Saturday, February 28, 2009

Matching Type

May isang kwentong una kong narinig noong unang araw na pumasok ako sa college.


SA ISANG PIER SA CEBU, may isang matandang sasakay sa papaalis nang barko. Mabilis siyang naglalakad nang may nakasalubong siyang isang gwardiya.

"To...to, a...no o...ras mag...la...kat ang bar...ko?" [Toto, anong oras aalis ang barko?] tanong ng matandang iLonggo sa gwardiya.

"Sus, dugaya nimo musulti, 'Nong uy! Tu-a na, nihawa na ang barko!" ['Sus, napakabagal niyo namang magsalita, Mama. Sa bagal niyo, nakaalis na ang barko!] ang sagot ng Cebuanong gwardiya.

Mabagal (malumanay?) daw magsalita ang mga Ilonggo, at sa bagal nito pupuwede silang maiwanan ng bus, barko o eroplano.



NOTE: Walang kaugnayan ang kabagalan ng pagsasalita ng mga iLonggo sa post kong ito, hayaan mo, malalaman mo rin mamaya kapag may tiyaga kang sagutin ang pagsusulit kong ito. Ito ay sagot ko sa tag sa akin nina Yanah ng Life's a Twitch at Tito NJ ng Desert Aquaforce. Sa tingin ko mas madali itong ginawa ko kaysa sa istilong maglista ng 25 facts tungkol sa sarili, ngunit may isa doong kwentong barbero lang. Mas mahirap 'yon.



PANUTO: Iparis o itugma ang mga pangalang nakalista sa column A sa pinakamalapit na pagkalarawan nito sa column B. Walang kopyahan, ang mahuling mangopya ay may katapat na parusa.

PAALALA: Kapag may tiyaga, may nilaga. Halina't tuklasin ang ilan sa aking mga lihim.






1. REX RUEL
a. Palayaw ko kapag ako'y nasa Bialong, Mlang, Cotabato;
2. RUEL
meron nito ang mga alaga kong manok. o",)
3. TOTO

4. WING-WING
b. Ito ang orihinal na nakasulat at mababasa


sa birth certificate ko.





c. Ito ang pangalan ko sa mga T.O.R., licenses,


passport at iba pang mga dokumento. Maiksi


kaya madaling isulat noong Kinder ako.


Ito rin ang tawag sa akin ng mga naging boss


ko sa trabaho. Hango sa mga Hebrew words na Rokariot


at Eloi, na ang ibig sabihi'y Espiritu at Ama.





d. Tawag sa akin ng dalawa kong mas nakababatang


mga kapatid at mga malalapit na kaibigan. Ito rin ang tawag sa akin ng mga


classmates at professors ko noon sa CVM-USM; sabi


nila mas bagay raw ito sa akin dahil iLonggo ako.












5. TOTO/KUYA WING
a. Ito ang pinakanagustuhan kong itinawag sa akin.
6. RUELIO
Isang tao lang ang tumawag sa akin nito,
7. DOC RUEL
kasama ko dati sa trabaho ko sa Monterey;
8. DOC P
hango sa initial ng middle at family names ko.





b. Paboritong lambing sa akin ng tiyahin kong


kasalukuyang nasa Inglatera. Ayaw na


ayaw kong tawagin ako nang ganito noong bata pa ako


pero ayos daw ito kasi ang pangalan ng mga


lalaki madalas ay nagtatapos sa titik na itO.





c. Ito ang nakasanayang itawag sa akin ng mga


nakababata kong mga pinsan. Kapag tinatawag nila


ako ng ganito, parang pinapaalalahanan akong dapat


ay isa akong mabuting halimbawa sa kanila.





d. Ito ang itinawag sa akin ng mga kasama ko sa


trabaho sa Pilipinas. Ayaw kong magpatawag ng ganito pero


talagang mapilit sila. Okay, fine.









