Wednesday, February 4, 2009

Phascolarctos cinereus

Ang koala, tulad ng kangaroo, ay isa ring marsupial na makikita lamang sa bansang Australia; at tulad ng mga ‘di-nakalilipad na ibong emu, ang kanilang kasikata’y palaging nasasapawan ng mga kangaroo.


Ang mga turista sa Great Otway National Park, Victoria, Australia


Ang koala sa sanga ng eucalyptus... (An Australian icon.)


Ang salitang KOALA ay hango sa salitang Australian Aboriginal na ‘gula’ na ang ibig sabihin ay ‘hindi umiinom’. Madalang nga lang talaga kung uminom ng tubig ang mga koala, ito’y ginagawa lang nila kapag sila’y nagkakasakit, sa panahon ng matinding tag-init o tag-tuyot, at kapag wala na silang makakaing mga dahon ng eucalyptus na siyang natatanging halamang kinakakain nila.


90% ng tubig na pumapasok sa katawan ng mga koala ay nakukuha nila sa kinakain nilang mga dahon ng eucalyptus. Ang dahong ito’y salat sa enerhiya at protina, napakahirap tunawin, at maylahok pang nakalalasong kemikal na kung tawagi’y phenol at terpene. Dahil sa ‘di-magandang nutrisyong makukuha sa mga dahong ito,ang katawan ng mga koala ay may mga likas na katangiang naaayon sa kanilang paggamit ng naipong enerhiya. Mabagal sila kung kumilos, palaging inaantok at tulog ng halos 18 oras bawat araw; at nagiging aktibo lamang sila simula takipsilim hanggang sa gabi at bago sumikat ang araw.

Sa 600 na uri ng eucalyptus sa buong Australia, 40-50 lamang nito ang nakakain ng mga koala, at sampu lang ang pinakapaborito nila. Pinaniniwalaang ang sampung ito lamang ang nagtataglay ng kakaunting nakalalasong kemikal na kayang-kayang tunawin ng kanilang napakabukod-tanging atay (kung ikukumpara nga naman sa ibang mga hayop).


Kapag mainit ang panahon, makikitang nakalambitin ang mga koala sa sanga ng eucalyptus, at kapag maginaw sila nama’y nakaupong nakabaluktot sa mga sanga.

Ang magkakamag-anak na koala ay nagsasama-sama at nakatira sa iisang malagong kagubatan ng mga eucalyptus. Ang mapunong lugar na ito ay sapat upang matugunan ang mga pagkaing kinakailangan ng kanilang buong angkan lalung-lalo na ang mga lumalaking batang koala. Kapansin-pansin ding bago nila iwanan ang kanilang teritoryo ito’y kalbung-kalbo na! Sa ganitong kalagayan aalis na ang pangkat ng mga koala at lilipat sa isa na namang mayabong na gubat.


Walang mga koala sa Western Australia at Tasmania. Ang mga malalaking lalaking koala na may bigat na 14 na kilo ay makikita sa katimugang bahagi [Victoria at South Australia (kung saan ako naroon ngayon)] ng Australia; at ang mga maliliit na babaeng koala na nagtitimbang ng 9 na kilo ay matatagpuan naman sa hilagang bahagi (Queensland) ng bansa.

Kakaiba ang mga ari ng lalaking koala sapagkat ito ay naka-sanga (bifurcated penis); at ang lagusan ng pagkababae at matres naman ng mga babaeng koala ay nagkataong dalawa at naka-sanga rin! Sa edad na 3-4 na taon ang mga koala ay handa nang magparami, kung saan ang kanilang pagdadalang-koala ay nagtatagal lamang ng 35 na araw. Ang kapapanganak na joey ay walang balahibo, bulag at hindi nakakarinig ngunit kamangha-manghang matapos itong mailuwal ay nakakaya nitong gumapang pababa hanggang makarating sa pouch ng kanyang ina. Ang joey na may habang ¼ na pulgada lamang ay nakakaya ring agad matagpuan sa loob ng marsupium ang suso ng kanyang ina kung saan kakapit ang kanyang mga bibig at bubusugin lamang siya ng gatas sa loob ng 6 na buwan.


