[Ito ay isa lamang sanang puna doon sa post ni Poging (ilo)Cano na pinamagatang Si Cris, si Ruel at Ako. Napahaba, kaya dito ko nalang ipinaskil. Nagkataong magkapareho pa kami ng pangalan ng isa niyang kaibigan.]Hindi ko alam kung bakit kailangan pang sabihin ng agency na 'office staff' ang magiging position o ang trabahong pinapa-applyAn nila sa Dubai kung ang totoong trabaho ay diesel attendant pala... [Kasalukuyan kayang may trabaho noon sa Pilipinas sina Cris at Ruel habang pina-process ang visa nila? Pogi, pakisagot nalang.]Kung ipinaskil kaya ng agency sa job ad nila at sinabi rin sa job offer/description na diesel attendant ang totoong trabaho (sa ganu'ng parehong sweldong natatanggap nila ngayon) tatanggapin pa rin kaya nila ang trabaho bilang isang diesel attendant kahit na sinabi ni Poging (ilo)Cano sa kanyang post na 'sayang din kasi ang kanilang pinag-aralan'? Parang ganito rin 'yan. Ang
visang iginawad sa akin ng
Australian Department of Immigration and Citizenship sa una kong trabaho sa isang malaking
piggery sa Queensland ang
position ay '
Agricultural Technical Officer'. Ngayong lumipat ako sa manukan- '
Farm Overseer' naman.
AKO AY NAGPAPAKAIN noon ng mga baboy, naglilinis ng kanilang kulungan, humihila ng mga patay naming alaga (
maximum 110kgs. mag-isa lang ako, may taling panghila at
push cart na kargahan) palabas ng kulungan, naglilinis at nag-aayos ng mga kapapanganak na mga biik, nagababakuna (800 - 2,400
pigs every 2 days mag-isa lang ako), nagtuturok ng gamot sa mga may sakit na baboy, nagtatapon ng patay at nagda-
drive ng
loader/tractor.
BILANG ISANG
Farm Overseer naman ngayon dito sa
poultry... araw-araw, sa unang tatlong oras ng trabaho ko sa loob ng manukan, namumulot ako ng mga patay na manok [mga 300-400 bawat araw (ang iba'y nagsisimula nang mabulok)] gamit ang
wheel barrow; kapag huling linggo na ng mga manok 3.6kgs na ang timbang nila
multiply sa 50 hds, ganyan kabigat ang itinutulak kong
wheel barrow sa 110
m. na haba ng manukang ito. Naglilinis din ako ng mga
control/computer rooms, nagtatanggal ng mga alikabok sa mga
blower fans, nagtatapon/naglilibing ng mga patay na manok gamit ang
loader, naghahanda ng mga kulungan sa gabi kapag may manghuhuli ng mga manok para dalhin sa
dressing plant, nagpuputol ng mga makakapal na damo sa
farm gamit ang
mechanical slasher, etc.
WALA NAMAN KASI sa listahan ng mga
job positions ng
Australian immigration ang
poultry farm attendant o
piggery farm attendant. Talagang
Agricultural Technical Officer at
Farm Overseer lang ang
positionG maaaring mabigyan nila ng
working visa. Napakasarap basahin at pakinggan, di ba? Pero ang trabaho ay talagang
farm attendant- at ito rin ang nakasaad sa
job description na pinirmahan namin.
Ang kagandahan (?!?) lang dito sa Australia, lahat ng mga empleyado ng isang
farm ay ginagawa pareho ang tinatawag na mga
'clean' at '
dirty' jobs, kahit
supervisors at
manager sila pare-pareho kaming nagtatrabaho nito. Madalas nga mas mahirap pa ang kanilang ginagawa kaysa sa mga
farm attendants na tulad ko. Totoo ito, sa Queensland tatlong beses isang linggo, 2:00am naglo-
load kami sa
truck ng 205 na mga baboy (para dalhin sa
slaughterhouse) kasama naming nagtatrabaho- tatlo kami palagi kasama ang
manager, summer man o
winter (nangyayari pa noong -3'C ang temperature!)
Dito sa manukan, ang
manager namin sa kabilang farm (dalawang
farms ang pinagtatrabahuan ko, MWF/TThS ang
schedule) ay isang beterinaryong Pilipino na nagtapos sa isang kilalang pamantasan sa Pilipinas. Ginagawa rin niya ang lahat ng ginagawa ko (sa itaas nakalista), pati ang mga
paperworks at kung anong
coordination sa
hatchery,
feed mill at sa
dressing plant sa kanya (alam ko dahil kapag nakabakasyon ang Iranian o Filipino
manager, ako ang gumagawa ng mga trabaho nila).
