SA ISANG PIER SA CEBU, may isang matandang sasakay sa papaalis nang barko. Mabilis siyang naglalakad nang may nakasalubong siyang isang gwardiya.
"To...to, a...no o...ras mag...la...kat ang bar...ko?" [Toto, anong oras aalis ang barko?] tanong ng matandang iLonggo sa gwardiya.
"Sus, dugaya nimo musulti, 'Nong uy! Tu-a na, nihawa na ang barko!" ['Sus, napakabagal niyo namang magsalita, Mama. Sa bagal niyo, nakaalis na ang barko!] ang sagot ng Cebuanong gwardiya.
Mabagal (malumanay?) daw magsalita ang mga Ilonggo, at sa bagal nito pupuwede silang maiwanan ng bus, barko o eroplano.
NOTE: Walang kaugnayan ang kabagalan ng pagsasalita ng mga iLonggo sa post kong ito, hayaan mo, malalaman mo rin mamaya kapag may tiyaga kang sagutin ang pagsusulit kong ito. Ito ay sagot ko sa tag sa akin nina Yanah ng Life's a Twitch at Tito NJ ng Desert Aquaforce. Sa tingin ko mas madali itong ginawa ko kaysa sa istilong maglista ng 25 facts tungkol sa sarili, ngunit may isa doong kwentong barbero lang. Mas mahirap 'yon.
PANUTO: Iparis o itugma ang mga pangalang nakalista sa column A sa pinakamalapit na pagkalarawan nito sa column B. Walang kopyahan, ang mahuling mangopya ay may katapat na parusa.
PAALALA: Kapag may tiyaga, may nilaga. Halina't tuklasin ang ilan sa aking mga lihim.
1. REX RUEL | a. Palayaw ko kapag ako'y nasa Bialong, Mlang, Cotabato; | |
2. RUEL | meron nito ang mga alaga kong manok. o",) | |
3. TOTO | ||
4. WING-WING | b. Ito ang orihinal na nakasulat at mababasa | |
sa birth certificate ko. | ||
c. Ito ang pangalan ko sa mga T.O.R., licenses, | ||
passport at iba pang mga dokumento. Maiksi | ||
kaya madaling isulat noong Kinder ako. | ||
Ito rin ang tawag sa akin ng mga naging boss | ||
ko sa trabaho. Hango sa mga Hebrew words na Rokariot | ||
at Eloi, na ang ibig sabihi'y Espiritu at Ama. | ||
d. Tawag sa akin ng dalawa kong mas nakababatang | ||
mga kapatid at mga malalapit na kaibigan. Ito rin ang tawag sa akin ng mga | ||
classmates at professors ko noon sa CVM-USM; sabi | ||
nila mas bagay raw ito sa akin dahil iLonggo ako. | ||
5. TOTO/KUYA WING | a. Ito ang pinakanagustuhan kong itinawag sa akin. | |
6. RUELIO | Isang tao lang ang tumawag sa akin nito, | |
7. DOC RUEL | kasama ko dati sa trabaho ko sa Monterey; | |
8. DOC P | hango sa initial ng middle at family names ko. | |
b. Paboritong lambing sa akin ng tiyahin kong | ||
kasalukuyang nasa Inglatera. Ayaw na | ||
ayaw kong tawagin ako nang ganito noong bata pa ako | ||
pero ayos daw ito kasi ang pangalan ng mga | ||
lalaki madalas ay nagtatapos sa titik na itO. | ||
c. Ito ang nakasanayang itawag sa akin ng mga | ||
nakababata kong mga pinsan. Kapag tinatawag nila | ||
ako ng ganito, parang pinapaalalahanan akong dapat | ||
ay isa akong mabuting halimbawa sa kanila. | ||
d. Ito ang itinawag sa akin ng mga kasama ko sa | ||
trabaho sa Pilipinas. Ayaw kong magpatawag ng ganito pero | ||
talagang mapilit sila. Okay, fine. | ||
9. DOC AGA | a. Napaka-pogi ng pangalang ito! Binyag sa akin ng | |
10. DOC RJ | self-confessed pogi ng blogosperyong si Kosa. Ito | |
11. RJ | rin ang paboritong tawag ni Poging (iLo)Cano sa | |
12. [rul] | akin. Nakakalimutan 'ata nilang threat ang | |
kapogihan ni Tito ___ sa kanila. | ||
b. Ito ang tawag ng ilang mga taga-blogosperyo sa | ||
akin, pero medyo hindi ako komportable sa | ||
ibininyag nilang ito. Pero kung 'yon ang nais nila, | ||
ayos lang, kasi 'yon ang maginhawa para sa kanila. | ||
c. Ito ay pangalan ng pamangkin ko. Ako ang | ||
nagpangalan sa kanya (buti sumang-ayon naman | ||
ang kanyang ina). Kilala ako sa nick na ito rito | ||
The Chook-minder’s Quill. | ||
d. Kapag tinatawag ako ng mga kasamahan ko sa | ||
trabahong mga Australians, ito ang tunog ng | ||
pangalan ko. Nakakatuwa! Hahaha! U |
Common name : Chicken
Scientific Name: Gallus domesticus
Arabic: dijaj
Chinese: ji
English: chicken
Filipino: manok
French: poulet
Hebrew: [off] (sounds like this)
Italian: pollo
Spanish: pollo
34 comments:
Makiki-loko na rin:
1. b
2. c
3. d
4. a
5. c
6. b
7. d
8. a
9. a
10. b
11. c
12. d
Dapat yung 9 to 12 "iniscramble" mo para medyo mahirap.
