PAUNAWA: Ang tagpo at mga tauhan sa lathalaing ito ay kathang-isip lamang, anumang pagkakatulad sa mga pangyayari ng tunay na buhay ay sadyang nagkataon lamang.
Ika-18 ng Disyembre 2009, alas sais y media ng gabi sa Pilipinas. Malamig ang simoy ng hangin, at maagang dumilim ngayong Biyernes...
Lulan ng mga magagarang sasakyan, isa-isang nagsisidatingan sa tapat ng lobby ng Manila Hotel ang mga blogerong OFW at Filipino expatriates. Suot ng mga kalalakihan ang kanilang barong-Tagalog habang kapansin-pansin naman ang mga naggagandahang kababaihan sa kanilang suot na gown. Isa-isa silang binibigyang-pugay ng mga tanod ng hotel at ginabayan patungo sa silid na pagdadausan ng pagtitipon.
Isang napakalaking palatuntunan ang magaganap sa Fiesta Pavilion. Kikilalanin at paparangalan ang mga nanalo sa 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards na may temang "Pinoy Expats/OFW: Pag-asa ng Bayan, Handog sa Mundo".
Kumpleto ang lahat ng bumubuo ng PEBA, Inc., at dinaluhan ito ng mga piling panauhin mula sa dalawang pangunahing media ng bansa, at ng mga kilalang taong galing sa mga ahensiya ng pamahalaang may direktang kaugnayan sa mga Global Filipinos.
Maginaw rin sa loob ng pavilion dahil sa simoy na nanggagaling sa airconditioning unit ng hotel. Maririnig ang mga mahihinang tawanan ng mga taong nagbubulungan na sinasabayan naman ng kalansing ng mga kubyertos, subalit nangingibabaw pa rin ang kaaya-ayang tunog ng musikang jazz.
Pagkaraan ng tatlong minuto, sinimulan na ang pinakahihintay na programa...
KAPANSIN-PANSIN ANG sorpresang panauhin at mananalita. Hindi ito nagpakita sa madla hanggang siya'y ipinakilala at tinawag ng mga guro ng palatuntunang sina Bb. Reanna Marie Bautista at G. Jerald Kim Sanggalang.
Espesyal ang damit na suot ng panauhing pandangal! Siya'y nababalot ng isang mahabang Filipinianang gawa sa pinyang idinesenyo pa ni Redlan- isang kilalang blogerong mahusay sa sining. Kulay asul ang kalahati ng makintab na tela, at kulay pula naman ang nalalabing kalahati nito. Kapag natatamaan ng ilaw ang nasa bahaging dibdib ng damit, makikitang may hugis tatsulok na kulay puti na mayroong tatlong bituin at isang araw na kulay dilaw!
Nagniningning din ang isang maliit na pilak na nakasabit sa kaliwang dibdib ng magandang panauhin. Kapag sa malapitan, mapapansing ang palamuting ito ay hugis-paruparu, gawa sa napakakapal na materyales na kinulayan din ng pula, puti at saka bughaw. Napansin ni Bb. Bautista ang palamuting ito, at nasabi niyang balang araw sana'y magkaroon din siya nito.
Ngayong nasa entablado na ang espesyal na panauhin, nahahalatang medyo kulang siya sa tangkad! ...at kahit na sa malayo halatang-halata ang malaking nunal nito sa kanyang kaliwang pisngi, at ang dalawang ngipin n'ya sa harapang medyo may kalakihan.
Hindi pa niya naibuka ang kanyang bibig para simulan ang kanyang maikling pananalita ay nagpalakpakan na ang madla. [Ang 'talumpati' ng panauhing pandangal ay nominado sa Pinoy Expats/OFW Blog Awards 2009. Nandito ang kabuuan ng kanyang napakaikling pananalita- The Keynote...]
28 comments:
dapat siguro maglagay na rin ako ng paunawa para hindi nalilito yung mga readers kung fiction o hindi yung gawa ko. hehe!
sa Dec 18 pala ito. kasama ka? hmmm...