Kahit papaano, masasabing mas madali pa rin ang trabaho ng isang
poultry farm attendant;
physically ay mahirap nga, pero pagkatapos ng oras ng trabaho pwede na akong mag-
blog, samantalang ang
manager namin
24 hrs. na nakabantay sa manukan, katabi niya sa pagtulog ang
computer na nagmo-
monitor ng
temperature,
humidity,
feed at
water consumption,
etc. ng manukan. May naka-
set pang
alarm sa
mobile phones nila para kapag nasa
supermarket,
malls o nagka-
crabbing kami at biglang mabago ang
setting ng
temperature, tutunog ang
mobile phone nila. Kailangang umuwi kapag ganyan para ayusin ang naging problema sa loob ng
chook shed.
HINDI KO ALAM ang
situation sa Dubai, pero dito kasi sa Australia kakaunti lang ang mga
laborers. Inaayawan ng karamihan sa mga puti itong mga ginagawa namin. May suporta galing sa
Australian government (
Centrelink) ang mga walang trabaho, madalas mas mataas pa ang ibinibigay ng gobyerno kaysa sa
minimum wage nila rito (na mas malaki pa ang kasalukuyang sweldo ko ngayon) kaya mas pinipili nalang ng mga
locals na hindi magtrabaho at umasa nalang sa gobyerno nila- na ang perang ibinibigay sa kanila sa bawat buwan ay galing sa 19%
tax na ibinabayad naming mga
working visa-holders (at iba pang mga Australians na nagtatrabaho).
Dito halimbawa sa manukang pinagtatrabahuan ko ngayon, isang milyong manok ang aming inilalabas tuwing ika-60 na araw pero
siyam lang kaming nagtatrabaho kasama na ang
manager. Kulang na kulang sa mga mangagawa ang bansang ito kaya lahat kami ay naka-
hands-on sa
pag-aalaga (?!) ng mga manok. [
Computer naman yata at
automatic feeders at
drinkers ang nag-aalaga sa mga ito.]
Kaya ayos lang 'yan para kina Cris at Ruel dahil nandyan na sila kayanin nalang nila ang trabaho bilang isang
diesel attendant. Tulad ni Poging (ilo)Cano, maaaring magkaroon din ng pagkakataong ma-
promote sila sa pinapasukan nila. At tulad ng madalas sabihin ng mga nagko-
comment dito sa mga reklamo ko, "
kaya mo yan, Doc Aga!" Kaya ko nga... kinaya ko, at kakayanin ko, alang-alang sa
aking kinabukasan.
Kaya nga sa
post kong
Epidemics nailabas ko rin ang aking nakikita sa mga
graduates ng Pilipinas, ganyan talaga ang nangyayari sa atin kasi ang ating bansa ay nahihirapan talagang makaahon sa kahirapan ngayon. Kung ano ang mga naging pambansang suliranin ng Pilipinas, hindi ko na kailangang sabihin pa rito.
MAY ISANG ARAL ding makukuha sa kwento nina Cris at Ruel, kapag pipirma ng kontrata, siyempre ang mas paniwalaan natin ay kung ano ang nakasulat sa dokumento hindi sa kung ano ang sinasabi ng
agency.
Ngayon uulitin ko ang ang aking katanungan:
Kung ipinaskil kaya ng agency sa job ad nila at sinabi rin sa job offer/visa na diesel attendant ang totoong trabaho (sa ganu'ng parehong sweldong natatanggap nila ngayon) tatanggapin pa rin kaya nila ang trabaho bilang isang diesel attendant kahit na sinabi ni Poging (ilo)Cano sa kanyang post na 'sayang din kasi ang kanilang pinag-aralan'?
NAKATANGGAP AKO NG TAG mula kay
Azel ng
Panunumbalik ng Ulirat, heto isisingit ko nalang dito. Sana ay ayos na ito kay Azel.
Paki-
click niyo nalang po para ito ay lumaki. Hindi na isang lihim ngayon ang aking sulat-kamay!
Nais ko ring gamitin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang lahat ng mga sumusuporta at nagbabasa ng
The Chook-minder's Quill-
Ang mga Lihim at Kwento ng Isang Dayuhang Magmamanok.