Wednesday, November 12, 2008

Nabubulag

Madilim, matahimik at malalim na ang gabi... Wala akong ibang naririnig kundi ang tumatakbong orasang patuloy na pumipintig. Nasaan kaya ang mga kulisap na kadalasa’y nag-iingay kapag ganitong oras? Bakit nagtatago ang buwan ngayong nais ko’y may kaunting tanglaw akong nasisilayan?

Tila biglang nawalan ng buhay ang aking paligid. Ako’y iniwanan na yata ng lahat, ako ngayo’y nag-iisa! Pakiramdam ko ako lang ang gising, ako lang ang buhay sa mga oras na ito.

Madilim, matahimik at malalim na ang gabi, ngunit bakit hindi ako makatulog? Apat na oras nang ako’y pagulong-gulong sa kamang ito. Pinagkakaisahan ba ako ng ‘aking mga bituin?’

Ang dami kong naiisip, ang dami kong naaalala... Mga bagay na malungkot at nakakatakot!

Kaya ba madilim dahil ako’y nabubulag? Kaya ba matahimik dahil ako’y nabibingi?

Sana bukas ng umaga, habang ako’y patuloy na humihinga, ako’y may paningin at pandinig pa. Gusto ko nang makita at marinig ang mga biyayang kahapo’y hindi ko pinansin, at ang mga magagandang bagay na dati’y aking sinayang!


--------------------------------------------------

I would like to thank Ronturon for giving me this award: Este Blog Investe e acredita na... PROXIMIDADE

Ano raw?! Di raw alam ni r2r, di ko rin alam, basta tinanggap ko lang. Tama ba itong ginawa ko? Kasalukuyan ko pang hinahanap ang kahulugan nito. Kapag masama, buburahin ko kaagad ito rito sa post ko; ‘pag maganda, siyempre ibabahagi ko ulit sa mga blogs na karapat-dapat makatanggap nito.

Kung alam niyo ang kahulugan nitong award na ‘to, paki-iwan nalang po ng inyong mensahe rito. Salamat!

Maraming, maraming salamat Ronturon dahil ako ay isa sa mga napili mong pagkalooban nito!

25 comments:

mightydacz said...

ako ba nauna dookie?willy garte ikaw ba yan Lol.cheerio dr rj

paperdoll said...

wag ka mag alala. . di ka nag-iisa. . hindi rin aco natutulog. .hehe. .

nice kuya! ganda ng mga ginamit mong mga salita. . at ang ganda nung kulay sa photo. . sa epleyn ba yan?

eMPi said...

emo? hehehe

parang salitang espanyol ata yon kuay RJ...

eMPi said...

o kaya Italian...

RJ said...

MIGHTYDACZ
Yes ikaw ang naunang mag comment ngayon! Palagi mo nang nadadalaw ang CM Quill ah, salamat. Palagi rin akong sumisilip at humahanga sa Kaleidoscope World mo.

Willie Garte ba?!?!?


PAPERDOLL
Naku, nakalimutan kong ikaw pala ay hindi rin natutulog, ang layo mo kasi. Kaya kahit gising ka, pakiramdam ko ako pa rin mag-isa ang gising.

Yes, sa epleyn ko kuha ang photo na yan. Good at nagustuhan mo. o",)


MARCOPAOLO
Hindi naman emo. Nagpasya lang ako kagabing tingnan naman ang mga magagandang bagay sa aking paligid. Dami daw kasi, hindi ko lang nakikita.

Parang Espanyol nga, sana maganda ang kahulugan nito. hahaha!

Anonymous said...

kapag di ka makatulog baka nman madami kang iniisip... lolz
o di kaya may umiisip syu..
hindi nga... sabi ng lola ko kapag di ka makatulog, ibuhol mo yung kumot sa leeg mo...lolz hahaha joke.. buhulin mo yung isang gilid ng kumot mo... hahaha isang ideya pangotra kulam

Anonymous said...

nawawala yung comment ko? lolzzzz... ahhh moderated pala to..

ahhhh taena.. mawala na lahat ng pera ko hwag lang mpaningin, pandinig at iba pang bahagi ng aking pagkatao..

RJ said...

KOSA
Tama, naalala ko rin yang superstition na yan. Subukan ko nga pag maulit ito.

Napaisip lang ako, ano kaya ang pipiliin mo: (1) MAKAKALAYA ka mula sa kulungan mo ngunit bulag at bingi ka naman, OR (2) NAKAKULONG ka nga pero may paningin at pandinig ka naman.

Nanaybelen said...

naku! dati rin hindi rin ako nakakatulog ng maayos. Pero buti na lang ginawa kung busy sa trabaho (nagtinda) ang sarili ko sa araw hanggang pagod na pagod ako.
kaya pagdating sa gabi - laspag na ako sa kama hanggang umaga.

may nagsabi din sa akin yan na buholin mo ang isang gilid nang kumot mo. hehehe. pwede rin ..

Anonymous said...

taena.. sa kulungan na lang ako... ahahaha kahit papaano nakakaita pa rin ako ng mga engots.. anu ba yan apreko sinusumpa mo na ba ako? favor nman pareko..add mo ko sa ym mo.. hahahaha jerald_s21

PEDRO <- - - said...

wow kuya, emote tayo ngayon ah!:D bakit ako pag nag eemote walang naniniwala uhhuhu.. pero seriously, gusto ko yung post mo napaka matalinghaga (ano daw?!)

