Hindi ko nga alam kung swerte nga akong nandito ako sa South Australia kahit na kahapo'y halos dalawang oras umihip ang napakainit (48'C) at napakalakas na hanging (humigit-kumulang 110 km./hr.) nagmumula sa malawak na disyerto ng Northern Territory, na sinamahan pa ng napakapal na mga alikabok at mga buhangin!
Hindi ko rin alam kung swerte pa rin ako kahit kahapon ng umaga ako'y binangungot habang gising sapagkat inabutan ko ang gabundok (15 tonelada) na pakaing manok ( o feeds) na natapon sa sahig ng manukan dahil naputol ang tubong nagdudugtong ng feed silo sa mga feed lines. Humanga rin ako sa automatic auger at sa 32.2 ft./sec. sq. na lakas ng hila ng gravity dahil ang lahat ng mga patukang nasa loob ng imbakan ay nakaya nitong ihulog sa sahig ng manukan magdamag (oras nga lang siguro)!
Kaya kahapon, manu-mano kong pinakain ang 40,000 naming mga alagang manok sa shed 5... Sandok, buhos, sandok, buhos, sandok, buhos... Mag-isa ko lang itong ginawa sapagkat kasalukuyang nagbabakasyon ang farm manager at ang aking kasama rito'y nakaday-off naman. Natuwa naman ako kanina dahil kahit papaano'y tatlo na rin kaming nagtulung-tulong mag-sandok, buhos, sandok, buhos, sandok, buhos... Ito'y ginawa namin ng tatlong beses sa isang araw.
Kaya ngayo'y pagod na pagod ako. Sa tantiya ko sa makalawa pa mauubos ang mga natapong feeds na 'yon. Pero dahil nga palagi mong sinasabi sa aking, "Kaya mo 'yan!" ...kinakaya ko talaga. Maraming salamat sa 'yo.
Saka na po ang matinong post. Sa ngayon, sabayan mo nalang muna akong kumain. Kain lang nang kain, pampalakas at pampawala ng pagod.
Typical outback Australian 'steak & chips'.
(Chips - is a preferred term for a French-fried potatoes in Australia.)
(Chips - is a preferred term for a French-fried potatoes in Australia.)
Australian finger foods.
left- (crisp brown) coated fried chicken and pizza slices
right- chicken nuggets and meat balls
center- spring rolls (known as lumpia in the Philippines)
top- sausage rolls
below- meat pies
left- (crisp brown) coated fried chicken and pizza slices
right- chicken nuggets and meat balls
center- spring rolls (known as lumpia in the Philippines)
top- sausage rolls
below- meat pies
Magbabalik po kaagad ang The Chook-minder’s Quill... (Magpapahinga lang po ang magmamanok.) Abangan! *CMQ
Australian Map by:
test.ausmeat.com.au/.../austmap_index.html
Feeding System illustration by:
www.brockmfg.com/
33 comments:
Hala. Parang ang daming nangyayari ngayon dyan sa Australia ah! Swerte ka pa din RJ kase helathy ka pa din! Walang nangyaring masama at hindi naapektuhan ng bagyo, baha at buwaya! At swerte ka kase andaming foods oh! nagutom ako at natakam tuloy.
Pahinga kang mabuti, RJ!
RJ- ang masasabi ko lang.....maswerte ka pa rin talaga hehehe, salamat din pala sa pagdalaw mo sa aking munting blog. Nahuhulaan ko na....magiging maswerte ka sa araw na ito hahahaha bukas? hmmmm di ko pa alam hahaha, nice blog RJ
katakam-takan naman!
penge!
bakit may cover ang mukha?
hehe :D
nakakapagod pala work mo Doc noh? lalo na mostly routine lang.
hayaan mo, makakaipon ka rin! Kaya mo yan!
dito dok parating na rin ang summer.medyo umpisa na rin sandstorm..pag nagalit si init..papalo na naman ang init malamang aabot na naman yan ng 50'C pataas...
Sandok, buhos, sandok, buhos, sandok, buhos.......pagkatapos..lamon...hinga...lamon....hinga...lamon..lamon...inum....hahaha..
swerte ka tlga doc kc dami mo pagkain..laki pa tinapay..penge naman jan...
"ang mata ay sadyang tinakpan para hindi halatang ako ay matakaw" - doc aga...
peace..lolz..
hi dockie pinagpapala ka talaga ur so lucky!!!so hows ur biceps and triceps after doing sandok buhos exercise?
oi wow sarap naman foodies dyan pahingi.
