Saturday, March 14, 2009

Ang mga LIHIM at Kwento...

[Ito ay isa lamang sanang puna doon sa post ni Poging (ilo)Cano na pinamagatang Si Cris, si Ruel at Ako. Napahaba, kaya dito ko nalang ipinaskil. Nagkataong magkapareho pa kami ng pangalan ng isa niyang kaibigan.]


Hindi ko alam kung bakit kailangan pang sabihin ng agency na 'office staff' ang magiging position o ang trabahong pinapa-applyAn nila sa Dubai kung ang totoong trabaho ay diesel attendant pala... [Kasalukuyan kayang may trabaho noon sa Pilipinas sina Cris at Ruel habang pina-process ang visa nila? Pogi, pakisagot nalang.]

Kung ipinaskil kaya ng agency sa job ad nila at sinabi rin sa job offer/description na diesel attendant ang totoong trabaho (sa ganu'ng parehong sweldong natatanggap nila ngayon) tatanggapin pa rin kaya nila ang trabaho bilang isang diesel attendant kahit na sinabi ni Poging (ilo)Cano sa kanyang post na 'sayang din kasi ang kanilang pinag-aralan'?


Parang ganito rin 'yan. Ang visang iginawad sa akin ng Australian Department of Immigration and Citizenship sa una kong trabaho sa isang malaking piggery sa Queensland ang position ay 'Agricultural Technical Officer'. Ngayong lumipat ako sa manukan- 'Farm Overseer' naman.

AKO AY NAGPAPAKAIN noon ng mga baboy, naglilinis ng kanilang kulungan, humihila ng mga patay naming alaga (maximum 110kgs. mag-isa lang ako, may taling panghila at push cart na kargahan) palabas ng kulungan, naglilinis at nag-aayos ng mga kapapanganak na mga biik, nagababakuna (800 - 2,400 pigs every 2 days mag-isa lang ako), nagtuturok ng gamot sa mga may sakit na baboy, nagtatapon ng patay at nagda-drive ng loader/tractor.

BILANG ISANG Farm Overseer naman ngayon dito sa poultry... araw-araw, sa unang tatlong oras ng trabaho ko sa loob ng manukan, namumulot ako ng mga patay na manok [mga 300-400 bawat araw (ang iba'y nagsisimula nang mabulok)] gamit ang wheel barrow; kapag huling linggo na ng mga manok 3.6kgs na ang timbang nila multiply sa 50 hds, ganyan kabigat ang itinutulak kong wheel barrow sa 110m. na haba ng manukang ito. Naglilinis din ako ng mga control/computer rooms, nagtatanggal ng mga alikabok sa mga blower fans, nagtatapon/naglilibing ng mga patay na manok gamit ang loader, naghahanda ng mga kulungan sa gabi kapag may manghuhuli ng mga manok para dalhin sa dressing plant, nagpuputol ng mga makakapal na damo sa farm gamit ang mechanical slasher, etc.


WALA NAMAN KASI sa listahan ng mga job positions ng Australian immigration ang poultry farm attendant o piggery farm attendant. Talagang Agricultural Technical Officer at Farm Overseer lang ang positionG maaaring mabigyan nila ng working visa. Napakasarap basahin at pakinggan, di ba? Pero ang trabaho ay talagang farm attendant- at ito rin ang nakasaad sa job description na pinirmahan namin.

Ang kagandahan (?!?) lang dito sa Australia, lahat ng mga empleyado ng isang farm ay ginagawa pareho ang tinatawag na mga 'clean' at 'dirty' jobs, kahit supervisors at manager sila pare-pareho kaming nagtatrabaho nito. Madalas nga mas mahirap pa ang kanilang ginagawa kaysa sa mga farm attendants na tulad ko. Totoo ito, sa Queensland tatlong beses isang linggo, 2:00am naglo-load kami sa truck ng 205 na mga baboy (para dalhin sa slaughterhouse) kasama naming nagtatrabaho- tatlo kami palagi kasama ang manager, summer man o winter (nangyayari pa noong -3'C ang temperature!)

