Sa kabila ng deklarasyon ng World Health Organization (WHO) dalawang araw ang nakalilipas na isang pandaigdigang karamdaman na ang swine flu, saglit ko pa ring iniwan ang manukang ito upang makihalubilo, makisaya at makatagpo ng mga bagong kaibigan.
ITONG MGA KAIBIGANG Pilipinang tumagal na ng mahigit dalawa hanggang tatlong dekada rito sa Australia, nasanay nang makipagyakapan at makipaghalikan (face to face?) kapag bumabati sa mga kaibigan at mga kakilala, at hindi rin pinalampas ang mga baguhang tulad ko!
Gustung-gusto ko talaga sanang humiling sa kanila kaninang kung pwede'y wala nalang munang yakapan at halikan lalo na't umabot na sa 1,441 ang kaso ng 'kakaibang trankasong ito' rito sa Australia, at 47 sa mga 'yon ay nandito sa amin sa South Australia. Pero bago ko pa ito mabanggit, bigla nalang akong niyapos at hinalikan ni 'tita' sabay sabing may pamangkin raw siyang isang dentista- na kasalukuyang nasa Pilipinas at bagay na bagay raw kami... (Whew!) Nang marinig naman ito ng isa pang 'tita', aba'y biglang iniabot ang kanyang digicam sa katabi't sinabing pictureAN raw kaming dalawa...
"Uhmn wah... Tsup!" (patay! ang flu virus!) at sabay nagwikang, "naghahanap ka pala? Alam mo meron din akong pamangking nurse sa atin..."
[Nais ko lang linawin, hindi po ako nag-press release ditong 'naghahanap' ako ng...]
Ayaw ko naman siyempreng magsuot ng N95 mask habang nasa party kanina, kaya madalas ang pasok ko sa wash room para magsabon at maghugas ng kamay, at maghilamos! ...nananalangin at umaasang sana'y walang swine flu virus na makapasok sa aking katawan habang may pagtitipong nagaganap.
OPISYAL NA KASING NAGSIMULA ANG panahon ng taglamig dito sa southern hemisphere ngayong Hunyo, kaya hindi nakapagtatakang kasabay ng bansang Chile (1,694 na kaso ng swine flu 13June2009), bumulusok pataas ang kaso ng swine flu rito sa Australia.
Pero kahit nagiging ganito na ang sitwasyon, hindi pa rin ako mapipigilang mamasyal sa Rundle Mall bukas pagkatapos dalawin ang tahanan ni Bro at makipag-bonding sa Kanya. Malakas ang loob kong kayang-kaya ng aking immune system ang mga flu virus na 'to dahil wala naman akong mga medical concerns (diabetes, heart disease, asthma, etc.) sa kasalukuyan; hindi naman ako ganu'n kabata (5 yrs. old pababa), hindi naman ako ganu'n katanda (60 yrs. old pataas), wala naman akong HIV, at higit sa lahat hindi naman ako nagdadalantao!
Kasalukuyang 9:59 na ng gabi rito sa South Australia, at dahil iniiwasan kong magpuyat at magpagod ngayon bilang tanda ng pangangalaga sa aking immune system, tutuldukan ko na ang post kong ito. Hindi ko rin kinakalimutang uminom araw-araw ng vitamin-mineral supplement na gamit ng isa sa aking mga paboritong aktor because I want to be complete, as well...
Besides, sa nakalipas na 18 araw ganito ang kalagayan ng aming lunch room dito sa manukan:
My workmate- Roger while enjoying some oranges in our lunch room.
According to Robert Cathcart, MD he hasn't seen a flu, yet, that was resistant to massive doses of ascorbic acid (Vitamin C).
Humans (including simians, guinea pigs and bats) need ascorbic acid supplementation because their body cannot synthesize this vitamin. On the other hand, most birds including CHiCKENS can synthesize ascorbic acid in their kidneys (thus, they don't need vitamin C supplementation). -Wikipedia
However, there's a study in Cambodia by Vathana, S. et. al. saying that adding vitamin C to the diet of broiler chickens significantly reduces the impact of heat stress, and improves their productivity under tropical conditions.
I would like to thank all my friends in the blogosphere who voted for my entry ‘The Keynote...’ for the 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards. Mabuhay ang PEBA!
27 comments:
Hahahaha.
Di naman sya halatang press release. D bale, ipaghahanap din kita ng dalagang nurse dito sa Saudi...
Ramdam ko'y affected ka masyado ng swine flue. Well sabi nga, prevention is the mother of all cure kaya saludo ako sa pagtulog mo ng maaga, pag-inom ng vitamins at oranges.
Anti-RJ ako ngayon: late matulog, walang vitamins, walang kaprutas-prutas. Pauwi pa naman ako this weekend kaya hmmmm....medyo kinakabahan ako.
ISLADENEBZ
Whew! Di naman po ako nagmamadali...