Sa edad na 6 na buwan ay mayroon nang balahibo, malaki na ang tainga at nakakakita na ang joey. Nagsisimula na rin itong lumabas mula sa pouch at nagkakataong nakakakain ng dumi ng kanyang ina; dahil dito nakakakuha ito ng sapat na dami ng mga bacteriang tutulong sa kaniyang panunaw kapag handa na itong kumain ng dahon ng eucalyptus.

Tumatagal ng 12 hanggang 18 taon ang buhay ng mga koala. Sa kasalukuyang panahon, aabot na lamang sa 80,000-100,000 ang kanilang populasyon sa buong Australia. Kakaunti nalang ito kung ihahambing sa kanilang dami noong taong 1919 kung saan isang milyong mga koala ang pinatay para makuha at maibenta ang kanilang mga napakalambot at kaakit-akit na mga balahibo sa Europa at Estados Unidos.



SOURCES:

Sariling pagmamasid ni Doc Aga.

Wikipedia

The Koalas

Australia Fauna.com


Map of Australia from:

test.ausmeat.com.au/.../austmap_index.html


50 comments:

punky said...

ayos ah! dagdag sa kaalaman! salamat doc! pwede ba yang gawing pet? hehe..

RJ said...

PUNKY
Bilis naman Bert Loi! o",)

Bawal ang mag-alaga ng mga koala sa tahanan dito sa Australia. Ang mga nasa zoo at wildlife conservation lamang ang pwedeng mag-alaga nito.

Bukod sa mga nasa zoo, ang lahat ng koala sa Australia ay nasa wild na.

=supergulaman= said...

ahehehe...ayuz kuya Kim Atienza...este DOC RJ pla...

pero pero...rare na pla...sayang...ahehehe...parang tarsier lang ng Pinas... kaso un inde lumilipad...:)

Unknown said...

Bigla naman akong nainggit sa adventures mo parekoy! ampf! gusto ko ring humawak ng koala! wahhhh!!!!

kainggit!!! seryoso!

hahahahahaha

Kosa said...

wow..isa na nmang pasyal pasyal post...sandali at makabasa nga muna...hehehe

yAnaH said...

alam mo ba doc na isa sa rason kung bakit gusto kong makarating ng aussie ay ang koala...

padalhan mo naman ako ng koala dito :( gusto ko ung buhay ha ahihihihi

Dear Hiraya said...

ang cute naman! hahaha dala ka niyan dito pag balik nyo po sa Pilipinas haha di pa ako nakakakita niyan!

parang National Geographic / Kap's Amazing Videos naman tong blog niyo kuya.. napaka informative!

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

PaJAY said...

Napaka Informative...ayos!..

salamat Dok...

teka..naalala ko yong Storck candy sa kapanahunan natin..lolz...eucalyptus candy!..meron pa kaya nun ngayon?..hahaha...

abe mulong caracas said...

yun ang mas nagpanalo...yung picture with a koala bear...

ako kahit musang ng pinas di pa ko nakakakita hehehe

RJ said...

SUPERGULAMAN
Di ko gets... Hindi rin lumilipad ang koala, ang ibong emu ang hindi nakakalipad.


RONTURON
Magaling ka na ba, R2R?!

Habang hindi ka pa nakakahawak ng koala, stuffed toy nalang muna ang yakapin mo. Parang ganu'n din siya.


KOSA
Matagal nang pasyal-pasyal ito, bro. Ngayon ko lang naipaskil. Sige kung trip mong basahain, ayos. Arangkada na sa pagbabasa.


YANAH
Whew! KOala lang pala ang rason?! Akala ko'y ako. Pero ayos lang, aampunin pa rin kita rito. o",) Hahaha! Naalala mo sinabi(isinulat?!) mo dati?

RJ said...

FJORDAN ALLEGO
Magdadala ako ng life size na stuffed toy ng koala. Gusto mo ba? o",)


PAJAY
Sa tingin ko may Stork pa ngayon. Ha'n mo, pag-uwi ko sa April, titingnan ko.

