Monday, February 2, 2009

May Mga Nagmamahal...

Taos-pusong pasasalamat ang aking ipinaparating kay Rejie ng RDAConcepts sa paglaan ng kanyang oras upang magawan ng napakagandang banner ang The Chook-minder’s Quill. Maraming, maraming salamat bro... sa wakas (?!) nagkaroon na rin ng kulay ang aking blog header dito.

...may ulo ng aking alagang manok, may sketch ng Sydney Opera House, at nariyan pa rin ang aking makapangyarihang pluma! Ang mga manok naman palagi ang mga bida rito kaya hindi na muna isinama ang lumulundag na kangaroo, at ang tumatakbong emu dyan sa banner.



NAKATANGGAP RIN AKO NG award/tag mula sa isa sa aking mga paboritong bloggers na si BlogusVox na siyang nasa likod ng The Sandbox; ito ay ang Honest Scrap Award. Ito ang sinabi niya tungkol sa (akin at sa) aking blog:

“RJ of The Chook-minder’s Quill - I like his write up, very informative, about his adventure/misadventure down under.”

Wow! Maraming, maraming salamat po Mr. BlogusVox!

Hinihingi pala ng Honest Scrap Award na ito na maglista ng sampung katotohanan tungkol sa aking sarili, pero may naipaskil na ako noong unang araw ng Disyembre ng nakaraang taon, kaya ili-link ko nalang kayo rito- Ang Sampung Katotohanan tungkol kay RJ. Mr. BlogusVox, sana ay ayos lang po ito sa inyo.



ISA RIN SA MGA walang-sawang nagbabasa ng The Chook-minder’s Quill ay ang Survivor Mom na si Nanaybelen. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa ibinigay niyang Treasured Friend Award at Cute Award para sa akin at sa aking blog.




Maraming mga tao, bukod sa aking pamilya, ang alam kong nagmamahal sa akin. Sa mga bloggers na palaging tumatambay rito sa aking 'tahanan', maraming maraming salamat sa inyo! Kayong lahat, kasama nina Rejie, BlogusVox at Nanaybelen ang siyang mga patunay na ang buwan ng Pebrero o ang Valentine’s Day ay hindi lamang ipinagdiriwang upang ipakita ang pagmamahal para sa ating mga kapuso, kundi para rin sa ating mga kapamilya at mga kaibigan.





[Whew! Natapos ko rin ang post na ito, sa wakas! Humina kasi ang battery ng aking computer mouse, at dahil tatlong kilometro ang layo ko mula sa bayan, at nagsara na ang mga tindahan kaninang alas sinco ng hapon, tiniis kong mag-post ngayon ng walang gamit na mouse.]

27 comments:

punky said...

ui maganda yung pagkagawa ng header!

=supergulaman= said...

wow ganda nga! prang gusto ko din gumawa...mmhhhh...

Dear Hiraya said...

maganda nga yung header! galing!

at ang dami mo pang award! dami talagang nagmamahal sayo kuya!

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

poging (ilo)CANO said...

wow bagong header..pa canton ka naman jan doc aga!

maraming nagmamahal sayo doc aga...kung alam mo lang...amf...lolz..

Anonymous said...

wow.. magkano binayad mo sa banner doc? hahaha mapuntahan nga din yung gumagawa ng kawang gawa na yan..lols

yung mga awards na bago, hindi na ba uso ang pasa-pasa? hehehe

eMPi said...

napansin ko agad ang banner sa blog mo... ganda!!!

Anonymous said...

Bilib ako sa gumawa nung header, pards --- personalized! ;) Iba sa lahat ang gift na pinag-ukulan ng panahon para gawin! Congrats!

Ken said...

hehe, i love the new banner, it soothes the eyes! Parang yung dakilang manok, nagsasabing welcome po! hehe

I followed this blog, if you only know your portal inspires people like me more than you think I do to you!

Thanks doc!

Anonymous said...

I like your new banner. It reflects who you are, where you are and what you do. Paki sabi kay Rejie, marunong sya.

RJ said...

PUNKY
Bert Loi, ikaw ba 'yan?!


SUPERGULAMAN
Naku, tiyak mas makulay ang banner ng Supergulaman. Ang dami kayang kulay ng gulaman.


FJORDAN ALLEGO
Maganda ang pagkagawa ni Rejie, ano?! ***Oo, marami nga. o",)


POGING (ILO)CANO
Bakit may LOZ sa dulo ng sinabi mong, "maraming nagmamahal sayo doc aga...kung alam mo lang..."

Canton?! Lechon manok nalang.


KOSAPOGI
Naku, hindi na uso, kasi pinapasa ko, ayaw namang tanggapin. Kaya sasarilinin ko na muna. Hahaha! o",)

Bayad?! Pupuntahan mo naman 'ka mo si Rejie, di ba? Itanong mo nalang sa kanya.

