Samantalang ako, may hawak nang mapa at ako pa ang siyang nagmamaneho ng sarili kong buhay pero nahihirapan pa rin akong makarating sa nais kong puntahan. Siguro, hindi pa ako mahusay magmaneho; o di kaya'y nagkamali ako sa kalsadang pinili kong daanan. Pakiramdam ko ngayon, napakatagal pa ng aking lalakbayin, bukod kasi sa malayo pa ang ang aking paroroonan, ramdam ko ang labis na hirap nitong biyahe dahil sa baku-bakong daang tinatahak ko ngayon. Bukod sa mga luha't pawis, pati dugo ay literal ding dumadaloy mula sa mga mahahapding sugat na aking natamo habang ako'y nakikipagsapalaran! Madalas kasi akong binabagyo, paminsan-minsa'y giniginaw at hindi rin naiiwasang ako'y matamaan ng napakainit na sikat ng araw!
Ang balahibong nakalutang ng napakataas doon sa himpapawid ay hindi nanganganib na bumagsak at masaktan; samantalang akong maingat na bumibiyahe rito sa lupa ay maaari pa ring mapahamak at mabigo! Ang balahibo, gaano man kalayo o kataas ang nilalakbay, ayos lang kasi hindi naman ito napapagod; samantalang ako, nangangailangan pa ng pahinga upang makaipon uli ng sapat na lakas para maipagpatuloy ang sinimulang paglalakbay...
Paglalakbay na ang sabi'y kinakailangang lumingon ngunit hindi naman pwedeng bumalik... paglalakbay na kinakailangang magpahinga ngunit hindi naman pwedeng huminto... paglalakbay na kinakailangang tuluy-tuloy ngunit hindi naman pwedeng dire-diretso dahil may mga daang paliku-liko... paglalakbay na ang ang sabi'y nasa dulo ang tagumpay.
Bakit nga ba ang tagumpay ay nandu'n sa itaas? At bakit kapag ang biyahe'y paahon, talagang sinusubok ng panahon?
Although feathers are light, a bird's plumage weighs two or three times more than its skeleton, since many of their bones are hollow and contain air sacs.
45 comments:
Doc RJ remember:
“The key to everything is patience. You get the chicken by hatching the egg, not by smashing it.”
kahit subukin ka.. kahit matumba ka pa... bangon lng... mahirap umahon... pero kelangang maging patient.. kelangang hindi sumuko... pasasan pa't makukuha mo din ang sisiw!
ang sabi ni kosa, "saksihan mo ang Byaheng walang kasing kulay at kasing saya..punu ng kahirapan at kalungkutan... sa huli makikita at mabibilang mo pa rin kung saan ka nagmula at kung ano ang iyung nalampasan at napag-daanan..."
ang sabi ni Dylan, "Waiting is teaching us and helping us to gain enough maturity"...
ang sabi ni Oracle, "Kung mararapatin lang natin tignan ang makinang na bituin sa ating mga puso, at bigyan tuon ang mga dapat ayusin sa ating sarili, malamang sa hindi ang kinang na ito ang siyang lilitaw na pinaka matingkad na bituin langit. Ang siyang magiging gabay sa anumang landas na ating nais tahakin."
ang sabi ko naman, "tara na at makisama..sumabay ka sa paglipad ng superhero ng masa"...
ang ibig kong sabihin, ang buhay ay parang isang mahabang byahe, na puno ng kasiyahan at kalungkutan, ang mahalaga hindi tayo sumuko kailanman (kosa)...sa pagdaan sa mga pagsubok ng buhay at pagnanais ng tagumpay, dapat matuto tayong maghintay (dylan)...wala daw elevator sa success...lahat dumadaan sa hagdan...mahalaga din na maging totoo tayo sa ating sarili, alamin ang ating sariling kakayahan, at gamitin ito sa tamang paraan..dahil ito ang magiging gabay natin sa pagharap sa landasin ng buhay (Oracle)..
