Pero
Kung ang napakabigat na bahay na ito ay binitawan at iniwanan ng mga bumubuhat nito, anong mangyayari? Tama! Posibleng ito'y mawawasak at hindi na makakarating sa lugar na dapat sana'y paglilipatan nito! Hindi lang bahay ang masisira, apektado rin pati ang buhay ng mag-anak na dapat sana'y masayang titira sa bahay na ito.
Ang BAYANIHAN ay isa sa mga magagandang likas na katangian ng mga Pilipino. Kapansin-pansing kapag may isang mahirap na gawain sa isang nayon tulad ng (pagtatanim ng palay, pag-aani ng palay, at) paglilipat ng bahay, nagtutulungan ang mga magkakapitbahay upang maging madali, magaan at mabilis ang pagsasagawa nito. Dahil dito naging malapit ang bawat isa, kaya mabilis na umuunlad ang isang pamayanang Pilipino.
Sinasabing ang blogosperyo ay isa ring komunidad, at ang komunidad na ito ay binubuo rin ng mga Pilipino... maraming mga Pilipino.
Mababasa sa Kwentong iTo na may isang inang nangangailangan ng ating tulong at suporta nang sa gayo'y muli niyang makapiling ang kanyang tatlong anak. Bilang mga Pilipinong Blogero, magagawa kaya natin ang tinatawag na B-YANAHan? Sa tingin ko ay oo.
Ako'y naniniwalang ang isang mabigat na bagay ay tunay na gagaan kapag ito'y idinaan sa B-YANAHan.
Ang larawan sa itaas ay ipininta ni Joselito Barcelona, 1993
28 comments:
mmhhhh...dedicated ata ito ke yanah... sa mga kinakaharap ni yanah...nandito kaming lahat na handang makinig, makibasa, magpayo, mangulit, makibahagi at manalangin para sa mgandang bukas...
kaya natin ito basta may B-YANAHan... :)
SUPERGULAMAN
Superhero ka nga! Ambilis mo talaga!
Maraming salamat sa iyong mabilis na pagtugon, Supergulaman! o",)
Sama ako sa pagbuhat ah...para kahit konti makagaan...
Sama samang prayers ng mga blogero sigurado maririnig ni God un...
Sana maging maayos na lahat..
Nakakalungkot na hindi ko sya mapatuloy sa aking bahay ngayong alam kong kailangan nya ng masisilungan pansamantala. Gayunman, patuloy ako nananalangin na sana'y maayos na ang lahat para sa kanya.
Pagtulungan natin... sabay-sabay nating buhatin para may pwersa!
isa.. dalawa.. tatlo!!! buhat! (sabay kanta ng magtanim ay di biro!)
Salamat sa iyong mabilis na paghahatid ng mensahe upang matugunan ang pangangailangan ng ating kaibigang si YaNaH sa blogsphere.
Nawa'y matugunan agad ang pangangailangang pinansyal ng ating kaibigan sa tulong ng ating mga Pinoy blogger at sa mga panalangin nawa'y gabayan sya sa pagharap sa panibagong pagsubok na naghihintay sa Pilipinas.
Purihin ka RJ sa iyong kagandahang loob.
Hi there mga friends, may blog site ba si Yanah? How can I reach her..? Pls e-mail me.. Thanks..
hi super wonder doc RJ!!!oi ang cute ng title galing mo talaga B-yanahan,makakaraos din si yanahbebeh natin tapaos sa nxt post mo doc ang title na BiyaYANAHan lol maraming biyaya ng grasya ng poong maykapal sa kanya at family nya.
oi dito ko na rin post ung comment ko sa "ang mga lihim at kwento" mas lalo kung naintindihan,naliwanagan at napahanga mo pa ako ng lubosan sa work mo dyan kaya tinawag kitang Super Wonder Doc RJ.