---
mysterious ba? hehe! salamat sa laging pagbisita, RJ :)
LUCAS
Hindi, whew! Hahaha! Fiction nga eh. Gawa-gawa ko lang ang 'intro' na ito para sa PEBA entry ko. Style, 'ika nga.
Nasa post kong 'The Keynote...' ang pinaka-cream ng kwentong ito.
ayos na ayos doc.
uwi ka ulit sa december para makita mo si Ms. Nunal...siya ang mag-aabot ng award mo..hehehe
RJ, the fortune teller?
akalain mong kathang isip pala yun?
at ang mga pangalan nagkataon lang hehehe!
galing! kaboboto ko lang dre!
anak nang....
muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko sa aking nabasa..lols
Ahehe, ‘to pala yun... Hindi ba dentures yung incisors?
Kenji..binabawi ko na ung entry ko sa PEBA!!!Di na ako sasali!!! lolzz
POGING (ILO)CANO
Hahaha! Sige, uuwi ulit ako, manalo man o matalo... makita lang si Ms. Nunal! U
KRIS JASPER
Pacensya ka na KJ, nabasa mo na ito, binago ko lang ng kaunti. Kinuha ko ang bahaging ito sa main entry ko kasi napakahaba na nu'ng 'The Keynote'.
Huh! Ayaw kong maging manghuhula.
ABE MULONG CARACAS
Yes, tama, kathang-isip lamang. U Hahaha!
Salamat sa boto, salamat sa pagsuporta sa PEBA.
KOSA
Mahulog? Bakit naman?!
Sana ayos lang itong ginawa ko sa iyo, bro. Hindi na ako nagpaalam.
HOMEBODYHUBBY
Yes, ito po 'yong sinasabi ko.
Ang DENTURE po ay artificial teeth di ba? Ang mga INCISORS naman po ay bahagi ng 'dentition'.
LORD CM
Whew! para dito ba itong comment mo, Pre?!
Huwag mong bawiin, kakaiba 'yon. Inspirational.
Kasali po pala kayo sa contest. Good luck po! May botohan po bang magaganap? Makakatulong po ako. :)
isa lang ang masasabi ko doc, HINDI KO KINAYA yung nabasa ko lol
hahahaha...
i guess alam mo na yun...
no further comment your honor!
parang kilala ko yan ha. no?, no? hehehe
Hmp! Hindi na ako a-attend kung sya lang naman ang panauhing pandangal. Ang mundo ng blog ay isang lugar na ang karapatan mong mag-isip at lumikha ay walang tanikalang naka pulopot. Walang puwang para sa mga taong katulad nya.
Maihalintulad ito sa isang "Science Convention" na ang "speaker" ay ang santo papa.
bakit aprang nawala ung comment ko?
hmmm
wala akong ibang nasabi dun sa unang comment ko kundi...
HINDI KO KINAYA yung nabasa ko..
hahahaha... alam mo na yun...
ahihihihihi
yun lang poh..
gudlak!
ROBNUGID14
Yes, kasali ang aking entry na pinamagatang 'The Keynote...'. Salamat sa wishes!
Yes, may botohan. Kung mapapansin mo, sa pinakahuling bahagi ng 'The Keynote...' nilagyan ko ng LINK. Click mo lang 'yon para makarating sa presinto, okay? U
YANAH
Sorry talaga, hindi na ako nagpaalam. Pero hindi naman kita ipinahamak, eh. Ayos naman, di ba?! Hahaha! o",)
REDLAN
Parang siya nga, Red.
Pwede ko bang gamitin ang name mo rito? Gusto ko kasing lagyan ng name ang designer. Magaling ka kasi sa art, kaya ikaw ang naisip ko. Ayos lang ba?
BLOGUSVOX
Whew! Kuya Blogusvox naman. Pero tama nga kayo...
Nabasa niyo po ba ang talumpati niya (The Keynote... post ko)? Bababa na raw po siya sa pwesto kaya siguro mapapanatag na po kayo niyan. Peace. U
YANAH
(ulit!)