9. DOC AGA
a. Napaka-pogi ng pangalang ito! Binyag sa akin ng
10. DOC RJ
self-confessed pogi ng blogosperyong si Kosa. Ito
11. RJ
rin ang paboritong tawag ni Poging (iLo)Cano sa
12. [rul]
akin. Nakakalimutan 'ata nilang threat ang


kapogihan ni Tito ___ sa kanila.





b. Ito ang tawag ng ilang mga taga-blogosperyo sa


akin, pero medyo hindi ako komportable sa


ibininyag nilang ito. Pero kung 'yon ang nais nila,


ayos lang, kasi 'yon ang maginhawa para sa kanila.





c. Ito ay pangalan ng pamangkin ko. Ako ang


nagpangalan sa kanya (buti sumang-ayon naman


ang kanyang ina). Kilala ako sa nick na ito rito


The Chook-minder’s Quill.





d. Kapag tinatawag ako ng mga kasamahan ko sa


trabahong mga Australians, ito ang tunog ng


pangalan ko. Nakakatuwa! Hahaha! U





Common name : Chicken
Scientific Name: Gallus domesticus

Arabic: dijaj
Chinese: ji
English:
chicken
Filipino: manok
French: poulet
Hebrew: [off] (sounds like this)
Italian: pollo
Spanish: pollo

Thursday, February 26, 2009

Hiling

Sabi nila kapag may makita kang isang nahuhulog na bulalakaw, sabihin agad ang iyong hiling at ito'y siguradong matutupad!

Masisisi mo ba ako kung naniniwala ako sa paniniwalang ito? Ilang mga kahilingan ko na rin kasi ang natupad simula noong natutunan kong tumingala sa kalangitan tuwing dumarating ang mga gabing nag-uumapaw ang aking puso ng 'di mabilang na mga hangarin sa buhay. May mga panahong hindi na ako natutulog magdamag, nananalanging sana'y walang ulap o 'di kaya'y hindi umambon; walang pagod na nag-aabang upang aking matiyempohan ang gumuguhit na kinang ng bawat talang nalalaglag mula roon sa kalangitan!

Minsan ko nang hiniling na magkaroon ng isang malapit na kaibigan, at hindi naman ako nabigo. Animo'y isang mahikang pagkalipas ng ilang buwa'y may lumapit na mga estrangherong nagsimulang makipagkaibigan sa akin. Isang kaibigan lamang ang aking hiniling, ngunit maraming mga kaibigan ang kusang dumating!

Baliw ba akong maituturing kung pati ang pagkakakuha ko nitong aking lisensia bilang isang beterinaryo, sa makapangyarihang bulalakaw ay iniuugnay ko rin?

Kahit na itong aking pangingibang-bansa, hindi maipagkakailang noo'y hiniling ko rin sa mga tala!


ILANG ARAW NA RIN AKONG naging matahimik, naka-silent mode, o di kaya'y naka-invisible. Mag-iisang linggo na ring hindi ako nakapaglathala rito sa aking blog... hindi dahil sa nawawalan na ng kwento ang isang magmamanok; hindi rin ninakaw ang aking makapangyarihang pluma, at hindi rin ako naubusan ng tinta. Nitong mga nakaraang araw, medyo napapagod lang kasi ako sa aking paglalakbay, kaya nagpahinga lang ng kaunti.

Nagpapahinga ang aking isipan, pero hindi ang aking katawan. Sinimulan na rin kasing hulihin at dalhin sa katayan ang aming mga alagang manok, kaya may mga gabing kailangan naming pumasok.

... at kaninang mga alas onse ng gabi, habang ako'y abala sa paghahanda ng manukan, ako'y biglang napatingala doon sa kalangitan. Sa gitna ng di-mabilang na mga nagniningning na bituin, may nag-iisang bulalakaw na agaw-pansin sa aking paningin! Sa isang kisapmata ito'y bumulusok pababa, kaya itong aking hiling ay sabay kong iwinika.




The WISHBONE or furcula of birds is formed by the fusion of the two clavicles; it strengthens the thoracic (chest) skeleton to withstand the rigors of flight.

In human culture, a wishbone is also called merrythought because of the tradition that when two people hold each of the two ends of the bone and pull it apart, the one who gets the larger part will have a wish granted.

Thursday, February 19, 2009

Biyaheng 'Langit'

Itong mga balahibo, walang kontrol kung saan man ito tangayin ng hangin. Palutang-lutang... pataas... pababa... papalayo, at paminsan-minsa'y pabalik... Pero sa lahat ng pagkakataon ang balahibo'y nakakarating sa isang napakalayo at napakataas na lugar na hindi naman nila pinlano, pinangarap o kaya'y ginusto. Basta nalang itong nakarating doon, dahil doon ito dinala ng kapalaran.