...masarap, mahirap ang buhay...ang mahalaga i-enjoy natin ang bawat sandali nito (supergulaman)... ^_^
Doc RJ, Malalim ah. I was supposed to expound William Earnest Henley's Invictus, "I am the master of my fate. I am the captain of my soul." in my comment here but the "Believer" in me tells me that it is not "I" but "Him".
So instead of that,nag think ako na angkop sa manok...that's why Richard Bach's Jonathan Livingstone Seagull ang naisip ko kasi yung allegory nya about a unique bird named Jonathan Livingston Seagull - "For most gulls it is not flying that matters, but eating. For this gull, though, it was not eating that mattered, but flight." ay natamaan din ako.
Flight is indeed the metaphor that makes the story soar. By not compromising his higher vision, Jonathan gets the ultimate payoff: transcendence.
The story gives me "Flight"...Kaya ikaw hwag kang susuko..Lipad katulad ni Jonathan Livingstone Seagull.
Hwag ka lang sumigaw ng "LIPAD DARNA!"
ang balahibo na sinasabi mo doc agaRJ ay balahibong bata pa or maliit na kinakayang liparin ng hangin, pero ang kagaya mo ay balahibong may timbang, mature, at nasa letter U ng word na QUILL sa header mo. May balahibong lightweight, meron ding heavy weight.
ang tao habang tumatagal, bumibigat ang timbang, maniwala ka saken, literally at patalinhaga man, yan ang katotohanan. There maybe roads are thorny, rocky, zigzag or straightway, it doesn't matter, whats important, do we know why we are there? do we know where we are going?
We make byahe to succeed. But do we pause and think if we make journey to be happy? Not all successful people are happy, but ALWAYS, all happy people become successful.
another two cents, ipunin niyo po. hehehe :-)
just always remember na bawat daan na tintahak mo ay may kabuluhan at may lesson kang matutunan kaya don't worry about the long road...
hanggat humihinga tayo... hindi antatapos ang nilalakbay antin sa buahy natin...hanggat buhay tayo.. sige lang tayo ng sige sa bawat paglalakbay na gagawin natin.. maaaring napakahaba pa at napakahirap ng daan na iyong tinatahak ngayon sa paglalakbay, pero, ito ang magiging sukatan ng iyong pagkatao. maaari rin na along the way eh sabi mo nga, maraming baku-bako.. maraming mga batong nakaharang sa iyong daraanan, pero ito ang susukat sa iyong katatagan, ito rin ang magtuturo sa sa totoong buhay..madapa ka man, ito rin ang magsisilbing guide mo sa iyong pagbangon at pagtuloy sa naantalang paglalakbay..sinpo ang nagsabing madali ang buhay? lahat tayo may kanya-kanyang hirap sa ating pansariling paglalakbay.. ang ipinagkaiba lang ay kung paano natin tanggapin ito,at kung paano natin harapin...... di bale ng mapagod ka sa byahe mo ngaun dahil sigurado naman ako na kapag narating mo na yung totoong destinasyon mo, magiging masaya at kuntento ka na....
just keep living life...
it aint easy but gotta live with it.
doc,
kinalabutan naman ako dito..at tumayo din ang balahibo..kakaiba ka rin palang maging makata..mahiwaga..
galing-galing..and i enjoy ur post everytime u relate wid a tip :)
im learning in between.
Ganda naman ng view! nakaka-relax at tanggal ng mga stress sa buhay...
In regards to feather and it's threading path is so unpredictable, we don't see what's lies ahead but by faith and His promises we can know our ends...ganda ng post makata na poem!...thnks n tc lagi!
doc, wag kang huminto sa paglalakbay mo, tuloy tuloy mo lang yan kahit bako bako ang daan. darating din ang araw na makakamit mo ang tagumpay...tiyaga lang at dasal...sabi nga ni BATMAN, "ituloy mo lang ang iyong paglalakbay hanggang sa makamit mo ang tagumpay”...hwag mawalan ng pag-asa...
tuloy tuloy lang..
sandali tapusin ko nalang mamaya.. babalik ako hindi ko masyadong naintindihan..
naguguluhan ako..
pero nakita ko yung comment ni Super Gulaman ahhh
ayus na ayus..
