Sa buhay, araw-araw akong may mga pagsusulit! Napakaraming mga sitwasyon at mga katanungan, at napakarami ring pagpipiliang mga kasagutan! Pero iisa lang ang tama at pinakamainam gawin.
------------------------------------
PANUTO: Piliin ang tamang sagot. Eyes on your own paper, no cheating; however, you can consult your close friends during the exam.
1. 4:30am pa lang gising na ako. Pilit kong ipinipikit ang aking mga mata pero hindi na talaga ako makatulog. Ano ang gagawin ko?
a. Bumangon na at sumilip sa internet.
b. Huwag bumangon, higa nalang muna, at mag-isip.
c. Pilitin uling makaidlip at managinip.
d. All of the above
SAGOT KO: A
2. Bumangon nalang ako at nagbukas ng internet. Anong blog kaya ang una kong sisilipin?
a. Manikang Papel para matawa habang maaga
b. Mundong Parisukat para makapag-Kopi Breyk
c. Mayaman Pa Sa Daga para sumigla ang katawan at kaluluwa
d. unahing basahin ang pinaka-updated at manood ng Bandila (ABS-CBN) sa SBS-Australia
SAGOT KO: D
3. Anong ihahanda ko para sa breakfast?
a. Garlic fried rice at smoked ham with egg.
b. Croissant, pan bread with butter at strawberry conserve, plus orange juice.
c. Breakfast cereals at avocado-strawberry in cream.
d. Toast at hot chocolate drink.
SAGOT KO: B
4. Alas dose ng tanghali pa ang pasok ko, yun ang oras ng pagdating ng 250,000 chicks ngayong araw. Ipinlano kong kumain ng pananghalian ng alas onse bilang paghahanda sa matinding bakbakan. Ngunit 10:30am pa lang, dumating na ang libu-libong mga sisiw na dala ng chick van! Di pa ako nakakain, haharapin na ang katakut-takot na gawain. Ano kaya ang mabuti kong gawin?
a. Tawagan at pagalitan ang taga-hatchery dahil mali ang ibinigay nilang schedule.
b. Huwag nalang pumasok dahil na-bad trip at gutom. Magbasa nalang ng mga blogs.
c. Papasok ngunit pagbuntunan ng galit ang mga sisiw at mga kasamahan sa trabaho.
d. Magtrabaho kahit gutom, magpakabait, ngingiti nalang sa lahat, at paglaruan at halik-halikan ang mga sisiw na kunyari masaya akong dumating na sila.
SAGOT KO: D
5. Tumunog ang roaming mobile phone ko. Nang binuksan ko ang mensahe, galing ito sa isang taong minsang nagpasama ng loob ko. Humihingi ng tawad, at nanghihiram ng pera.
a. Matuwa pero huwag nang mag-reply.
b. Matuwa, magpatawad at mag-reply ng, “OK sige, pahihiramin kita. o",)”
c. Magalit at burahin ang mensahe at contact sa phonebook.
d. Magkunwaring walang mensaheng natanggap.
SAGOT KO: B
6. Nag-drive ako papuntang bayan gamit ang farm vehicle upang mag-check ng Post Office Box. May nadaanan akong ibinebentang Toyota Camry 2000 model, Au$4,500 ang halaga. Maganda pa ang makina at nang sinubukan ko itong i-drive, maayos pa itong tumakbo sa kalsada. Kailangan ko ng sariling sasakyan, ano ang gagawin ko?
a. Bibilhin na kaagad kahit na maubos ang aking savings.
b. Huwag na munang bumili ng sasakyan dahil baka may mga agaran at mahalagang pagkakagastusang darating.
c. Kalimutan na muna ang Toyota, at unahin na ang digital SLR camera.
d. Ilaan ang pera sa pamamasyal sa Melbourne at Brisbane ngayong Disyembre.
SAGOT KO: B
7. Napakainit ng panahon (37’C), patay na ang lahat ng mga damo. Maraming dayami dahil tag-ani, at tinatangay ng malakas na hangin ang mga mapipinong hibla ng mga nalantang dahon at natuyong bulo ng bulaklak ng mga halaman. Napakakati! Maalikabok! Hatsing ako nang hatsing!
Nais kong dalawin si Jollibee sapagkat miss na miss ko na ang kanyang palabok. Gusto ko ring mag-All You Can Eat sa Cabalen.
Sarap makita, mayakap at mahalikan ang taong minamahal ko at nagmamahal sa akin.
Bad trip sa trabaho dahil ang chick delivery, mali-mali ang scheduling.
Ano ang mabuti kong gawin?
a. Huwag na huwag mag-resign! Manatili na muna rito sa Australia.