Samantalang ako, may hawak nang mapa at ako pa ang siyang nagmamaneho ng sarili kong buhay pero nahihirapan pa rin akong makarating sa nais kong puntahan. Siguro, hindi pa ako mahusay magmaneho; o di kaya'y nagkamali ako sa kalsadang pinili kong daanan. Pakiramdam ko ngayon, napakatagal pa ng aking lalakbayin, bukod kasi sa malayo pa ang ang aking paroroonan, ramdam ko ang labis na hirap nitong biyahe dahil sa baku-bakong daang tinatahak ko ngayon. Bukod sa mga luha't pawis, pati dugo ay literal ding dumadaloy mula sa mga mahahapding sugat na aking natamo habang ako'y nakikipagsapalaran! Madalas kasi akong binabagyo, paminsan-minsa'y giniginaw at hindi rin naiiwasang ako'y matamaan ng napakainit na sikat ng araw!

Ang balahibong nakalutang ng napakataas doon sa himpapawid ay hindi nanganganib na bumagsak at masaktan; samantalang akong maingat na bumibiyahe rito sa lupa ay maaari pa ring mapahamak at mabigo! Ang balahibo, gaano man kalayo o kataas ang nilalakbay, ayos lang kasi hindi naman ito napapagod; samantalang ako, nangangailangan pa ng pahinga upang makaipon uli ng sapat na lakas para maipagpatuloy ang sinimulang paglalakbay...

Paglalakbay na ang sabi'y kinakailangang lumingon ngunit hindi naman pwedeng bumalik... paglalakbay na kinakailangang magpahinga ngunit hindi naman pwedeng huminto... paglalakbay na kinakailangang tuluy-tuloy ngunit hindi naman pwedeng dire-diretso dahil may mga daang paliku-liko... paglalakbay na ang ang sabi'y nasa dulo ang tagumpay.

Bakit nga ba ang tagumpay ay nandu'n sa itaas? At bakit kapag ang biyahe'y paahon, talagang sinusubok ng panahon?


The Great Ocean Road, Victoria, AUSTRALIA







Although feathers are light, a bird's plumage weighs two or three times more than its skeleton, since many of their bones are hollow and contain air sacs.

Tuesday, February 17, 2009

Something Big

The longest pumpkin I've ever seen!


Can you still remember the photo of the big pieces of bread in my post Mga Malalakas at Pampalakas? The extraordinary size of the pastry had actually caught the attention of six readers as reflected on their comments.

Big things, really, have a great value and create a tremendous impact in this world! It's not necessarily the size, the height, the number or the capacity but it is anything that has a considerable or grand scale. We would usually say, "Think big!" or "Dream big!"


JUST THINK of the dollar, the euro, or the yen...

Titanic... Antonov An-225...

Blue whale... African Bush Elephants... Dinosaurs...

Honey fungus... Aspen tree...

Skin... Liver... Femur (thigh bone)... Gluteus maximus (buttock muscle)...

Pacific Ocean... The Great Barrier Reef... Sahara... Asia... Russia...

Luzon... SM Mall of Asia...

Western Australia...

Big W, BigPond, Big Ben, Big Four, Big Brother...


Big company, big business...

Big star, big movie, big hit!

Big honor, big prize, big opportunity, big celebration!

Big house...

Big name...

Big wife...


Got a big problem?! No worries, we have a Big God!



NOW, LOOK at these pumpkins...

The largest pumpkins I've ever seen!

Toowoomba Show; Toowoomba, Queensland, AUSTRALIA

February 2007




The world's largest relative of chicken is the ostrich. Its maximum recorded height is 9 ft; and its maximum recorded weight is 157.8 kgs.


Thursday, February 12, 2009

A Healthy Heart II

I've been keeping all my fingers crossed since 1pm today because at this moment Uncle Herbert is inside the surgery room of the Holy Spirit Northside Hospital in Brisbane, QLD. I presume the cardiologist-surgeon has already gained access to my uncle's heart, and must be currently implanting the artificial cardiac pacemaker.

Amidst this complex situation, my aunt has still managed to maintain her composure. She told me that she'd already entrusted everything to the medical doctors and above all to the Almighty. She's not 'taking the fact to her own heart' that Valentine's Day is coming, and that Uncle Bert's 'centre of love' could be slightly mutilated and would eventually affect his emotions on February 14.

-February 12, 2008


Undeniably, there are men and women out there whose hearts are relatively healthy yet their love is severely and acutely ill! I believe I don’t need to explain further about this because most (if not all) of us know what a broken heart means.

