Monday, December 28, 2009

'...standing small' yet Smart

smart- adjective 1 well-kept and neat. 2 astute. 3 witty. 4 fashionable. 5 brisk. 6 causing a stinging pain.

Collins Dictionary & Thesaurus
Essential
2005
c HarperCollins Publishers 2004
www.collins.co.uk


Taos-puso kong ipinaparating ang aking pasasalamat sa lahat ng mga bumubuo ng Pinoy Expats/OFW Blog Awards 2009, lalung-lalo na kay Mr. Thoughtskoto at Tito NJ, at sa Smart Communications sa paghirang ng The Chook-minder's Quill bilang Smart Blog Award. Itong parangal at pagkilalang ipinagkaloob niyo sa akin ay iniaalay ko sa ating Poong Maykapal na siyang naghandog ng aking kakayahan at kaalaman sa pagsusulat.

Sa mga tagasubaybay ng The Chook-minder’s Quill na sa lahat ng panahon ay hindi lamang basta nag-titipa ng kanilang mga puna sa aking pahina, kundi nag-iiwan din ng mga salitang naghahayag ng pagmamalasakit at pakikiisa sa akin; maraming, maraming salamat po... Kayo ay aking itinuturing hindi lamang basta mambabasa ng aking blog, kundi bilang mga kaibigan!

Alam kong ang mga salita ng pasasalamat ay hindi sapat sa lahat ng mag naniwala at bumoto sa The Chook-minder’s Quill para sa PEBA 2009... lalung-lalo na kay Reymos at kay Mightydacz na nagbanggit at nagsali ng aking hamak na blog sa kanilang listahan bilang isa sa kanilang mga paborito, sana’y tanggapin ninyo ang aking simple ngunit mataimtim at matapat na thank you!

Sa aking mga malalapit at tunay na kaibigan, lalung-lalo na sa mga dumalo sa PEBA Event 2009 bilang aking mga kinatawan- na kahit abala ay nag-alay ng panahon para sa akin, maraming salamat sa inyong suporta! Sa loob o sa labas man ng blogosperyo, alam kong palagi kayong nandiyan para sa akin.

Sa aking mga kamag-anak sa Pilipinas at sa ibang panig ng mundo... sa aking mga pinsan at mga kapatid, sa aking mga tiyahin, at higit sa lahat sa aking ina na kahit minsa’y hindi pa nakasilip sa aking blog ngunit walang sawang nagmamahal sa akin nang walang hinihinging kapalit simula noon hanggang ngayon, ang pagkilala at parangal na nito ay tinatanaw kong utang na loob sa inyo.

Sa pagbubukas ng bagong kabanata ng The Chook-minder’s Quill sa taong 2010, ang aking pahina'y patuloy na magsisiwalat ng mga lihim at magbabahagi ng mga kwentong maghahatid ng kakaibang karanasan, kahulugan at (higit sa lahat, kahit na hirap akong gawin..) inspirasyon sa mga tagasubaybay nito.





.

18 comments:

The Pope said...

Congratulations bro, sa maikling panahon nang pananatili ko sa blogging, di ko kinakaligtaan na subaybayan ang iyong mga panulat na naghatid ng inspirasyon sa akin bilang OFW at baguhang blogger. Pinupuri kita sa iyong panibagong achievement at Maligayang Bagong Taon.

RJ said...

THE POPE
Maraming salamat po. o",)

mightydacz said...

CONGRATULATIONSSSSS!!!!!
MABROK( in arabic.....)
salamat sa inspirasyon dokie mabuhay...
indeed so SMART........hanggang sa susunod na taon...

2ngaw said...

Congrats sa atin parekoy :D

Kosa said...

congrats parekoy.

mabuhayka!!!

Anonymous said...

congratz, doc rj! well deserved!
have a blessed season and may we all have prosperous 2010! more great posts to come! =)

The Pink Tarha said...

Congratulations! :D

gege said...

galing galing naman!


CONGRATULATIONS!!!!


:p

Ruel said...

CONGRATULATIONS bro..Keep up the best in you..

Sardonyx said...

Doc RJ congrats!!! Smart ka talaga!!

Chyng said...

Congratulations! Ü

My Yellow Bells said...

Congratze!!! OFWs salutes you! Happy New Year!!!

BlogusVox said...

Mabuhay ka Doc at manigong bagong taon!!

I am Bong said...

Congratulations Doc RJ! This blog is not only 'smart'; The Chook-minder’s Quill is teaching us to be smart. I learned a lot from this blog.

Looking forward for more posts from you in 2010. Congrats once again. Merry Christmas and Happy New Year!

Reymos said...

Congrats for the special award! Again, you are still in my top 12! I respect the decision of the judges but I think they did not really assess the overall contents of the blog...anyway good luck and embrace the new year with a big bang!

Loida of the 2L3B's said...

congrats Doc RJ! miss ya.. hope you had a merry xmas there in down under.. wishing you a most blessed new year ahead..

Anonymous said...

When NJ told me that I won, you're the third blogger I asked about. Naniniwala kasi ako sa kakayahan mo, RJ.

Happy New Year! And may we learn more of and from RJ in 2010.

The Nomadic Pinoy said...

Congratulations on a well-deserved honor. May 2010 bring in more blessings for you!