Medyo nagugulat lang po ako sa bilang na inilalabas ng Australian Department of Health and Ageing; at nang dahil sa bilang ng laboratory-confirmed cases na inilabas ng Australia last June 11, nag-declare ng swine flu pandemic ang WHO.
Busy po ba talaga kayo? Bakit hindi kayo kumakain ng prutas?! Gulay po?
Uuwi?! Sa Pilipinas? Every 6 months po ba kayo nagbabakasyon? Happy trip, and enjoy your vacation!
tsk tsk. iba na talaga ang habulin at lapitin ano?... ng virus. hehehe. sana eh simpleng sipon lang yan. inuman mo na lang ng juice at ng vitamins. =D
send mo na rin ang profile mo sakin at nang maibugaw na rin kita pards. hahaha. joke lang. =D
wow doc! marami din dito nurse, may pamangkin din ako..hehe
haha, doc RJ, believe ako sa conciousness mo sa health. Pero tama yan, talagang Doctor ka pagdating sa kalusugan hindi lang ng mga manok kundi ng sarili mo. Hanga ako sau!
Ingat lagi!
hala doc, wag mag pa swin flu...
dami na sa atin nyan wag na dagdagan..
if 2 times ka magbahing ako di ko na mabilang dahil sa allergy..pag dating kasi ng spring until autumn saka ito lalayas na alergy sa akin..hay hirap ..
ARDYEY
Whew! Ganito nga, bro, ang napapala ng mga HINDI habulin at LAPITIN...
So far hindi na rin naman ako bumahing, pero patuloy pa rin ang pag-aalaga sa katawan.
Hahaha! Ayos 'yan ah, ibigay mo nalang ang URL nitong blog ko sa kanila. o",)
POGING (ILO)CANO
Hahaha! Buti pa d'yan. Dito sa manukan marami ring mga chicks- mga SISIW namin.
MR. THOUGHTSKOTO
Ginagawa ko talaga 'to kahit walang swine flu epidemic/pandemic. Kaya ngayong merong outbreak, medyo confident naman ako sa kalusugan ko. 'Di na rin nadagdagan pa ang pagbahing ko kagabi. U
MAUS
Hindi naman siguro. Hindi na naulit pa ang aking pagbahing, at maayos naman ang pakiramdam ko paggising ko ngayong umaga. o",)
Summer dito ang napakaraming mga allergens, tuyung-tuyo kasi ang mga dahon ng damo sa paligid... kapag humangin natatangay sila at nalalanghap.
Para sa akin doc,
disiplina sa katawan ang kailangan dyan... Kapag ganitong my banta ng sakit sa ating paligid kailangang umiwas (muna) talaga sa mga party at anu mang uri ng maramihang pagtitipon.
pero kung hindi naman mapipigilan yun, tama ka dyan aapiiiir ako sa mga vitamin at mineral suppliments na tine-take mo.
may gamot naman ang flu na yun di ba, kaya ok lang yan! ang mahalaga siguro, ingat at kaalaman pa rin..lols
May swine flu virus case ba dyan sa australia? Dito sabi nila. Sana mawala na tong virus na to totally. Ingat!
Pare-pareho talaga ang mga "tita" kahit saan. Pag nalaman kang binata at may trabaho, ang tingin sayo "potential" pamangkin. : D
Huwag kang mag-alala doc, sa ingat mong yan, mahirap kang kapitan nung virus. Sipon lang siguro yan dahil taglamig na dyan. Pero para makasiguro, maghintay hintay kapa ng 10 araw. Yan kasi ang incubating period ng flu na yan.
Inom agad ng Vitamin C! hehe.
Thanks for dropping-by at my blog. :)
hala! so, anong klaseng flu na yan? hehhe...basta u try not to go to crowded places...and i stay away from ateneans and lasallites kasi they might be carriers of the flu. hahahaha...
oo nga, winter na jan. my cousins are in new zealand, they can't leave the house now and tour around. kala ko pa naman summer na jan. hehe.
ingat!
KOSA
Disiplina... Disiplina. Salamat, yan talaga ang kailangan kong gawin sa buhay ko- self-discipline. Salamat, Kosa.
Prevention is better than cure, kaya kahit may gamot pa para rito, nagpapalakas pa rin ako. U
REDLAN
Red, maraming kaso ng swine flu rito sa Australia.
Salamat!
BLOGUSVOX
Ganu'n din po pala ang mga 'tita' sa KSA?! o",) Whew!
Natuwa nga po ako, hindi naman naging masama ang pakiramdam ko today. Siguro hindi naman ito flu.
DOC MIKE
Yes. Pero wala pa raw po talagang proof na nakakatulong ang Vitamin C sa prevention ng colds at flu, Doc?
I like your posts, Doc Mike. U
Mas effective siguro na sundan mo ng isang shot ng Vitamin W (whiskey) yung Vitamin C. Wala mang medical value 'yan, at least mawawala ang worry mo sa mind LOL.
REENA
Sana hindi ito ang bagong flu, Reena. Pero hindi naman sumama ang pakiramdam ko ngayon, siguro ayos lang ako. Though today, naka-ilang bahing pa rin ako! Whew!