RJ said...

MARCOPAOLO
Thumbs up para kay Rejie! Matutuwa siya kapag mabasa niya itong sinabi mo.


HOMEBODYHUBBY
Thank you....

Salamat kay Rejie, matutuwa yu'n kapag mabasa niya itong sinabi niyo.


MR. THOUGHTSKOTO
Wow! Salamat po...


BLOGUSVOX
Many thanks...! o",) Sana po mabasa ni Rejie itong isinulat niyo rito.

AJ said...

gud to b back here in one of the friendliest site (and in demand) in the blogosphere...u earn those cute tokens..more power pareng RJ :)

rgds too..

my-so-called-Quest said...

astig ng banner! huwaw!
at ang daming awards! congrats kuya=p

rdaconcepts said...

thank you po sa mga good comments nyo sa ginawa kong header.
maliit na bagay pero nakaka-taba ng puso. hehehe, valentines?

-rejie
http://rdaconcepts.blogspot.com

RedLan said...

wow ganda ng header. tumpak! at ang may awards. you deserved it bro. (wink)

Admin said...

Ganda naman ng header..


Nice :) Daming awards.,... Hehe :)

Kumusta nga pala ang VDay mo?

pchi said...

dumadami ang nagmamahal kay doc RJ!

galing mo doc!

keep the nice posts coming... you deserve all these awards

darkhorse said...

ganda naman ng logo artistic! may meaning sa tao author ng blog...great job! tc

abe mulong caracas said...

congrats sa ulo ng manok at sa award hehehe!

Nanaybelen said...

hayy.. salamat naman at tinanggap mo na award ko. hehehhe

Ganda header mo. connected sa sa iyong profession.

RJ said...

JOSH OF ARABIA
Wow! Sa wakas bumalik ka na rin! Ang ganda ng description mo ng blog ko, ah. Salamat. o",)


MY-SO-CALLED-QUEST
Kumusta ang bakasyon, Doc Ced? Hayaan nyo, basahin ko ang bagong entry mo.

Salamat!


RDACONCEPTS
Rej, salamat ng marami. Sana nabasa mo lahat ng mga papuring sinabi nila rito tungkol sa ginawa mong banner para sa The Chook-minder's Quill. Mabuhay ka! o",)


REDLAN
Kapag ang taong mahilig sa Arts ang magsabing maganda ang blog header ko rito ay napakasaya ko na! Salamat!


LIONHEART: RICHARD THE ADVENTURER
Vday?! Kasama ko pa rin ang mga manok, Richard. =,{

RJ said...

PCHI
Dumadami ba?! Hahaha!

Thanks.


DARKHORSE
Salamat naman at nakapasa sa taste ng isang photographer na tulad mo ang blog header ko. Si RDA Concepts ang gumawa niyan. o",)


ABE MULONG CARACAS
Hahaha! Natawa naman akong kinungratulate ako sa ulo ng manok. Maaga pa ay napatawa nyo na ako. Salamat. (,"o


NANAYBELEN
Ayan, nakita nyo na po, tinanggap ko na nga po. Maraming, maraming salamat po sa mga awards na ibinigay nyo sa The Chook-minder's Quill. Sanay hindi kayo magsawang sumuporta sa blog kong ito. U

Salamat din at nagustuhan niyo po ang blog header ko.

Nebz said...

Congrats po sa bagong banner! At kay Rejie ng RDA Concepts (nadalaw ko n rin ang site nya!).

At siempre pa sa buhos ng papuri (dahil para s akin, you're not the only friendliest Pinoy blog, you're the smartest and the most heartful!). Naks!

Nagbrowse ako using Firefox and IE, parehong dark ung background kaya medyo inaninag ko p ung manok. Pwede sigurong ibang background. (Pero ang concern mo siguro baka hindi mag-blend dun sa original background graphics? Chk ko kung pwedeng mapalitan...magmarunong b?).

Tsaka (o meron pa?!!!) medyo uneasy lang ako dun sa word na 'lihim' dahil parang napakalalim ng pakahulugan nya. Okay cguro ung 'samut-saring kwento at buhay pakikipagsapalaran ng isang magmamanok'.

RJ said...

NEBZ
Yes, Kuya Nebz, OK lang po kung may magagawa pa po kayong improvement para rito sa blog header ko. Send nyo lang po sa akin.

Hindi po kasi ako marunong gumawa nito.

Nebz said...

Read mo to:

http://tricks-for-new-bloggers.blogspot.com/2007/09/unable-to-remove-header-image.html

Madaling sundan ung instructions. Good luck. Basta tandaan mo, huwag na huwag mong iki-click ung delete this blog katulad ng ginawa ko dati.

lucas said...

i love your new header! it's so YOU :)

Gracey said...

hangganda naman ng header!! :D
daan lang, daan ka rin sa blog ko. :)