Malalim ang Tagalog mo, kailangan ko pang hukayin para maintindihang maigi LOL. Btw, hindi ka ba na i-ilang na mag drive sa left side ng streets?
pasensya ngayon lang nakabalik...
ako kahit ilang taon nang tinatahak ang direksyon pinili ko, ngayon nagbabalak akong iwanan na ito.
kahit gaano ko kamahal.
sabi ko nga what is my art if it wond give food on our table.
depressing pero malapit ko nang makalimutan ang ibig sabihin ng tagumpay!
AZEL
Ang galing naman ng paghahambing, hatching egg! Patience nga talaga ang kailangan. Maraming Salamat, Azel. U
SUPERGULAMAN
Ayos! Tatlong tao ng QUinOTE mo. Wow! Ang gaganda naman lahat ng mga sinabi nila. ...ninyong apat, pala. o",)
'Yon nga, the journey is equally important than the end of the road, daw. Pero minsan madaling sabihin, napakahirap gawin. Opps, hindi naman ako ganu'n na ka-negative 'Yet, positive naman ako kaya nga ako nandito pa rin sa kung saan man ako ngayon.
DESERT AQUAFORCE
Wow dalawang mga tao ang QUinOTE niyo po ah, parehong magaganda ang sinabi nila. Alam niyo ang dami pong seagulls dito sa Port Wakefield. Malapit kasi (3kms away) kami sa Gulpo ng St. Vincent.
Hahaha! Hindi naman ako si Darna eh, kaya hinding-hindi mangyayari na sisigaw ako ng ganyan. Hahaha! o",)
MR. THOUGHTSKOTO
Wow! May paliwanag pa sa balahibo, ah. U
Ni-remind niyo ako sa happiness... Honestly sa segundong ito ngayon, medyo kulang ako ng ganyan kung trabaho ang pag-uusapan =,{
Yes, iniipon ko po.
CHUBSKULIT
Yes, thanks. Pilit ko naman pong hinahanap ang worth at lessons sa mga ginagawa kong ito. (,"o
YANAH
Ang ganda ng sinabi mo tungkol sa sukatan ng pagkatao at sukatan ng katatagan. I'll take it from you- the expert in life! U
AJ
Hahaha! Whew! Parang pang-halloween ba itong post ko?!
Salamat! o",)
DARKHORSE
Tama, maganda nga DH. Lush and green, ano?
Uhmn, mas napansin ang pagkasulat ng post kaysa sa in-express ko. Ayos din, kasi may ibang anggulong nakita sa post kong ito. Thank you. =D
POGING (ILO)CANO
Nag-rhyme ang sinabi ni Batman ah. Salamat, Pogi sa mga sinabi mo, i'LL take it.
KOSAPOGI
[Heto pa isang Pogi...]
Mabilis mong binasa, at kasalukuyang magulo rin ang isipan mo, kaya siguro di mo masyadong maintindihan. Kapag hindi kaya, ayos lang. Nakuha ko naman ang naisulat mong nai-share sa akin dito ni Supergulaman.
BERTN
Hahaha! Nasanay na po kasi kayo sa English.
Noong una po masyado rin akong naiilang, mga 6 months po 'yon. Pero sa katagalang nagda-drive ako rito, ayos na po. Sa ngayon wala na po talagang problema ang left-side (of the road) driving sa akin.
ABE MULONG CARACAS
Ayos lang! Belated Happy Birthday.
...food on our table. Tama nga kayo, 'yan din palagi ang ipinaaalala sa akin ng mga kaibigan at ng mga malalapit kong kamag-anak.
