :) ...

Okey lang yan brod, para naman sa kanila kaya ka anjan dba?

Trainer Y said...

dama ko yung lungkot mo sa kakulangan na iyong anramdaman. pasasaan ba't mapupunan ang kulang na yan... konting tiis pa...


**** natututo akong magkatay ng manok nugn nasa mlang ako.. kinukuha nila yung manok sa kabacan tas nakikitulong ako sa "pag-ihaw" nito.. ahihihihi

RJ said...

ARDYEY
Nagugustuhan ko na rin ngayon ang puwet, bro. o",)

Tama. Pwedeng mangyaring nasa atin na ang lahat pero hindi pa rin tayo masaya dahil, halimbawa, kinalimutan na natin ang mga taong nagmamahal sa atin.



I AM BONG
As always, Bong... Tinuod na ha?! U

Daghang Salamat.


CHYNG
Ano bang paborito niyong parte ng manok, Ms. Chyng?

Anong paborito niyong luto, tinola o adobo?



MAUS
'Yan ang nakalimutan kong gawin, Maus, nu'ng nagbakasyon ako last April. Next time...



BERTN
This is the best comment I have received in my blog this year!

Pangalawang blogger pa lang po kayong nagsabi niyan sa akin. Maraming Salamat po! o",)

RJ said...

MARCOPAOLO
Ganu'n ba? Huhuhuh!



LORD CM
Ito lang ang kaya kong isulat ngayon, ang nilalaman ng puso't isipan ko kasi hindi na kailangan ng research. o",) Busy kasi kami rito sa manukan, Pre!



YANAH
Hahaha! Ilonggo nga ng katay ay 'ihaw'. May mga natutunan ka du'n sa Mlang, ah. Di mo makakalimutan ang bayan namin, Yanah! U

Talagang kinakaya ko ang lahat nang ito. [Smile pa rin kahit hindi maganda ang pakiramdam. Dami rin naman kasing reasons para ngumiti.]

Salamat!

ORACLE said...

Huwaw! Favorite ko rin ang manok. Lalo na pag plain adobo lang solb na saolb na ko....

Isipin mo na lang doc ang bawat sakripisyo na ating pinagdadaan ay may kinahihinatnan. Kaya kain lang, malay mo bukas tinola naman kasama na ang buong bayan... Ingat! :)

I am Bong said...

tinuod gyud na doc. you're one of the bloggers that i look up. u always put a heart in your posts. and i love your style of writing.

tinuod kaayo.

BlogusVox said...

Kung iisipin mo, kahit nasa harap ka ng masasarap na pagkain pero nag-iisa kang kumakain, parang matabang, ano?

Well written, Doc.

Somnolent Dyarista said...

Hello, napadaan lang po ako!!!

nakakalungkot nga namang isipin subalit totoo na wala ng mas sasarap pa kung kapiling mo SILA.

Nakakatuwa, napadpad ako sa sulok na ito.

salamat sa iyong makabagong pluma naunawaan ko ang kahalagahan ng pamilya.

hmmm... studyante ako sa isang paaralan dito sa Maynila.

tulad ng nakararami sa aming klase, nagmula rin ako sa isang probinsya. nangarap at nanaginip na sa isang banda ng aking hinaharap ay maitutuwid ang baluktot naming pamumuhay.


palibhasa'y malakas ang loob, di ko talaga alintana ang pagkawalay ko sa aking pamilya.

but thru this post, i realized that things come and go, but there is a certain bind that will always be looked at, and it called "FAMILY Ties."

pamatayhomesick said...

pards..mukhang malalim ang iniisip mo...mahusay ang pagkakasaad!

RedLan said...

Hay sobrang ganda, saludo ako sa post na 'to. ganda!

Pitso ang pinapakain sa akin ng nanay ko nun. Ayaw niya ako kumain ng atay at ibang part ng manok. yung kid ko naman utak ang paborito.

naalala ko tuloy ang chicken hatian nun thru this post. salamat sa pagshare.

RJ said...

ORACLE
o",) Talagang buong bayan, ha. Mas gusto ko buong blogosphere! U

Salamat...



I AM BONG
Thanks! (,"o



BLOGUSVOX
Oo nga po. Dinamihan ko nga ng toyo kahapon then nilagyan ng maraming chili powder para magkalasa. Totoo po 'yan.

Thanks!



SOMNOLENT DYARISTA
Welcome sa The Chook-minder's Quill! U

Nu'ng nasa Luzon pa ako nagtatrabaho, SD (Somnolent Dyarista), parang hindi ko rin ramdam ang pagkawalay... Pero nagbago ang lahat simula nu'ng napadpad ako rito sa Australia.

Good luck sa pag-aaral mo. Dadalawin kita sa iyong blog.



EVERLITO (EVER) VILLACRUZ
Hindi ko po kasi kayang ipinta, hindi ko rin maidadaan ang lahat ng ito sa arnis, karate at taekwondo, kaya isinulat ko nalang po lahat. o",)

Ayos na ayos po ang video niyo sa post niyong 'Walang Praktis'. U



REDLAN
So, naging paborito mo na rin ang breast, Red, hanggang ngayon?

Naalala ko, Red, ang post kong 'Foreigner' ay nagustuhan mo rin. Pangalawa na 'to. Maraming Salamat! U

The Pope said...

Kumpleto na, pero may kulang...

Sa bawa't buhay na nilikha ng Maykapal, sinadya nyang hindi ito kumpleto upang matutunan natin na sa bawa't kakulangan nito'y makita natin ang kadakilaan ni Kristo, na sa pagtatagumpay kailangan ng pagsasakripisyo at pag-aalay ng sarili sa pamamagitan ng pagharap sa bawa't hamon ng buhay.

God bless you.