SAGOT KO: No Other Choice, A
27 comments:
meron ka pa ring choice kuya. :) choice mo na huwag magresign at magtiis muna. hehe. :) so kahit kelan di talaga ntin masasabi na NO CHOICE. hehe. :) ingat jan sa australia. dalhan mo kami ng imported na manok. hehe.
Kung graded exam lang sana yan, one point na agad yung #7. Hindi na kailangang mag-isip dahil given na ang nag-iisang "tamang" sagot (bonus na no choice).
based! kala co aco sasagot eh. .
grabe tiis mo jan kuya noh? bakit wala kang pandisal sa lamusanl mo? ang sasarap naman pakinggan nung mga un. . ahaha. .
akala co naman chicks na dadating eh chicks talaga at mapapasabak ka sa bakbakan. .
ang bait mo ah. . masama palang pasamain ang loob mo at nagpapahiram ka ng pera. .
hindi ka pala makakauwi ng pasko. . haaaay. . nakakalungkot naman. .
JOSHMARIE
Yes tama! Galing mo namang mag-analyze ng phrase, ayan pinalitan ko na, "No Other Choice." Thank you!
Sorry mali ako.
HOMEBODYHUBBY
Oo nga po. BONUS talaga ito! Ang galing naman ng term nyo, napangiti nyo ako dun ah. o",)
PAPERDOLL
Hindi ikaw ang pasasagutin ko, hindi na kita aabalahin. Ako ang sumagot ng sarili kong test. o",)
Wala ngang pan de sal, miss na miss ko na talaga yun!
Dami nga ng chicks ko rito, mga sisiw! Talagang mabait ako. Parang nakakalungkot ngang isipin na hindi ako makakauwi sa Pasko. Kaya hindi ko nalang iniisip.
hirap naman ng exam na yan.none of the above bakit wala nyhahaha.
Sagot ko sa number: B - Huwag bumangon, higa lang muna, at mag-isip.
Tama ka Kuya, manatili ka muna dyan at mahirap ang buhay sa Pinas.. hehehe
Ang bait mo naman dokie! kung ako deadma ko ung text at ung panghihiram nya ng pera.
ang bait mo sa mga chicks ha!! hehehe!
MARCOPAOLO
Mas gusto mo palang nakababad lang sa kama. Sarap nga, lalo na kapag may kasama. Ako kasi walang katabi rito sa aking kama.
MEOW
Lumalabas ba ang kabaitan ko?! PArang napakahalaga naman ng pagagagamitan nya ng pera kaya pahihiramin ko na. Kinalimutan ko na rin ang mga ginawa nya.
Kailangan kong alagaan ng mabuti ang mga sisiw na ito, kung hindi mawaalan ako ng hanap-buhay.
[Salamat sa pagdalaw mo rito. o",)]
hello naman dyan Doc Aga.... ang aga mo magising ah! kung anu-ano tuloy naiisip mo. Ambabait ng sagot mo sa sarili mong mga tanong, pinasama na loob mo pahihiramin mo pa ng pera?!
Teka, bat ang init ng temp? Ano na bang season dyan? Kala ko winter na din dyan or fall maybe?
MAYA
Mabait po ba? Talagang nagpapakabait po ako, kasi gusto ko kung may maalala man ang isang tao tungkol sa akin, yun ay mabait ako. o",)
Heto po ang seasons ng Southern Hemisphere:
Sept, Oct, Nov - SPRING
Dec, Jan, Feb - SUMMER
Mar, Apr, MAy - AUTUMN
Jun, Jul, Aug - WINTER
ganun? naku, dito naman ang SPRING parang WINTER din... so pumapatak na kalahating taon na may snow dito! brrrrr!
everyday the moment we wake up we make choices talaga in our life c: hope we all make the right choice c: I guess di naman tama lagi but we learn from it everyday c:
taena...pwede bang gawin ko din to? cool... hahahaha bakit wala sa choices yung ALL OF THE ABOVE? LOLz...
super natawa ako dun sa hahalik-halikan mo ang sisiw.. kunyari natutuwa sa maaga nilang pagdatin..lolz
akalimutan ko, pahingi nman ng roaming number mo... matxt nga din kita at mautangan sakaling makurut ko yung malambot mung puso..lolz
pautang..lolz
MAYA
Kaya nga, sabi ng dati kong boss sa QLD na nakapagtrabaho rin sa Canada, 6 months a year may snow dyan.
OK ba? Mas ayos 'ata ang malamig kaysa sa mainit!
ICEAH
I really like what you've written here! Thanks! o",)
KOSA
Oo, pwede mo ring gawin ito, bro. Sa number 1 may 'all of the above' naman ah.
