Sunday, May 17, 2009

H0M3 (51CK N355) Flu


Ubo at pamamaga ng nalalamunan nalang ang kulang sa akin para makumpleto ko ang aking listahan ng mga sintomas habang inu-obserbahan ko ang aking sarili para sa kinatatakutang Swine Flu. Nababahala kasi ako dahil n'ung ako'y nagbiyahe galing Pilipinas pabalik dito sa Australia (April 28-30, 2009), nasa kasagsagan ng balitang nagkakaroon ng A H1N1 outbreak sa Mexico; at patuloy pa itong kumakalat sa buong mundo.


PAKIRAMDAM KO NGAYON, ako'y palaging pagod. Nananakit ang aking mga kalamnan at mga kasukasuan. Ako'y giniginaw. Parang ako'y nilalagnat. Sumasakit ang aking ulo. Ang sarap mahiga at matulog...

Naisip ko, baka dala lang ito ng napakarami kong mga gawain at responsibilidad dito sa manukan dahil kasalukuyang nagbabakasyon ang aming farm manager. Nasa huling bahagi na rin ngayon ng panahon ng tag-lagas dito sa katimugang bahagi ng mundo, at magsisimula na ang panahon ng tag-lamig sa darating na Hunyo hanggang Agosto. Madalas lumilipad ang aking isipan doon sa Pilipinas, at sa aking mga mahal-sa-buhay na nandu'n.



Unti-unti kong natutuklasan na ang homesickness [H0M3 (51CK N355) Flu]- kahit walang katapat na salita sa wikang Filipino, tinatamaan pa rin nito ang mga Pilipinong wala sa sariling bayan, tulad ko... Isang epidemyang halos magkapareho ang mga sintomas sa swine flu! Ang masakit lang, kahit na nagsuot pa ako ng N95 facial mask noong ako'y nagbiyahe pabalik dito sa Australia, matatamaan at matatamaan pa rin ako ng 'kakaibang karamdamang' ito. Isang karamdamang kapag tumama, kahit na Oseltamivir at Zanamivir ay hindi mabisang pamuksa.





Ang mga katagang 'bird flu' ay halos kapareho lang ng 'swine flu', dahil ito ay sanhi pa rin ng influenza virus na tumatama naman sa mga ibon, kasama siyempre ang aking mga alagang manok.

Kung ang Influenza A (H1N1) ay ang siyang delikado kapag 'swine flu' ang pag-uusapan, Influenza A (H5N1) naman ang katapat nito sa 'bird flu'.


33 comments:

A-Z-3-L said...

first na uwi mo ba un?

kase sabi pagbalik sa mula sa unang bakasyon ang pinakamasakit... kakahomesick lalo...

nung una kase excited tayo sa pupuntahan kaya di natin naiisip na lalayo tayo.. pero ngayon... alam na natin ang itsura ng babalikan natin kaya pagdating, TULALA tayo... lilipas din yan doc.

kaya mo yan!

Ken said...

i get it na, hehehe HOMESICKNESS,

keep yourself busy, kagaya ng sabi ko. Ive been to that stage, pero as you immerse yourself sa work, and as you keep yourself busy sa mga worthy cause, maforforget mo sia, este, sila.

The Pope said...

Yan ang pinakamalalang epidemic, walang pinipiling oras, araw at panahon, di sya nakikita, pero nararamdaman.

Ang mga senyales ay pagkalungkot, paglha ng walang dahilan at tila pagkabago.

Walang gamot kundi tibay ng dibdib at panalangin. At lagi mong iisipin na may mga umaasa sa iyo.

A blessed day to you Doc RJ, thanks for sharing this posr.

poging (ilo)CANO said...

homesickness? jan ako lagi naiinis...huhuhuhu..

gusto ko ng umuwiiiiiiiiiiiiii...(december)..hehehehe

RJ said...

AZEL
Yes, unang uwi ko ito Azel galing ibang bansa, pero 6 years na akong nagtatrabaho sa Luzon bago ako nakarating dito. Akala ko sanay na ako sa 'feelings' na ganu'n.

Parang nakuha mo, hindi naman ako nalungkot nu'ng paalis ako sa amin, pero natulala talaga ako nu'ng makarating na ako rito sa tinitirhan ko sa S.A..



MR. THOUGHTSKOTO
Yes, hahaha! Ganyan ang resulta ng walang magawa, kung anu-ano ang naiisip kong gawin. Pwede ka nang Robert Langdon, nababasa mo ang mga symbols.

Napanood mo na ba ang Angels and Demons?



THE POPE
Aba, mas mahusay ang analogy niyo kaysa sa akin. Naalala ko tuloy ang aking dating trabaho sa Pilipinas (Epidemiologist).

Salamat sa advice, Pope nga talaga kayo, may religious na payo palagi.

Mag-ingat sa mga kasapi ng Illuminati! Kaya ko ito isinulat para masimulan nyo na pong mahasa ang inyong sarili sa pagdi-decode sa mga (codes at) symbols. JOKE! Napanood niyo na po ba ang 'Angels and Demons'?