A Valentine's card through the Post, a Valentine greeting via SMS, a Valentine chat using the internet, a Valentine dinner in a cozy restaurant, or a Valentine gift will surely fill the land, the air, and the seas in the next couple of days.

...and what can we expect from February 15, 2009 to February 13, 2010?

How I wish I could hold the spirit of Valentine’s Day in my heart every single day. I pray that every day I could show my love to those who love (or even to those who never love) and care for me. With this, I don’t think I still need to bother myself about catching the perfume sale, waiting in queue to buy blocks of chocolates, finding despite the limited supply of the best red roses or enduring the discomfort of dialling my mobile phone amidst the busy network during the so-called Valentine’s Day.

I believe that throughout the year it is worthwhile to take the best care not only of my own heart but of my loved ones’ hearts, as well. Aside from eating a balanced diet and having a regular exercise to maintain a healthy anatomical and physiological heart, a daily nurturing of each other’s emotional and figurative heart is equally very important. After all, our heart’s health is our real wealth.


Three days ago, I sent an SMS to Auntie Chris in Queensland asking how Uncle Bert with his artificial cardiac pacemaker is doing. She replied:

...so far, so good! The pacemaker has been performing very well. The next regular check-up will be on October this year. Thanks God!

Well, it’s so nice to know that for exactly a year today the artificial cardiac pacemaker has been working effectively for Uncle Bert; and I believe their love for each other has been getting stronger!

Love, indeed, isn’t just all about how it started; it is how we keep it healthy and above all, it is how we sustain it until the ‘end...’

Happy Valentine’s Day to all!

-February 12, 2009




The normal average heartbeat of a chicken is 282 every minute; chicks have 400 heartbeats per minute, and humans only have 60-100 heartbeats in a minute!

Sunday, February 8, 2009

Mga Malalakas at Pampalakas

Kung inaakala mong nalunod na ako sa baha dahil sa malakas na bagyong tumama sa Queensland, nagkakamali ka. Mas lalong hindi rin ako nilamon ng mga malalakas na buwaya dahil bukod sa maagap na paglabas ng mga babala ng Queensland Government, ako'y nandito naman sa isa sa mga lalawigang dalawang linggong tinamaan ng heatwave. Hindi ko nga alam kung swerte pa rin akong nandito ako sa South Australia dahil inilayo ako ng tadhana mula sa bagyo, baha, at buwaya sa Queensland; at sa lakas ng apoy na nagmumula sa mga nasusunog na kagubatan at mga nayong nagaganap ngayon sa lalawigan ng Victoria.

Hindi ko nga alam kung swerte nga akong nandito ako sa South Australia kahit na kahapo'y halos dalawang oras umihip ang napakainit (48'C) at napakalakas na hanging (humigit-kumulang 110 km./hr.) nagmumula sa malawak na disyerto ng Northern Territory, na sinamahan pa ng napakapal na mga alikabok at mga buhangin!


Hindi ko rin alam kung swerte pa rin ako kahit kahapon ng umaga ako'y binangungot habang gising sapagkat inabutan ko ang gabundok (15 tonelada) na pakaing manok ( o feeds) na natapon sa sahig ng manukan dahil naputol ang tubong nagdudugtong ng feed silo sa mga feed lines. Humanga rin ako sa automatic auger at sa 32.2 ft./sec. sq. na lakas ng hila ng gravity dahil ang lahat ng mga patukang nasa loob ng imbakan ay nakaya nitong ihulog sa sahig ng manukan magdamag (oras nga lang siguro)!

Kaya kahapon, manu-mano kong pinakain ang 40,000 naming mga alagang manok sa shed 5... Sandok, buhos, sandok, buhos, sandok, buhos... Mag-isa ko lang itong ginawa sapagkat kasalukuyang nagbabakasyon ang farm manager at ang aking kasama rito'y nakaday-off naman. Natuwa naman ako kanina dahil kahit papaano'y tatlo na rin kaming nagtulung-tulong mag-sandok, buhos, sandok, buhos, sandok, buhos... Ito'y ginawa namin ng tatlong beses sa isang araw.

Kaya ngayo'y pagod na pagod ako. Sa tantiya ko sa makalawa pa mauubos ang mga natapong feeds na 'yon. Pero dahil nga palagi mong sinasabi sa aking, "Kaya mo 'yan!" ...kinakaya ko talaga. Maraming salamat sa 'yo.

