Ang
'pag-ibig' ay isang talamak (
chronic) at napaka-kumplikadong karamdaman ng buong katawang (
systemic) tumatama sa lahat ng tao sa buong mundo (
pandemic). Ang sakit na ito'y mas nauna pang natuklasan kaysa sa ketong,
black plague at pagkabulok ng ngipin, ngunit ang sanhi at mga paliwanag tungkol sa sakit na
pag-ibig ay pilit pa ring tinutuklas ng mga dalubhasa hanggang ngayon. Kaya sa kasalukuyan, mas angkop pa rin itong tawaging isang
syndrome.
May mga teyoryang ang pag-ibig ay tumatama rin sa mga hayop pero hanggang ngayon ito'y hindi pa rin lubusang naunawaan o maipaliwanag.
SANHI (ETIOLOGY)
Tulad ng nabanggit na sa itaas, hinding-hindi pa rin natuklasan ang tunay na sanhi ng sakit na ito. Datapwat kapansin-pansing kapag ito'y tumama, sa isang kaso'y palaging dalawang tao ang tinatamaan, maaaring maging mas kumplikado kapag tatlo, at 'di malayong mangyaring apat ang apektado!
Sinasabing ang
'pag-ibig' ay may direktang kaugnayan sa puso, utak o sa mga bahaging pangkasarian subalit kahit na ang mga ito'y idinaan na sa mga mabusising pagsusuri walang nakuha o nakitang mikrobyo sa mga bahagi ng katawang ito na maaaring sabihing siyang pinakadahilan ng- at maiuugnay sa karamdamang
'pag-ibig'.
May mga pag-aaral nga lang na nagsasabing tumataas ang antas ng
dopamine sa dugo ng tao kapag siya'y may sakit na
'pag-ibig'. Ang kemikal na ito ang siyang nagbibigay ng lubos na kasiyahang-loob at pagpupursige sa mga taong apektado ng pag-ibig.
KWENTO KUNG PAANO NAGKAKASAKIT (PATHOGENESIS)
Nagsisimula ang karamdamang ito kapag ang isang tao, babae man o lalake ay natamaan ng isang
'kathang-isip na palaso' sa dibdib na nagiging sanhi ng malalim na sugat; at kapag natusok na nito ang puso, ang mga bahagi ng utak ay agarang maglalabas mga kemikal na
pheromones,
dopamine,
norepinephrine,
oxytocin at
serotonin na may epektong tulad ng sa mga
amphetamines. Kaya ang taong natamaan ng matulis at matalim na
pana ni Kupido ay makakaramdam ng kakaibang kaligayahan at aliw- ang masama pa, ito'y nakaka-adik!
CLINICAL FINDINGS
Ang mga nabanggit na kemikal ay may mga
side effects tulad ng mabilis na pagtibok ng puso (
tachycardia), kawalan ng ganang kumain (
anorexia) at nahihirapang makatulog (
insomnia), at 'di maipapaliwanag na sigla ng buong katawan.
Nang dahil sa
tachycardia na madalas nararamdaman kapag nakikita ang taong iniibig, nagiging mas kakaunti ang dumadaloy na dugo sa buong katawan pati na rin sa puso, kaya maaaring magkaroon ng pananakit ng dibdib, panandaliang pamumutla at panlalamig ng mga palad pati ng mga talampakan. Pagkatapos nito ay bigla namang magkakaroon ng pamumula ng pisngi (
blushing o
hyperemia).
LESIONS
Kahit na ang matulis at matalim na '
palaso' ang siyang naging simula ng karamdamang ito, walang makikitang anumang
lesion (mga sirang
tissues o bahagi ng katawang nakikita nang dahil sa karamdaman o sakit), walang sugat o impeksiyon sa katawan...
Subalit kapansin-pansing kapag nawawala na ang '
pag-ibig' sa puso o utak ng dalawang taong apektado, maaaring magkakaroon ng 'di-mapigilang pagmumuta dahil sa matinding pagluha (
lacrimation) ng mga mata; at kadalasan sa mga kasong ito makakakita ng mga sugat at mga pasa sa katawan ng mga biktima lalung-lalo na sa kanilang mukha.
