Masisisi mo ba ako kung naniniwala ako sa paniniwalang ito? Ilang mga kahilingan ko na rin kasi ang natupad simula noong natutunan kong tumingala sa kalangitan tuwing dumarating ang mga gabing nag-uumapaw ang aking puso ng 'di mabilang na mga hangarin sa buhay. May mga panahong hindi na ako natutulog magdamag, nananalanging sana'y walang ulap o 'di kaya'y hindi umambon; walang pagod na nag-aabang upang aking matiyempohan ang gumuguhit na kinang ng bawat talang nalalaglag mula roon sa kalangitan!
Minsan ko nang hiniling na magkaroon ng isang malapit na kaibigan, at hindi naman ako nabigo. Animo'y isang mahikang pagkalipas ng ilang buwa'y may lumapit na mga estrangherong nagsimulang makipagkaibigan sa akin. Isang kaibigan lamang ang aking hiniling, ngunit maraming mga kaibigan ang kusang dumating!
Baliw ba akong maituturing kung pati ang pagkakakuha ko nitong aking lisensia bilang isang beterinaryo, sa makapangyarihang bulalakaw ay iniuugnay ko rin?
Kahit na itong aking pangingibang-bansa, hindi maipagkakailang noo'y hiniling ko rin sa mga tala!
ILANG ARAW NA RIN AKONG naging matahimik, naka-silent mode, o di kaya'y naka-invisible. Mag-iisang linggo na ring hindi ako nakapaglathala rito sa aking blog... hindi dahil sa nawawalan na ng kwento ang isang magmamanok; hindi rin ninakaw ang aking makapangyarihang pluma, at hindi rin ako naubusan ng tinta. Nitong mga nakaraang araw, medyo napapagod lang kasi ako sa aking paglalakbay, kaya nagpahinga lang ng kaunti.
Nagpapahinga ang aking isipan, pero hindi ang aking katawan. Sinimulan na rin kasing hulihin at dalhin sa katayan ang aming mga alagang manok, kaya may mga gabing kailangan naming pumasok.
... at kaninang mga alas onse ng gabi, habang ako'y abala sa paghahanda ng manukan, ako'y biglang napatingala doon sa kalangitan. Sa gitna ng di-mabilang na mga nagniningning na bituin, may nag-iisang bulalakaw na agaw-pansin sa aking paningin! Sa isang kisapmata ito'y bumulusok pababa, kaya itong aking hiling ay sabay kong iwinika.
The WISHBONE or furcula of birds is formed by the fusion of the two clavicles; it strengthens the thoracic (chest) skeleton to withstand the rigors of flight.
In human culture, a wishbone is also called merrythought because of the tradition that when two people hold each of the two ends of the bone and pull it apart, the one who gets the larger part will have a wish granted.
33 comments:
wag ka mag-alala doc aga, masasagot din ang iyong mga kahilingan sa tamang oras, araw at panahon..wag ka sanang mainip...
bago header mo ah saka titulo...wish mo rin ba yan?..lolz..
hindi naman masama na iugnay natin ung mga bagay na gusto nating mangyari o makamit sa buhay natin sa paghiling kapag may makita kang falling star.. sabi nga ksabihan nga un, hindi naman masama na sumunod diba? wala naman mawawala sayo. yun nga lang wag lang din sana dun iikot ung buhay mo sa mga hiling-hiling... hindi rin magiging healthy un.. im sure u know that.. ure a very intelligent person.. :D
by the way, nice header...
minsan madalas ngang nasasali ang mga bulalakaw sa mga hinihiling natin...
ako din naalala ko din.. ilang bulalakaw din ang aking kinausap kapag nasusulyapan ko sila ng isang iglap..
oo nga doc, napansin ko medyo nanahimik ka ng panandalian..
welcome bcak doc
at kitakits pa rin
pogi nga ang bagong Header
doc Rj, Ito ang madalas na tongue twister kapag may falling star...i wish to wish the wish you wish to wish... inshallah ung australian residency ay mapasaiyo na soon!
...inde pa ako nakakita ng bulalalakaw, madalas tulog ako.... :)
huwaw...permanent recidency?... goodluck sayo Dok...maniwala ka at prayers ang gawin, makukuha din yan...^_^
wow ang lalim di ko matarok hehehe, hmmm hindi pa ako nakakapagwish sa bulalakaw kasi lagi na lang akong nahuhuli pag nakikita ko yun....kaya sa hula na lang ako umaasa hahaha joke joke joke
POGING (ILO)CANO
Yes, salamat sa payo, Pogi, hinding-hindi ako maiinip kailanman. U
Hahaha! Ang header ko, papalitan ko rin 'yan kapag may bago na akong post, isinabay ko lang dito sa 'Hiling'. Pero naisip ko na dating gawin ito- ang palitan ang pangalan ng aking blog.
