Isang karangalan para sa aking naisali ang The Chook-minder’s Quill sa galerya ng mga likhang-sining ni Redlan. Si Red ay isang kaibigan dito sa blogosperyo; una akong napadpad sa Redlan's Web of Arts dahil nakita ko ang kanyang kahalihalinang katha noon para kay Hiraya.
Nakakatuwang isiping sa loob ng mahigit isang taong pagsisiwalat ng mga lihim at pagkukwento ng The Chook-minder’s Quill, marami na rin akong nakilalang mga kaibigan, mga masugid na mambabasa at buong-pusong nagsusuporta nitong aking blog- isa na rito si Redlan.
Sa inyong lahat na patuloy na dumadalaw, dumadaan, nakikitambay, sumisilip, at nakikipagkwentuhan sa akin dito sa Manukan, maraming maraming salamat sa inyong lahat!
Huwag kayong mag-alala hindi po ito pamamaalam, hindi magsasara ang Manukan (kahit na may pandaigdigang krisis pang-ekonomiya)... Nang dahil sa inyo, si RJ/Kuya RJ/Doc RJ/Doc Aga ay nagkakaroon ng sapat na lakas at inspirasyong ipagpatuloy ang pakikipagkwentuhan sa inyo rito sa Manukan.
Mabuhay ang mga Filipino bloggers!
--------------------------------------
Taus-puso rin akong nagpapasalamat kay Yanah sa pagbigay niya ng award na Uber Amazing Blog (for amazing info) sa The Chook-minder’s Quill. Itinuturing ko itong isang hamon at inspirasyong patuloy ko pang lagyan ng kaunti ngunit makabuluhang kaalaman ang aking mga simpleng entries dito sa Manukan.
Kapag ang inahing manok ay mayroon nang inakay, hindi na natin ito makikitang kasama o lalapit sa kaniya ang tandang! Kapansin-pansing kapag lumalapit ang tandang sa mag-iina sa panahong ito, inaaway lamang ito ng inahing manok! Nagiging malapit lamang sila sa isa't-isa sa panahon ng ligawan at paglalahi.-Redlan's comment in Rooster and Hen
44 comments:
Congrats sa mga natanggap mong awards!!! Karapat dapat naman iyo para sa iyo. At salamat din sa mga magaganda mong posts sa blog kaya kami bumabalik ay dahil sa marami kaming natutukang mga balita mula sa iyong manukan hehehe kahit pa anong kahig ang gawin mo dyan malalim man o mababaw nandito lang kami, tumilaok ka lang hehehe.
Tik-Tila-Ooook!!!
Purihin ka kaibigang RJ, tunay na karapatdapat kang bigyan ng karangalan sa iyong mga likhang panulat sa daigdig ng blosphere.
Ang buong manukan ng blogsphere ay nagpapagaspasan ang mga pakpak at nagtitilaukan bilang pakikiisa sa iyong tagumpay.
Mabuhay ka kaibigan, magpatuka ka naman.... tik-tila-ooook.
mabuhay si Doc AGa!
mabuhay ang mga Pogi! hehehe
salamat din doc.. isa ka sa mga walang sawang kakwentuhan sa Blogosperyo..
doc aga, ganda nga yan..karapat dapat ka na bigyan ng kanyang karangalan....isa ka sa aking mga hinahangaan dito sa mundo ng blogosperyo...pinapasaya mo ako sa gitna ng kalungkutan...saludo ako sa sayo mula dito sa gasolinahan hanggang sa iyong manukan....
GB...
YEY! Congrats RJ!
Sana may mga libreng chicken BBQs sa mga regular tambays dito sa manukan mo.
:)
Congratulations Doc RJ...Yehey another toast for you!
Your blog is worthy of the awards and appreciations.
Expect more to come!
Cheers!
congrats...galing nun drawing... :)
ei dok meron ka din uber amazing aaward sa akin... actually lahat kayo pinasahan ko nyan... ahehehe... :D
isang pagbati! you deserve all that!
teka dun sa trivia mo...oo nga ano? meaning kaya tamang libog lang pala ang mga manok? hahaha
or protective lang ang mga inahin?
salamat sa mga kaalaman!
Ganda ng likha ni Red...
huwaaw! Congratz doc!
Padala ka naman dito ng Chook... hehehe :)
galing!
Congrats pre, basta ung fried chicken ko ah? :D
Congrats Doc RJ!
Ipagpatuloy mo ang pagbloblog at sana palaging magkaroon ng inspirasyon na magshare ng iyong mga naiisip. Marami kami na umaantabay sa iyong post lagi. Salamat din sa iyong masugid na magsusubaybay sa aming bahay...
Keep Blogging! Keep informing! :)
Doc RJ, thanks sa pagfeature sa akin dito in return. Napasmile na lang ako dito kahit na maraming trabaho. Just keep up the good work offline and online. Goodluck!
Congrats Doc RJ! You deserve it because your blog rocks!
God bless...