God bless you kaibigan.

Anonymous said...

bigla rin tuloy akong na-homesick. :( Yung pagkain sabay kuwentuhan kasama ng pamilya ang isa sa mga pinaka-na-miss ko nang umalis ako ng Pilipinas.

well-written post. ang galing :)

RJ said...

THE POPE
Wow! Salamat po sa mga sinabi niyo. U



MOONSPARKS
Welcome sa The Chook-minder's Quill, Moonsparks!

Buti nagustuhan mo ito. Salamat. Dadalawin kita sa blog mo.

lucas said...

hays... i feel your longing for your family. the distance really sucks, but the again, fate will happen to better things with you and your family...

mulong said...

wala akong maisulat...iba eh

dun na lang ako sa mga bahagi ng manok...

ayoko ng atay, masarap ang balun balunan pero paborito ko ang pakpak

kung pulutan, yung pwet ang da best! may tinda na nga ganuon sa mga bar ngayon eh!

Anonymous said...

Hindi yata ako magsasawang kumain ng manok, pero sa lahat ng parte, isa lang ang iniiwasan ko -- balunbalunan.
Oo... kahit napakasarap na ng pagkain, iba ring pampagana ang may kasalo, lalo na kung dati mo nang kasa-kasama.

KRIS JASPER said...

RJ!!!!!

parang nawala comment ko? hmmm...

RJ said...

LUCAS
Hopefully...



MULONG
Masarap nga ang pakpak pero maraming fat dahil sa balat. Pero kumakain pa rin ako nito. Laki na nga ng tiyan ko ngayon. Huh!

Kahit panggabi ang pasok niyo, updated pa rin kayo sa mga bars (tuwing weekends kayo pumupunta?).



HOMEBODYHUBBY
Bakit niyo po iniiwasan ang balunbalunan?!

Nu'ng umuwi nga ako one time sa amin, talagang nanibago po akong kumain sa hapag na kasama ang buong pamilya! Simula kasi 2001 (start ng adventures ko sa Luzon) hanggang ngayon, madalas, mag-isa lang akong kumakain.



KRIS JASPER
Hahaha! Napunta dun sa previous post ko ang comment mo KJ. Dun mo ipinasok. Tingnan mo. o",)

A-Z-3-L said...

ayun.. na-homesick naman ako kase manok na naman ang topic mo...

naalala ko samen... kapag walang ibang ulam, MANOK sigurado ang alternative...

nakaka-miss ang tinola lalo na kung native chicken...

pero ang mas nakaka-kamiss eh ung agawan ng part ng manok... hanggang sa matira sayo eh sabaw na lang! lolz!

Somnolent Dyarista said...

hehehe...


salamaT sa goodluck!!!




ukey na uliy blog ko! may mga post na ulit!

manilenya said...

Ang lungkot ano? ako kahit na limang taon ng hindi kapiling yung pamilya, dumarating at dumarating yung panahon na bigla na lang akong maiiyak, minsan iniisip ko sana di na lang ako lumaki para hindi ko kailangang lumayo para magtrabaho sa ibangn bansa, para lagi na lang kaming magkakasama.

teka pwede kang magkatay ng mga alaga mong manok?

lucas said...

hi, RJ! napadaan lang ulit! :)

RJ said...

AZEL
Tiyak marami nga kayong alagang native chicken sa Tiaong. U



SOMNOLENT DYARISTA
Sige, dadalaw ako kapag magkaroon ng sapat na panahon, SD.



MANILENYA
Tagal niyo na palang hindi nakapagbakasyon sa Philippines! Kailan plano niyo? Sa PEBA Awarding sa December?

Yes, pwede... Ssshhh!



LUCAS
Okay. Kumusta ang lolo mo?

Dear Hiraya said...

kuya... kumusta! ngayon lang ulit ako nakapagblog hop hehehe...

may mga ganyang alalala talaga lalo nat nasa malayong lugar ka.. yung mga nakasanayan mong gawi noong kapiling mo pa ang mga kapamilya mo, hinahanap mo kapag malayo ka na sa kanila.. sa pagkakataong ito, hindi talaga sasapat na kumpleto nga ang manok sa harapan mo pero wala ka namang kahati gaya nang nakasanayan mo na...

Sardonyx said...

Doc RJ namiss ko na ang blog mo, mukhang madrama yata ang post mong ito pero nakakaantig ng damdamin. Homesick ka na naman hehehe. Ako nga ilang araw palang nakakaalis sa Pinas parang gusto ko uling bumalik hehehe. Next time wag ka nang magluto ng isang buong manok, pagtiyagaan mo na lang ang atay hehehe.

RJ said...

FJORDAN ALLEGO
Long time no 'see' ah! Kumusta? Ako, gaining weight kahit napakaraming trabaho rito sa manukan.

Naranasan mo na ba ang ganito, Fjordz?



SARDONYX
Mas madali kasing magsulat kapag medyo nalulungkot ako kaya siguro madrama palagi ang nakasulat dito.

Kumusta ang bakasyon niyo sa Pilipinas?

Ganu'n ba sa tingin niyo ang solusyon para iwas 'homesick'? U

David Edward said...

kuya, okay lang yan.. hehehe.. ganyan talaga paminsan minsan.. atsaka di ba, we need to grow as a person at ung mga meron tau dati ala ala na lang na babaunin natin para sa bukas.. at least meron kang happy memories.. :)

Roland said...

na-homesick bigla?! haha

sa amin naman, inis na inis ako pag bangus ang ulam dahil tulad sa inyo alam na ang hatian... palaging buntot ang napupunta sa ken... minsan nagrereklamo ako, gusto ko ring makakain ng ulo o kahit katawan man lang... sabi ng nanay, pag may trabaho kana, makakatikim ka din nyan.