YANAH
O?! Nasa Pilipinas ka na ba?! Bilis ng comment ah, o may internet sa airpot?
Yes, hindi masama kapag maniwala tayo, ginagawa ko nga, eh. Hahaha! Okay sige... Hindi naman puro mga tala at bituin lang ang tinitingala ko.
Salamat sa pag-aappreciate sa header.
KOSA
Huhmn. Pareho pala tayong siniseryoso ang bulalakaw. U Hindi nga lang tayo parehong pogi, iba kasi talaga ang kapogihan ni Tito/Doc Aga di ba? o",)
Pero talo ang kapogihan ni Doc Aga nitong blog header ko.
DESERT AQUAFORCE
Hahaha! Bumaluktot nga ang dila ko, whew! (,"o
At sana'y magdilang-anghel po kayo. Salamat.
SUPERGULAMAN
Hindi na kailangan ng isang superhero kahit ni isang bulalakaw! U
Thank you. Yes, tama: panalangin. o",)
SARDONYX
Ayan, ayan! Hulaan nyo po ako. Makukuha ko ba itong aking kahilingan?
Lalim po ba? Literal na nga po ito, eh.
ayan kuya, sana nga makuha mo yan.. pagpray natin.. hehehe.. ako mukhang nasagot na ung hinihiling ko..
nasa akin na ung desisyon kung tatanggapin ko or hindi.. pero go pa rin ako! hahaha
sana ikaw rin.. ^_^
Isama mo nga rin ako sa mga hiling mo...ihiling mo lang na sana matupad din mga hiling ko lolzz
August 12 (+/-) every year --- Perseids meteor showers at its maximum (according to astronomers); radiant point at constellation Perseus.
http://en.wikipedia.org/wiki/Perseids
Pinakikinggan ng Panginoon ang mga panalangin mo habang nakatingala ka sa kalangitan. :-)
sabay-sabay nating hilingin ang premanent residency mo...
mas madaming nagdadasal, mas malakas, mas maririnig!
saan kaya mas masarap magwish? sa falling star o sa wishbone? sa wishbone na lang.. mas madami d2.... hehehehe!
nice header ;) kakakain mo lng ba nyan bago mo picturan? hehehehe!
DAVID EDWARD
Wow, congratulations, bro! So live na live from Kuala Lumpur, Malaysia na ang Geeky Thoughts niyan?
Salamat, sige mas maganda talaga ipagpi-pray ang mga hangarin sa buhay!
LORD CM
No worries, Pre. Ano kasi ang hiling mo? U
HOMEBODYHUBBY
Uy! Kumusta po Kuya? Tagal niyong nawala, ah.
At binigyan pa ako ng tip kung kailan ang meteor shower, 14 days bago ako mag-birthday niyan. Hahaha! U
'Yon ang pinakanakakatuwa, ang malamang may nakikinig sa aking mga panalangin. (,"o
AZEL
Thank you. U
Tama kayong lahat, ang kapangyarihan ng dasal ang pinakamahalaga sa lahat!
Sa tingin ko sa falling star. Hahaha! o",) Maraming wishbone dyan lalo na kapag gumagawa kayo ng fillets.
Yes, tama ka Azel. Talagang kabisado mo ang wishbone ah. Pagkatapos kong kumain ng litsong manok, PIniCTUREan ko kaagad. U
Hiling ko? ... na sana makasama ko pamilya ko na masaya hanggang sa dulo ng walang hanggan lolzz ...sineryoso ba?!!! ... pero yan talaga gusto ko eh :)
doc parang may dinadala ka talaga ngayon ah, bec of ur mood rin ba kaya bago ang header natin..pero ayos, bumagay sa tema ng blog mo..
buti ka pa nakakita na ng falling star, ok yang wishes, pero mas OK siempre iyong prayer, wherein u got 3 answers only, yes no and wait, sana..yes na ang answer mo don sa oz visa na hiling mo..
hamo, sama ko na rin yan sa mga hiling and hingi ko don sa itaas :D
Sa pag bago ng banner mo, parang sinasabi mo na ang pagmamanok ay passe na, although I like the previous title of your blog (trademark mo na yun).