Doc RJ, salamat sa bago kong natutunan.. ayun naman pala at close lang sila pag nagliligawan.. pag naanakan na ang Inahin.. galit na sa Tandang... buti na lang di nakasanayan ng tao yan! aheks!
sabi ng Inahin : "Lumayas ka dito, hindi ka namin kailangan ng mga anak mo"
Sabi ng Tandang: "Katawan ko lang ang gusto mo, pagkatapos mo akong pagsawaan.. pinagtatabuyan mo na ako ngayon!"
ayun lang! Congrats pala!
gusto ko iyong doc aga kuya! ahaha.. nice one... ^_^
Magaling ang ginawa nyang art for you, RJ. Talagang pinagbuhusan ng oras at pansin.
Nakakataba ng puso ang malaman mong may mga taong nata-touch sa iyong mga isinulat. Isa na ako duon.
At dahil wala naman akong artistic talent, hayaan mong patuloy kitang ipinalangin na sana'y matupad ang yong pangarap at marami pang tao ang ma-inspire sa mga akda mo.
(Ma-drama ba?)
Congrats.
congrats!
i totally agree you will gain a lot of friends through blogging!
its such a nice world in here hehe
soooo cute!
congrats sa awards! artist na artist ang dating doc!...tc
Hi po!
Unang bisita ko po ito sa blog nyo. Well, hindi unang bisita pero unang comment. Dati kasi napapadpad rin ako dito for some reason LOL.
Looking forward to your posts!
Much Love,
PS. Congrats sa award.
Hi Ruel,
Happy Birthday to your weblog...
your blog shows humans feeling thats why I always enjoy looking at it...
Be success
Dearest Doc RJ,
Your manukan is really inspiring.. Our blogging is no longer complete when we're not able to visit and meet you there.. Kaya please keep it up Doc!
Take care always..
Care, Tita Loida
congrats! galing ni red. sabi ko nga gawan din niya ako nyan eh. hahaha. pero hindi manok. ano kaya sa akin?
ang cute nung artwork na ginawa ni red para sayo. simple but really creative! :P bakit kaya ako wala pa niyan? ahaha! joke!
mabuhay ka red!
astig! galing...
Ahoy! Kuya! ngayon lang ulit ako nakadalawa, naiwan ko kasi sa yung laptop ko sa dorm tsk tsk.
kaya ayun minsa lang ako makapag internet.
marami talagang nagmamahal sayo kuya! ipagpatuloy mo lang po ang iyong mga nasimulan!
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
Mabuhay Ka DOk!..
ang galing Ni Redlan....
tagay para sa award Dok!..
Congrats!..
napakagandang OBRA!
Wow! Isa na namang personal na likha para sayo. Simpleng art, pero maganda. :)
Okay yung gawa para sayo ni Redlan ah. Simple lang pero may dating. Mahusay, mahusay sya.
ASTEG yung a!
work op art nga! hehe... asteg sa consepto...
PA burger ka naman!!! burger !!! burger!!!
ako din doc! magpapasalamat din ako!
ahihihihihi
thank you, thank you doc RJ!
alam mo na yun!
hehehehe
paramdama ka pag-uwi mo ha..
pasalubong hehehehe
wag forget ung aanakin mo na si lian hehehehe
Nice naman... Buti ka pa nagawan na ng ganyan ni Red! Hehe :)
Naks. Ginawan ka na din nya. Si Kris Jasper ginawan din ni Redlan diba? And congrats sa award. You deserve it naman. Mgaling ka kase magblog. Informative. :)
Happy birthday sa blog mo!
wow! congrats sa awards kuya! astig naman nung webart na yun! galing!
shoot, dami comments.anyway, ganda nung chicken art. grabe nakadedicate pa talaga sayo. keep it up man
ganda ng huling talata...
bakit ba ang manok tumitingala pag tapos uminum?
aba, medyo matagl-tagal na tong post na to. eh when do you plan to update? hehe. di naman obvious na demanding diba? hahaha...
sige na nga. take your time. nakita ko pala sa twitter mo na busy ka. :)
Hello Arjay, we just got back from our vacay in the Philippines. You deserve to be included there, keep it up!
Where are you Doc?! Been missing your post.. Are you OK? Hope you're fine.. Care,
Tita Loida
SA LAHAT
Maraming Salamat sa pagdalaw, at sa pag-congratulate sa akin! o",)
REENA
Huh! Hindi ko nga rin alam kung ano ang dapat na artwork ni Red para sa 'yo. Siya na ang bahala. o",)
Ayan may bago na akong entry.
LUCAS
Itanong natin kay Red kung bakit hindi ka pa niya ginawan niyan, ROn.
Red, nabasa mo ba ito? U
ISHNA PROBINSYANA
Hindi ko na matandaan ang artwork na ginawa ni Redlan kay KJ. Parang hindi ko na naabutan.
EVERLITO (EVER) VILLACRUZ
Wow! Magandang tanong po 'yan ah. Magsusulat ako ng post tungkol diyan. Abangan... [Medyo busy lang po ngayon, Kuya Ever.]
LOIDA OF THE 2L3B'S
Ayan po sa bago kong entry (2Arpr09) nagkwento po ako. Nandito lang naman po ako sa Australia, sa Port Wakefield... hindi pa naman ako nakaalis. Busy lang po talaga kaya palaging pagod.
Kailan na po ang lipad niyo papuntang Canada? Good luck and God bless po! U
Post a Comment