Sunday, March 22, 2009

It's a Bird!


Dromaius novaehollandiae

Ang ibong EMU [eem-you] ay madalas kong binabanggit dito sa The Chook-minder’s Quill, ngunit ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong magkwento tungkol sa kanila. Tulad ng mga koala, ang emu ay katutubong hayop din ng Australia subalit nasasapawan sila ng katanyagan ng kangaroo. Gayunpaman, ang ibong ito'y kasali sa pambansang sagisag ng Australia.


http://www.anbg.gov.au/

Pumapangatlo ang emu sa mga pinakamalalaking ibon sa buong mundo; nangunguna ang ostrich at sinundan naman ito ng cassowary. Ang mga ibong nabanggit ay hindi nakakalipad, o ang mga tinatawag na ratites dahil napakaliit ng buto nila sa dibdib. Ang butong ito ay tinatawag na keel kung saan kumakapit ang mga lamang tumutulong sa paglipad ng mga ibon.

Naaalala ko noong ako'y nasa Queensland, ang mga emu (katulad ng kangaroo) ay madalas kong nakikitang pakalat-kalat lang sa kaparangan at mga bukirin, at kung minsan ay nakadungaw pa sa bakod ng babuyan- naghihintay na aabutan ng makakain. Samantalang dito sa South Australia isang beses palang akong nakakita ng magkapares na emuNG pakalat-kalat sa kabukiran- ito'y noong nakaraang buwan habang ako'y nagmamaneho papuntang Adelaide.

Mas luntian naman kasi ang Queensland kaysa sa mala-disyertong lalawigang ito kaya mas maraming mga usbong at buto ng iba't-ibang uri ng halaman, bungang-kahoy, at mga kulisap doon na siya namang paboritong kainin ng mga emu. Madalas umaaabot ng 2.5 kgs. na mga dahon ng halaman ang nauubos ng mga ibong ito sa iisang kainan.



Ang Katawan ng Emu

Naaabot ng emu ang taas na 6'7.2" (mas matangkad pa sa akin ng 6.2 inches), at bigat na 60 kgs (mas mabigat naman ako ng 30 kgs.). Halos walang pagkakaiba sa anyo ang mga lalaki at babaeng emu subalit naitalang mas malalaki ang mga inahin (40 kgs. ave.) kaysa sa mga tandang (36 kgs. ave.)- na halos kasimbigat lang ng sampung manok na inaalagaan namin dito kapag sila'y handa nang katayin.


http://www.kidcyber.com.au/

Ang emu ay ang nag-iisang ibong nakikitaan ng nagsasangang balahibo; at ang ibong tanging mayroong laman sa binti na kung tawagi'y gastrocnemius o mas kilala sa tawag na 'bagtak'. Tatlo lang ang kanilang daliri sa mga paa na bukod sa gamit nito bilang sandata, ay nakakatulong din sa kanilang mga bagtak upang sila'y makatakbo sa tulin na 50 km./hr.

Ibig sabihin kung babaybayin ang EDSA simula sa SM Mall of Asia hanggang sa GMA TV station sa Kamuning, kaya itong takbuhin ng mga emu sa loob lamang ng 30 minuto!













Malakas din ang huni ng emu, kapag walang nakaharang ay nakakaya nitong umabot hanggang 2 kilometrong layo! Halimbawang ang emu ay nakatayo mismo sa globong nasa harap ng SM Mall of Asia, maririnig hanggang EDSA-Taft Avenue ang kanyang huni!




Pagpapalahi at Pagpaparami

Ang mga emu ay naglalakbay ng magkapares, at tuwing taglamig sa bansang Australia, ito ay ang panahon ng kanilang pagpaparami (Mayo hanggang Hunyo). Sa panahong ito ay dumudoble ang laki ng bayag ng mga tandang kasabay ng pagtaas ng antas ng mga hormones (1 at 2) na may kauganayan sa pagpaparami.

Ang mga tandang na emu ay tumutulong sa mga inahing gumawa ng pugad na may kalagitnaang (diameter) 1.5 metro. Sa isang pugad ay mayroong 11 hanggang 20 na mga itlog na ang bawat isa'y may timbang ng humigit kumulang 900 gramo. Ang kabuuang timbang ng kulay berdeng itlog ng emu ay katumbas na halos ng isang dosenang itlog ng manok.