POGING (ILO)CANO
Ayan, malapit ka nang maka-uwi, Pogi.

Tinatamaan ka rin pala ng sakit na 'to?! U

2ngaw said...

Ganyan talaga brod, ung pagbalik mo sa ibang bansa galing sa unang bakasyon ang pinaka nakakalungkot...

Blogging ang mabisang gamot jan pre :)

eMPi said...

hmm.. homesick...

mawawala rin yan... magbusy busihan na lang... :)

Anonymous said...

Hmmm...mga three to four vacations pa, RJ, bago mo tuluyang malagpasan ang ganyang pakiramdam tuwing ika'y uuwi.

Dasal, kapatid. Maraming-maraming dasal. At maraming-maraming tiwala kay Lord. Walang kadramahang halo, un lang ang paraan ko para malagpasan lahat ng di mabuting pakiramdam na nararanasan ko (pisikal man sya o psychological). Ang ipagpasa-Diyos ang lahat.

We'll pray for your speedy recovery.

RJ said...

LORD CM
Ganito nga siguro. Nagkamali ako, akala ko'y sanay na ako dahil matagal (6yrs) na akong wala sa amin bago pa ako makarating dito sa Australia.



MARCOPAOLO
Busy na nga sobra, ganu'n pa rin... Ganito ang mga karamdamang napakahirap gawin ang 'differential diagnosis'. Whew!



ISLADENEBZ
Ganu'n po ba?! Ang tagal naman...

Para po palang 'immunity', dapat ay ma-expose muna ako ng maraming beses sa isang 'antigen' (pagbabakasyon at pangingibang-bayan ulit) para makabuo ng sapat na mga 'antibodies' (masanay) upang malabanan ang mga 'mikrobyong' nagdadala ng homesickness na 'to.

Salamat, tama po kayo- ang dasal na 'ata ang pinakamabisang panlunas para sa sakit na ito. Salamat po sa payo at paalala.

lucas said...

RJ, ingatan mo yang sarili mo. tandaan bawal magkasakit! hehehe!

nakapanood ako ng natgeo isang gabi. hybrid pala yung swine flu. flu virus mula sa tao at birds. katakot. buti na lang wala pang cases dio sa pinas. dyan sa australia?

Anonymous said...

Anggaling naman nung title. :)
Grabe, andaming nauusong sakit. :( Ingat ka, RJ.

bertN said...

Maghanap ka ng Australian girlfriend para hindi ka ma homesick at para may mag-alaga sa iyo kapag may sakit ka. Ingat lang ng pagpili baka mawala nga yung homesickness mo e mapalitaan naman ng permanenteng sakit ng ulo at bulsa LOL. Just teasing.

SuperGulaman said...

ayan nakabalik na ako dok sa aking regular na bvhay...ahehehe...

matagal na ang sakit na homesickness...hindi din simple ang gamot nito....mahal ang gamot nito (*ticket sa eroplano pauwi*)...

pero wag mag-alala dok nandito naman ang blogs kahit papano maiibsan nito ang kalungkutan na dulot ng sakit na nabanggit mo... :)

Ysh ♥ said...

Sabi nung mama ko dati, minsan daw parang ayaw na nya umuwi para magbakasyon, kase pag balik sa ibang bansa, mas nakaka homesick talaga. :-/

RJ said...

LUCAS
Okay, salamat.

Nag-a-undergo kasi ng genetic mutation ang flu virus tuwing lilipat siya ng bagong host. May isang recorded case ng Swine FLu sa New South Wales pero nasugpo naman kaagad, hindi kumalat.



HOMEBODYHUBBY
Hahaha! Oo nga po, ako ang nag-pauso ng virus na ito. U



BERTN
Sa pagkaka-alala ko po twice niyo na akong napayuhan ng ganyan. Sige po, gagawin ko. (,"o



SUREGULAMAN
Mahal nga ang gamot, kaya ang 'dosage' ay once a year or every two years lang.

Mag-blog nalang nang mag-blog. Sana nga...



ISSSHHH
Ishna Probinsyana?! Bagong nick ah!

Totoo 'yan, kahit nga nu'ng nasa Luzon pa ako nagta-trabaho, tuwing makabalik ako galing bakasyon sa Mindanao, nalulungkot ako... Mga 2 weeks talagang ganyan.

abe mulong caracas said...

tama ka, homesick lang yan or sobrang sipag mo sa trabaho!

dont worry mataas ang immune system ng mga pinoy!

Kosa said...

hehehe..
pagaling ka doc!
buhay abroad pa naman eh sobrang kakaiba, may lagnat man o wala trabaho pa rin!

haaaa? ang galing namna nung tumama sayo.. urig na urig... pero tama si Mulong maiimmune ka din..lol

Hermogenes said...

ingat ingat na lang parekoy!!!

Reena said...

so ano nga ba ang sagot sa homesickness?