Dito sa manukan, ang manager namin sa kabilang farm (dalawang farms ang pinagtatrabahuan ko, MWF/TThS ang schedule) ay isang beterinaryong Pilipino na nagtapos sa isang kilalang pamantasan sa Pilipinas. Ginagawa rin niya ang lahat ng ginagawa ko (sa itaas nakalista), pati ang mga paperworks at kung anong coordination sa hatchery, feed mill at sa dressing plant sa kanya (alam ko dahil kapag nakabakasyon ang Iranian o Filipino manager, ako ang gumagawa ng mga trabaho nila).

Kahit papaano, masasabing mas madali pa rin ang trabaho ng isang poultry farm attendant; physically ay mahirap nga, pero pagkatapos ng oras ng trabaho pwede na akong mag-blog, samantalang ang manager namin 24 hrs. na nakabantay sa manukan, katabi niya sa pagtulog ang computer na nagmo-monitor ng temperature, humidity, feed at water consumption, etc. ng manukan. May naka-set pang alarm sa mobile phones nila para kapag nasa supermarket, malls o nagka-crabbing kami at biglang mabago ang setting ng temperature, tutunog ang mobile phone nila. Kailangang umuwi kapag ganyan para ayusin ang naging problema sa loob ng chook shed.



HINDI KO ALAM ang situation sa Dubai, pero dito kasi sa Australia kakaunti lang ang mga laborers. Inaayawan ng karamihan sa mga puti itong mga ginagawa namin. May suporta galing sa Australian government (Centrelink) ang mga walang trabaho, madalas mas mataas pa ang ibinibigay ng gobyerno kaysa sa minimum wage nila rito (na mas malaki pa ang kasalukuyang sweldo ko ngayon) kaya mas pinipili nalang ng mga locals na hindi magtrabaho at umasa nalang sa gobyerno nila- na ang perang ibinibigay sa kanila sa bawat buwan ay galing sa 19% tax na ibinabayad naming mga working visa-holders (at iba pang mga Australians na nagtatrabaho).

Dito halimbawa sa manukang pinagtatrabahuan ko ngayon, isang milyong manok ang aming inilalabas tuwing ika-60 na araw pero siyam lang kaming nagtatrabaho kasama na ang manager. Kulang na kulang sa mga mangagawa ang bansang ito kaya lahat kami ay naka- hands-on sa pag-aalaga (?!) ng mga manok. [Computer naman yata at automatic feeders at drinkers ang nag-aalaga sa mga ito.]

Kaya ayos lang 'yan para kina Cris at Ruel dahil nandyan na sila kayanin nalang nila ang trabaho bilang isang diesel attendant. Tulad ni Poging (ilo)Cano, maaaring magkaroon din ng pagkakataong ma-promote sila sa pinapasukan nila. At tulad ng madalas sabihin ng mga nagko-comment dito sa mga reklamo ko, "kaya mo yan, Doc Aga!" Kaya ko nga... kinaya ko, at kakayanin ko, alang-alang sa aking kinabukasan.

Kaya nga sa post kong Epidemics nailabas ko rin ang aking nakikita sa mga graduates ng Pilipinas, ganyan talaga ang nangyayari sa atin kasi ang ating bansa ay nahihirapan talagang makaahon sa kahirapan ngayon. Kung ano ang mga naging pambansang suliranin ng Pilipinas, hindi ko na kailangang sabihin pa rito.


MAY ISANG ARAL ding makukuha sa kwento nina Cris at Ruel, kapag pipirma ng kontrata, siyempre ang mas paniwalaan natin ay kung ano ang nakasulat sa dokumento hindi sa kung ano ang sinasabi ng agency.