Nebz said...

Sa susunod na gumising ka at wala kang ingay na narinig at npkadilim ng paligid, nawalan lang ng kuryente. (sa downunder? hmmm....)

nagkaroon ng elections night ang mga kulisap kaya wala silang lahat. check mo mmya, maingay n nman sila.

RJ said...

NANAYBELEN
Dapat pala trabaho nang trabaho. hahaha! Hindi na po ako makakapagbasa ng mga blogs nyan. o",)

Bukas darating na po ang mga sisiw, 125,000hds first batch yan. 1/4 pa lang yan ng farm capacity namin dito. Sigurado mapapagod na ako nito, tiyak mahimbing na tulog na ang makukuha ko. U


KOSA
Aba, talagang masyado ka nang napamahal sa mga kaKosa natin ah!

Okay add kita sa YM. Accept mo, bro, ha.


PEDRO
Napapadalas ang pagdalaw ng Blogistang Pinoy rito ah. Sige mamaya bibisita ako sa yo.

Parang hindi pa naman ako nag-i-emote nyan?!

RJ said...

NEBZ
Malamang nawalan ng kuryente kagabi... Buti nalang wala kaming mga sisiw kaya hindi na suffocate sa loob ng shed. Buti pinaalala nyo, check ko mamaya ang farm generator namin dito.

Kaninang umaga nang gumising ako, dami nang kulisap ang nag-iingay! May na-proklama na sigurong nanalo sa election. Siguro very historical din ang gabing yun para sa kanila. o",)
-----

Nasagot nyo po ba yung tanong ko sa recent entry nyo? Babalik ako po doon.

Anonymous said...

Sabi nila, mapalad ang mga bulag, bingi at pipi dahil hindi nila nasisilayan ang masalimuot na paligid, hindi nila naririnig ang nakaririnding kagulohan at hindi sila makapagbibitaw ng masasakit na salita.

Kung ito'y nararanasan mo kahit wala ka ni isa sa nabanggit kong kapansanan... ikaw ay mapalad.

Ishna Probinsyana said...

HIndi ka naman nag iisa! Hindi mangyayari yun. :)

At kung ano man yang award na yan, congratulations! Im sure you deserve it! =)

pamatayhomesick said...

@nebz..ha ha ha bumoto rin pala ang mga kulisap..he he he.

pards lumalawak ang iyong kaisipan ha...ipagpatuloy mo lang!magandang istorya ang nabubulag!

Anonymous said...

Ang ganda na naman nyang shot mo! :D at may award ka pala uli...
RJ, hindi ko pa maipaskel yung beautiful blog award (blogspot-specific kaya?). Anyways, mas appreciated ko naman yung gesture mo ng pagbibigay sa akin... But I'm still trying to figure it out. Nagtanong na rin ako kay cheth (maker nung award) last week, hinihintay ko na lang yung reply nya sa comment ko sa website nya.
Re Australia: Pwede mo pa naman sigurong ma-retrieve yung mga biyaya? Alam mo, kung aalis din lang kami ni misis ng Pinas at magdedecide na mag-settle sa ibang bansa, Australia o New Zealand ang pipiliin namin.

RJ said...

BLOGUSVOX
Ayan, may mga advantages din pala ang nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan minsan.


ISHNA PROBINSYANA
Salamat!


EVER
Ayoko nang magbulag-bulagan, gusto ko kasing makita at ma-appreciate ang mga paintings! Mga 'paintings' na likha Niya!


HOMEBODYHUBBY
Ayan, kayo po palagi ang nakaka-appreciate ng amateur photography ko. Salamat!

May code po yung award, check nyo po ulit dun sa post kong Beautiful, nasa last paragraph po ang link ng code.

Yes, sana makahabol pa akong ma-retrieve ang mga biyayang iyon. Sa mga studies na ginawa ng UN, simula 1990, hindi po pahuhuli ang Australia sa Best Country to Live in.

eMPi said...

tama si kosa... pag di ka daw makakatulog... daming nag-iisip sayo... hehehe

daming admirer(s)????

hehehe

RJ said...

MARCOPAOLO
ganun ba yun, posibleng maraming nag-iisip sa akin? Nasaan kaya ang mga admirers na 'yan? o",)

lucas said...

hmmm...mukhang pareho tayong emo lately ah..hehe!

hope all is well in your life mate :)

somehow God made the night so dark and silent so that we could see even the faintest of lights and hear the softest sounds :)

peace out!

Dhianz said...

"This blog invests and believes, the proximity" [meaning, that blogging makes us 'close' -being close through proximity]"

nde koh sure kung may nakapagsabi na sau... binigyan den akoh ni ronz.. sinearch koh tlgah ano meaning nyan... abah malay koh bah kung ano sabi nyan.. hehe...

nakikidaan lang here... nakita kita sa page ni ronz... pati ni josha na ren atah... abah tiga-australia ka palah ha... naks...

akoh lately... sa sobrang kapupuyat sa blog na toh wala na akong naiisip na problema... masyadong bangag nah...hehe...

cge ingatz kah! GODBLESS! -di

RJ said...

DHIANZ
Wow! Ang ganda pala ng kahulugan nitong Award na ito! Maraming Salamat talaga sa info. o",)

eMPi said...

Oo, ganun daw yon... Nasaan sila? baka nasa paligid mo lang di mo lang napapansin.... hehehe