Ang mga Aboriginal Australians o Indigenous Austalians ay pinaniniwalaang dumating sa kalupaan ng Australia mula sa mga pulo ng Papua New Guinea at Indonesia mga 40,000 o 80,000 na taon na ang nakalipas. Kahit na napakakumplikadong manirahan sa kontinenteng ito dahil sa mapanghamon nitong klima (masyadong tuyo at mainit kung tag-araw at napakaginaw naman kapag tag-lamig), at kahit na salat sa makabagong kaalaman sa pamumuhay ang mga taong ito, sila'y nagtagal at nagtagumpay sa kanilang paninirahan dito. Sila'y hindi gumagawa ng kanilang sariling bahay kaya sila'y pagala-gala, at nabubuhay lamang sa panghuhuli ng mga hayop at pangungulekta ng mga bungang-kahoy o mga nakakaing ugat ng mga halaman.
Nulla nulla or Aboriginal hunting stick.
(Pamalo ng buntot ng kangaroo. More stories here- 1, 2...)
Narana Aboriginal Centre, Geelong, Victoria, AUSTRALIA
(Pamalo ng buntot ng kangaroo. More stories here- 1, 2...)
Narana Aboriginal Centre, Geelong, Victoria, AUSTRALIA
Sinasabing posibleng may populasyong 315,000 hanggang 750,000 ang mga Aboriginal Australians noong dumating ang mga Ingles noong taong 1788. Sa panahong ito, pinaniniwalaang mayroong 275 na mga wika, at 600 pangat na mga wikang ginagamit ang mga naunang taong ito (ngunit sa kasalukuya'y 200 na lamang sa mga wikang ito ang nagagamit at 20 sa mga ito ay pinangangambahang tuluyan nang mawawala).
Sa kadahilanang malayo sa kabihasnan ang mga katutubong Australiano, hindi sila nahaharap sa mga samut-saring mikrobyong nauuso noon sa mundo kaya sila'y biglang tinamaan ng matinding bulutong tatlong taon pagkatapos dumating ang mga taga-Europa. Dahil sa mahina ang kanilang resistensiya, tinalo sila ng mga mikrobyong dala ng mga 'puti' (pati ang mga sakit na dala ng pakikipagtalik) na naging sanhi ng malalang epidemya. Tinatayang umabot sa 50% ng kanilang populasyon ang namatay noong mga panahong 'yon.
Hindi naging madali ang pagsasama ng mga (dating) 'dayuhan' at ng mga katutubo, dahil napakalaking balakid ang wika. Napakahirap ding makipag-usap sa mga Indigenous Australians dahil bukod sa napakarami nilang tribu at wika, ay wala pang nabuong pamahalaan o di kaya'y iisang taong namumuno sa kanila. Dahil dito, idineklara ng mga Ingles na 'terra nullius' o effectively uninhabited ang napakalaking kontinenteng ito.
Taong 1901 nang naging isang demokratikong bansa ang Australia, ngunit hindi nito kinilala ang mga Aborigines bilang mga Australiano kaya sila'y hindi pinahihintulutang bumoto tuwing halalan. Ito'y tumagal hanggang noong taong 1962-1967 kung saan sila'y binigyan na rin ng karapatang makapamili ng ninanais nilang lider tuwing may eleksiyon sa Australia.
ISANG NAPAKA-KONTROBERSIYAL sa kasaysayan ng Australia ang tinatawag na Stolen Generation- kung saan ang mga katutubong sanggol (kahit na ang mga kapapanganak lamang) at mga batang nagkaka-edad ng hanggang 16-21 ay sapilitang inaagaw ng pamahalaan mula sa kanilang mga magulang. Ang mga katutubong bata at mga kabataang kanilang nakuha ay ipinagkakatiwala sa pambansa o di kaya'y sa mga pang-estadong ahensiya ng pamahalaang Australia pati na sa mga grupo ng relihiyosong misyonaryo; at ang iba nama'y ipinamimigay sa mga pamilyang 'puti'NG naninirahan sa bansa.