Ngayon uulitin ko ang ang aking katanungan:

Kung ipinaskil kaya ng agency sa job ad nila at sinabi rin sa job offer/visa na diesel attendant ang totoong trabaho (sa ganu'ng parehong sweldong natatanggap nila ngayon) tatanggapin pa rin kaya nila ang trabaho bilang isang diesel attendant kahit na sinabi ni Poging (ilo)Cano sa kanyang post na 'sayang din kasi ang kanilang pinag-aralan'?


NAKATANGGAP AKO NG TAG mula kay Azel ng Panunumbalik ng Ulirat, heto isisingit ko nalang dito. Sana ay ayos na ito kay Azel.

Paki-click niyo nalang po para ito ay lumaki. Hindi na isang lihim ngayon ang aking sulat-kamay!

Nais ko ring gamitin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang lahat ng mga sumusuporta at nagbabasa ng The Chook-minder's Quill- Ang mga Lihim at Kwento ng Isang Dayuhang Magmamanok.

27 comments:

2ngaw said...

Wow!!!Bihira sa lalake ang sulat kamay na ganyan..kaya di ko pa magawa ung tag ko kasi di ko pa mapaganda ung sulat ko eh lolzz

Pareng RJ, sa pagkakaalam ko nag apply sila sa agency as office staff, take note sa agency at hindi mismo sa company...malamang since gusto agad kumita ng agency eh kung ano na lang ang opening eh dun sila ipinasok...nasa visa man nila eh gas attendant, pre nadadaan sa tamis ng dila yan para tanggapin ung visa na pinaghirapan mo...

Nakakainis lang at kapwa Filipino pa ang manloloko sa atin...

Kaya sa lahat, ingat sa mga manloloko...

Reena said...

Regarding yung "welfare" pag walang trabaho yung citizens nila, hindi ba dapat may maximum period na they're receiving welfare until such time na makakuha sila ng work? I think ganun sa States eh. :)

About your superior's work...sabi nga ni Spiderman...with great power comes great responsibilities. hehe...though your work involves intense labor kasi eh, so it's only fair that your superiors work wit hyou as well. :)

nice tag!! i can't believe you actually have favorite letters. hehe

poging (ilo)CANO said...

ganun nga doc, rinecruit sila ng agency bilang office staff, ito din kasi ang nasa job ad. pero pagdating sa usaping visa, iba na ang nakalagay. hindi naman cgro mag-aaply ang may pinag-aralan kung alam na ganun ang magiging trabaho nila. at masakit lang kasi dito ay, naulit na naman, at mauulit pa dahil ayun sa kanilang kwento, may susunod pa sa kanila. yan ang aking aabangan kung ano rin ang kanyang magiging reaksiyon o desisyon. sa sahod walang problema dahil masusunod ayun sa kanilang pinirmahan. walang pagbabago.

ang maitutulong ko lng muna sa kanila ngayon ay ang aking suporta bilang kanilang kuya. nandito na sila kaya wag nang umtaras, laban na lang para sa kinabukasan. maayos din ang lahat.

saludo rin ako sa yo doc dahil sa iyong katapangan. patunay lang ito na hindi tayo nawawalan ng pag-asa. pilipino tayo, kayan natin ito....

ganda pala ng sulat kamay mo...atig ah!

balik ako mamaya, pasok muna ako sa trabaho.....hehehe

RedLan said...

Maeefort ang pag tag. talagang sinulat. No wonder, Ganda ng handwriting mo.

eMPi said...

Ay ang hirap naman kung ganon... iniexpect mo na ganon ang magiging trabaho mo tapos pagdating pala ay iba na...

A-Z-3-L said...

pa humble effect ka pa Doc RJ.. eh ke-ganda naman pala ng penmanship mo... parang pambabae.. aheks! ganda talaga..

buti na lang hindi mukhang kinaykay ng manok... pero kung sakali maiintindihan ko kase alam kong katabi mo na sila pagtulog!