Kakaiba ang mga emu sapagkat ang mga tandang ang siyang naglilimlim ng kanilang mga itlog... at habang hinihintay na mapisa ang mga itlog, na tumatagal ng 56 na araw, hinding-hindi umaalis ang tandang sa pugad kaya nawawala ang halos 1/3 ng kanyang timbang! Sa panahon ng paglilimlim hindi kumakain at umiinom, hindi umiihi o dumudumi, at tumatayo lamang ang tandang kapag ang mga itlog ay kailangan niyang bilingin- na kanya namang ginagawa sampung beses sa isang araw. Ang mga hamog sa umagang nasa palibot ng pugad at naaabot lamang ng kanyang tuka ang tanging pinagkukunan nito ng maiinom, habang unti-unti namang nagagamit ang kanyang mga naipong taba ng katawan!

Habang nagpapakahirap ang tandang, ang inahing emu naman ay sadyang naghahanap na naman ng isa hanggang dalawa pang tandang upang siya'y magpalahi ulit! Hindi uso sa mga babaeng emu ang 'stick-to-one' kaya sa iisang panahon ng pagpaparami nakakatatlo sila ng tandang... dahilan upang ang isang pugad ng mga itlog ay maaaring may dalawa o tatlong ama.


http://www.kidcyber.com.au/

Kapag mapisa na ang ang mga itlog, ang tandang na emu rin ang nag-aalaga sa inakay na madalas tumatagal ng 18 buwan. Sa mga panahong ito ay tinuturuan niyang mabuhay ang mga sisiw habang inaalagan at pinuprotektahan naman mula sa mga mababangis na mga hayop.

Makikitang lubos na ang laki at anyo ng isang emu kapag sila ay isang taon o 14 na buwang gulang na, at sila'y maaaring mabuhay sa haba ng 20 taon!



Kahalagahan ng Emu
Nauuso at itinataguyod na rin sa ngayon ang pag-aalaga at pagpaparami ng mga emu sa Australia, hanggang sa Hilagang Amerika, Peru at Tsina dahil sa bukod-tanging karne, balat, at langis (ng katawan) nila. Sa edad na 50-70 linggo ay maaari nang katayin ang mga emu.

Ang karne ng emu ay isang uri ng red meat at sinasabing may kakaibang sarap at mababa sa taba ngunit hanggang ngayo'y hindi pa ako nakakain nito. Ngayon ay araw ng aking pamamalengke, kapag makakakita ako ng emu meat, bibili ako para ito'y aking matikman at malasahan upang maibahagi ko naman sa inyo.

Ang buo pang balat ng itlog ng emu ay maaaring maging napakagandang palamuti, lalo na kapag ito ay nahawakan na ng mga mahuhusay na mangangathang-kamay. Ito ay ibinebenta sa halagang Au$10-Au$20 ( Php300-Php600) bawat isa.

Sa kasalukuyan ay tinatayang mayroong humigit-kumulang na 630,000 hanggang 730,000 na mga emu sa buong Australia, at ang karamihan nito ay nasa Western Australia.





Si RJ at ang emu.




SOURCES:
Wikipedia
http://www.kidcyber.com.au/
http://www.australianfauna.com/
http://australian-animals.net/
Sariling pagmamasid ni Doc Aga.

31 comments:

=supergulaman= said...

ang galing...nakakatuwa naman ang ibong ito...naalala ko yung cartoons na pinapanood ko noong bata pa ako...as in favorite ko talaga ito... ito yung adventures ni coyote at ni road runner, bahagi pa din yata ito ng looney toons kung saan din galing si bugs bunny...basta natutuwa ako noon pag tumatakbo si road runner...humuhuni sya ng beep beep...dok, ang road runner ba ay kapamilya ng emu...halos magkapareho kasi sila ng itsura...beep beep...^_^

mightydacz said...

born to be wild ka talaga super wonder doc thanks sa info about sa emu.wink

poging (ilo)CANO said...

wow! ibon nga!

matang lawin......hehehe

KRIS JASPER said...

Na try ko na ang ostrich meat. Yung egg nila ay binebenta din d2 (average of £5 per egg).

Im emo, sana naman walang may magsabi na ako'y emu. lol!

The Pope said...