Yes, moderated na muna.
Salamat.
ahihihihihi
okidoks doc!
nagulat lang ako...
hekshuli, dapat bukas pa ko magbabasa pero chinika saken sa YM ni kuya kenj ahahaha
na-atat tuloy ako at nagbasa.. hahahaha
baket may salaan na dito?
ahihihihihi
RJ, pasensya na, pero hanggang hindi ko nakikitang lumayas sa palasyo yan, ituturing ko paring isang malaking "question mark" ang pinagsasabi nya.
Ilang beses na bang nagsalita ng patapos sa publiko ang babaeng yan na walang kakurap-kurap pagkatapos ay hindi nya tinupad.
Hahaha... doc RJ, hinahanap ko kung magkano ang rate sa Fiesta Pav ng Manila Hotel. Babayaran ata ng mga Senador sa kanilang kinita sa DVD sales ng KH-HK Video Scandals...
YANAH
MAy mga pumapasok kasing comment kung minsang pumapasok na medyo... Buti nang ma-moderate. U
BLOGUSVOX
Whew! o",) Relax po...
DESERT AQUAFORCE
Ganu'n po ba?! Huhmn... sana may isang senador na mag-sponsor ng PEBA, 'yon bang siya ang magbabayad na function sa Fiesta Pavilion. Hahaha! o",)
You're sooo inventive.
Kapag nagsawa ka na sa pag-aalaga ng manok sa Australia, bakit hindi mo kaya pasukin ang larangan ng pagdidisenyo ng damit?
"Kapag natatamaan ng ilaw ang nasa bahaging dibdib ng damit..."
Luminous?!
Hindi ko ma-imagine kung paano pero I'm sure, mako-conceptualize mo. Sa imagination ko kasi, ang ganda-ganda ng gown na ito...no kidding.
ISLADENEBZ
Hahaha! Ayan! HINDI ko po kaya ang magdisenyo ang mga damit. Kapag magsawa na po ako sa pag-aalaga ng mga manok dito sa Australia, susubukan ko na naman pong mag-alaga ng mga ginagatasang baka. U Dairying naman.
Talagang pinaghihirapan niyong isipin ang damit ng panauhing pandangal ha. o",) hahaha!
sURE, IT'S MY PLEASURE. uy caps lock. obviously nasa work ako habang nagba-blog. lol.
inalis ko pala yung email add ko kasi daming spam, yun ba yung they informed you na nanalo ka or mag-clainm ka ng naiwang pera ng namatay. on going yun para sa blogsary ko. counted ka dun.
akala ko totoo na. hehehe. pero mas masaya nga siguro kung puro OFW bloggers lang ang magtitipon tipon at magpapasimuno. kapag may mga pulitiko, gaya ni blogusvox, wala na akong kaamor-amor.
uy special mention ako. salamat ng marami. talagang napakalawak at creative ng imahinasyon mo. goodluck kay Ms. Nunal noh.
sana pala sa pagbuka ng bibig ni madame nunal para mag umpisa ng talumpati ay hindi na tinapos ng mga bloggers ang palakpakan para hindi na siya nakapagtalumpati pa hahaha...pero di pala pwede, yun nga pala ang blog entry mo hahaha, pasensiya na, nadala lang kasi ako ng iyong fictional na kwento akala ko si GMA na talaga siya hehehe....galing mo doc RJ gusto ko mga descriptions mo talaga, I can't wait to read your next post
ARDYEY
Huhmn, ganu'n ba? Parang gudto kong baguhin ang kwento ah, palitan ko ang plot para dadalo ka rin sa PEBA Awarding, bro. hahaha!
MISSY
Ang talumpati ni Madamme Nunal ay nasa previous post ko: THE KEYNOTE ang pamagat nito. Sana magustuhan mo rin. U
Very well written! Thanks for sharing your witty thoughts :)
galing naman
wala akong masabi
Post a Comment