Hahaha...Ilang toneladang pakaing manok ang hinakot mo para sa 40,000 mil na ulo? Naubos mong napakain ang 15 tonelada?
Doki, kayang-kaya mo yan. Yan ang Pinoy!
Hayaan mo, ipagdasal ko na ma repair na kaagad ang feed silo mo.
Sabi nga ng mga nag-iwan ng comment, maswerte ka parin...Oo nga naman at hindi ikaw ang tinambakan ng 15 toneladang feeds...(naaamoy ko na dito ang amoy ng feeds)
Peace dok!
KAYANg KAYA mo yan doc!
ikaw pa!
ang saya siguro nung SANDOK BUHOS na yun! para kayong naglalaro sa buhanginan..hehehe
bakit may takit na yung muka?
nagdadalawang isip ka na din bang ibandila ang iyung muka?
at yung mga pagkain, lols dinuguan ba yung nasa taas? yung my fries? lols
ang lufeeeeet ahhh
sige doc, ingat sa heatwave.. maganda na yan kesa sa mabaha.. madaming magkalat na sakit sa tubig baha eh..
Para palang Southern California d'yan kapag summer months...maraming brush fires na mabilis kumalat! BTW, hindi ba affected ng heat yung mga manok na ina-alagaan mo? How about during cold weather?
A friendly advise, stay away from buwayas...yung four-legged at two-legged kinds LOL.
grabe ganun kainit??48 degrees?oh my god! buti wala ka dun!
mukhang masarap nung steak a!penge!
bagyo, baha, buwaya, heat wave,sandok, buhos, ....ano pa? ahihihihihihi
kahit ano pang dumating.,..kakayanin mo yan doki dok!
kaw pa! hahaha
ingats-ingats poh ang magmamanok...
just wanna ask..do u still eat chicken?
tsk! sobra nmn init...48 degrees...
sabi sa news umabot na daw sa 100 yung patay jan dahil sa wildfire..southern Australia ka di ba?
tsk!
ingat-ingat lng chong... :)
well, kung napapaligiran ka nmn ng foods..safe nga...eheks...yumyum...:D
Hehehe :D After ng malalakas na kung ano ano eh mga pampalakas naman...
Ingat ka jan brod...marami pang aasa sayo :D ... pag wala ka na makain, katay ka ng isang manok lolzz
maswerte ka parin noh! ano bang iniisip mo? hahaha. . . nagpapaulan ata ng kamalasan ngayon eh. . ampf. . last feb. 7. . nawala ung natitirang 1,500 sa pitaka co, nawala ung psp cong daladala ng utol co kaya halos mapatay co sya, nag away ang mama co at tito co at nag basagan sila ng mga sasakyan. . sira ang dalawang sasakyan namin, parehong basag ang windshield at butas ang mga gulong. . ang saya nila mag away noh? ito ang bagyo samin. . nakakapraning! hahaha, . .
at dahil ginawa mong pampalubag loob ang pag kain nyang masasarap na putahe sa taas eh sa tingin co kailangan co lang din ifoodtrip to. . grabe! ang saya ng feb=ibig. . lol
ISHNA PROBINSYANA
Yes, swerte nga... Siguro bukas or sa Wednesday pa ako makakapagpahinga ng maayos.
Kumusta ang traning mo, tapos na ba?
SARDONYX
Sige nga po hulaan n'yo ako kung may magandang mangyayari sa akin dito sa Australia ngayong taon...
Very creative po ang blog niyo.
PCHI
Tinakpan ko ang mukha kasi ayaw kong ako ang bida rito, gusto ko ang mga Malalakas at Pampalakas ang siyang maging bida. OK?
POGING (ILO)CANO
Dito sa South Australia lumalamig na, lowest temperature nga kahapon ay 16'C nalang. Autumn na dito! Whooo!
Hahaha! Kaya ko tinakpan dahil hindi naman ako ang bida rito sa post na ito, ang mga pagkain naman.
MIGHTYDACZ
Ayos lang naman ang triceps at biceps, ang problema ang heart ko, sobrag bilis ng beating nito. Whew! Bukas siguro matatapos na rin kami ng pagsasandok-buhos...
DESRT AQUAFORCE
Hindi pa po naubos, 3rd day na po ngayon. Siguro bukas, Tuesday ay tapos na.
Hahaha! Oo nga po, swerte pa rin dahil hindi ako ang natabunan ng mga feeds!
KOSA
Hahaha! Anong enjoy?! Pagod. Huhmnn.
