PAUNAWA: Ang tagpo at mga tauhan sa lathalaing ito ay kathang-isip lamang, anumang pagkakatulad sa mga pangyayari ng tunay na buhay ay sadyang nagkataon lamang.
ANG NAKARAAN:
(I) Ang Panauhing Pandangal (a prologue...)
(II) The Keynote... (an official entry to the 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards)
"...my friends and fellow 'netizens' of the web, the things I’ve just enumerated to you are only few, yet significant examples that show how Filipino expatriates and overseas workers sparkle like pieces of diamonds spangled around the globe! Believe me, you—yourselves, are our invaluable gift to the whole world!"
Habang patuloy na nagtatalumpati ang panauhing pandangal, nakaupo sa isang sulok ng entablado sina G. Sanggalang at Bb. Bautista- na siyang mga guro ng palatuntunan sa gabi ng pagpaparangal ng PEBA 2009 sa Manila Hotel.
"...with this, I encourage you to continue your acts of heroism not just within the pages of your powerful and influential blogs, but also in the foreign land where you’re working right now!"
Standing ovation ang lahat ng mga blogerong nakikinig sa loob ng Fiesta Pavilion, samantalang nagsisigawan at nagpalakpakan naman ang lahat ng mga Pilipinong blogero sa iba't-ibang panig ng mundong nakatutok- live sa kani-kanilang computer.
Subalit habang abala ang lahat sa pakikinig sa talumpati ng espesyal na panauhin, napansin ni G. Sanggalang na may isang tao sa likurang nakatakip ang ilong at bibig gamit ang N95 mask. Kakaiba ang dating ng lalaking ito dahil sa lahat ng mga dumalo tanging siya lamang ang nakasuot ng Amerikana't korbata, ang lahat ay naka-barong... Hindi mapakali ang malaking mama... umiikot ang mata sa buong silid na animoy naghahanap ng mga lagusan palabas ng pavilion...
"Siguro'y naiihi, o..."naibulong ni G. Sanggalang sa kanyang sarili.
"...in your simplest way, spread the best news, promote goodwill, create and nurture friendship, reach out and inspire every Global Filipino—blogger or non-blogger—with your brilliant and lovely words!"
Bumahing, at biglang umubo ang keynote speaker!
Kinabahan ang lahat ng mga nasa loob ng Fiesta Pavilion! Kasalukuyan pa rin kasing nakataas ang alert level ng pandaigdigang karamdaman- ang swine flu, sa phase 6. Kaya kanya-kanyang dukot sila ng kanilang N95 mask- nakapaloob sa hand bag ang sa mga babae, at nasa bulsa naman ng kanilang pantalon ang sa mga lalaki.
Matapos linisin ang lalamunan, nagpatuloy ang mananalaumpati, "...I know you can do this, that's why I have decided to step out of this eminent throne in the Philippine government come June next year; of course after the much-awaited May 2010 elections..."
Nakasuot na ang lahat ng N95 mask maliban kina Bb. Bautista at G. Sanggalang. Mula sa isang sulok na kinauupuan ng dalawa, kitang-kita nilang biglang itinutok ng malaking mamang naka-Amerikana ang hawak nitong M1911 sa panauhing pandangal!
"Congratulations to all the PEBA Winners; isang Maligayang Pasko sa ating lahat, at mabuhay ang PEBA!"
Biglang narinig ang isang kakaibang tunog- kasintunog ito ng tumalsik na higanteng tapon mula sa higanteng bote ng champagne! Sa isang kisap-mata, bumulagta sa entablado ang panauhing pandangal!
Kitang-kita ni Bb. Bautista na biglang hinubad ng malaking mama ang suot nitong Amerikana't korbata. Ngayong naiwang suot nito ang kanyang barong-Tagalog, bigla itong nawala sa paningin, mahirap nang hagilapin sa gitna ng mga natutulang mga blogero't blogera.
Itutuloy...
----------
Sa lahat ng mga kaibigang sumuporta aking akdang The Keynote- na kalahok sa 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards, maraming, maraming salamat po.
No comments:
Post a Comment