Saka na po ang matinong post. Sa ngayon, sabayan mo nalang muna akong kumain. Kain lang nang kain, pampalakas at pampawala ng pagod.


Typical outback Australian 'steak & chips'.
(Chips - is a preferred term for a French-fried potatoes in Australia.)



Australian finger foods.
left- (crisp brown) coated fried chicken and pizza slices
right- chicken nuggets and meat balls
center- spring rolls (known as lumpia in the Philippines)
top- sausage rolls
below- meat pies



Our daily bread from our neighbor.


Magbabalik po kaagad ang The Chook-minder’s Quill... (Magpapahinga lang po ang magmamanok.) Abangan! *CMQ




Australian Map by:
test.ausmeat.com.au/.../austmap_index.html

Feeding System illustration by:
www.brockmfg.com/

Wednesday, February 4, 2009

Phascolarctos cinereus

Ang koala, tulad ng kangaroo, ay isa ring marsupial na makikita lamang sa bansang Australia; at tulad ng mga ‘di-nakalilipad na ibong emu, ang kanilang kasikata’y palaging nasasapawan ng mga kangaroo.


Ang mga turista sa Great Otway National Park, Victoria, Australia


Ang koala sa sanga ng eucalyptus... (An Australian icon.)


Ang salitang KOALA ay hango sa salitang Australian Aboriginal na ‘gula’ na ang ibig sabihin ay ‘hindi umiinom’. Madalang nga lang talaga kung uminom ng tubig ang mga koala, ito’y ginagawa lang nila kapag sila’y nagkakasakit, sa panahon ng matinding tag-init o tag-tuyot, at kapag wala na silang makakaing mga dahon ng eucalyptus na siyang natatanging halamang kinakakain nila.


90% ng tubig na pumapasok sa katawan ng mga koala ay nakukuha nila sa kinakain nilang mga dahon ng eucalyptus. Ang dahong ito’y salat sa enerhiya at protina, napakahirap tunawin, at maylahok pang nakalalasong kemikal na kung tawagi’y phenol at terpene. Dahil sa ‘di-magandang nutrisyong makukuha sa mga dahong ito,ang katawan ng mga koala ay may mga likas na katangiang naaayon sa kanilang paggamit ng naipong enerhiya. Mabagal sila kung kumilos, palaging inaantok at tulog ng halos 18 oras bawat araw; at nagiging aktibo lamang sila simula takipsilim hanggang sa gabi at bago sumikat ang araw.

Sa 600 na uri ng eucalyptus sa buong Australia, 40-50 lamang nito ang nakakain ng mga koala, at sampu lang ang pinakapaborito nila. Pinaniniwalaang ang sampung ito lamang ang nagtataglay ng kakaunting nakalalasong kemikal na kayang-kayang tunawin ng kanilang napakabukod-tanging atay (kung ikukumpara nga naman sa ibang mga hayop).


Kapag mainit ang panahon, makikitang nakalambitin ang mga koala sa sanga ng eucalyptus, at kapag maginaw sila nama’y nakaupong nakabaluktot sa mga sanga.

Ang magkakamag-anak na koala ay nagsasama-sama at nakatira sa iisang malagong kagubatan ng mga eucalyptus. Ang mapunong lugar na ito ay sapat upang matugunan ang mga pagkaing kinakailangan ng kanilang buong angkan lalung-lalo na ang mga lumalaking batang koala. Kapansin-pansin ding bago nila iwanan ang kanilang teritoryo ito’y kalbung-kalbo na! Sa ganitong kalagayan aalis na ang pangkat ng mga koala at lilipat sa isa na namang mayabong na gubat.


Walang mga koala sa Western Australia at Tasmania. Ang mga malalaking lalaking koala na may bigat na 14 na kilo ay makikita sa katimugang bahagi [Victoria at South Australia (kung saan ako naroon ngayon)] ng Australia; at ang mga maliliit na babaeng koala na nagtitimbang ng 9 na kilo ay matatagpuan naman sa hilagang bahagi (Queensland) ng bansa.