Roaming number ko? Nandyan lang sa tabi-tabi, hindi mo makita? Naku, talasan mo ang mga mata mo. o",)
ang sagot ko dun sa unang tanong D.--all of the above! lolz!
ang sarap naman ng mga choices mo sa pagkain..sana ganun din ang pinagpipilian ko tuwing umaga! hahaha!
ingat ka dyan sa australia :)
---
woah! thanks for the boost mate :) hehe! i just wish this post is really for someone that exists...hehe! thanks alot!
Ang bait bait naman! Lalo na sa number 5!1 :)) Nakoo. Mukhang miss mo na ang Jollibee at Cabalen talaga. Gano ka na nga pala katagal dyan?
RONEILUKE, RN
Kaya ba kapag 'all of the above' ang sagot sa #1 Q? o",)
Masasarap ba? Ako naman dito yung tapa ng jollibee at ang pan de sal sa breakfast ang hinahanap-hanap ko na.
Yes, salamat. Mag-iingat ako.
ISHNA PROBINSYANA
Dami nga nakakapansin ng sagot ko sa Q #5.
Miss ko na nga talaga ang Jollibee at Cabalen, totoo yan. Magdadalawang taon na ko rito sa January 2009.
Ang bait mo ah. Bigla syang tatawag at hingi ng sorry sabay uutang ng pera. Sino ba sya? hehehe siguro kamag-anak o girl friend..
hay naku kuya. feeling ko talaga burn out kana dyan. ganito nalang. imaginin mo nlang na kailangan mo nang pera para makaalis ka dyan. ipon ka at pagdating mo dito business kanalang. hay naku. i can feel the pain ur feeling.... :(
Natawa ako dun sa #5. Sa tingin ko naalala ka lang dahil uutang ng pera.
It reminds me tuloy of Rolito Goh, asking forgiveness from his victim's family only when he found out it's one of the requirements in applying for parole.
NANAYBELEN
talagang kapansin-pansin ang Q#5. Kung sino man siya, secret po muna. Abangan nyo po rito, at isang post ang para sa kanya.
JULES
Hindi naman siguro burn out ito. May mga masasaya at nakakatuwa namang experiences, di ko lang kayang isulat. Hayaan mo, try kong magsulat ng ganun. Inaaral ko pa kasi.
BLOGUSVOX
Hahaha! o",) Ganun po ba? Sana naman magbago na siya. Parang Rolito Go po ba?
napaka-creative ng post na ito. but i was touched with the meaning. hindi pala ganun kadali ang magtrabaho dyan...
naalala ko tuloy ang dalawang ate ko na OFW...
take care parekoy! u can do that!
congrats sa post mo. galing ng pagkakasulat. expressive and impressive!
mbait ka.
dapat mbait k rin sa sarili mo rj.
Una.. yan din ang ginagawa ko kung nagigising ako sa kalagitnaan ng madaling araw.. hindi na kasi ako makatulog buti naman nakakatulog din pagkatapos ng kalahati o isang oras na pagbabrowse.
Sosyal ang agahan mo RJ, naiinggit ako, sana magkaroon na rin ako ng sarili kong lugar kahit na maliit lang para mapaghandaan ko naman ang sarili ko ng masasarap na pagkain :)
Napakabait mo iho..tyak na sa langit ka mapupunta biro mo ba namang tinawagan ka para magsorry sabay uutangan ka tapos pahihiramin mo naman lol!, sabagay ganyan din tyak ang gagawin ko e.
Tanong ko lang, kung may $4,500 o mahigit o kulang ka ng ipon? ilang taon mo pinag ipunan yan? lol! kasi ako yung naiipon kong $500 e unti unti ng nababawasan lol!
Buti pa dyan may Jolibee..dito may mga pinoy restaurant din pero malayo sa lugar ko :(
BONG &
NEBZ
Natuwa ako, nagustuhan niyo ang style ng post kong ito. Totoo lahat ang mga tanong, pagpipilian at mga sagot kong isinulat dito.
MANILENYA
Hahahah! Sosyal po ba ang napili kong agahan?! Actually gusto ko rin po sana ng pan de sal, kaya lang wala rito.
Mabilis lang naman pong nakabuo ng ganung halaga (less than 6 months?!) kasi target ko dati bibili talaga ng sasakyan. At wala rin naman pong pinagkakagastusan masyado rito sa farm, pagkain lang at kaunting pamamasyal. Besides, libre po ang accommodation namin dito.
Wala pong Jollibee rito sa Australia. Kaya nga po iniisip kong masarap magbakasyon muna sa Pilipinas magpalamig ng ulo at kumain ng palabok fiesta. May Filipino grocery at fast food po ditong 80kms away sa lugar namin. Maraming Filipino dishes: dinuguan, kaldereta, kare-kare, lechon paksiw, etc. kahit medyo mahal, bumibili pa rin ako kasi sarap pa rin ang pagkaing Pinoy para sa panlasa ko.
ahahaha!
kakatuwa ha
hehe
Post a Comment