BLOGUSVOX
Ambilis naman po! Nag-i-edit pa ako, nasagot niyo na po kaagad?!
Pero hindi naman major ang mga binago ko; kaya tama pa rin lahat ang mga isinagot niyo. Perfect! Genius! o",)
Sa mga magko-comment palang, huwag mangopya, ha.
Toto,
Ganun? e un din ung sagot ko gaya ng kay Toto e.
Toto
ang dami mo namang pangalan kuya RJ! hahaha! actually, mas ok yung Doc Aga. Mas masayang pakinggan. hahaha pero kuya ruel parin ang tawag ko sa inyo sa text kahit pabagu-bago ang tawag ko po sa inyo dito sa blog hahaha!
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
it's tempting to just copy! hehehe...nahirapan ako kaya hindi ko na sinagot. hehe..
wheee...feeling ko nasa bar exam ako na sumasagot ng test 11 matching type right minus wrong..hehehe
DOC AGA - yan parin ang the best policy with honesty na pangalan mo kasi pogi karin kagaya namin...lolz..
Common name: Doc Aga
Scientific Name: Manokis Gwapitos dedoc Agatos...hehehe..peace...:)
NEBZ
Hahaha! Ang dami palang Toto rito sa blogosphere! [Naalala ko, Toto rin ang tawag sa inyo ng inyong ama.] Balak ko pa namang Toto ang gamiting nickname noon dito. o",)
FJORDAN ALLEGO
Huhmn. Pag-iisipan ko ang paggamit ng Doc Aga rito sa blogosphere. Paninindigan ko na ba ang ibininyag sa akin ni Kosa?
Mas masarap pa rin talagang basahin sa text 'yang tawag mo sa akin. U
REENA
No worries, I know hindi ka masyadong nakaka-relate. Kailan lang po kasi kayong nagawi rito sa blog ko. Mangopya nalang po kayo kay BlogusVox (na unang comment dito). Hahaha!
POGING (ILO)CANO
Hahaha! Ganu'n ba? Nasaan na ang mga sagot mo? Tingnan natin kung pasado. U Joke!
Sige, ayos na ayos 'yan- Doc Aga! Wow! (,"o May scientific name pa. Hahaha!
Ayus! Matching type exam pa!
Lupit ni doc aba!
Dami ako alagang manok sa aking bakuran...
Hindi ko parin alam kung paano gagawin itong tag na ito. Ang hirap!
Hehehe.... Anyways, Ingat jan doc! =)
hehehe....ayos a....kung may puwang before each number talagang mukhang exam paper...lolz..
ayos Toto Dok!..di ko na pag sabton kay may sabat naman ang exam To...hahaha...
napaka creative ng ginawa mo dok...Ayos!...
hala may exam din dito... teka nalulula ako! heheh. sinagutan ko sya sa scratch ko dito, nakita ko may nakasagot na pala. hehehe.
hindi naman mahilig sa R sina mom mo. hehe.
ingats kuya!
Hala! parang test namin nung elementary...
Bravo...bravo! Ang galing ng style doki. Where the "heaven" did you get this style? (Nebz totoo ito mula sa kaibuturan ng aking puso!) Dok RJ, if you only know, nag petition ako sa private email ni Nebz na i-open nya for comments ung Isla de Nebz' Just a Thought on How Honest We Comment. Baka gusto niyo ring mag sign sa petition... Peace Nebz!
I really never thought the "tag" could be done this way. Alam mo, I'm very happy to see many people go beyond the confines of the box to express themselves. I'm truly grateful na nakilala ko kayong lahat. Si Pareng Vox also excellently wrote his tag in Blogusvox' Nickname.
Ano pang masabi ko...meron ka ng isang dosenang pangalan na may proof of purchase pa...Hahaha... Kilala na kita to.
