Nagtataka ako kung bakit nitong mga nagdaang araw ay hindi ako nalulungkot o kaya’y nagsasawa at napapagod sa aking trabaho! Biglang nagbago ang lahat, hindi na tulad ng dati, sana ganito nalang palagi! Hindi naman ako naturukan ng morphine para ma-stimulate ang mga mu-opioid receptors sa aking spinal cord at brain, pero bakit nakakaramdam ako ng euphoria ngayon? Pakiramdam ko, masayang-masaya at napakagaan ng pakiramdam ko! Nahawa kaya ako sa pagiging masayahin ng mga Australiano?
Naisip ko na kaya siguro ako masaya dahil napapadalas ang pamamasyal ko ngayon. Sa nakaraang laning-apat na araw, dalawang beses sa isang linggo kami kung pumunta sa Adelaide. Kaya naman pala ang ganitong schedule, kahit pagod pagkatapos ng trabaho, at kahit masakit pa ang shoulder sprain ko (dahil sa pagdating ng mga kiti last week) kapag ang paggala (o di kaya’y pagba-blog) na ang pag-uusapan, nawawala kaagad ang pagod ko, at hindi naman sumasakit itong kaliwang balikat ko!
...sa bagay kahit dito nga lang sa kalapit naming bayan, ang Clare Valley, o di kaya’y ang Barossa Valley, literal talaga akong napapanganga sa lawak ng taniman ng mga ubas at mga olibo! Dito sa Chook-minder’s Quill, naging kilala ang South Australia sa pagpapalaki ng mga manok, ngunit ang totoo ang state na ito ay patuloy na yumayaman sa kanilang mga dumaraming mga minahan ng tanso at napakalawak na taniman ng trigo. Ang S.A. ay kilalang-kilala rin sa buong mundo sa kanilang mga vineyards at wineries! Dito ginagawa ang mga sikat na alak ng Jacob’s Creek.
Ang Port Wakefield, kung saan nakatayo itong malaking manukang aking pinagtatrabahuan ay makikita sa rehiyon ng Yorke Peninsula, kaya nasa baybayin lang kami ng gulpo ng St. Vincent. Kung natatandaan nyo ang napakaingay na mga seagulls sa pelikulang Finding Nemo, napakarami nyan dito.
Kung diving, snorkelling, boating, fishing at crabbing ang hilig mo, inaanyayahan kita rito sa Yorke Peninsula, summer na rito simula Disyembre hanggang Pebrero, tamang-tama! Hindi lang manok ang ipapakita ko sa iyo, kundi iba’t-ibang uri ng Australian at non-Australian migratory birds, ang asul na alapaap, ang bughaw na dagat at ang kaniyang mga nakatagong likas na kayamanan sa kailaliman nito, pati ang mayayabong na mangrove forests, at ang di-maabot tanaw na taniman ng mga trigo at ubas!
Balik tayo sa mga ubasan at mga alak... Nakakalasing yata ang manirahan malapit sa mga ubasan at gawaan ng mga alak, ako siguro’y nalasing kaya ako masaya ngayon! O nai-inspire lang ako sa mga natatanaw kong mga puno ng ubas na tumigas na at ang mga baging na mahigpit na nakapulupot sa kanilang mga gapangan.
Tulad ng mga punla ng ubas na unang dinala at itinanim ng mga paring Heswita rito sa South Australia noong taong 1851, sana’y maipagpatuloy ko ring mabuhay at yumabong sa napakataba at napakalawak na lupain ng Australia! Sana'y masimulan ko na rin ang pumulupot sa mga gapangang nakalaan para sa mga dayuhang manggagawa sa bansang ito tulad nitong mga ubas, nang sa gayo’y magkaroon na rin ako ng makatas na mga bungang pwedeng pigain at gawing alak—ang pinaka-espesyal at pinakamasarap ‘alak’ na makapagpapasaya sa lahat, at pwedeng ipagmalaki ng lahing Pilipino!
21 comments:
wow my bago nanam aq na22nan abt australia!!!parekoy, yan bang chook-minder's quill ang tanso mining kapital ng australia?? tpos ung Clare Valley at Barossa Valley,ang ubas capital??hahah!
gudnyt!^_^
tama na yan inuman na!
ang ganda naman dyan! christmas in summer, habang sa iba ay winter!
wala na ba bird flu scare? meron pa ba, mukhang wala na...
