Monday, February 1, 2010

Banaag

Kung kaninang umaga'y matiyaga niyang hinintay ang pagbubukang-liwayway mula sa bintana ng kanyang tirahan, ngayon nama'y nandito siya sa Liwasang Elder sa pampang ng Ilog Torrens ng Adelaide... nilalasap ang mga nalalabing panahon ng panandaliang kalayaan, at inaabangan ang paglubog ng bolang apoy doon sa kanluran.



Unti-unti nang nagiging banayad ang sinag ng araw, ngunit ayaw pa rin niyang tumayo at maglakad-lakad... Mas pinili niyang umupo sa lilim ng malaking puno katabi ang isang pulutong ng mga seagulls. Nararamdaman niyang tagos sa kanyang suot na 503 ang tusok ng matulis na dahon ng mga damo sa kanyang mga hita't binti. Marahang umihip at animo'y nangangagat sa kanyang pisngi ang maligamgam na simoy mula sa hilaga kaya siya'y napahanga sa malawak na damuhan sapagkat makalipas ang dalawang buwang tag-init ito'y nananatiling luntian.


Mula sa kanyang kinauupuan ay natatanaw n'ya ang mga malalaking itim na tagak at ang kawan ng mga itik na lumalangoy ng pasalungat sa agos ng ilog. Sa tabi ng nakadaong na bangka ay may isang pelicang matapos sandukin ng kanyang tuka ang, sa tingin niya'y, maliliit na isda mula sa tubig ay biglang lumipad palayong tila umiwas mula sa lente ng kanyang Power Shot A430.

...bigla niyang naitanong sa kanyang sarili kung bakit patuloy na dumadami ang mga ibong mailap sa pook na 'to, at kung saan kaya sila kumukuha ng sapat na ikabubuhay sa gitna ng maingay na lunsod gayong mahigpit namang ipinagbabawal sa mga namamasyal ang pagbibigay sa mga ito ng anumang makakain.


May mga taong nagbibisekleta, at mayroon ding naglalakad ng magkahawak-kamay sa sementadong pampang... At sa di kalayuan ay may mag-anak, na sa tingin niya'y tubong-Adelaide, na masayang nilalaro ang kanilang bunso habang paisa-isa at sama-samang pumupuwesto sa magarang gazebo para maglitratuhan.



Sa parkeng ito, nakatutuwang pagmasdan ang mga nagsasaya at ang mga dumadaan! Naisip niya tuloy kung tulad niya, sila'y nandito rin upang panandaliang makawala sa kani-kanilang mga hawla at pilit kinakalimutan ang mga hamon ng mundo habang nililibang ang sarili sa kaaya-ayang kapaligiran... kung sila'y nandito dala ang pag-asang matatagpuan ang inaasam na kaligayahan... o kung sila'y nandito upang siya'y imulat na ang buhay ay likas na puno ng kasiyahan at mga kagandahan.

Tulad ng kanyang Australian working visa na mawawalan na ng bisa 305 araw mula ngayon, malapit na ang takip-silim... Sa paglubog ng araw siguradong susunod ang karimlan... ang kadiliman ng kawalang-katiyakan.


Elder Park gazebo by night.
Adelaide, South Australia


.

15 comments:

Kosa said...

Tagos hanggang buto yung sinulat mo doc!!! Naramdaman ko yung mga bagay na nararamdaman mo habang sinusulat mo to!

Well, look to the brighter side of the situation... Kung magtatapos man yung kabanatang yan ng buhay mo, siguro, may masmalaking nakahanda para syo!

I believe that no one can turn a good person down!!
And
I believe that no one can turn the chookminders down!
Godbless!

SLY said...

..ngunit sa panibagong araw, sisikat at matatanaw muli ang bukang liwayway para harapin ang bagong hamon na darating sa ating buhay. Salubungin ang bawat oras ng kagalakan at sulitin ang bawat minutong daraan. Batid nating walang katiyakan sa kadiliman kaya dapat natin itong paghandaan.

ingat and good LUCK! :)

kcatwoman said...

hi there. this is a really nice park. sabi mo nga, yung mga pumupunta dito yung mga gustong kumawala siguro sa mga trabaho. sana may ganyan din park sa pilipinas. thanks for sharing

Bestpinay


LDS pinay

RJ said...

KOSA
Talaga bang na-activate ang mga senses mo, bro?!

Salamat sa iyong mga payo.



SLY
Ganda naman ng sinabi mo, Sly (halatang marami ka na talagang karanasan); masasapawan ang post ko... hinay-hinay lang.

Salamat sa wishes!