Sa kanilang bagong 'tahanan', mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasalita ng wikang Aboriginal. May mga nagsasabing ang mga kalalakihan ay ginawang katulong sa pagsasaka, at ang mga kababaihan naman ay naging utusan. Sinasabing hinahangad ng batas (kautusan) na itong protektahan ang mga anak ng katutubo mula sa kapabayaan sa kani-kanilang mga tribu, bigyan ng magandang edukasyon, at hasain sa mga makabagong pamumuhay habang tinuturuan kung paano ang tamang pakikihalubilo sa modernong lipunan.
Ngunit ang pang-aagaw ng mga katutubong kabataang 'yon ay kinondena ng pamahalaang Australia noong dekada '80 kaya't nakakuha ng magandang pagkakataonng magprotesta at humingi ng pinansiyal na kabayaran ang mga biktima nito. Ika-13 ng Pebrero ng taong 2008 ng pormal at opisyal na humingi ng kapatawaran ang pamahalaang Australia sa mga naging biktima ng Stolen Generations sa pangunguna mismo ng kasalukuyang Prime Minister Kevin Rudd.
MAY MGA Indigenous Australians na naging kilala sa larangan ng isports, at pulitika (1, 2); at ang kanilang mayamang kultura at kakaibang sining ay hinding-hindi rin mapapantayan saan mang dako ng mundo. Sila'y naniniwala sa kapangyarihan ng mga panaginip, naging kilala sa kanilang istilo ng pagpipinta, at espesyal na mga tunog ng kanilang musika.
May mga pag-aaral na nagsasabing medyo nahuhuli sa dunong, mas sakitin, mas nasasangkot sa krimen at mas nahihirapang makakuha ng trabaho ang mga katutubo kung ikukumpara sa mga 'di-katutubong' Australiano. Dahil dito, ang pamahalaang Australia ay patuloy na nagbibigay ng umaapaw na suporta (1, 2, at marami pang iba) sa mga Indigenous Australians.
Sa ngayon, ang mga Aboriginal Australians ay urbanisado na dahil humigit-kumulang 27% na lamang sa kanila ang naninirahan sa mga liblib na pook; ang karamihan ay tahimik na namumuhay malapit sa mga lungsod, lalung-lalo na sa gawing timog-silangan ng bansa (Queensland, New South Wales, at Victoria). Sa kabila nito, ang mga Indigenous Australians ay bumubuo lamang ng 2.6% ng kabuuang populasyon ng bansang Australia; ibig sabihin sa kasalukuyang 21,000,000 na mga Australiano, 546,000 lamang nito ang mga katutubo.
Sources:
http://bovination.com/
Wikipedia
Australian Aboriginal Map by http:/mappery.com/
18 comments:
grabe naman yun!
i just cant imagine what a mother feels kapag ganun na kinukuha ugn anak nila at inilalayo sa kanila..
wow doc! salamat sa mga bagong insights....
keep em coming
wow.. isang makabuluhang kaalaman ahhhh... salamat sa info doc.
Parang malaki talaga ang Hawig ng Canada at Australia!
very informative ang topic mo doc..nadagdagan na naman ang aking muntin kaalaman...
buti pumayag na kunan mo sila ng larawan?
meron din palang ganun sa autralia?
galing naman ng post mo.
pero katulad din kaya ang nararansan nila sa nararanasan ng mga katutubong pinoy? hindi nakakaboto, hindi nakakapag-aral (although may binanggit kang may ilan sa kanila ang kilala sa larangal ng pulitika at sports)
napapabayaan din kaya sila tulad ng mga katutubo nating lumukas matapos ang pagsabog ng mt pinatubo noong dekada 90?
YANAH
Ina ka nga talaga, Yanah...
No worries. o",) Salamat.
KOSA
Nagustuhan mo ba, bro? Bakit magkahawig? Marami rin ba kayong mga nakakasamang katutubo diyan sa Canada?
POGING (ILO)CANO
'Yang larawang 'yan actually ang pinakamahirap kong nakuha. (Ang ibang pictures dyan ay matagal ko nang nakuha.) Dalawang beses akong lumapit sa mga Indigenous Australians na ayaw pumayag magpakuha ng picture. Sa wakas on the third time, may pumayag. Whew!