You're very lucky kasi mahal na mahal niyo ang direction/daang tinatahak niyo ngayon.
Isipin mo lang pre na hindi lang ikaw ang nagbabyahe...marami kang kasabay, at kung minsan may nauuna pa nga sayo...Magpasalamat na lang tayo dahil tuloy pa rin ang byahe natin, dahil ung iba naaksidente na at di na nagawang ipagpatuloy ang nasimulan...
Swerte pa rin tayo parekoy...tuloy ang byahe...
ang buhay daw ay isang mahabang paglalakbay. di mo talaga alam kung anong daan ang haharapin mo. andun na safe at aspaltado, meron naman mapanganib at baku-bako. kung minsan nga meron pang crossroads... mas mahirap yun dahil kailangan mong gamitin ang iyong gut-feeling sa pagpili.
nasa isang mahaba at baku-bakong paglalakbay din ako ngayon. tulad mo di ko rin alam kung kelan matatapos at kung saan papunta. pero naniniwala akong makakarating din ako sa paroroonan ko sa kahit anong paraan... let's just keep our hope alive :)
napadaan lang po galing sa site ni superG... happy trip!
wow! magkarugtong na nga ata mga bituka natin dito. . parang kabaliktaran lang ng aco. . isa din ba acong balahibo? kung minsan ang balahibo nanatili lang sa baba at natatabunan ng putik. .
hindi ba at mataas na rin naman ang narating mo. . ???
nagtataka aco kung ano pa ang nais mo marating sa paklalakbay mong yan. . kahit san pa yan, sa tingin co mag mimistulang ibon ka rin na palipadlipad sa kaitaastassan. . naks!
LORD CM
Naku, kahit medyo pagod na ako sa biyahe, at parang nagsasawa na, ayaw ko pa ring ma-aksidente, Pre. Whew!
...sa bagay tama ka, swerte pa rin tayo. U
ENJOY
Uy, napadalaw. Welcome sa The Chook-minder's Quill, Enjoy! o",)
Happy Trip! [Gusto ko itong sinabi mo.] May karamay pala ako. Kitakits.
PAPERDOLL
Tama ka. Alam mo kaninang tanghali habang naglilinis ako ng lunch room namin, may nakita akong isang balahibo sa sahig, halos matabunan na ito ng alikabok. Ayaw kong maging katulad ng balahibong 'yon. Pumayag nalang maapak-apakan, at walisin samantalang pwede naman siyang magpatangay sa ihip ng hangin para makarating doon sa alapaap.
Marami ngang nagsasabi, mataas na raw ang narating ko. Sabi nga ni Sarah Gonzales sa pelikulang 'Caregiver', "...minsan may mga taong nakarating na sa kanilang pupuntahan, pero hindi pa nila alam." Napanood mo ba 'yon Paperdoll?
Oo nga ano?! Nakapagtataka, hanggang saan pa ba kaya ang nais kong marating? Dito kasi sa bansang kinaroroonan ko ngayon, Paperdoll, nagsisimula palang ako... Nagsisimulang iposisyon ang sarili, at career sa dapat nitong kalagyan. Mahirap din, lalo na dayuhan ako rito. Hayaan mo, kapag ikaw ay makapangibang-bansa rin, mauunawaan mo rin ito.
-----
Kumusta na nga pala ang Tito at Mommy mo? Ayos na ba sila? Wow! May bago ka nang pagkakakilanlan ngayon, patingin nga ng mga ID's mo.
very inspiring. this exactly what i need to read these days :P
well done, RJ!