EMAR
Tama. South Australia ang mining capital at wine capital ng Australia.
MEOW
Maganda ba rito sa S.A., Meow? Sabi nila, a photo could, sometimes, be deceiving! Sana hindi in this case.
Wala nang birdflu scare, pero kamakailan lamang sa New Zealand ay may dalawang mga ducks na napabalitang nagdadala ng flu virus- pero ang mikrobyong ito ay napakahina, wala naman itong kakayahang makapagbigay ng sakit.
Sana nga tuluyan nang mawala ang kinatatakutan nating H5N1 flu virus na 'yan.
salamat sa isang makabuluhang talakayan at isang walang katulad na pasyal...
mga pics? kuha mu ba yun doc aga? lols ganda ah... nice nice.. oo nga parang nakapasyal na din ako... ganyan kababa ang aking kaligayahan...
nga pala, masaya ang iyung pakiramdam kase naaabot mu yung 8oras na tulog.. du pa lang may dahilan ka na para maging masaya at makangiti sa bawat umag...
bakit, gustu mu bang mabuhay ng ganun kahaba? 80+? ahhhhh... sabagay kanikanyang pananaw yan... sabi kase nila kapag nalampasan mo yung 80years old mo may posibilidad na makalimutan kang tawagin ni san pedro para magritera sa mundong ito... tumatanda na din daw kase si san pedro at madalas nagkaka-alzhiemers na...
peace out
Informative!!!
Oyy may alak... matikim nga nyan... hehehe
KOSA
Ayan, ipinasyal na kita rito sa lugar ko, ikaw kailan mo ako ipapasyal dyan?
Yes, ako ang kumuha ng mga photos na ipinaskil ko rito sa post na ito. Nagustuhan mo ah. Salamat, kahit medyo nag-tilt yung nasa wheat fields, na appreciate mo pa rin.
MASTERKOSA
Sino na naman ba ito? 'Taena!' First time nyo rito ah! 'lols'
Hindi naman yun ang ibig kong sabihin, I mean: Sana ay matutunan ko ring mag-grow rito sa bagong lupaing pinagtaniman sa akin. At sana'y mamukadkad rin ako at mamunga ng napakarami tulad nitong mga ubas dito. Nahihirapan kasi akong mag-adjust ngayon.
Kapag mahaba ang buhay marami tayong pagkakataong mamahagi ng ating mga 'kayamanan' sa ating kapwa tao. Kaya ayos lang sa kin ang mahabang buhay.
MARCOPAOLO
Ayan, may naibahagi na rin akong impormasyon sa iyo, salamat at parang nagustuhan mo rin naman.
Pasyal ka rito, ililibre kita ng LAHAT ng puti at pulang alak na gusto mo. (,"o
Kilala ang Okinawa (Japan) sa longevity, siguro hindi iilan lang ang umaabot over a hundred. Pero gulat ako sa testimony ng iba -- yun daw ay dahil sa pagkain nila ng baboy! In fairness, napakatagal at napakametikoloso naman kasi ang pagpapakulo nila dito, panay ang bawas at palit ng tubig.
Posible kayang ang moderate na pag-inom ng alak dyan na ginawa sa napakahusay ding proseso mula sa piling mga ubas ang isa sa mga dahilan ng longevity ng mga Australiano?
wow kakainggit!!!!!! as in!!!! i don't know what to say.... namangha talaga ako sa tanawin at pagsalaysay mo. i can feel the happiness na naramdaman mo ngayon. i need a break ! gusto kong magrelax sa lugar na tulad nito.
napanood ko sa abs-cbn particularly sa rated k na may pinay na may ari ng isang vineyards dyan. hay, nakakarelax talaga ang mga views. kaw nagkuha ng mga pictures? i salute for this great post both in photos and the details. obviously, inspired ka nga. keep it up...
taena.. di mo na ko kilala?
taenang taena..lols oks sabi mo eh
ahhh my link nman yung pangalan ko..sundan mo nalang..lols
akala ko kase usapang edad tayu ngayun eh..
ahhh mag-grow? bakit kasingtangkad ka ba ni PGMA? lols matanggakad ka nman yata dun.. mag-growee ka doc..lols
joke
oo, sige gets ko na.. wala na akong ibang sasabihin
HOMEBODYHUBBY
Hindi ito based on facts pero sa tingin ko ang pag-inom nila ng red at white wines dito (na ang sabi ay tumutulong daw sa pagpapalusog ng puso), plus ang pagiging masayahin nila ay ang mga posibleng dahilan kung bakit humahaba ang kanilang buhay.