Naka 2/10 na ang tags...oi 1.5 lang pala kasi ung 0.5 kay Yanah sa Yanah's Eto Na! Masaya Na Sana Kayo!!!...Yeheey!
ORACLE
Hahaha! Mahirap bang gawin ang tag na ito, o hindi ka lang komportableng ilabas ang iyong mga pangalan. o",)
Saan location mo, Oracle? Ilang heads ang mga alaga mo?
PAJAY
Hindi mo na naabutan Prof ang dati kong post na ang pamagat ay Multiple Choice. U Thank you sa pag-appreciate, mas maganda sana kapag nakalagay na ang sountrack ng Oki Doki Dok kasabay ng post na ito.
MY-SO-CALLED-QUEST
Perfect mo rin ba, Doc Ced?! o",)
Sa titk 'R' kasi nagsisimula ang pangalan ng namayapa kong ama, Doc Ced.
KRIS JASPER
Talagang parang elementary, Kris Jasper kasi du'n ko ito iPi-nATTERN. (,"o
DESERT AQUAFORCE
Ayan, wala na po akong utang sa inyo. Nabasa ko kasi ang post ni Mr. BlogusVox tungkol sa mga Nicknames kaya na-challenge akong gumawa na rin.
"Where in heaven..." Huhmn, naisipan ko lang pong gawin ito para kung sino ang may tiyaga, siya lang ang makakakilala sa akin. Medyo hindi kasi ako comfortable ilabas ang mga pangalan ko rito. Hahaha! Style lang po ito, kasi gusto ko may kaunti namang pakulo para hindi boring. U
Maraming, maraming salamat naman po dahil nagustuhan niyo. Na-meet ko ang standards ng nag-tag sa akin.
Oo nga, bakit kaya isinara ni Kuya Nebz ang comments dun sa bago niyang post. Ang sarap mag-iwan ng comment doon! Petition din ako! Totoo! Dapat buksan ang comment. Dami akong maisusulat doon.
Natawa naman ako sa 'proof of purchase'. Madalang lang kasi akong magpaskil dito ng aking mga LIHiM kaya sa usaping ito, sinagad ko na po.
Putek!!!late na naman ako sa test!!!Blogus...pa xerox ko ung sagot mo ha? lolzz
RJ- pwede bang ipost mo uli with sagot na? hehehe bago lang kasi ako dito kaya di pa kita kilala mahirap magtugma tugma eh, ako rin gumawa ng 25 facts at natag ako hahaha
haha. ah ganun ba? kala ko nga para sa matatalino lang yung matching type na to eh. hehe...dapat pala binasa ko muna entire blog mo. :) sa next matching type mo, for sure masasagot ko na.
ang saya sanang makisali sa matching type na yun, pero umiiyak na si babytots eh, pero natuwa ako kasi alam ko na ang meaning ng letter R. sa RJ, Ruel.
And we have something in common, Toto din ako when i come home sa South Cotabato, dong sa General Snatos City...hay, buti pa kau sa mga names niyo natapos na sa tag tag tagatag!
hehe, salamat toto RJ.
LORD CM
Kahit late na, Pre, pwede pa naman humabol. Kung tinatamad ka nang sagutin ito, 'yon nalang kay BlogusVox ang kopyahin mo. Perfect niya kasi ito. o",)
SARDONYX
May unanag nakapag-comment Sardonyx, si BlogusVox, TAMA lahat ang sagot niya. Pakitingnan nalang doon (Hahaha! Papayagan na kitang mangopya.)
REENA
TAMA lahat ang sagot ni BlogusVox kaya dun mo nalang alamin ang mga names ko. May Multiple Choice na akong post dito noon, siguro ang susunod ay TAMA o MALI na, o 'di kaya'y essay type. (,"o
MR. THOUGHTSKOTO
Sige, sige, patulugin nalang po muna si baby. U
Nasa magandang lalawigan pala kayo sa Mindanao, at ka-lungsod niyo pa si Pacman! Huh! Bigatin pala kayo Mr. Thoughtskoto.
Takti chicken adobo. lol. Natawa ako at kakaiba naman ang handog mo sa amin. Hmmm parusa ba 'to? Pwede mangopya? lol Toto rin palayaw ko. Kapag babae, inday. eh kapag pumunta ang Inday sa Maynila- siya ay parang katulong. Kapag ang taga Maynila na pumunta o amo sa probinsya, tinatawag siyang Inday. Bagal talaga magsalita ang mga ilonggo. Ako nga bagal din and most of the time di nagsasalita, nakikinig lang.