---
my bestfriend passed! woohooo! sana mag-top xa. hehe! thanks for remembering :)
so profound!
mas mapalad k p rin RJ sa balahibo. d na alam kung saan sya dadalhin ng kapalaran. pero ikaw alam mo kung saan k patungo. mahirap nga lang talaga ang daan. life's travel wasn't meant to be straight all the way.
pero sa mga previous posts mo, i think naman ur in the right path towards whatever plans you have. Lagi mo lang isasama si Lord sa mga lakad mo.
huwaaw..
lupeet. napakaganda ng meaning!
totoong napakarami nating pagdadaanan sa ating paglalakbay.
pero ang pangarap natin sa buhay ang magsisilbing gabay para marating ang ating destinasyon.
tnx for dropping by my blog. :)
i agree with everything you said!! i feel the same way. haha.
i'm trying to understand your blog's name. i still don't get it. haha.
Ang lalim naman nun RJ! :)
Pero alam mo, ikaw, buti ka nga naglalakbay ka na. Mahirap man, at least you're making steps na. It might not be a giant leap, pero still, you're already moving. Yung iba nga diba, hindi makapagsimula. Hindi makapgstart ng journey nila.
Ikaw, malayo man yung tagumpay, at least dahil sa paglalakbay mo, napapalpit ka na din dun kahit papano. Diba?
Pag nandito ako sa blog mo, napapaisip talaga ako. hihii. :)
LUCAS
Nakakatuwa namang mabasa ang, "well done..." lalo na galing pa sa 'yo Ron.
Congratulations kay Hale! Balitaan mo kami kung mag-top siya ha.
NEBZ
Malalim po ba?!
'Yon nga rin naisip ko kaninang umaga, hindi ko nabanggit dito sa post kong mas mapalad pa rin ako kaysa sa balahibo.
I'll take it po, basta si Lord ang usapan.
JESZIEBOY
Ayos, nagustuhan mo 'to.
Nagustuhan ko ang salitang 'GABAY' na sinabi mo. Tama ka nga Jes.
------
Di ko pa rin alam paano i-off ang music mo dun sa site mo. Medyo di kasi ako nakakapag-concentrate magbasa kapag may sounds. o",) Pero dadalawin pa rin kita du'n siyempre.
REENA
Uy! Bumalik si architect!
May karamay pala ako. U
Nasa side bar ko ang kahulugan nitong blog name ko, at nasa pinaka-ibaba ang kwento nitong blog ko, medyo malalim nga lang.
ISHNA PROBINSYANA
Sorry, sige sa susunod, iiwasan kong ganito kalalim.
Ang galing! Na-inspire ako dun sa sinabi mong, "...at least you're making steps... you're already moving."
Salamat! hahaha! Kahit napapaisip ka bumabalik ka pa rin dito. Kumusta nga pala ang bago mong work?
Naku. Okay lang na malalim! Masaya nga yun. Para hundi naman kababawan lang palagi ang nababasa ko. lol Kaya nga mas bumabalik ako dito. Kase napapaisip ako. :P
Okay naman. Dapat magsstart na ako sa March 2. Kaso mukhang di matutuloy. :( May pinapagawa pa kase saken parents ko. They asked me to look out for my sibs muna until they adjusted fully dito sa Manila. Kase lilipat na sila ng school dito (from Mindoro). Baka daw hindi maka-adjust kaagad, lalo na yung bunso. :P
it;s a long winding road...
okai lang yan,
aja!
"Bakit nga ba ang tagumpay ay nandu'n sa itaas? At bakit kapag ang biyahe'y paahon, talagang sinusubok ng panahon?"
I LOVE THIS POST. Idol na kita, Doc RJ!
talagang ganyan ang buhay... wag kang susuko... tuloy lang ang byahe... huwag muna sa langit! :P
======
hayz... when i was in madrid three years ago... i took spanish lessons in our labor office... that was every thursdays & sundays... nakaabot din ako gang level 4.
haha, kuya nitatamad kang mag reasearch? ...o zsa eto po ang translations.
PART ONE:
michelle dont. let roland speak for himself.
ok, senyora.
tell me roland. what did you do when you work back in galapagar?
PART TWO:
how old are you, roland?
thirty two, senyora.
really? thats amazing. you dont look like 31. seems only 25.
thank you.
why do asians looks younger?