Sana matupad ang pangarap mo.
ganda ng headers mo kabayan..
fav ko ang wishbone to make a wish...hehe
LORD CM
Sure, iwi-wish ko 'yan mamaya kapag may makita ulit akong falling star. Night duty ako mamaya. Naalala ko ang namayapa kong ama, dahil sa hiling mong 'yan.
JOSH OF ARABIA
Palagi ko naman 'itong' dinadala, hindi lang nahahalata minsan. Pansamantala lang 'yang blog header ko, papalitan ko rin 'yan kapag may bago na akong post.
Hindi ka pa nakakita ng falling star?! Yes hindi lang mas OK ang prayer, pinaka-okay talaga 'yan.
Salamat, Santa Josh! o",)
BLOGUSVOX
Tulad po ng sinabi ko na rito sa comments, pansamantala lang po 'yang blog banner ko, ibabalik ko po ang The Chook-minder's Quill kapag may bago na akong post. Isinabay ko lang po ito kasi nababagay sa current post ko.
Sana... Sana.
MAUS
Thank you.
o",) Natupad ba ang wish mo sa wishbone?
Ganda ng bagong header natin ha. Galing! Naalala ko tuloy ang commercial ni Piolo Pascual sa Max.
Teka, try ko nga mag wish sa bulalakaw kapag umuwi ako sa province.
ang tao, kanya-kanya ang pangarap. kaya naman ang diyos, sinasala niya ang mga pangarap ng bawat tao. hindi naman pupwedeng lahat ng pangarap ng tao ay dapat matupad in an instant. example, sino ba namang hindi nangarap ang magandang buhay at manalo sa lotto. magkakagulo kapag nangyari na halos lahat ay mananalo ng sabay sa lotto.
kung baga, nasa tao ang gawa, pero nasa diyos ang awa, gabay at patnubay. kay doc rj, mangarap ka lang at samahan mo ng dasal. ika nga, nasa diyos ang awa, nasa atin ang gawa.
isang hula lang bro...
M A T U T U P A D!
RJ, Makabagbag damdamin ang post mo ha. Lahat siguro tayo, aminin man natin o hindi, we silently wish for something kapag nakakita tayo ng falling star (iyon ba ung bulalakaw?).
At whatever is that you're wishing for, ibibigay ni Lord sa yo un. Ikaw na rin ang nagsabi, lahat ng wishes mo tuwing may mahuhulog na star e nagkakatotoo.
Kind things happen to kind people. Just be patient and believe.
Congrats sa bago mong header! Pwede rin ba akong magwish sa wishbone cafe mo?...
Tulungan mo yung bulalakaw na magkatutuo yung wish mo. Apply for your residency now! You are a young professional currently residing and gainfully employed in Australia. Isn't that enough to qualify you for permanent residency? If not, ask your Australian boss to sponsor you or get yourself an Australian girlfriend to do it. Australia is under populated and needs qualified people to make it more economically competitive in the world market.
Wow nman!!
ok nman na mlaki ang pniniwala mo sa katuparan ng mga hinihiling mo sa mga bulalakaw eh...
eh dba sabi nga nila,the more na naniniwala ka eh magkakatotoo yon lahat..=)
I wish you all the best..=)
wow..ang saya sigurong makakita ng bulalakaw. wala pa kasi akong natyetyempuhan eh. sabi nila kapag nakita mo, itali mo daw ang hawak mong panyo, bago tuluyang mawala.
glad some of your wishes come true, and hope this one could come true too :)
Keep safe.
---
yeah. taga-laguna ako. sa biñan. nako ingles at tagalog lang alam mo :) thanks
really? hindi pa ako nakakapanood nun. ngayon lang kami ulit ngkaron ng tv eh. hehe
cool! match na match talaga ang posts natin. hehe!
tulad rin namin kami ay naniniwala na humiling sa itaas, gumawa ng mabuti at naniniwalang lahat ng mabubuting hiling ay may katuparan. hindi man lahat, di natin maitatanggi na kapag pinagsamasama ang lahat ng mabubuting sangkap, walang pangarap na di matutupad.
matagal ko ng nais mag-iwan ng komento sa iyo. nagdadalawang isip lamang ako kasi parang napaka-seryoso mong tao. Dahil dito tila hindi ako makahanap ng angkop na salita para ipahatid sa iyo ang mga nais kong iparating. ang lahat naman nga mga iyon ay pagbati at papuri dahil isa ka sa magandang ehemplo na nagtataguyod sa ating mga Pilipino. Maraming salamat kabayan, nawa'y marating at maabot mo ang lahat ng iyong mga kahilingan...