Kosa said...

salamat sa pag-tag kay kosa.. pumangalawa ka kay MarcoParekoy..lols

pero sandali babasahin ko muna ang sulat kamay mo..este, yung post mo pala..lols

Anonymous said...

kahit dito ngyayari din yan ang apply nila sa pinas engineer pero pagdating dito technician, cguro cnabi lng ng agency na ganon ang work nila pra kumita cla. pero kung sabagay kung eh compare nman ang kita nila sa pinas as an engineer di mas hamak na doble ang kita nila dito kya di na lng cla nareklamo....

wow ganda ng pagkakasulat mo ah...
parang sulat kamay ng babae hehehe..

Kosa said...

Tanung:
Kung ipinaskil kaya ng agency sa job ad nila at sinabi rin sa job offer/visa na diesel attendant ang totoong trabaho (sa ganu'ng parehong sweldong natatanggap nila ngayon) tatanggapin pa rin kaya nila ang trabaho bilang isang diesel attendant kahit na sinabi ni Poging (ilo)Cano sa kanyang post na 'sayang din kasi ang kanilang pinag-aralan'?

Sagot ni Kosa:
una,
para sa akin Doc,
oo, tatanggapin pa rin nila.. malamang sa malamang.. kase sa pinas aminin man na tin o hindi, parang ang paglabas sa Pinas eh pagtakas na din sa lahat ng Problemang nakapuluput sayu dun.

pangalawa,
kahit naman siguro gas attendant lang sila sa Dubai, talo pa rin nila ang ibang mga Professional sa pinas.. Mga Guro at Nars sa Gobyerno... kaya para sa akin, kahit na nailagay dun sa kontrata yung tunay na trabaho, aabante pa rin yungdalawa.

pangatlo;
nakakahiyang kumambyo pabalik kapag naipangalandakan na sa buong baryo na mag-aabroad ka tapos hindi ka nila nakikitang naglalaho sa kanilang paningin..hehehe

Anonymous said...

Iyan ang kadalasang nangyayari sa mga "agency" sa ating bansa. Binabago ang totoong "job description" para magandang pakinggan at makapag-"recruit". Kung iisipin, ito ay isang uri ng panloloko. Pero may katwiran ka. Tatanggapin pa ba nila kung naiba ang "job description" pero hindi ang sweldo?

Tungkol naman sa tag, salamat RJ. Gagawin ko yan pag naka lugar na ako. Marami pa kasing "pending" na tag na hindi ko pa nagagawa. : )

=supergulaman= said...

ibang klase pala ang mga Australianong tambay dyan...ayos at ok ang suporta ng gobyerno nila... hindi tulad dito sa 'Pinas, mamatay ka na nga lang pinahihirapan ka pa...

pero Doc kahanga-hanga ang trabaho mo dyan...mahirap talaga at hindi pangkaraniwan... hindo ko din masasabi na kaya ko yan...dahil ako at sabi ng tatay ko din noon, mukhang bolpen lang talaga ang kaya kong buhatin...

...salamat nga pala sa post na ito para sa isang babala....binabalak ko din kasi na pumunta na ng Dubai dahil na din sa kahilingan ni Grasya...nag-aaply ako ng direkta sa mga kumpanya sa dubai..mas ok daw yun kasya dumaan sa agency para iwas na din daw sa mga manloloko, yun ang sabi ng grasya...pag may visa na daw, sya na bahala...haaysss...

=supergulaman= said...

nakalimutan ko...mahusay ang sulat kamay...ibang klase pero maganda...hindi din kasi ako marunong ng cursive... :D

=supergulaman= said...

hala sobrang makakalimutin na ako...pang-100 entry mo din pla ito... congrats... aabangan pa din namin ang mga sumusond...:D

Sardonyx said...

Grabe ang hirap pala ng trabaho mo diyan, parang pinaganda lang ang tunog ng posisyon mo. At least mataas ang sweldo at pampawala ng hirap na dinaranas mo diyan.