Walang anuman.

ABE MULONG CARACAS
Hindi pa rin ako nakakita ng musang. Parang kakaunti nalang kasi sila. Ang koala may makikita pa sa wild, marami sa Queensland. Info lang, kapag may masagasaang koala malaking balita 'yan dito sa Australia.

Hahaha! Siguro natatawa kayo sa picture ko with koala ano? Au$30 ang ibinayad ko niyan. o",) Hahaha!

eMPi said...

ayos ang mga pics... PANALO... galing mo Doc!!!

Teka, bagong gising ka ba Doc... hehehe

=supergulaman= said...

nyaks kala ko lumilipad ang koala...ahahaha..tangaers...ahahaha..

flying squirrels ata yung naiisip ko...pero pero magkapamilya ba yun?... ahehehe

2ngaw said...

Kala ko nung una ang koala eh makikita sa koala lumpur...lolzz

Aba!!!Andito din pala si yanah!!!Koala lang pala ang magpapatibok muli ng puso nya lolzz

Ken said...

ang cuteeee!!!!!!!!! hehehe, gustong guto namin ng misis ko ang picture na may kahug ka na koala bear. Ang sweet ng koala... hehe Ikaw din doc!

Ang linaw ng photo sa ibaba, kinopya ko, souvenir. What camera gamit mo?

Sardonyx said...

Ang cute ng koala pero parang nakakatakot hawakan hehehe, thanks for sharing bago lang ako sa mundo ng blog hehehe.

RJ said...

MARCO PAOLO
Bagong gising saan? Sa photo? Hindi, isang oras na akong nakapila nyan bago ako nakuhanan ng picture kaya medyo pagod na ang itsura. Pero ngiti pa rin naman. Hahaha! o",)


SUPERGULAMAN
'Yan ang hindi ko masasagot. Sa pagkakaalam ko ang woombat 'ata ang mga kapamilya nila.


LORD CM
Uy! Welcome sa manukan... Kumusta ang Dungeon?

Ako rin noon, akala ko ay sa Koala Lumpur matatagpuan ang mga koala. o",)

Sana mabasa ni Yanah ang comment mo para makapag-reply din siya.


MR THOUGHTSKOTO
Hahahah! Dalawang buwan ko pong pinag-isipan ito kung magpo-post ba ako ng picture kong may kargang koala. Hahaha!

Mga official photographers po ng Australia Zoo ang kumuha nyan for Au$30! Kaya worth na ring i-post dito. o",)


SARDONYX
Welcome sa The Chook-minder's Quill! Kumusta ang Japan? Yaan mo, bibisitahin ko ang Hula Scoop. Mga hula kaya ang nandu'n? Makapagpahula nga. JOKE!

Nakakatakot ngang hawakan ang koala. Ang mga kuko nila ay napakatalas.

eMPi said...

@RJ... ayon buti na lang magaling mag-pose si koala.. hehehe PEACE!!!

ARTERY said...

Uy, parang combination ang rasa ng koala sa panda at unggoy. Pero para silang mga owl kasi active sila kapag gabi. Kakaiba nga tulad ng tarsier dito sa atin. Swerte mo at nahawakan mo. Hindi ba sila mailap sa mga tao? Hindi ba sila mabaho dahil hindi sila umiinom ng tubig?

RJ said...

MARCO PAOLO
Hahaha! May point ka.

Dapat pala nagkwento ako rito tungkol sa picture kong 'yan. Actually pagkatapos ko, ibinalik muna ang KOALAng yan sa kanyang bahay. Kasi pagod na at mainit na ang ulo. Kaya 'yong mga kasunod kong nakapila ay nanamlay ng tuluyan. Hahaha! Swerte ko talaga nu'ng araw na 'yan Mark. Whew!


ARTERY
Magaling ang analysis mo ng taxonomy nitong koala ah.