Sabi nga ni big brother ang iyong hiling ay matutupad SA TAKDANG PANAHON lol
ser, mabuti ang kalooban mo. i left a message for yanah sa blog nya. taga-dubai din kasi ako.
tulong-tulong tayo. alam ko din kasi buhay ng ofw. mabuhay ka.
onga pala, hindi ako si Holy Kamote hehehe
saludo ako sayo doc!....sama ako sa baYANnihan.....
saludo din si Kosa sa Tulong ni Doc Aga...lols
tama ka Dyan doc.. pero yung ksabihan na "ANG MABIGAT AY GUMAGAAN, KAPAG BINIBITAWAN" eh pampalubag loob lang..lols
hindi seryoso...
hehehe
sige sige doc,
kitakits
"Yes, there has been a cry...
...and the deafening 'whispers' of help have rapidly filled the blogosphere!
This is a very remarkable act in the Filipino blogging community, worldwide!" - Ruel P.
This comment post over Sandbox Entry CRY FOR HELP definitely lift me to post an entry. Thank you po for linking my blog post. Nahihiya pa rin po ako until now, kasi when i wake up kanina at nabasa ko ang email i really thought kayo si Kosa kasi nagamit niyo ang thoughtsnyoyan na term, pero sori po, kasi kahit sa IM tinawag kita na kosa!!! Tawa ng tawa si yanah nung kinuwento ko sa kanya what happen. Thanks Doc RJ.
Kenji and Shiela of the Thoughtskoto Family
ipagpatuloy nyo ang magandang simulain ni pareng thoughtskoto..i could feel how u make hanna and the likes hapi esp in this critical time..
oh, ive met a number of them, and true, they are needing real support
i was trying to buzz hanna so we could EB around, but shes not replying, and she seemed na masaya behind that pala ay may dinadala sya..natutuwa ako sa bayanihan post mo na ito doc, truly filipino..
more of this..nandito lang rin kami para sumuporta.:)
habang tinitingnan ko yung larawan sa itaas, naiimagine ko, napakasimple lang ng buhay noon no? walang inggitan, wala halos nag aaway. feeling ko, dahil sobrang simple lang naman ng buhay noon, masaya na sila na nagkikita kita ng mga kaibigan at kapitbahay nila kaya naman tulungan sila.
iba na talaga noon sa ngayon. kahit hindi ko personal na nakita ang noon.
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
Dok RJ, Guess this will be my shortest comment.
I'm overwhelmed with the show of support for YaNaH. It's BLOG-YANAH-an in full force!
saludo ako sayo doc!
Tama ka Doc... pero ang kasabihang yan ay may iba yata kahulugan.
Hi ate Yannah! hope ur ok... :)
LORD CM
Salamat sa iyong pakikiisa, Pre! o",)
AZEL
Kung hindi mo siya mabibigyan ng matutuluyan, marami pang ibang paraan, Azel!
Pwedeng tumulong sa pagbuhat ang isang babaeng tuald mo; babae man o lalake, pwedeng sumali sa B-YANAHan! U
THE POPE
Maraming Salamat sa iyong pagdalaw sa The Chook-minder's Quill, Pope! U
Alam kong nagpahatid ka na rin ng iyong tulong kay Ms. Twitch.
LOIDA OF THE 2L3B'S
Heto po ang site http://sayawit.blogspot.com/ Di Ko po nakita ang email address niyo.
MIGHTYDACZ
Talagang tagahanga kita Mightydacz. o",) Napakarami ngang biyaya!
Hahah! Gusto mo 'ata akong gawing superhero. Si Supergulaman nalang 'yon.
Fan ka rin ba ni Kuya?
POGING PAYATOT
Uy bumalik ka Pogi. Pakiramdam o ikaw talaga si Holy Kamote. U
Huwag mo na akong tawaging Sir. hahaha! 'to naman.
POGING (ILO)CANO
Magkakasunod ang tatlong pogi ah, Ayan si kosaPogi kasunod mo. Whew!
Dapat sasali ka talaga sa B-YANAHan, pandagdag pogi points 'yan, bro. o",)
KOSAPOGI
Pangatlong poging nag-comment sa post kong ito, magkakasunod pa kayo.
Ayan, bro, binago ko na ang aking pangungusap. Sana ay ayos na yan para sa lahat. Nag-react din kasi si MarcoPaolo.