Ako man, tatanggapin ko na lang din siguro ang diesel attendant kesa naman walang trabaho sa Pinas kahit na may pinag-aralan pa.

Ganda nga ng penmanship mo pero parang bitin ang tag mo hahaha

Loida of the 2L3B's said...

Dearest Doc RJ,

Bilib talaga ako sa yo.. Ang sipag mo at di ko maubos maisip kung ilang libong manok at baboy ang bine-beybi mo.. I can't imagine paano mo natatandaan lahat mga nalagyan na ng bakuna doon sa hindi pa.. Grabe talaga.. You should better be called a 'wonder doc'..

yeah you're right, hindi lahat ng posisyong nasa list would mean the same thing. sometimes the job provider doesn't even know how to describe the exact and correct job descriptions of the positions they are offering..

ingat ka lagi dyan hane and have an enjoyable weekend..

care,
ate loida

lucas said...

gosh, RJ...ngayon ko lang talaga naiimagine ang work mo.. whew! habang binabasa ko parang napagod din ako...whhhheww!

300-400 namamatay sa isang araw? ang laki siguro niyang pinagtatrabahuhan mo dyan...

ingat ka, mate. keep healthy. toxic ang work! ehehe! pero at least pwede ka pa ring mag-blog. cool!

AJ said...

i am printing ur article bro so i could digest it by pieces al d more..

sure, i'l brb..tama yan, imp ang boses nating "modern hero" (daw)

i knew a lot of fellow like yanni, desert dude and poging Ilocano, at nagmember din ako sa migrante intl uae chapter kase di ko na masikmura ang mga manlolokong agency na yan, kwwa talga ang biktima,..advantage iyon ng visit visa pero ang prob naman mahirap ng makakuha ng sponsor..

ah, minsan nga chat tayo para macompare natin mas lalo na ang buhay OZ and Dubai..

brb..kaya ako, dinadaan ko na lang minsan sa tula ang struggles eh. :D

NJ Abad said...

Doc RJ, nabasa ko sa comments ni supergulaman na 100th entry mo na...about to give u a toast and greet you pero ung pagka investigative reporter lumabas at nagbilang pa ako... eh 90 lang count ko...meron ka pa bang tinago sa ibang mga chicken coop mo?

well, i prefer not to comment on the illegal practices of our recruiters back home as it's a skeleton-full closet. i'd rather look at how the aussies look at the pinoys in the land of oz... here's an excerpt from the email of the employer of 2 of my staff (4 from our company here in KSA) who recently joined the aussie company in Bowen and Townsville. They also operate in the Majuro and Bikini Atoll in Marshall Islands:

"Yes we do seem to have a few staff that are ex-___ - we have been recruiting for foreign staff for several years due to a high labour shortage in Australia. The Philippines has been a country of choice for us due to the past success of our staff recruited from there, the staff values, quality of education and work ethic and good english skills - these are probably the same reasons why you have recruited from there!!!......

"We dont have a high turnover of staff at our facility - the issue is Australia has a massive staff shortage due to our mining boom and the fact is due to our expansion getting quality staff is difficult. We offer our Filipino staff a 4 year contract with Australian conditions and levels of pay (the Philippinos get the same level of pay as our Australian staff). We also offer the ability for permanent residency in Australia for these staff and their family during the contract period providing they meet our expectations. Based on feedback our Filipino staff are very happy in Australia working with us....

I still keep in touch with my former staff and they tell me the labor intensive job that they do...but they sustain it there because of the high pay and the good report about the Filipinos.... Their entry visas? Aquaculture caretaker...

Our efforts shall always be rewarded... Have faith Doc RJ! You'll soon get your "hiling"...

Nebz said...

RJ: Your post is an eye-opener for me. Ang buong akala ko if you're working in a 'Western' o 'Westernized' country (US, Canada, Australia), madali lang ang work. Hindi pala.