Alam mo, Pogi, ang husay niyan nilang magsalita ng English, Australian accent talaga! U
ABE MULONG CARACAS
YES, meron ding mga katutubong Australians.
Salamat, Kuya Abe.
Nakakaboto na sila ngayon...
Kung napapabayaan man sila, ito'y dahil din sa kagustuhan nila sapagkat may mga iilan sa kanilang gusto pa ring mamuhay na malayo sa kabihasnan. Pero tulad ng nabanggit ko dito sa post ko, maraming programa ang pamahalaang Australia para sa kanila.
Doc, alam mo na magiging hitsura mo kapag tumagal ka pa jan lolzzz
Salamat pre, sa napaka informative na topic na napost mo... :)
Glad to know that you give the Aborigines a bit of your time that they so richly deserved. Kawawa sila na katulad ng mga Indians dito sa North America.
another informative post from the chicken's quill!
yes doc, these aborigines could be in control of the kangarooland had the British's First Fleet in Botany Bay in the 18th century failed to land... what could have been of Australia kaya?
Ganun pala ang hitsura ng indigenous Australian. Grabe din pala yung pang aapi na dinanas nila no? Buti naman at sinusuportahan na sila ngayon. (na dapat lang naman talaga).
Naalala ko tuloy nung nabigyan kami ng chance na makipamuhay sa mga indigenous people dito. TUmira kami with Aeta Community, sa bundok for four days. Masaya kase ang simple lang ng pamumuhay nila.
Nakakalungkot lang na kung sino pa yung mga nauna sa mga lupa yun pa yung kadalasan na kinakawawa. :-/
very informative post Doc RJ.
parang gusto ko ng pumunta sa Aussie. buti na lang wala ng sapilitang pag-agaw sa mga anak... mahirap sa parents un!
si manong nahihiya sa cam... ayun oh!
ayuz kuya kim este dok RJ pla...ang dami kong natutunan... ;)
naalala ko pinanood namin ni Mrskoto ang mahabang movie na Australia, about sa Aboriginal boy ng Australia and ang kanyang lolo na king, ang ganda ng kwento,
Thanks for this post Doc RJ.
Thank for sharing this post, very informative, marami akong natutunan tungkol sa mga Aborigines, nakakaawa nga sila... they deserve equal rights and protection from Aussie Gov't. Salamat sa bagong kaalaman na hatid mo Doc RJ.
o talaga magaling din silang mag english...magaling din naman ako ah..."itik" english nga lang....i will show me...hehehe
LORD CM
Hahaha!
Walang anuman. o",)
BERTN
Matagal na po akong nag-plano na magsulat about them, ngayon ko lang nagawa kasi gusto ko may pictures talaga.
DESERT AQUAFORCE
Siguro po kung hindi nakarating ang mga British dito, ang mga Pilipino ang unang nakapasok! Malamang mayaman ang mga Pilipino dahil sa napakalawak na lupaing ito- may mga bahaging pwede sa pagsasaka at karamiha'y angkop sa pagmimina. o",)
ISSSHHH
Inaalagaan na sila ngayon ng maayos at may mga museums nang sila palagi ang bida. U
Nakaranas ka na palang mamuhay kasama ng mga Aeta. Isang post naman tungkol dyan, 'yong may photo ha.
AZEL
Si Manang ang nahihiya, hindi si Manong. o",)
SUPERGULAMAN
Good! o",)
MR. THOUGHTSKOTO
Ayun, nakita niyo na ang Australia. Parang nakarating na rin kayo rito n'yan. Nagustuhan ko rin ang pelikulang 'yon.
THE POPE
Tama po, equal rights; pero hindi ako sigurado kung 'yon nga ba ang natatanggap nila sa ngayon. Ang alam ko sinusuportahan sila ng pamahalaan. U
Walang anuman, Pope!
POGING (ILO)CANO
Alam ko, ikaw pa... Basta mga Pilipino hindi pahuhuli 'yan sa Inglesan. (,"o
galing mo doc nakatagpo ka ng native australian dyan...
salamat sa pagdaan para ngang ten pesos yung 2 euro coins nila..
The Bath Tub is very nice. I think I want to have something like that :-)
Post a Comment