Sunday, June 7, 2009

HR 1109, RA 9189 at YR. 2010


P
ipilitin niyang magmaneho ng 14 na oras at 16 na minuto galing Adelaide papuntang Canberra KUNG mayroong Absentee Voting registration sa Philippine Embassy para sa isang plebisitong mangangalap ng kasagutan kung sasang-ayon ba ang mga Pilipinong botante sa Con Ass o hindi.

Handa rin siyang gumastos kaagad ngayon ng halagang Au$900 para sa balikang pamasahe sa eroplano mula Adelaide patungong Canberra kung kinakailangang makahabol siya sa Absentee Voting registration para lamang maidaan niya sa kapangyarihan ng balota ang kanyang pagtutol sa Con Ass!

Kaya lang hindi na rin lubos ang kanyang tiwala ngayon sa kapangyarihan ng isang balota sapagkat minsan nang napatunayang mas makapangyarihan ang mga katagang "Hello Garci...". Ang mga kataga ring ito ang nagdadagdag sa kanyang malaking pagdududa na maging mas maayos ang botohan, mas mabilis ang bilangan at mas ligtas ang kanyang boto kapag idinaan ito sa computerized election. Para sa kanya hindi naman mahalaga kung manual o computerized ang magaganap na botohan at bilangan, ang pinakamahalaga ay 'yong walang dayaan!

Nakasaad sa HR 1109 na hindi naman palalawigin ang panunungkulan ng mga nasa posisyon ngayon; at siguradong may halalan naman daw na magaganap sa 2010.

"Hindi nga pahahabain ang termino ng mga nasa katungkulan ngayon pero baka papayagan naman silang tumakbo sa darating na 2010 election kahit na panghuling termino na dapat nila ngayon base sa kasalukuyang konstitusyon," naisip niya.

Bago siya tutugon sa napakalakas na panawagan ngayon ng Republic Act 9189- ang Overseas Absentee Voting Act of 2003, nais niya munang malaman ang kahihinatnan nitong Con Ass na 'to.

...sa bagay, mayroon pa naman siyang nalalabing 85 araw para makapagdesisyon.






-----------------------------
Sa lahat ng mga kaibigang sumuporta sa aking akdang The Keynote- na kalahok sa 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards, maraming, maraming salamat po.

26 comments:

Kosa said...

iba talaga magmahal sa bayan ang isang OFW..
mabuhay ka doc!

NJ said...

Doc RJ, Your post is very well-timed especially that the deadline for OAV registration is just around the bend. We need to encourage all other fellow OFWs to take part in this endeavor to let our voices be heard.

I'm luckier than you are as I don't have to spend for a plane ride or drive long hours just to register at the Philippine Embassy/Consulate. Anyway, such constraint should not hinder us from registering.

Don't be discouraged. Don't wait for the 85 days to make decision. Exercise your right to suffrage. Register and vote! Bahala na kung anong resulta. Di naman natutulog ang Diyos eh...

A-Z-3-L said...

salamat ay may mabuti at maprinsipyong OFW na kagaya mo.

salamat at patuloy mong iniisip at hinihimay ang maidudulot ng plebisito... o maging ng eleksyon sa 2010.

salamat sa patuloy mong pagiging makabayang Pilipino.

Ang isang tinig, kapag pinarami... hindi na isa.. madami na. at baka mayanig pa ang mundo pag pinag-sabay-sabay pa! hehehehehe!

Ken said...

When I read your post that you're silently protesting, I ponder myself.

When I read your post today about "HR 1109, RA 9189 at YR. 2010"

the CON-ASS, the OAV, and the 2010 Election, you moved me too.

We as OFW, and Bloggers can unite about this too. Why don't we ask Azel to make a Badge about it, and in a spirit of solidarity post one time our stand regarding this.

NJ? CM? RJ? Your say?

KRIS JASPER said...

Dapat magkaroon ng age limit yung mga congressman at senador. Yung iba kasi eh may alzheimers na pero kapit tuko pa rin.

RJ said...

KOSA
Mabuhay ka rin, bro! o",)



NJ
That's my major concern here, Canberra is very far from Adelaide. Whew!

O nga po, HINDI talaga natutulog ang Diyos.



AZEL
Pakiramdam ko parang nagiging extension ng Mendiola itong blogosperyo ngayon, Azel? Tingin mo?



MR. THOUGHTSKOTO
Parang gusto ko nga sanang humingi ng copy nung badge na inilabas ng Desert Aquaforce eh, hindi pa ako nakapagpaalam kay Tito NJ.



KRIS JASPER
Hahaha! Medyo funny ang pagkasabi mo KJ pero totoo talaga 'yan.

Huhmn, pwedeng isali 'yan sa gagawing bagong konstitusyon- ang magkaroon ng age limit sa Congress at Senate.

BlogusVox said...

Ngayon, alam mo na kung bakit nagpuputok ang butse ko sa babaeng yan! Masahol pa yan doon sa dating diktador. At least ang diktador alam kung hindi na sya kailangan ng taong bayan. Eh siya, kapit-toko sa pwesto, kung kailangang dayain ng harap-harapan ang botohan, gagawin.

poging (ilo)CANO said...

eleksiyon na naman..

kanya kanyang disarte na naman para makaupo sa trono ng kayamanan..hehe

dehins ko pa na-try bomoto...