Kakaiba ang mga ari ng lalaking koala sapagkat ito ay naka-sanga (bifurcated penis); at ang lagusan ng pagkababae at matres naman ng mga babaeng koala ay nagkataong dalawa at naka-sanga rin! Sa edad na 3-4 na taon ang mga koala ay handa nang magparami, kung saan ang kanilang pagdadalang-koala ay nagtatagal lamang ng 35 na araw. Ang kapapanganak na joey ay walang balahibo, bulag at hindi nakakarinig ngunit kamangha-manghang matapos itong mailuwal ay nakakaya nitong gumapang pababa hanggang makarating sa pouch ng kanyang ina. Ang joey na may habang ¼ na pulgada lamang ay nakakaya ring agad matagpuan sa loob ng marsupium ang suso ng kanyang ina kung saan kakapit ang kanyang mga bibig at bubusugin lamang siya ng gatas sa loob ng 6 na buwan.


Sa edad na 6 na buwan ay mayroon nang balahibo, malaki na ang tainga at nakakakita na ang joey. Nagsisimula na rin itong lumabas mula sa pouch at nagkakataong nakakakain ng dumi ng kanyang ina; dahil dito nakakakuha ito ng sapat na dami ng mga bacteriang tutulong sa kaniyang panunaw kapag handa na itong kumain ng dahon ng eucalyptus.

Tumatagal ng 12 hanggang 18 taon ang buhay ng mga koala. Sa kasalukuyang panahon, aabot na lamang sa 80,000-100,000 ang kanilang populasyon sa buong Australia. Kakaunti nalang ito kung ihahambing sa kanilang dami noong taong 1919 kung saan isang milyong mga koala ang pinatay para makuha at maibenta ang kanilang mga napakalambot at kaakit-akit na mga balahibo sa Europa at Estados Unidos.



SOURCES:

Sariling pagmamasid ni Doc Aga.

Wikipedia

The Koalas

Australia Fauna.com


Map of Australia from:

test.ausmeat.com.au/.../austmap_index.html


Monday, February 2, 2009

May Mga Nagmamahal...

Taos-pusong pasasalamat ang aking ipinaparating kay Rejie ng RDAConcepts sa paglaan ng kanyang oras upang magawan ng napakagandang banner ang The Chook-minder’s Quill. Maraming, maraming salamat bro... sa wakas (?!) nagkaroon na rin ng kulay ang aking blog header dito.

...may ulo ng aking alagang manok, may sketch ng Sydney Opera House, at nariyan pa rin ang aking makapangyarihang pluma! Ang mga manok naman palagi ang mga bida rito kaya hindi na muna isinama ang lumulundag na kangaroo, at ang tumatakbong emu dyan sa banner.



NAKATANGGAP RIN AKO NG award/tag mula sa isa sa aking mga paboritong bloggers na si BlogusVox na siyang nasa likod ng The Sandbox; ito ay ang Honest Scrap Award. Ito ang sinabi niya tungkol sa (akin at sa) aking blog:

“RJ of The Chook-minder’s Quill - I like his write up, very informative, about his adventure/misadventure down under.”

Wow! Maraming, maraming salamat po Mr. BlogusVox!

Hinihingi pala ng Honest Scrap Award na ito na maglista ng sampung katotohanan tungkol sa aking sarili, pero may naipaskil na ako noong unang araw ng Disyembre ng nakaraang taon, kaya ili-link ko nalang kayo rito- Ang Sampung Katotohanan tungkol kay RJ. Mr. BlogusVox, sana ay ayos lang po ito sa inyo.



ISA RIN SA MGA walang-sawang nagbabasa ng The Chook-minder’s Quill ay ang Survivor Mom na si Nanaybelen. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa ibinigay niyang Treasured Friend Award at Cute Award para sa akin at sa aking blog.




Maraming mga tao, bukod sa aking pamilya, ang alam kong nagmamahal sa akin. Sa mga bloggers na palaging tumatambay rito sa aking 'tahanan', maraming maraming salamat sa inyo! Kayong lahat, kasama nina Rejie, BlogusVox at Nanaybelen ang siyang mga patunay na ang buwan ng Pebrero o ang Valentine’s Day ay hindi lamang ipinagdiriwang upang ipakita ang pagmamahal para sa ating mga kapuso, kundi para rin sa ating mga kapamilya at mga kaibigan.





[Whew! Natapos ko rin ang post na ito, sa wakas! Humina kasi ang battery ng aking computer mouse, at dahil tatlong kilometro ang layo ko mula sa bayan, at nagsara na ang mga tindahan kaninang alas sinco ng hapon, tiniis kong mag-post ngayon ng walang gamit na mouse.]