...siguro ipinagdarasal ng "aso" na sana walang magreklamo sa policia sa ginagawa nya.
ISHNA PROBINSYANA
Naku, sayang naman kung hndi matutuloy ang pagtatrabaho mo. Hindi ba pwedeng pagsabayin...?
JEZ
Salamat! U
I AM BONG
Kung idol mo ako, mas hanga ako sa 'yo kaysa sa iniisip mong paghanga ko.
Uy, malapit nang matapos ang semester. Ga-graduate ka na ba, Bong?
ROLAND
Hahaha! Huwag nga muna papuntang langit. o",)
Salamat sa translation, Kuya.
sure thing, mate :)
---
i agree! hehe!
hindi na nga ako mkapaghintay eh. :P hindi pa ako lasing niyan! hehe!
grabe! very inspiring! sana balahibo na lng aq! hayz...ang ganda ng mga reflections mo parekoy! ^__^
Nice post RJ.
Maybe you're on a crossroad/roundabout at the moment? Just be careful which exit you'll take.
Maybe the track you've taken was right afterall? Maybe a few more miles and you'll get there.
ang lalim DOk! ganunpaman talagang hinukay ko at napulutan ko ng aral...
ito naman ang masasabi ko..."pwede mong ibahin ang iyong direksyon sa paglakbay,wag mo lamang baguhin ang mapa na hawak mo dahil siguradong ikaw ay maliligaw"...lolz...
ayos Dok...
LUCAS
Oo nga, parang hindi ka pa nga lasing kasi hindi pa namumula ang mukha mo sa picture. o",)
EMAR
Hahaha! Bago ka mag-decide na maging balahibo, basahin mo muna ang comment ni Kuya NEBZ dyan sa itaas. o",) Salamat sa pag-appreciate nitong post ko.
KRIS JASPER
Yes, I'm currently in the crossroad, roundabout and intersection! Whew!
Thanks for your encouraging words. (,"o
PAJAY
Lalim ba? Pang-apat ka na yatang nagsabi nyan ah. Next time, babawan ko ng kaunti para hindi mo na kailangang hukayin.
Sige, iko-consider ko 'yang sinabi mo Prof/Atty/Architect Pajay. Salamat. [Minsan (o madalas nga ngayon) kasi nag-iisip rin akong baguhin ang ruta ko.]
Grabe napakamakata mo ah. Kayang kaya mo yan Dok RJ. Kahit baku- bako ang daan na dinadaanan mo kung nalagpasan mo naman, ay ang sarap ang pakinaramdam.
Hi friend.. Nice blog with interesting contents.. Do visit my blog and post your comments.. Also i have added you to my blog roll.. Hope you too will do the same..Thank you.. Cheers!!!
Nag-comment ako dito ah. Hindi naging success ang pagsubmit ko? Anyways, pinag isipan ko ang post na 'to. Hindi ako agree sa balahibo na yan. Isinip ko talaga yan. Ang balahibo kahit saan man dalhin ng hangin sumusunod. Pero ikaw kahit ano mang unos na dumarating, nanatiling strong pa rin. Keep it up and keep stronger!
Naalala ko yung pelikulang "Forest Gump" sa pagmumunimuni mong ito.
Ang first scene ay isang balahibong iniihip ng hangin na walang direksyon ang patutungohan at di alam kung saan ito mapadpad. Ang balahibo ring iyon na iniihip nang hangin ang nasa last scene.
Ganyan din ang buhay ni Forest. Ang yaman at katanyagan ay hindi nya hinangad. Kusa nalang itong dumating sa kanya while he is doing what he think, in his simple mind, is right.
What I'm trying to say is: Just do what is morally right and the rest will take care of itself. I believe in "karma" and what ever you plant (good or bad) will come back to you tenfolds.
ganun talaga pards,mahirap minsan arukin ang daan minsan pataas at minsan pababa,gaya ng daan.
NANAYBELEN
Salamat sa sinabi niyo, nainspire po ako.
