Tuesday, December 22, 2009

'CROSSing Over'

http://www.daemonsmovies.com/

Watch AVATAR: The Movie (new extended HD trailer here...)


Sa mga hindi pa nakapanood ng pelikulang Avatar, panoorin niyo na. (Biglang naging amateur ang dating ng Jurassic Park nang dahil sa bagong-likhang ito ni James Cameron.)

Ito ang dahilan ng aking pagkatulala sa nakalipas na apat na araw; iniisip at winawari ko kasi kung ano ang hitsura ng aking magiging avatar sakaling ako ay magkakaroon ng pagkakataong makadalaw sa mundo ng mga Na'vi- ang Pandora!

Ang Pandora ay kathang-isip lamang; ito'y isang daigdig na kasinlaki ng ating mundo kung saan nakatira ang mga matatangkad na nilalang na kulay-bughaw ang balat at mayroong isang-dipang buntot- sila ay ang mga Na'vi.

Nag-uumapaw sa likas na yaman ang Pandora. Sa malagong kagubatan ay mayroong napakaraming mga makukulay na halaman, iba't-ibang uri ng mga lumilipad, lumalangoy at pagala-galang mga hayop.

Isa sa mga pinakamagagandang tanawin at pinakakakaibang anyong-lupa sa Pandora ay ang mga bundok na nakalutang sa kalawakan, at higit sa lahat, sa tinutubuan ng isang higanteng punong Kelutrel ay matatagpuan ang isang mineral na kung tawagi'y unobtanium. Napaka-espesyal ang mineral na ito sapagkat ang isang dakot ay nagkakahalaga ng US$20,000,000!

Nang dahil sa unobtainium, nagkainteres sa Pandora ang mga tao mula sa ating mundo. Nais nilang sakupin at angkinin ang lahat ng kayamanan sa daigdig ng mga Na'vi subalit hindi ito madali sapagkat salat sa oxygen ang Pandora at ang natural na komposisyon ng hangin doon ay ang carbon dioxide, methane at ammonia.

Sa tulong mga mananaliksik, natuklasang sa pamamagitan ng mga avatars na may magkahalong genetic composition ng isang tao at isang Na'vi, ay posibleng maikot at mapag-aralan ng lubusan ang Pandora. Ang mga avatars na ito ay maaari lamang kontrolin ng mga taong pinagkunan ng DNA sample sa pamamagitan ng kanilang sariling utak habang sila'y tulog sa loob ng isang makabagong kasangkapan.


Sa panahon ng bahagyang kalungkutan at pangungulila sapagkat sigurado nang hindi ko na naman maipagdiwang ang Pasko kasama ang aking mga minamahal, iniisip kong sana'y isang umaga ako'y magising doon sa Pandora bilang isang avatar! Natitiyak kong sa ganda at kulay ng kapaligiran doon, makakalimutan ko kahit papaano itong aking mga dinaramdam. ...lalo na siguro kung magkikita kami ng kanilang prinsesang si Neytiri.

Napakaraming uri ng mga hayop doon sa Pandora, at nais kong mag-trabaho bilang isang beterinaryo roon. Hangad kong tuklasin ang mga lihim kung bakit malulusog at malalakas ang higanteng ibong Toruk at ang mala-kabayong Pa'li! Nais kong mapag-aralan ang mga bahagi ng katawan at ang kahalagahan nito sa buhay ng isang ibong Ikran at ng mala-lobong Nantang.

Kayo marahil ay nag-iisip kung kaya kong magtatagumpay sa aking pakay doon sa Pandora... kung maihahayag ko ng maayos sa mga katutubong Na'vi ang aking sadya sa kanilang daigdig. Siguradong kayang-kaya, bilang isang avatar! Isang avatar na kawangis ng mga katutubo roon, na kumikilos, nag-iisip, at may pandamdam na katulad ng mga Na'vi.

Maganda ang pelikula, panalo ang kwento at super-galing ang animation at visual effects!

Subalit may tatalo pa ba sa isang 'avatar' na isinilang sa mundo at namuhay bilang isang tao humigit-kumulang 2,009 taon na ang nakalilipas? Ang 'Avatar' na walang kapantay... nagturo, at nag-alay ng kanyang buhay bilang isang sakripisyo upang mailigtas mula sa kasalanan ang sangkatauhan at tuluyang mabuhay ng walang-hanggan doon sa kalangitan!