Sa mga taong naging apektado ng '
pag-ibig' hanggang sa mga bahaging pangkasarian, nagkakaroon ng mga maliliit na pasa sa leeg o kahit saang bahagi ng katawan, at maaaring magkaroon ng pilas o wahi at kaunting pagdurugo lalung-lao na sa ari ng mga kababaihan.
TRANSMISSION
Hindi masyadong nauunawaan kung paano naisasalin ang '
pag-ibig' mula sa isang taong apektado papunta sa mga hindi pa apektado ngunit ang matamis na mga salita, natatanging kalinga, pagreregalo (ng mga rosas at tsokolate), at paghahawak-kamay ay ang ilan sa mga posibleng paraan ng pagkakahawa ng nasabing '
sakit'.
Pinagdududahang ang pagkikipaghalikan ay isa rin sa mga
mode of transmissions ng
'pag-ibig', subalit ito nama'y madalas na nangyayari kapag nagkahawaan na kaya iniisip ng mga dalubhasa na ang pakikipaghalikan ay makapagpapalala ng
karamdamang ito.
EPIDEMIOLOGY
Hindi man lubusang naipaliwanag ang pagkalat ng sakit na 'to, ang '
pag-ibig' ay laganap na sa buong mundo (
pandemic) bago pa man nagsimula ang kasaysayan. Subalit sa kasalukyan, walang ganitong uri ng karamdaman sa mga bansang Iraq at Afghanistan, pati sa mga bahagi ng West Bank hanggang Gaza Strip sa Israel, at sa Pakistan.
Napag-alamang habang papatapos ang panahon ng taglamig sa mga bansang nasa hilagang bahagi ng daigdig at sa huling buwan ng tag-init sa katimugan- o tuwing Pebrero, tumataas ang kaso ng karamdamang
ito.
Nakikitang ang mga taong nagkakaedad mula sampu o labindalawang taong gulang (
puberty) hanggang sa mga matatanda ay mataas ang tsansang magkakaroon ng '
pag-ibig'. Ito'y pangkalahatan kung tumama sa mga nilikha, marami ang nagkakasakit (
very high morbidity) ngunit kakaunti lamang ang namamatay (
very low mortality).
DIAGNOSIS
Binabase ito sa mga nakikitang palatandaan at sintomang nabanggit na sa itaas. Hindi u-obra ang
biopsy o
autopsy; mas lalong walang magagawa ang
complete blood count sa pag-alam kung apektdo ang isang nilalang ng sakit na ito (
pag-ibig).
Maaaring gumamit ng
ECG, ngunit walang halaga ang
x-ray. Sa kasalukuyan, ginagamit ang
MRI o
magnetic resonance imaging upang pag-aralan ang mga bahagi ng utak na apektado kapag ang tao'y nakakaramdam ng
pag-ibig.
TREATMENT, PREVENTION AND CONTROL
Napakahirap kontrolin ng
pag-ibig!
Ang pagsasabon at paghuhugas ng kamay o di kaya'y pagmumumog ng
mouth wash bago mag-
holding hands o maghalikan ay siguradong walang bisa kung nais ay iwasan ang pagkalat ng '
pag-ibig'.
Maaaring uminom ng gamot na pampatulog at kumain kasabay ang taong iniibig upang maganahang kumain.
Hindi na kailangang gumamit ng
Benzodiazepine/calcium channel blocker na
Diltiazem, o di kaya'y
Atenolol o anumang uri ng
beta-blocking agents kung nais na maibalik sa normal ang mabilis na pagtibok ng puso (
tachycardia) sapagkat ito'y kusa at paunti-unti namang mawawala...
Talagang kamangha-mangha, ngunit totoo- ang pinakamabisang panlunas sa
'pag-ibig' ay
pag-ibig din mismo.
If you like this article, try to read this: Monetary Pharmacology
-----
Sources:
Wikipedia
Personal Experience
.