Magkabaliktad ang northern at southern hemispheres, ano?! Kung summer sa norte, winter naman dito sa ibaba. ...and vice-versa. o",)
BERTN
Oh! Oo nga pala... Kaya lang medyo napapaitan po ako sa Vit. W eh. Siguro wine or beer nalang. o",)
Ayos po talaga kayo, palaging may suggestion sa akin. Maraming salamat!
Iwasan mo ang mga party ngayon hehehe (extension ba to ng hula ko??) para iwas swine flu na rin :-)Bilib ako sa paraan ng pag-iwas mo, kaya ako ingat na rin dahil sa blog mo about swine flu.
Mukhang mabenta ka sa mga party, ganun yata pag single, lalo na pag nalaman na vet ka hay naku dudumugin ka na dyan hehehe para ireto sa mga anak , kaibigan o pamangkin nga....gawain namin yan e hahaha kaya mag-asawa kaming may mga naretong nagkatuluyan at nagkapangasawahan na.
oyy... take med agad at ingatan daw ang sarili... :)
nakakapraning talaga ang swine flu na yan. naway tumigil na ang pagdami ng mortalities at infected. dito sa pinas sa jaen nueva ecija declared na ang community outbreak - mula sa nga taiwanese na may outreach program sa barriong iyon, ibang klase ang pinalaganap -swine flu!
ang mahal dito sa pinas ng oseltamivir (tamiflu) na gamot at prophylaxis sa influenza -PhP 150 per capsule. -mahal magkasakit! bawal! dapat lamang na libre ito sa lahat ng positibo.
ingat na lang doc rj. sa mga readers mo, huwag bumahing gamit ang kamay, dapat itakip sa mukha sa halip kung babahing ay siko/braso para maiwasan ang transmission through hands. ugaliing magsanitize. katakot!
pahabol sa mahabang comment ko, hihihi - naghahanap ka pala ng nurse? tama yun, mahusay mag-alaga talaga ang mga nurses (lalo na pinay syempre)- operating room nurse at clinical instructor ang asawa ko e, i know. =)
parang gusto kong unahin yung may pinsan din akong....hahaha
patawa lang muna para mawala ang pag-iisip mo. dont worry bro, pinoy ka, sanay tayo sa virus! malakas ang immune system.
gayunman, mas maganda pa rin kung laging mag iingat!
kaya sabi nga ni john lloyd...ingat!
sarap na sarap yung friend mo sa oranges ah...
Naghahanap ka pala? ng ano?
:)
Re: Porks flu... Dito rin sa UK, may namatay na nga eh..
SARDONYX
Hahaha! Ayan, gusto kong may hulang nababasa sa araw-araw eh, buti nandyan kayo.
Mabenta po ba kapag ganu'n? Huh! Hahaha! U Ayos pala kayong mag-reto ah!
MARCOPAOLO
Sobrang ingat na nga ako, Mark. Alagaan mo rin ang kalusugan mo dyan, bro.
DOCGELO
Salamat sa advice, ganu'n pala 'yon Doc, dapat ang elbow ang gagamiting pantakip sa bibig kapag bumabahing.
Siguro ang pagkaing hinahain ng misis niyo sa inyo Doc Gelo ay idinaan pa sa aseptic techniques, pati pagsi-serve. o",) Talagang maalaga nga sigurado kapag nurse.
ABE MULONG CARACAS
Hahaha! Sige ano po ba ang pinsan niyo? o",)
Medyo masakit nga ang ulo ko ngayon Kuya Abe. Whew! Pero uminom na po ako ng gamot at kumakain pa rin ako ng mga oranges.
'Yan ba ang palaging sinasabi ni John Lloyd?! Parang hindi ko napansin ah. Siguro palagi niyang sinasabi kay Ruffa 'yan. U
KRIS JASPER
Enjoy nga siya sa oranges, KJ eh. (,"o
Hindi naman ako naghahanap, KJ. Hinihintay ko lang na dumating... ang ano? secret. :)
Naku sa UK raw hindi nagdi-declare ng maayos at totoo ang taga-Health Dept ng gov't. Tama ba?
Nakilig naman ako sa titang gusto yatang makipagkontrata sayo para sa pamangkin nya. =)
May community outbreak na raw ng swine flu dito sa probinsya namin.
[Anggaling nung shot ni Mang Roger with oranges.]
Hawaan kita ng ‘virus’ na nasagap ko, RJ! ;)
http://homebodyhubby.wordpress.com/2009/06/17/
ingat Doc lam mo na mahirap ng magkasakit...malayo...tc
Sa totoo lang Mr RJ, parang ginagawang joke nga yang porks flu dito.. Pero sana ma treat na yan totally.
:(
ps.
sana nahanap mo na.
dami kong natutunan dok ah....wala ka pa ring kupas...:)
ingat sa flu na yan ...
kitakits..
Post a Comment