1 B
2 C as in rul, lol
3 D
4 - A( una kung sinagutan)
5 C
6 B
7 D
8 A
9 B
10A
11 C
12 D
So ayan na. Pakicheck mo ha, check ko kung ilan ang tamang mga sagot ko. Now na.
REDLAN
Hahaha! May dalawang nagkabaliktad, Red. Ang sagot mo sa number 9 at 10. 10 out of 12, pasado pa rin naman. U
Hi Doki, I was looking for anywhere I can post this poem about chicken.. I just love it:
Chicken Slut
by Reilley (Poetbay.Com)
The hen fluffs tail feathers, hoping for a glance,
From the cock of the walk, a cackle and dance.
Scratching so gentle amongst the hay.
With dreams of her cock coming to play.
Alas! She sees the one of her desiring.
Mounted atop another, in the process of siring.
This slut will not be left out in the cold.
She strolls over to them, so quick and so bold.
Flipping her feathers just under his beak.
Thinking to herself.. I shall have what I seek.
The slut whispers low, with barely a care.
In the ear of the cock, "Her eggs come out square."
Hahaha... I really love this one doki...
aheks...anhirap aman... :)
yan ba yung modified na tag? aheks....
weeepeee...ngayon lng ako nakapaglibot...nagkaproblema ang aking internet connection... :)
Hindi na ako sasagot kase nakita ko na yung answers eh! lol.
Ang dami daming nick name. Ako, madami din akong nick names. hihi.
And yung Toto, naalala ko yung asawa nung Tita Ninang ko, Ilonggo kase sila, kaya mga mahinhin sila magsalita at malambing. Tapos Toto yung tawag nung nanay nung asawa ni tita sa asawa nya. :)
ito lang sagot ko e... hehehe
9 - a
10 - b
Wuuuzzzz,...
Infairness cute ang test huh!?
May sagot ako ksoh bka bumagsak ako..
Joke lang,=)keep on writin fren,enjoy ako sa pagbabasa ng mga post mo..=)
Congrats for having a great blog fren..
Have a nice day to all...=)
DESERT AQUAFORCE
Hahaha! Ayos 'tong hen na ito, ah! o",) Salamat po sa pag-share.
SUPERGULAMAN
Congrats 'Yet! U
Yes, modified ito, para unique. Madali lang ito, wala ka lang tiyaga sumagot. Ayos lang, di naman ito requirement para makakuha ng diploma. Hahaha!
ISHNA PROBINSYANA
Di ko nga alam kung ano ang pinagmulan ng tawagang Toto na 'yan. Medyo magulo ang last sentence mo pero naintindihan ko naman. o",)
MARCOPAOLO
Tama pareho ang mga sagot mong 'yan, Mark.
Magaling ka na ba?
SUMMER
Cute ba?! [ngumingiti ako.]
Great blog ba?! Salamat. Maraming, maraming salamat, Jules.
waaah! ano to? hindi ako prepared magsagot ng exams! ahehehe! pwede bang mag-review muna? hehehe!
---
yep. pero hindi...gets mo? ahahaha!
Ahahaha! Onga RJ no? ANg gulo? Binaa ko ulet parang nahilo ako bigla. lol
essay type? ahahaha...sige i will prepare for that. :)
lol!
kakatuwa naman toh
akala ko tapos na ang post pagkatapos ng storya
may test pa pala sa ibaba
ay hindi perfect ako. hehehe
1. b
2. c
3. d
4. a
5. a
6. b
7. c
8. d
9. a
10. b
11. c
12. d
Tagal kong sinagutan, ano kaya score ko hehe. Yung 5-12 parang tapat-tapat na?
Tiningnan ko (ngayun-ngayon lang, pagtapos kong sagutan) ang sagot ni BlogusVox (1st comment) atsaka yung reply mo sa kanya --- mali pala ako sa 5, 7 and 8, hahaha. :P Hindi kasi ako nagresearch.
LUCAS
To naman, hindi na kailangan ng review 'yan, ROn. o",)
ISHNA PROBINSYANA
Ayos lang. o",)
REENA
Hahaha! Heto ang susunod kong entry, medyo mahaba. May quiz sa next entry ko. JOKE! U
PCHI
Hahaha! Tinatamad kang sagutin ano?! Ayos lang, kaya ko ginanyan 'yan para ang mga may tiyaga lang ang makakaalam ng ilan sa aking mga LIHIM.
REDLAN
Bumalik ka talaga, Red, ha?! Hahaha! Ayos lang 'yan.
HOMEBODYHUBBY
Ayan, nakuha niyo na po, dahil sa reply ko kay BlogusVox. U
Wala lang po akong magawa kaya ginanito ko. Babalik ako sa Mayaman Pa Sa Daga mamaya para magbasa po ng reply niyo sa comment ko. U
Post a Comment