Habang binabasa ko ang detalyadong paliwanag mo tungkol sa emu, di ko maalis na maihambing ka kay Kuya Kim... purihin ka kaibigan, very informative post.

Nebz said...

Dalawang info ang nag-stick sa akin; Under de saya ang lalaking emu; playgirl naman si babae. Hehe.

Tingin ko kasing sarap rin sya ng karne ng ostrich na halos parang karne ng baka ang itsura at lasa. Tama ba ako?

Sa tingin mo, RJ, magiging lucrative business kaya ang pag-aalaga ng emu sa Pinas?

RJ said...

SUPERGULAMAN
Ayon kay Pareng Google, Supergulaman, si Road Runner ay isa ring FLIGHTLESS bird (Great Road Runner) tulad ng mga emu, ngunit sila ay maliit- 300g lamang ang kanilang timbang.


MIGHTYDACZ
Ano na naman kaya ang ibig sabihin nitong sinasabi mong 'born to be wild'. Hahaha! wink! o",)


POGING (ILO)CANO
Hahaha! Natawa ako du'n ah. Matanglawin?! Huhmn, aralin ko nga ang tungkol sa mata ng emu, baka mas matalas pa ito kaysa sa lawin. U


KRIS JASPER
Mahal din pala ang egg ng ostrich... uhmn, mga Au$10 pala?! Dito, binebenta rin ang mga balat ng itlog ng mga emu. Nasa ganu'ng halaga rin, KJ.


THE POPE
Hahaha! Nasabi rin ni Poging (iLo)Cano, ah. Matanglawin?! Naku, hinanap ko lang po ang mga infoNG ito rito sa internet at isinalin-wika. o",) Pero salamat po dahil nagustuhan niyo.


NEBZ
Hahaha! Oo nga po, kaya ko nga isinulat talaga ang bahaging 'yan ng pakikiapid ng mga inahing emu kasi exciting siya para sa akin. o",)

Businessman pala kayong mag-isip. Huh! Sa ngayong mga panahon po, hindi siguro kikita ang emu farming sa Pilipinas, siguro kapag tapos na ang global economic downturn... Sa tingin ko mabubuhay ang emu sa Pilipinas kasi may mga bahaging tropical naman ang Australia- nabubuhay rin sila.

Yes, tama po kayo... magkapareho po ang karne ng emu at ng ostrich, parang beef. Base ito sa literature, tulad ng nasabi ko na kapag makatikim ako, share ko po rito sa The CMQuill. U

NJ Abad said...

Great info u got here dok.

The facts you presented are just amazing. Read before that it used to be a flagship of Australian birds and should have been as popular as the kangaroos.

Read also that emus are good runners and swimmers... pwede pang Olympics...

Great post doc...No wonder Uber Amazing Blog awardee ka ni YaNah for Amazing info! Keep it up...

Anonymous said...

kapupulutan ng gintong aral...

kakaiba talaga ang ibon na yan!
tulad ng ng ibang mga ibon, may kanikanyang kakayahan at personalidad ang nga ibon..pero itong EMU eh talagang kakaiba nga..lalo na yung pagiging mapag-alaga nung lalakeng Emu..

hayuf na post Doc..
kitakits

Reena said...

wow emu! sabihin ko sana emo ako these past few days pero naunahan ako ni kris jasper eh. hehe

i like the eggs, pwede nga syang decorative item. and i like the chick! it's sooo cute. :)

mukha lang silang ostrich. hehe

RJ said...

DESERT AQUAFORCE
Opo, nakalimutan ko palang isulat na kapag kinakailangan, kayang-kaya rin ng mga emu ang lumangoy! Ang dami niyo na palang alam tungkol sa emu, late na pala itong post ko. U

Hahahaha! Nagkataon nga pong isinusulat ko itong blog entry ko nang makita ko ang award kong 'yon na ibinigay ni Yanah. (,"o


KOSAPOGI
Whew! Sa wakas dumating ka na naman, Pogi . U

Kaya kayang gawin ng isang pogi ang ginagawa ng tandang na emu, at ang kanyang pagiging isang martir? Kinakaliwa rin siya ng inahing emu!

Salamat nagustuhan mo, ang bait mo talagang mag-comment bro. Naku-konsensiya ako ah. (,"o


REENA
'Emo' rin pala kayo? Pa-shoping shopping nga lang ngayong weekend, eh...