Very supportive ang Australian government sa mga citizens niya. Kaya halos lahat ay masaya.
Isa pa sa napansin ko ang kanilang expressions na sa tingin ko'y siniseryoso nila ay ang "No worries, mate!" at ang "I don't care..." Hahaha! Kasi talagang they are taking life so easy. Hindi sila mahilig mag-worry.
REDLAN
Natuwa ako kasi parang nasiyahan ka sa aking post. (,"o
Yup, ako ang kumuha ng lahat ng mga photos na ipinaskil ko rito.
MASTERKOSA
Biro ko lang yun. Alam ko namang ikaw yun, kaya nga ginaya ko ang expression mo, eh. Dami mo kasing ginagamit na name! Hahaha!
Wow. Buti naman at masaya ka sa trbaho mo ngayon. Swerte ang mga taong nag eenjoy at hindi nakakaramdam ng pagod sa trabaho. Kmikita ka na, nag eenjoy ka pa, diba? ;)
buti ka pa pasyal-pasyal lang kuya RJ. salamt nga pala sa laging pagbabasa ng aking mga kilometric posts. i really appreciate it. ingat jan kuya.
aaahh, masayahin pala mga australyano?? pero lam mo nung nagwowork ako sa isang publishing cmpny sa singapore dati, australians ang pinaka-ayaw kong kausap, sobra silang demanding tas di pa maintindihan accent nila. hehe!
wow! para natin acong nakarating jan sa mga info mo ah! hehe. . parang ang sarap naman tikman ng alak jan. . redhorse lang kasi natikman coe. . lol
I never knew if you haven't blog about it that Australia also makes wine. Kung pang "vino" yang mga ubas, eh di hindi masarap kainin?
Very informative RJ!
RJ- hindi ka na nalulungkot dahil nalululong ka na rin sa pagbloblog ano?
Ako rin. dati pag-iwanan lang ako dito sa bahay ng mga anak ko, para na akong mabaliw. Buti na lang pinagtyagaan ako ng mga anak ko na turuan kung paano gamitin ang computer. Hindi ko kasi panahon ang computer eh
ISHNA PROBINSYANA
Kahit pala nagpapahinga ka sa pagba-blog, dumadalaw ka pa rin naman at nag-iiwan ng comment.
Regarding sa sinabi mong 'nag-i-enjoy sa work.' hahaha! di ko lang alam.
JOSHMARIE
Mahilig talaga akong mamasyal kahit nung nasa Pilipinas ako nagta-trabaho. Masarap kapag may pamamasyal pagkatapos ng trabaho.
MAYA
Yes, masayahin sila, base dito sa mga nakikita ko. Sa work naman, para sa akin napaka demanding nila sa speed ng pagtatrabaho. Gusto nila mabilis.
"You don't have to work properly, you need to work quickly," sabi ng dati kong boss sa Queensland.
Sa accent nila kapag nagsasalita, agree ako, medyo mahirap nga sa simula lalo na tayo sanay sa American English.
PAPERDOLL
Ayan nai-tour na kita! Kung alak ang gusto mo, napakarami rito! Ako gusto ko yung medyo matamis.
BLOGUSVOX
Yes, wine ang pinaka-produkto ng South Australia, kasunod ang copper at ang grains. Napakarami po ritong mga vineyards at mga olive plantations!
Yes, hindi nga raw po masarap kainin yung mga ubas na pang-wine, pero marami naman ditong table grapes yung kakainin talaga as a fruit. Kapag late summer at early autumn, napaka-affordable ng mga grapes dito.
NANAYBELEN
Hahaha! Malamang ang pagba-blog nga po ang dahilan kiung bakit hindi ako nalulungkot lately. Plus ang palagiang pamamasyal namin dito sa S.A.
ay! hihihi! :D ako naman nalulungkot kapag ganitong mga panahon. :( meron ata akong seasonal affective disorder.
kuya sa sm clark kami manonood hehh. sa trinoma ko sya pinanood nang una. uulitin ko lang sya dito sa clark :D ahihi
Salamat sa tour...
Maybe next time maturuan mo about sa Pharmacology... hehe :) Naks! Kailangan ko ng Morphine Sulfate ngayon... hehe :)
Post a Comment