Sardonyx said...

Doc RJ, basta may pamasahe ka at may tyaga kang magmaneho ng 14 oras, bumoto ka, pero kung wala kang tiwala sa kapangyarihan ng balota, naiintindihan din kita :-) kahit siguro ako baka manghinayang sa sakripisyong paglalaanan mo kung ang kapalit naman ay walang pagbabago sa ating bansa.

RJ said...

BLOGUSVOX
Opo. =,{



POGING (ILO)CANO
Subukan mo Pogi, kahit minsan lang. Ako isang beses pa lang bumoto, noong 1998 Presidential Election. Hindi nanalo ang ibinoto ko.



SARDONYX
Pinag-iisipan ko pa rin hanggang ngayon kung magpapa-register ako para sa Overseas Absentee Voting...

Anonymous said...

Ako nuon, mamamasahe lang ng minimum fare sa dyip para bumoto. Sa 2010, bababa lang ng building at maglalakad ng kaunti dahil nagpalipat na ako ng precinct sa malapit-lapit. Pero nakakadismaya pa rin kung ginagay-un-gay-un lang ang resulta!

Chubskulit Rose said...

Hahaha Kakatawa naman si jasper, may alzheimer's na pala hehehe... kakapagod ang pulitika sa atin noh..

RJ said...

HOMEBODYHUBBY
Napakadali pala para sa inyong bumoto! Sa mga presidentiables po ngayon, sino ang nais niyong iboto? o",)



CHUBSKULIT
Talagang nakaagaw ng inyong pansin ang comment ni Kris Jasper, ah! Hahaha! U

Anonymous said...

Pero at least hindi mo masasabi sa sarili mo na wala kang ginawa. Hopeless mang isipin pero dapat hopeful pa rin tayo palagi kahit pa nga sa tingin nating lahat ay wala ng pag-asa ang Pinas. Naniniwala kasi ako RJ na makakaahon din ang Pinas. Ito ay sa pamamagitan ng boto mo...

The Pope said...

I am inspired by your post, kaya't hindi na rin ako nag-aksaya ng panahon, I am NO TO 'CON-ASS' too.

A blessed Monday to you bro.

rdaconcepts said...

Ang Buwaya...baw!

Ang Buwaya... may asawang buwaya.
Ang Buwaya... may anak na buwaya.
Ang Buwaya... may kapatid na buwaya.

Ang Buwaya...baw!

abe mulong caracas said...

dahil sa mga nangyari na at patuloy na nangyayari pa sa sistema ng pamamahala sa bansa natin, hindi kita masisisi kung sabihin mo mang hindi lubos ang iyong tiwala sa kapangyarihan ng isang balota.

buti nga ikaw, hindi lang lubos ang tiwala. ang iba nga wala na talagang tiwala.

kung sakali mang 20% na lang ang natitirang tiwala, wag mo lang bibitawan yung 205 iyun!

RJ said...

ISLADENEBZ
o",) Talagang may tiwala pa rin kayo ha, sige po try ko talagang makarating at magpa-register sa Canberra. Whew! U



THE POPE
Ako palagi rin pong nai-inspire sa mga posts niyo. Maraming salamat! U



RDACONCEPTS
Napakamakata mo rin Rej, ha. U



ABE MULONG CARACAS
Opo, hindi pa naman ako naubusan ng tiwala sa Philippine ballots... Okay po.

Kayo po handa na bang bumoto sa darating na 2010 elections? Sino sa mga presidentiables ngayon ang malakas sa inyo?

rdaconcepts said...

at siyempre...

Ang Buwaya...galit sa kapwa buwaya!
hehehe!

I, for no conAss!

Reena said...

i'm not for conass too! go out and vote doc against conass. they never asked the public regarding that. and they disregarded the senate pa. we must do all our share in keeping the constitution.

Anonymous said...

Mabuhay ka Doc RJ.
Thank God there are people like you who (still) believe in democracy and hope. We need to keep the fire burning. Stand to what we believe is right and for the good of the many.
Thanks for visiting my blog.
NO TO CON-ASS!

RJ said...

RDACONCEPTS
Loud and clear, Rej!



REENA
Hinahanap ko nga ang post mo tungkol sa usaping ito, Reena. U



DOCGELO
Hanga ako du'n sa post mo bilang pagtutol sa COn Ass, Doc.

manilenya said...

Hindi nga hahayaan ang kasalukuyang nakaupo na tumakbo sa 2010 pero sa laki ng porsyento ng mga kasama niya sa pulitika tiyak kung sakaling mabago ang konstitusyon, wala pa ring mababago sa takbo ng pulitika,ekonomiya at panlipunang kalagayan ng pinas kaya tayo NO TO CON ASS pa rin.

pamatayhomesick said...

naku..kahit pilitin ko ang sarili ko na wag makialam...kailangan parin makialam ako..nakataya ang future ng bayan dito...

pamatayhomesick said...

musta na dok?..tagal kong di nakapasyal dito.:)

RJ said...

EVERLITO (EVER) VILLACRUZ
Ayan, very good po kayo. May ipininta po ba kayong nagpapakita ng pagtutol niyo sa Con Ass?

Ayos naman po ako, medyo natatakot mamasyal sa city, ayaw kasing magka-swine flu.