Tama ka, ayaw kong makita ang mukha ko rito, sobra na ang exposure ko, bro. At isa pa hindi naman kasi ako ang bida rito sa post na ito, ang mga pagkain naman.
BERTN
May automatic cooling sytem ang manukan, gahiganteng mga cooling pads kaya mas malamig sa loob ng sheds kapag naghi-heatwave. Kung winter naman ayos lang dahil may tatlong mga LPG heaters naman sa loob.
Salamat sa advice, yes tama ka. Hahaha!
MAC CALLISTER
Noong Friday nga ay 50'C pa ang temperature namin dito. Ganu'n kainit! Ganyan dito sa South Australia, at nandito ako kung saan mismo naghi-heatwave!
YANAH
Yes, kumakain pa rin naman ako ng manok. Kapag pumunta sa city KFC chicken pa rin, o kapag sa food court naman, hindi pa rin nawawala ang fried chicken na binibili ko sa Asian foodstore. Patronize dapat, para tataas ang demand ng mga alaga naming manok. Hahaha!
SUPERGULAMAN
Yes, nasa South Australia ako, ang bush fire ay nasa Victoria.
LORD CM
Naku, always 'yan. Basta malalaki na ang mga manok, at pwede nang katayin, kapag gusto naming kumain ng manok... Katay. o",) Litsong manok talaga!
PAPERDOLL
Wow! Sobra ang mga eksena ng 'bagyo' sa inyo ah. Naayos na ba ang away? Sana...
Hahaha! Out of topic ba ako ngayong February? Hayaan mo, magpo-post din ako ng pam-Valentine's Day.
How are you Doc RJ?
Sarap ng pagkain oh... at ang laki ng tinapay... hehehe
Ingat palagi doc.
wow! iababahagi mo rin ang lab istori mo? aabangan co yan! hahaha
doc, dyan ako believe sau, sa dami ng nangyari sau at sa aussie, at sa ilang toneladang patuka ng ilang libong manok ang pinakain mo, may panahon ka pa rin magbisita sa mga blog namin at magbasa ng post at magcomment...alien or mutant ka ba? :) hehe
pero it just speaks how sincere you are, kasi you really spend time reading and then commenting!
Happy hearts days in advance sau at sa mga manok mo!
hello RJ,
salamat, binabati kita.. napakaswerte mo at napunta ka sa mainit kesa sa bumabahang lugar diyan sa Australia.. naku, pano kung nadun ka sa baha napunta? khit marunong ka lumangoy, kawawa ka pa rin dun sa mga malalaking buwaya. Susme, nakakatakot yun..
Napunta ako dyan sa parteng Melbourne Victoria. Nakaka-flip ang season diyan. Di lang season pati na rin lenguwahe nila grabeng nakaka-flip.. ingles ba 'yung gamit nila o nang-aasar na salitang pang-komiks? wehehehe...
sige ingat ka diyan palagi ha.. ang cute mag-komento ng puro tagalog.. salamat..
wow! ang sarap ng mga pagkain! at ang lalaki ng mga tinapay!! kakaiba! hahaha kakatuwa!
pahinga niyo lang po yan kuya.. kayo pa! yakang yaka niyo ang mga challenges diyan!
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
dun ako sa pagkain dahil sabi mo nga eh kinakaya mo naman!
parang ang sarap nung steak and fries! pero yung steak parang dinuguan lang hehehe!
MARCOPAOLO
Ngayon (2:13pm 10Feb09) ayos na. Naubos na ang mga nagkalat na feeds! Yehey!
PADAWAN REGIE
Okay, ikaw rin. Nadalaw na rin pala kita sa blog mo. o",)
PAPERDOLL
Abangan! Hahaha!
MR. THOUGHTSKOTO
Hahaha! Hindi po alien, hindi rin mutant. Kapag break time namin ay namamasyal ako sa mga blog ninyo.
Happy Valentine's Day, too!
2L3BS WORLD
Hahaha! Nu'ng bago pa lang akong dating dito sa Australia, naninibago nga po ako sa English nila, ibang klase ano? Sanay kasi tayo sa American English. Pero ngayon medyo nasasanay na ang tenga ko.
Ang weather nga po ay kakaiba rin! Whew!
FJORDAN ALLEGO
Hahaha! Siguro bro lumaki lang 'yang tinapay kasi mas malapit ito sa lens ng camera kaysa sa akin. o",)
Magpapahinga nga ako, pagkatapos kong makapag-reply sa inyo rito.
ABE MULONG CARACAS
Opo, kinakaya ko naman talaga, sinusunod ko ang mga sinasabi ninyong lahat. Hahaha!