DOMESTICATED: Ang koalang ito ay tamed na, sanay na sa maraming tao, kasa-kasama niyan ang mga ibang alaga ni Steve Erwin doon sa Australia Zoo. WILD: nu'ng pumunta ako sa Great Otway National Park, kahit na maraming tao, walang paki-alam ang mga koala! Araw kasi nu'ng nakarating kami du'n kaya sa dami ng mga koalang nandu'n dalawa lang ang gumalaw. Tulog (o nagtutulug-tulogan) ang iba.

Madalas din silang tumatawid sa kalsada kapag gabi tulad ng kangaroo, kaya may mga signages din ng 'koala crossing' dito sa Australia. Kapag may masagasaang koala, malaking balita 'yan dito.

Hindi rin mabaho ang koalang ito na aking nahawakan. Pero ang mga nasa wild ay tiyak medyo... U

poging (ilo)CANO said...

wow..may adventure si doc aga..saya naman...informative pa..

in fernes ang cute ang hinahawakang koala! eh ung humawawak kaya?-peace doc koala este aga..hhahaha

gagamutin mo ba yan doc?lolz..

Kosa said...

hehehe..ito na ba ang simula Doc Aga?
ahhh tungkol pala lahat sa koala..
well informed ahhh Doc...
hanggaling!
sabi ko na nga bat isa na nnman itong educational trip sa ausie..

Joanie said...

Ohhh...I love koalas, they are like stuffed toys!

Hey you have a new skin on your banner? That's cute. I thought I'll make you one? :-)

Nebz said...

Koala na lang sana ako. at least me excuse para matulog ng mahaba. tsaka d pinapagalitan kahit mabagal ang kilos. hehehe.

RJ said...

POGING (ILO)CANO
Natalo din ba ang kapogihan mo ng humahawak ng koala? o",)

Hindi na yan kailangang gamutin kasi malusog na siya. Alagang-alaga 'yan du'n sa Australia Zoo.


KOSA
Aba'y bumalik ka nga! Sinisimulan ko nga ngang gamitin ang ibininyag mong nick sa akin.

Yes, koala lahat 'yan. Walang personal dyan. o",)


JOAN
Yes... Can you make me another blog banner? If you can add a leaping kangaroo and the Sydney Opera House, that would be great! o",) Thanks, Jo!

Every week pagpapalit-palitin ko ang mga header pictures ko. Hahaha!


NEBZ
Hahaha! Natawa po talaga ako sa wish nyo. (,"o

lucas said...

waaaaaaa! i love koala bears! T_T inggit ako! gusto ko kapag nareincarnate ako koala ako! hahaha!

---
hahaha! oo nga noh? ano naman istory nabuo mo?

sana nga happy ending to. hehehe!

salamat, RJ :P

AJ said...

ngayon naiintindihan ko na ang mga koala..kaya pala ganoon sila ..salamat sa nakakabilib na trivias doc..dapat binasa ng mga mas batang estudayante ang mga articles mo eh..

naencourage 2loy akong magtrivia sa mga camels d2 hehe..i wish i could be as hardworking as you ...

BRB..:)more of this.!

Anonymous said...

I just got back from Australia (Sydney and Melbourne) and it was a let down when I did not get the opportunity to see a koala. Mahirap talaga kapag kasama ka sa organized tour - you only see what they want you to see and for a stiff price, too LOL.

mightydacz said...

hi doc oi ang ganda ng banner mo.i love koala

meow said...

wow! kuya kim!

gusto ko makakita ng koala, ang cute, mukhang ma-amo!

di rin sila nagkakasipon o malat naaamoy nila at kakakain ng eucalyptus???!! jowk!

salamat sa muling pagdalaw sa blog ko. ok na si kentot.

KRIS JASPER said...

Interesting. Ive learnt a lot about koalas in this post.

At may sanga talaga ang mga organs nila? That's double interesting.

RJ said...

LUCAS
Hahaha! Oo nga, masubukan nga ang bifurcated penis sa reincarnation natin. JOKE! o",) Hahaha!