Sardonyx said...

wawa ka naman doc RJ sana ok ka na :-( alam ko malalagpasan mo yan, baka kulang ka lang sa pagba blog, araw-arawin mo ang pagba blog baka mawala hehehe....syempre may kasamang panalangin lagi, yan ang pamuksa talaga, gabi-gabihin mo naman ang panalangin....at baka kailanganin mo na rin ng makakasama sa buhay, hanap na hehehe....ingats doc

RJ said...

ABE MULONG CARACAS
Hahaha! Sana nga makakaya ng aking 'immune system' ang nararamdaman kong ito.



KOSA
Aba, nakahabol si Kosa. Kumusta?!

Nagpapagaling nga ako, kaya lang palagi ring stressed kaya mabagal ang recovery.

Kumusta ang Burnaby?



TONIO
Okay. Salamat sa pagdalaw mo rito. U



REENA
Uwi? o",) ito 'ata ang ultimate na sagot...

Tawag pwede rin.



SARDONYX
Ha?! Araw-arawin?! [Parang Carnation Condensada TV ad, ah.] Salamat sa payo, totoo po 'yang sinabi niyo.

Hulaan niyo nga po kung kailan mawawala itong nararamdaman ko. Hahaha! U

AJ said...

naku doc, di kaya!?...hope ur safe, tayong lahat :D..

di naman naka-ban ang baboy..:(

txs for the added info.

KRIS JASPER said...

RJ!

Sabi ko last month paranoid at over lang yung ibang tao, until nagka common colds ako last week, at ako naman ang naging paranoid kasi akala ko swine flu na yun.

my-so-called-Quest said...

kuya rj! nakabalik ka na ba jan sa Australia? musta bakasyon dito sa atin po?
pasensya ngayon lang ulit ako nakadalaw sayo. ingats po palagi =P

RedLan said...

Sa panahon siguro yan. Ako nakaramdam rin palagi ng pagod. Take ka some vitamins.

NJ Abad said...

Ang sagot nyan dok - bakasyon uli...hehehe.

August or September uli sked ko! Kitakits tayo ha.

Lam mo, ako nag count down din dahil we went to HK 2 weeks ago. 7 days daw ang incubation period kaya ng lumagpas na kami sa incubation period... haaay salamat!

RJ said...

JOSH OF ARABIA
Sana hindi... Huh!



KRIS JASPER
Hahaha! Anong dapat pamagat nyan kapag nag-post ka about you and the Swine Flu? Kris Jasper and the...?!



MY-SO-CALLED-QUEST
Yes, nasa AU na ulit ako, Doc Ced. Naku, hindi ako nakapag-summer outing kasi umuulan nu'ng nandyan ako. At nasira ang schedule ko dahil sa aking passport renewal.

Next time nalang mag outing.

Ayos lang, no worries. U



REDLAN
Thanks for your advice, Red.



DESERT AQUAFORCE
Hahaha! Payagan kaya ulit ako ng bakasyon after 3 months?! Kung payagan, may pang airfare kaya ako? Huhmn, mga 1st quarter next year nalang po ulit ako uuwi.

Nabibiktima rin po pala kayo ng Swine FLu incubation period countdown, ginawa ko rin po 'yan. U

lucas said...

ahhh...buti naagapan dyan noh?

---
me too! i was expecting Kohler. i thought his character could reinforce the clash between science and religion in the movie.

4.5? may butal pa? hehe! natuwa nga ako nung nabuhay si baggia. it was a nice surprise.

uulitin mo ulit? astig. ako nga rin parang gusto ko ulitin! haha!

multong bakla said...

ang tagal co nga atang naligaw ng landas. . nakauwi ka na ba ng Pilipinas at nakabalik na jan? sayang di co naabutan. . hihingi pa naman aco tsokolate. .

totoo ba na kumakalat un? sabi nila pakana lang un ng mga botika para mabenta ung mga gamot nila eh. . hehe. .

kailangan mo lang talaga siguro ng mahabang pahinga at mag relax relax. . nakakaflu naman tlga ang kalungkutan. . haaayzzz

cge, bisita na lang ulit aco pag may oras. . ingat nlng sa mga flu. . hehe. . miss yah!

Ysh ♥ said...

Yeheeep. Its me. New nick. New blog. :P

RJ said...

LUCAS
Parang hindi na naagapan, Ron. May bagong A (H1N1) case sa Adelaide, 92kms away sa place ko. Huh! Sana mawala na sa mundo itong trangkasong ito.



MULTONG BAKLA
Paperdoll?! Saan ka nanggaling, bakit nawala ka?

Yes, nakauwi na ako sa Pilipinas, noong April 6-28 nandyan ako.

Sige, dalaw ka lang dito. Update ka rin kasi ng blog mo.



ISSSHHH
Uhmn... Sige, dadalawin kita sa bago mong blog.

Maus said...

Wow doc bumalik kana sa banyagang lugar. nakakalungkot ano pang first time mong magbakasyon then balik agad! anyway dats life,,,enjoy and have fun na lng dyan..

RJ said...

aaaah ang pinaka-ayokong lugar sa pilipinas (pero favorite ko naman ang first floor niyan. hehehe.)