Nagmukhang dinuguan nga ang steak ano, dahil sa mushroom-pepper gravy nito.
Swerte ng mga manok, three times a day rin ang kain. Mas maswerte ka, kasi kinaya mo. Dapat i-enjoy lang ang ginagawa. Ako rin sa pagkain ko rin binubuhos ang pagod sa pagtatrabaho. Katakam takam naman ang mga pagkain dyan lalo na yung malalaking tinapay.
Yung manok na i-drawing ko ay nakareserve pa rin. Pero hindi siya tsakto sa nirequest mo. Naghahanap pa ako ng tiempo na magawa yun. TC!
seryoso akong nagbasa ng post mo dahil alala din ako pag may naapektohan na pinoy dyan , sabi naman dito sa news walang pinoy na nasugatan o nasunog. salamat naman at confirmed ng post mo.
naawa ako sa iyo sa gabundok na nahulog at ikaw lang ang gumawa
naglaway ako sa masarap na steak and chips
wow very artistik naman ang ayos ng finger food. nakakagutom!!
tapos sa huling scroll down ng mouse ko , napahagalpak ako ng tawa sa mga tinapay na kinakain mo LOL. Baka mabulonan ka nyan wala ka man lang pantulak na kape or chocolate or any drinks ha. Hindi ko kaya yan
mainit ba dyan? ...d2 nman sobrang lamig... kaya tuloy tamad na tamad akong lumabas... d bale ilang days na lang at autumn na.
favorite ko rin yung steak (well done) at chips... tapos ang sauce, vinagre! ...yum yum yum.
Parang ginutom ako ah? lol!
News dito yung Forrest Fires jan. Sana ay malayo ka dun....
shucks..panalo and sizeng pagkain dyan...grabe, nakakagutom yan pinakita mo..lalo na yung tinapay na mula sa neighbor nyo. ikumpara mo sa pan de sal natin.hehe
ARTERY
Hahaha! Natatakam ka ba, Red sa malaking tinapay?! Alam mo ang tigas niyan. Pero sabi nga nila, kapag may kape ay lalambot din kahit ang pinakamatigas na tinapay.
Okay lang, kahit ano, at kahit kailan 'yong pinapagawa ko. Kapag busy ka, kahit isantabi mo na muna 'yon.
NANAYBELEN
Safe na safe po ako rito sa S.A..
Ayos na po ang mga feeds ngayon, naubos na po. Kaya nag day-off po ako today (11Feb09).
Hahaha! Wala pong kape kasi madalang akong magkape. Hot choco po ang pantulak ko dyan, pero napakatigas po ng tinapay na 'yan.
ROLAND
Noong nakaraang dalawang linggo napakainit (42-50'C), pero ngayon cool na. Kahapon nga 22'C lang ang maximum temperature.
Aabangan ko ang post mo tungkol sa Espanya.
KRIS JASPER
Malayo ako du'n sa bush fire, KJ. Pero dito sa South Australia may fire ban din kasi very risky rin sa sunog ang state na ito.
KCATWOMAN
Walang-wala ang pan de sal kung size ang pag-uusapan, pero kung LASA ang pag-uusapan panalo pa rin ang pan de sal natin! o",)
Bihira tamaan ng kalamidad ang Australia. Pero pag tinamaan, sagad naman. Tubig at apoy ngayon ang nananalanta sa ilang teritoryo dyan. Ingat lang palagi, doc. Nabalitaan kong dalawang magkakapatid na pinoy ang napahamak sa Victoria.
binabangungot na rin pla kahit gising!
haha! asttiigg!
ang saraaap!penge! :]
ang sarap naman ng finger foods! hayy nakakagutom naman! mas lalong sasarap yan pag may rice hehehe! pero manggang hilaw na nakasawsaw sa maanghang na suka na may asin ang gusto kong kainin ngayon! haha!
BLOGUSVOX
Oo nga po meron daw magkapatid na Filipinong naging victim. Tsk, tsk, tsk. Makikita natin kung papaano babangon ang bansang ito mula sa mga kalamidad na tumama kamakailan lamang.
JESZIBOY
Hahaha! Ang bangungot ko habang ako'y gising ay bahagi lang 'yon ng kakulitan ng aking pluma, para kahit kaunti ay medyo gumanda naman ang aking isinusulat. Hahaha!
PUNKY
Aba, bumalik ka pa ulit?!
Oo nga, nu'ng inilatag sa amin ang pagkaing 'yan inisip ko pa rin ang rice! Hahaha!
Naglilihi ka ba?
Post a Comment