----
Kwento, naku, baka masisira ang maganda mong kwento kung isusulat ko pa ang karugtong ng eksenang isinulat mo. Tiyak kasing hindi ko mapantayan ang pagkasulat mo. Hayaan mong nasa isipan ko nalang ito.


JOSH OF ARABIA
'Yan ang hinihintay ko sa mga taga-middle east, ang magkwento tungkol sa camel. Kaabang-abang tiyak ang gawa mo, hanga ako kapag ikaw ang magkwento, bro. Napaka-smooth kasi ng takbo...


BERTN
'...let down' in the Land Down Under?! Whew!

Mahirap nga po yu'ng ganu'n, nagmamadali palagi sa oras. Hindi po ba kayo pumunta sa mga zoos? Tiyak may mga koalas po du'n.


MIGHTYDACZ
Salamat sa pag-appreciate sa bagong banner ko. Nasa post kong May mga Nagmamahal ang kwento niyan.

KOala?! Ayos nga. Parang stuffed toy siya. Hahaha. Ang camel Mightydacz, matigas, ano? Hahaha! o",)


MEOW
Tinawag pa akong Kuya Kim... "Lahat sisiyasatin, lahat aalamin, ako si Kuya Kim, Matanglawin..."?! Hahaha!

Maamo nga ang koala, Meow. Hahaha! Ayos ang idinagdag mong kaalaman tungkol sa kalusugan ng mga koala, ah. o",)


KRIS JASPER
Yes, bifurcated nga ang penis, vagina at uterus nila Kris Jasper!

WELCOME dito sa The Chook-minder's Quill! Bibisitahin kita sa blog mo.

iceah said...

ang cute ng mga Koala c: pati yung may hawak hehehe c: katuwa naman.I like the way they carry their babies at their backs c:

dami plang class ng eucalyptus isa pa lang nakikita ko yung mabango na paround ang mga dahon c:

i am nobe. said...

gosh! koalas are so cute!!!

love,
nobe

www.deariago.blogspot.com
www.nobe112681.blogspot.com
www.babyproblogger.blogspot.com

Chubskulit Rose said...

ang cute naman, love the last pic... But di naman sila nangangalmot or kagat kaya?

darkhorse said...

kakagigil naman yan! sarap lamutakin yun balahibo - lambot cguro....tc

NJ Abad said...

RJ,
Galing ng write up mo about the koalas. Very informative!
As what Josh of Arabia said na naencourage syang magtrivia sa mga camels d2 sa disyerto ako'y nag-iisip din na gumawa ng trivia para sa aming Pacific White Shrimp (Peneaus indicus)...Gaya-gaya ano? Hehehe.

paperdoll said...

mas na aliw aco dito kesa sa mga kangaroo. . feeling co kasi may lahing koala aco. . 18 hour natutulog at madalang uminom ng tubig. . ang kaibahan lang eh 9-14 kilo lang sila. . eh heavygat aco. . lol. .

natawa aco dun sa pagdadalawang koala ah. . hahaha. . apir! napakagaling!:* daan daan lang:D

RJ said...

ICEAH
Wohoo! Naisama pa ako sa pagiging cute ng koala. Thanks! o",)


I AM NOBE
Nobe, welcome sa manukan!

Cute nga, at malambot... parang stuffed toy.

Nakarating na rin ako sa blog mo.


CHUBSKULIT
Maamo na ang koalang aking nahawakan kasi bred and born in captivity na ang mga 'yan- rason kung bakit hindi na sila nangangalmot.

Ang sa wild? Hindi ko lang alam kung nangangalmot. Pero napakabagal nilang kumilos, eh, at palaging matamlay. Tiyak mabait.


DARKHORSE
Hahaha! Yan din ang nasa isip ko nu'ng hindi ko pa nahawakan, sarap lamutakin. Pero nu'ng nahawakan ko na, hindi na kasi ang bait!


DESERT AQUAFORCE
Welcome po sa The Chook-minder's Quill!

Thanks sa pag-appreciate. Hihintayin ko ang trivia nyo ni Josh tungkol sa camel at prawns. Maganda nga po 'yong idea nyo.