Kasama nga pala sa pagiging architect ang interior design, ano?! Pwedeng-pwede nga itong itlog ng emu pan-decorate. U

Yup, mukha nga silang ostrich. o",)

Ken said...

green eggs? as in? akala ko ang lahat ng itlog white lang, maliban sa salted egg. nyehahha

Pero thanks for the info. parang pabo, pero parang mas maganda kaysa sa pabo at pag nakakain ka na, patikim, malasahan at kung mas okay nga.

Thanks for the info's about that bird Doc Rj!

Anonymous said...

Grabe pala sa bilis ang kanilang pagtakbo, ano? Super sa strength at endurance ang muscles sa legs. :)
Maski sa zoo, wala akong matandaang nakakita na ako niyan. Yung itlog nakakita na ako (pasalubong ng isa kong kaopisina sa anak nya nung manggaling sya sa Australia)... Pero teka muna, yan ba talaga ang kulay ng itlog nila? Hindi pa yata sa emu yung nakita ko --- puti eh. :(
Ubra kayang mag-alaga dito nyan, paris ng ostrich?

I am Bong said...

Matang Lawin! Very informative doc. Ngayon lang ako nakakakita ng ganyang ibon. it looks like an ostrich but its characteristics are very unique. haha

green ba ang kulay ng itlog or black? at saka hindi fair yung emu bird na yan. mga salawahan yung babae... hehe

eMPi said...

another nice entry.... informative!

thanks Doc :)

RJ said...

MR. THOUGHTSKOTO
Natawa naman ako, nakalimutan niyo po yata ang mga itlog ng pugo't pabo, di ba may mga dots din 'yon? Ang balat ng itlog ng itik berde o bughaw rin minsan di ba?

Welcome. U


HOMEBODYHUBBY
Dark green nga po ang kulay ng balat itlog ng mga emu. o",)

Sa tingin ko pwede pong mag-alaga ng emu sa Pilipinas, kasi kahit sa mga tropical zones ng Australia may mga emu rin naman po.


I AM BONG
Kapamilya nga ng ostrich ang mga emu. U

Dark green ang kulay ng balat ng mga itlog nila, Parekoy!

Ayan may naalala ka naman dahil nabasa mo ang tungkol sa mga inahing emu. o",)


MARCOPAOLO
Maraming salamat din sa pag-appreciate nito Mark. Medyo mahaba nga lang ang post. U

lucas said...

very VEERY INFORMATIVE, RJ! sila pala yung nasa national emblem ng australia. pero mas gusto ko pa rin ang koala. hehe :P ang cute kasi nila eh..hehe!

---
oo nga eh...marami pa kasing hindi nakakapagbasa nung para kay b. hehe!

ok lang kahit basahin mo na before yung angels and demons kasi iba na yung story nun....hindi na si robert langdon yung bida... :)

AJ said...

dinaig mo ba sa mahayop na trivia mo rito si kuya Kim. lahat ay magsasabing natuto at nagenjoy muli. maraming thank u professor. its like were watching TV and ur the anchor.

mabuti naman at nabigyan mo ng opp na makila ang ibon na ito, i first thought it was an ostrich or a peacock...

rgds, btw, ill be calling yanah tonite befor she left :D

Chiz said...

MUkhang blue yata yung mga green eggs

Anonymous said...

Doc, may napanood akong documentary na yung mga dinosaurs katulad ng "raptors" ay syang mga ninuno ng mga ibong yan.

Tag-lamig pala ang mating season nila. Hindi naman nakapagtataka. Kasi pag taglamig, sarap yumakap sa partner mo. : )

Nice info doc, thanks.

Loida of the 2L3B's said...

Dearest Doc RJ, Nakaka-touch naman ang bait at pagiging responsable ng tatay ng mga EMU.. they are such caring parents kaya lang nakaka turn-off naman ang mga nanay nila.. (sana magbago na sila.. huhuhu..) kawawa naman kasi mga baby EMU, they're supposedly being taken care of by their mothers..! buti na lang people aren't like them. Thanks Doc RJ for the learning experience. Care, Tita Loida

ORACLE said...

Huwaaaw! Tsk! Kulang na lang Doc may sarili ka nang program sa National Geographic aba!