Halina't batiin natin Siya- ang tunay at nag-iisang avatar! Maligayang kaarawan, Panginoong Hesus!









Ang mga impormasyon sa lathalaing ito ay nagmula sa Wikipedia at sa opisyal na pahina ng pelikulang Avatar.




.

16 comments:

gege said...

waw!!!
nacurious naman ako!!!
cgecge!
hahagilap nako ng DVD nyan.
haha!
tenks!

korek, iisa lang ang talagang may karapatang magsabi na life is unfair.
kundi si Hesus.
nabuhay sya para ialay ang kanyang buhay... ironic, born to die.
advance merry x-mas!
:P

Kamote Empire said...

wag kayo bibili ng pirata, sulit na mapanood niyo ito sa sine

The Pope said...

Thanks for sharing this post, my daughter says palabas na raw ito sa Pinas, panunuorin namin sa silver screen dito.

Merry Xmas Doc.

Chyng said...

mukhang interesting nga. cge i will watch after ng mga MMF! haha love your own muna.. Ü

2ngaw said...

Di ba pwedeng ma download yan? lolzz matagal pa kasi bago magkaruon dito nyan

Ruel said...

Interesting..Mukhang di ko na panoorin ito..Nasabi mo na kasi lahat..

Merry Christmas!

RJ said...

GEGE
Hindi mo pa napanood, Ge? Huwag sa DVD, sa cinemas muna.

Merry Christmas! U



LAMB MARC
'Yon! Tama!

Napanood mo na ba, Tupang Marko?



THE POPE
Huhmn, hindi niyo pa pala napanood ang Avatar, panoorin niyo na po... Sulit na sulit, papanoorin ko pa nga ulit sa cinemas this week.

Maligayang Pasko din po sa inyo, at sa iyong buong pamilya!



CHYNG
Ano ang pinakamagandang MMFF entry na napanood mo na, so far? Padalhan mo ako ng DVD...

Promise? papanoorin mo ang Avatar?



LORD CM
Whew! 'Yan ang hindi ko alam, Pre. Ganyan pala sa Palau na-remind ako nu'ng entry mo noon tungkol sa bansang 'yan.



RUPH
Yes, aganda ang Avatar. Naku, HINDI ko sinabi lahat, 20% lang ng pelikula ang ikinwento ko, Ruph. Panoorin mo na ngayon sa cinemas.

Merry Christmas din sa 'yo! o",)

Anonymous said...

Sige, I'll watch it when it becomes avaialble here in Saudi. Nabalitaan ko nga na maganda sya. And with your recommendation, I'm pretty sure maganda nga sya tlaga.

Merry Christmas, RJ.

Sige po. Sinunod ko ung request mo: PEBA Best Post Entry na lang ang pakontest ko. Please try.

My Yellow Bells said...

hmmm nagkaroon ako ng ideya kung ano ang magagawa sa pasko. hindi kaya ma culture shock ang anak ko pag nanuod kmi nyan. mga kkaibang nilalang kmo, malamang 200 tanong na naman ang kailangan kong sagutin kapag pinanuod nmin yan.
Pero cge cge mukang di ko nga yan papalampasin.

wow magkano kaya ibabayad nila sayo dun bilang vet? bigyan ka kaya ng isang dakot na unobtanium ok na ba yun sayo? :)
Merry Christmas!

BlogusVox said...

Doc, naki daan lang para bumati.

Maligayang Pasko sayo at sayong pamilya!!

pusangkalye said...

BLESSED IS THE SEASON WHICH ENGAGES EVERYONE IN A CONSPIRACY OF LOVE........

Merry Christmas Everyone!!!!!!

Sardonyx said...

Merry Christmas RJ!! Di ko pa napanood ang AVATAR mukhang maganda nga sa pagkakalarawan mo ay nabighani akong papanoorin ito hehehe.....hoy tama na ang pag-i-emo, cheer up.....muli...Happy Holidays! hehehe

KRIS JASPER said...

Merry Christmas RJ!

bertN said...

Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon sa iyo!

Life Moto said...

Merry Christmas and have a blessed new year. From the Kingdom of Saudi Arabia...

witsandnuts said...

I also liked this film. I am waiting for the DVD so that I can watch over and again. I hope they'd release one in 3D.

Just dropping by from Blogusvox's page.