PAPERDOLL
Uy! Kumusta? Buti naabutan mo ang post kong ito tungkol sa mga koala.

Hahaha! May lahing koala ka pala?! Anong iniinom mo, juice at softdrinks lang? MAdalang ang tubig?

Apir! Napansin mo talaga ang ginamit kong salita sa pagbubuntis ng mga koala. Kung ganu'n maraming salamat sa pagbabasa. o",)

Anonymous said...

Marami palang varieties ang eucalyptus, ano? Yun kasi ang naglalarong tanong sa isip ko --- kung papaano silang hindi nagsasawa duon! At least may 10 pala silang pinaka-peborit sa 40-50 na pwedeng pagpilian.
Yan ang "bears"(?) na talagang 'hug-able'.

Ishna Probinsyana said...

wow. 12 to 18 years pala ang buhay ng isang koala. Matagal na ba yun para sa isang hayop? Ang ganda nilang tingnan. Kaya naman pati balat nila pinagkakakitaan.

Ang ganda ng bagong header ng blog mo, RJ!

Anonymous said...

Doc, para akong nagbabasa ng tagalog version ng "National Geographic" sa post mong ito. Very informative.

pamatayhomesick said...

salamat sa impormasyon...pards parang iuuwi mo na yung isa sa picture ah.he he he.

RJ said...

HOMEBODYHUBBY
Marami, may mga literatures nga pong nagsasabing 700 na po lahat ang mga uri ng eucalyptus. Hahaha! Regarding sa hindi nagsasawa, wala rin 'atang magawa itong mga koala kasi nga sa aking tantiya mga 85% ng mga puno rito sa Australia ay eucalyptus. iTo nga ang palagi kong nasasabi sa sarili ko, na napaka-boring ng vegetation nitong bansang ito.

Misnomer nga po ang salitang 'bear' sa KOALA BEAR. Kaya lang daw inilagay 'yan noon dahil nalilito ang mga tao kung ano talaga ang itsura ng mga koala. At dahil halos kapareho nito ang itsura ng teddy bear, tinawag nalang munang KOALA BEAR-- na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin.


ISHNA PROBINSYANA
Yes, matagal na ang 12-18 years para sa mga hayop. Sa pagkakaalam ko ang mga aso ay 12 years nga lang ang life span nila.

Salamat sa pagpansin sa aking header.


BLOGUSVOX
Ganu'n po ba? Ang orihinal na plano ko nga po sana nito ay paghaluin ko ang aking personal na reaksiyon at mga kwento nu'ng una kong nakita ang mga koala, at i-insert ko lang ang mga facts tungkol sa kanila. Kaya lang napakahaba na po, kaya diniretso ko nang facts nalang lahat.


EVERLITO (EVER) VILLACRUZ
Hahaha! Hanggang life size stuffed toy lang po ang kaya kong iuwi sa Pilipinas.

Walang anuman. (,"o

Anonymous said...

napakahuay ng pagkakasulat at puno ng kaalaman ang artikulong ito!kahanga hangang manunulat ka talaga rj!

parekoy!mis u! hehe!ang cute ng kuala! parang ang sarap alagaan!^__^

Jules said...

wow ang galing tlaga ni doc/kuya RJ! :D hihi

Marlon Celso said...

ang kyut kyut ng koala hindi ko tuloy maiwasan isipin iyong movie ni jackie chan dati na brief niya dun koala. lols!

Ngayon lang ata ako naligaw dito ah. lols!

RJ said...

EMAR
Salamat sa iyong pag-appreciate... Kahit na binasa ko lang 'ito at isinalin-wika.

Bawal alagaan o gawing pet ang koala.


SUMMER
Si Jules ay naging Summer na?! Bakit?!


MARLON
Salamat sa pagdalaw Marlon. Kapag hindi na ako busy, dadalawin din kita sa blog mo.

Hindi ko napanood 'yong pelikula ni Jacky Chan. =,{

Anonymous said...

ay ang galing isa ka palang mahusay na translator!ang galing naman! IDOL!

jolliber said...

....mahirap palang maging Koala

joey...