Nice nice! Very informative indeed!
Nakakatuwa ang EMU. Tanong ko lang may kinalaman ba ito sa EM-U? As in Mutual Understanding? Lolz... :)

RedLan said...

Natuwa ako ng mabasa ko to ngayon lang, kasi ang nilagay ko dun sa post ko para sau ay opposite. Ang emung tandang pala ang nakatayong inahing manok dito sa Pinas. And most of all, may emung hayop pala o kala ko tao lang ang emu.

Salamat sa info. informative talaga ang blog na 'to. Keep it up Doc RJ!

Anonymous said...

Are hunters allowed to go after them? In here, you can hunt wild turkeys and other games during open seasons.

Unknown said...

fantastic looking bird. like the extinct moa the emu is exotic. i thought they were endangered. it surprised me they were like ostriches too in terms of the marketing of its meat.
nice article!

RJ said...

LUCAS
Kahit ako mas gusto ko ang koala. Itong mga emu, kapag makuha na nila ang gusto nilang pagkain galing sa 'yo, tatalikod na sila. Pero ang koala, iba. Mas lalo silang yayakap sa 'yo. U

------
Ganu'n ba?! Sige babasahin ko.


JOSH OF ARABIA
Totoo 'yan ha, tinalo ko si Kuya Kim? Kailan kaya mag-u-offer ang GMA sa akin, tatapatan namin ang Matanglawin. Hahaha! o",)

Kumusta naman si Yanah?


FRANCIS
Blue nga kung titingnan pero kung mga biologists (zoologists) ang magdi-describe nito, dark green. U


BLOGUSVOX
Yes, yan ang sabi sa evolution nitong mga emu, tama po kayo.

Tama, agree ako diyan sa panahon kung kailan napakasarap magyakapan. =)


LOIDA OF THE 2L3B'S
Baliktad nga ang parenting nila sa tao, at pati na rin sa mga kapareho nilang mga 'birds'.

Happy trip, good luck, and God bless po sa pagpunta niyo sa Canada.

RJ said...

ORACLE
Kung ang iba rito ay ABS-CBN's Matanglawin, kayo hanep! Pang National Geographic na. U Sana, sana. Libre namang mangarap eh.

Mutual Understanding nga sana ang gawin kong pamagat nito. U Kaya lang parang walang kinalaman, magkasintunog, ngunit magkaiba ang baybay at kahulugan. (,"o


REDLAN
Hahaha, natawa ako sa paghahambing mo sa emoNg tao at sa emuNG hayop, red. U Baliktad nga ang parenting characteristics nila, Red.

Mamaya baka magawan ko na ng post ang pag-feature mo sa akin sa blog mo, Red. Maraming, maraming salamat sa artwork, nagustuhan ko talaga. o",)


BERTN
Wow! Napakandang tanong. o",)

Unlike kangaroo hunting, a special permit has never been issued in Australia that would allow hunters to catch emus in the wild. The only source of emu meat is farming.


TRACER
Salamat sa pagdalaw rito sa The Chook-minder's Quill, Trace! U Welcome.

Naku, buti nabanggit mo ang MOA. Mall of Asia?! JOke! Sige, magri-research ako tungkol sa mga moa.

Thanks!

Uy, ang husay mo sa photography. Gusto ko ring pumasok doon sa camel stable. o",)

lucas said...

ay ganun? pagkatapos kumain aalis na? wala man lang hug? hahaha! sa koala na talaga ako! may hug pa!

hindi ba sila nangangagat or nangangalmot?

---
bakit ka naman natatakot? hehe! it's your opinion...it will be unethical kung sasabihin kong mali mga sinasabi mo, di ba? hehe! subjectivity makes blogging so much fun. :P

lucas said...

very well done :) walang labis, walang kulang...

red light for those who want to leave, and for us to stop chasing those who are bound to leave us...and let go..hehe!

Dear Hiraya said...

grabe! sobrang niresearch mo talaga to kuya ah? sobrang informative ah?

minsan, gawan mo ng blog entry kapag nakakain ka na po ng karne ng emu, mukhang kakaiba nga ang lasa nun heheeh

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

kcatwoman said...

nakakatawa yung isang nagcomment na isa raw syang emo.in connection sa emu. anyway, bilis pala umakbo ng emu