Yes, marami po kayong na-miss, lalo na ang napakalaking kalabasa! Hahaha! o",)
GOLDENSPARKS
Hi! Welcome to the Chook-minder's Quill! Are you Filipino? I am posting using Filipino language most of the time.
REDLAN
Yes, hindi pumasok ang comment mo noon, Red. Ang ganda ng sinabi mo. Salamat. Parang magkalapit sa sinabi ni Kuya NEBZ. U
BLOGUSVOX
Uy, Kuya Nebz! JOKE! Huh! Buti naman hindi po kayo na-offend nung nabasa nyo po 'yong naisulat ko.
Tama nga po, sa totoo lang kahit hirap na hirap na ako, talagang kung ano ang morally, legally at spiritually correct 'yon pa rin ginagawa ko. Lalo na po sa work ko noon sa Pilipinas, napakaraming temptations. Salamat po, ang ganda ng sinabi niyo Kuya BlogusVox. U
EVERLITO (EVER) VILLACRUZ
Oo nga po. At least sa mga nabasa kong comments dito, nakikita kong hindi lang naman ako ang nasa ganitong kalagayan.
Kumusta po ang sandstorm sa Kuwait? Hanggang ngayon umaatake pa rin po ba?
wow ang lalim! pero napaisip mo ako at ano nga bang klaseng balahibo ang tinutukoy mo? hehehe baka naman alipato yun kaya magaan? hahaha joke lang
pero ang masasabi ko lang....ang galing!! bow-wow-wow hehehe ang tanong ko naman, ang tagumpay ba ay ang maramdaman mo na masaya ka o ang marating mo ang minimithi mo sa buhay pero di ka naman masaya??? hmmm ang labo yata hahaha
SARDONYX
Ang tagumpay para sa akin ay ang makamtan o maabot ko ang bagay na minimithi ko. At alam kong ang mga minimithi kong 'yon ay tunay na makapagpapasaya sa akin.
------
Nabasa ko na ang bago niyong hula: Pagsukat ng mga Kabutihang nagawa sa... Hindi nailo-load ang word verification kaya hindi pumapasok ang comment ko.
Seryosong-seryoso ako sa pagbabasa ng hula ta's bigla akong natawa nu'ng mabasa ko ang scented candles. Hahaha! U
hayz kuya, ganyan talaga pag umaasenso ka sa kinalalagyan mo, habang humahakbang ka paitaas patungo sa mga pangarap mo, lalong nagiging mahirap ang mga pagsubok. Kaya mo yan, kaw pa!
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
kuya, wag ka magalala... hindi rin ako marunong magmaneho. hehehe
pero seryoso mode muna. para sa akin malayo na rin ang narating mo, saludo nga ko sayo dahil tingnan mo kung nasan ka ngayon at mga sacrifices na ginagawa mo.
konting tiis pa at for sure mamimeet mo rin ang gusto mo marating.
ingats palagi kuya!
FJORDAN ALLEGO
Based on experience ba 'yan ni Hiraya?
Salamat, Fjordz. U
CED
Halos magkapareho ang mensahe ninyo ni Paperdoll, ah. Sabi ko nga sa kanya:
Sabi ni Sarah Gonzales sa pelikulang 'Caregiver', "...minsan may mga taong nakarating na sa kanilang pupuntahan, pero hindi pa nila alam." [Napanood mo ba 'yon Doc Ced?]
Oo nga ano?! Nakapagtataka, hanggang saan pa ba kaya ang nais kong marating? Dito kasi sa bansang kinaroroonan ko ngayon, nagsisimula palang ako... Nagsisimulang iposisyon ang sarili, at career sa dapat nitong kalagyan. Mahirap din, lalo na dayuhan ako rito.
-----
Maraming Salamat Doc Ced, kung may kemikal na panlunas lang itong nararamdaman ko, magpapagamot na ako sa inyo. U
Post a Comment