KCATWOMAN
Maganda nga ang Elder's Park. U

May mga parke ring tulad nito sa Pilipinas, I am sure. Mas maganda pa nga siguro. Sa Tagaytay o Baguio halimbawa...

animus said...

nakikita o nasisilayan ang meaning ng 'banaag' ayon sa WikiAnswer (hinanap ko pa talaga ito kasi parang ngaun ko lng ito na-encounter)

dear chookminder,
ako ay nananalangin na sana'y mapasaiyo ang mga mithiin mo sa buhay. wag ka nang malungkot...:-)

"GOD will never leave you EMPTY,
he will REPLACE everything you've LOST.If he asks you to put something DOWN,it's because HE wants YOU to PICK-UP something GREATER"

-tin

Anonymous said...

wow! that was awesome composition and like the other commenters, i wish you nothing but the best that future holds; God will bless you with greater things, perhaps more than a renewal contract or bigger things than an expiring visa.

no one is definite with anything but with faith in Him, worries and anxieties are diminished and we are pacified.

like you, i am in the middle of uncertainties but what keeps me going is my high hopes and belief that He has a lot for me and my family. Amen?!

nice park, gorgeous gazebo btw.

God bless us more, doc rj!

Hilda said...

The park is so beautiful and you caught it so perfectly with your photos and your text! I wish we had a large park just as lovely, but both the Ninoy Aquino and Quezon Memorial parks look more like wild woods than peaceful parks.

Wishing you luck with your discernment about what to do next year…

BlogusVox said...

Doc, huwag mong alalahanin yan. Hanggang maayos ang trabaho mo at nakikita ng kompanya nyo, siguradong sila mismo ang lalakad ng visa na yan.

Oo nga pala, maganda ang mga kuha mo sa parke.

RJ said...

ANIMUS
Ayos ba ang kahulugan ng 'banaag, Tin?

Ganda naman ng sinabi mo, maraming salamat sa dasal. U




DOCGELO
Thanks for your wishes, Doc Gelo!

I am inspired by your 'frame of mind' regarding life's uncertainties. Amen!

I am happy you've appreciated the gazebo, I only used a very simple point & shoot camera with these photos.



HILDA
The way you see Ninoy Aquino and Quezon Parks really made me smile. U

I am actually excited of something that, I am sure, will happen before, on or after the expiry of my visa. Thanks for the wishes!



BLOGUSVOX
Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niyo. Ang wish ko po sa kanila na sana ay ma-nominate ako for the residency. Natatakot kasi silang mag-sponsor, baka iwanan sila pagkatapos. Pero nag-promise naman po ang employer, top priority na raw ngayong 1st quarter ang nomination nila sa akin. You'll know, update ko rito ang mga pagyayari. U

Thanks, simpleng camera lang po ang gamit ko.

Arvin U. de la Peña said...

mukhang malalim ang iniisip sa paghintay sa paglubog ng araw................

Anonymous said...

Don't be sad, RJ. Be hopeful.

You know the proverbial mustard seed? It's true.

Ken said...

hello Doc RJ. Binasa ko ang post mo.

I know you've watched the LOTR or probably you've read the book too. I took inspiration from that epic-adventure-middle earth story most of the time. Isa sa mga pinakafavorite ko na quote is yung sinabi ni Samwise Gamgee kay Frodo Baggins: "...We hold on to something" where Frodo prompted to ask Sam, "And what are we holding on to Sam." Sam answered, "That there is good in this world, Mr. Frodo, and its worth fighting for."

May you take inspiration to those words. You are a very good and kind person. God is mindful of you I am sure and He has plans for you. Just trust Him, and hold on to that. The Thoughtskoto family are praying for your success!

RJ said...

ARVIN U. DELA PENA
Palaging malalim nga akong mag-isip, eh. Di ko talaga maiwasan. Whew!

Salamat sa palaging pamamasyal dito, dadalawin kita sa pahina mo, Arvin.



ISLADENEBZ
Faith can move mountains? o",)



MR. THOUGHTSKOTO
Isa ang The Lord of the Rings sa mga favorite stories ko. Pinanood ko ang trilogy sa loob ng isang araw noon. Whew! Napakaganda nga ng mga dialogues doon.

Maraming, maraming salamat sa dasal Familia Thoughtskoto. U

mightydacz said...

hello doc kumusta?ayos ah full of emo ang komposisyon mo.ayos na ayos ang ibig momg ipahiwatig...napakatalinghaga at napkalalim mo talga dockie na magisip,

maganda rin ang mga kuha mong mga larawan.

Kosa said...

natawa ako sa reply mo sa comment ko..
hahaha.. dati ba doc, hindi naka-activate ang mga senses ko? haha. hindi ko nahalata.

basta goodluck sa mga bagay na gagawin mo at sa mga bagay na gusto mong gawin parekoy!