MR. THOUGHTSKOTO
Na-inspire pa kayong gumawa ng entry sa comment kong 'yon, samantalang kayo ang nag-initiate ng lahat ng ito. Mabuhay kayo Mr. Kenjie and Sheila Thoughtsnyoyan. o",)
JOSH OF ARABIA
Yes, buti ka malapit kay Ms. Twitch, madadalaw mo siya.
Pati ang istilo ng post ko ay napansin mo pa. Salamat. U
FJORDAN ALLEGO
Hindi ka ba nakakita niyan sa Leyte o Samar, Fjordz?! Ako nakakita pa niyan sa North Cotabato dati. Ngayon ko nga lang talaga na-appreciate ang 'spirit' ng 'bayanihan'.
DESERT AQUAFORCE
The shortest, indeed! Hahaha!
Nagustuhan niyo po 'yata ang bagong word na gawa-gawa ko lang. U
PUNKY
Pugay kamay, na!
Hahaha! Salamat, Bert Loi.
MARCOPAOLO
Yes, alam kong may ibang kahulugan, kaya nga binigyan ko ng kaunting twist. Pero ayan binago ko na. Sana ay ayos na sa inyo ni KosaPogi. Nag-react din kasi siya.
Sa tingin ko, OK na si Yanah. Nakakatulog na sigurado 'yon.
Uy fren,sama ako sa B-YANAHan..;D
Pra nman mkgaan ng konti sa pasanin na problema ni Yanah..;D
Tulungan lang tayo mga fren..Maayos din ang lahat.=)
Nice metaphor, RJ, and very well put!
AYus ang pamagat dok!..
akalain mong tumugma yun...malufeet!..
nice one DOk....
matutuwa si Yanah ng sobra dito sa b-yanihan ...
pagdasal natin....
Ang mga Pinoys talaga. Hindi na bahay kubo ang dinadala, hindi lang sa Edsa nagkakaisa... pati sa Blogworld na rin.
Ive learnt something about this (emotionally and spiritually)... and you'll know more about it soon.
SUMMER
'Yan dapat, hindi lang pana-panahon ang pagtulong. Mapa-winter, Spring, SUMMER or fall man, tumutulong tayo dapat! o",)
BLOGUSVOX
Thanks, idol! U
PAJAY
[iTo ang isa ko ring hinahangaan.] Oo nga, tumugma, kahit ako nga ay nagulat din, eh! Alam ko ikaw ang unang nagpadala ng tulong pinansiyal kay Yanah, nabanggit nya sa akin. Pagpalain ka, Prof! U
KRIS JASPER
Ganyan ang Pinoy! (Naalala ko tuloy ang PBB, PDA at PFF. Alam kong Kapamilya ka, Kris Jasper.)
Aabangan ko 'yan. U
very nice doc!
RJ- hanga ako sa iyong sinimulan na pagtulong sa isang nangangailangan na blogger. Dahil sa bayanihan nga ang ilang mga Pinoy na blogger ay nagkakaisa, bayani ka talaga Doc RJ! Saludo ako sa inyong lahat na tumulong kay Yanah! bow-wow-wow! :-)
galing naman. kahit sa blogosphere eh nagtutulungan ang mga pinoy. :) kudos!!!
ABE MULONG CARACAS
Good nagustuhan niyo ang istilo ng post kong ito. U
SARDONYX
Whew! Hindi po ako ang bayani, si Mr. Thoughtskoto po.
Bakit may bow-wow-wow?! HULAAN ko, tahol 'yan ng aso, di ba?
REENA
Uulitin ko ang palagi kong sinasabi, "Kahit si Nostradamus ay hindi nahulaan na maging ganito..." Sa pamamagitan lang ng internet, nagkaroon ng pagkakaisa ang mga Pilipino para tumulong sa nangangailangan.
Nice :) Pinoy na Pinoy ka talaga friend... Hehe :)
Wala lang..,.. Sana maging okey na ang lahat-prayer ko lagi iyan...
Post a Comment