REDLAN
Oo nga, nakalimutan ko na rin 'yong patalastas ng Max's ah.
Hindi ka pa nakapag-try mag-wish sa falling star?!
RDACONCEPTS
Ang 'dasal' at 'gawa' ay mga magic words talagang magku-kumpleto nitong post ko tungkol sa mga hiling, Rej. Ayos ang mga salita mo. o",)
ABE MULONG CARACAS
May katapat na si Sardonyx ah (kilala nyo po ba siya?). Sana magkatotoo ang hula niyo. o",)
NEBZ
Salamat dito: "Kind things happen to kind people. Just be patient and believe."
Hahaha! Pwede pong mag-wish sa header ko, gusto niyo hati tayo? o",) Ibabalik ko rin po sa dati ang blog name/header ko, ngayon lang po ito. Subok lang.
BERTN
Galing! Napaka-meaningful ng sinabi niyo, "Tulungan mo yung bulalakaw na magkatutuo yung wish mo."
Nagustuhan ko po talaga ito: "...to sponsor you or get yourself an Australian girlfriend to do it." Hahaha! Ayos! (,"o
SUMMER
Faith. Ang ganda rin ng point mo, Jules. U
LUCAS
Ganu'n?! Totoo, wala ka pang nakitang mga meteors/meteorites?! Naku kapag makakakita ka, Ron, tiyak isang post talaga 'yan sa On the Coffin Rock. U
------
Based sa kwento ng buhay ni Pepe, dyan siya unang nag-aral sa Binan. Pero ngayon malapit na ang bayang 'yan sa mga malls! Naisip kaya ni Pepe na maging ganyan ang Binan ngayon?
Try mong panoorin ang Tayong Dalawa. Maganda, maririnig mo ang 'Bok'.
2L3BS WORLD
Ang galing ah, kailangan kong makumpleto ang lahat ng mga 'sangkap' na 'yon!
Hahaha! Napaka-seryoso po ba ng dating ko rito sa blog ko? Naku sa totoong buhay (?! o personal) po, hindi naman. Ayos lang, mag-iwan lang po kayo ng comment. Welcome na welcome po. (,"o
Hindi pa. Hmmm this summer i-try ko. lol. Uuwi ako ng probinsya. Dun malawak ang langit.
hi doc.sana magkatotoo ang iyong hiling just wait and see chill n relax.....wika nga ni big brother SA TAKDANG PANAHON.
oi dockie new title and header kaya bago ako nagbasa ng post mo akoy nagwish lol
pahinging chicken! :)
anyway, minsan di tlga naiaalis sa atin na humiling sa bulalakaw. magbakasakaling tuparin ang mga wishes naten. pero nasa atin din naman kung pano tayo mag strive na matupad ang wish natin eh. :)
**just visiting.
REDLAN
Aba bumalik ka talaga Red, ah.
Oo nga, sa city maraming nakaharang na mga gusali. Kapag may makita ka nang falling star, tiyak gagawan mo talaga kaagad ng artwork 'yan. U
MIGHTYDACZ
Wow! Fan ka ba ni Big Brother, Mightydacz? Ako nga gusto kong mag-audition para maging isang housemate, eh.
Ano naman ang wish mo? Papalitan/Ibabalik ko rin sa dati itong header ko kapag makagawa na ako ng bago kong post. o",)
VANNY
Welcome sa The Chook-minder's Quill!
Yes, tama ka. Dapat talaga pinagpapaguran o pinagtatrabahuan din ang mga bagay na hinihiling natin. Lalo na kapag samahan pa ito ng dasal, siguradong matutupad.
Salamat sa pagdalaw mo, Van. U
aba, wishbone na! why change? parang ang daming nagpapalit ng layouts ngayon ah.
never pa ata akong nakakita ng bulalakaw. if i ever manage to see one, i'd wish for world peace. :)
REENA
Isinabay ko lang ang header photo na 'yon sa post kong ito, magkalapit kasi ang mensahe nila. WISH. U
Ibinalik ko na nga sa dati, kasi nag-update na ako.
Maganda 'yang hihilingin mo kung sakali... Wish ko ay sana makakita ka na kaagad ng bulalakaw, kailangang-kailangan kasi ng buong mundo ang kapayapaan ngayon. o",)
Post a Comment