Pinabilib mo pa ako lalo sa kuwento mo. Now I know where your creative juices are coming from. Sa hirap. Keep it up, RJ. Minsan isang araw, matutupad ang pangarap mo because great things happen to good people.

On Ruel and Cris, majority of blame nasa agency. They should have been more honest dahil ang katotohanan sa mga Mideast jobs, minsan hindi angkop ang visa ng kumpanya doon sa mga job vacancies. Like I know of a friend who is holding a laborer's visa pero secretary sya. (I hold a design analyst visa kahit secretarial ang work ako...hehe). They should have told the hirees that the work is for a diesel attendant.

The upside of this is that they now learned their lessons well. In a hard way nga lang.

Wala namang hindi nakakaya ang Pinoy. At patunay na nga ang kwento mo at ni Poging Ilocano, may naghihintay sa mga taong matiyaga at matiisin. (Add: malapit sa Diyos).

(Salamat po sa tag. Nice handwriting.)

Nebz said...

Congrats pala for this your 100th post! Looking forward to your next 100 (and even more!).

Pag pinublish mo tong blog mo, bibili ako ng copy!

RJ said...

LORD CM
Gawin mo na ang tag, Pre... hindi naman pagandahan ng sulat-kamay ito eh. U

Kung ako sina Cris at Ruel, mas paniniwalaan ko ang nakasulat sa dokumento, kaysa sa matatamis na dila.


REENA
Ganu'n nga po, may max time na ibinibigay... Pero ang ginagawa nila kapag naabot na ang panahong 'yon magtatrabaho na sila, then aalis lang din kaagad sa pinapasukan nila. Makakakuha ulit sila ng suporta mula sa gov't.

Nakakatuwa nga rin po na kung anong dungis namin tingnan sa trabaho, ganu'n din ang hitsura ng aming mga superiors. o",)

Hahah! Hindi naman ganu'n na favorite, paborito lang isulat kasi madaling i-scribble. Ang titik 'S' hirap talaga ako.


POGING (ILO)CANO
Siguradong magugulat ang mga parating kung ganyan ang aabutan nila. Kung ako sina Cris at Ruel, mas paniwalaan ko ang nakasulat sa dokumento kaysa sa sinasabi ng employer.

TAMA. Kailangan nila ng inspiration diyan, ipakita mong naging matagumpay ka rin mula sa dating pagiging isang diesel attendant.

Salamat.


REDLAN
U Di kaya parang mas maganda ang sulat-kamay mo Red? o",)


AZEL
Hahaha! Dami nga nagsasabi niyan, parang pambabae raw ang sulat-kamay ko. Anong magagawa ko kung ganyan ang sulat ko, hindi naman sa sulat tinitingnan ang kasarian, eh. Sa harapan.


KOSA
Gawin mo na ang tag na yan, bro.


ANGEL
Yan nga Angel... actually ang ibig kong sabihin diyan sa aking katanungan, kahit na diesel attendant pa ang inilagay sa kanilang pipirmahan pa lang na kontrata, sa tingin ko ay tatanggapin pa rin nila dahil nga sa pinapangarap na pangingibang-bansa.

Mataas lang ang expectations nila sa kanilang dapat maging trabaho kaya ganun ang naging reactions nila. Pero dapat mas naniwala sila sa dokumento kaysa sa sabi-sabi ng agency.

Sulat-kamay? Pakibasa nalang ang reply ko sa comment ni AZEL.

RJ said...

KOSA
Ang mga sagot mong 'yan sa aking katanungan, bro ay siyang HINAHANAP ko rito sa comment section ng post ko! TUMPAK! Totoo lahat ang isinagot mo. Perfect 'yan. Pareho talaga ang takbo ng utak natin.


BLOGUSVOX
Maganda ang iyong sinabi tungkol doon sa aking katanungan. Isang tanong pa rin po ang iyong isinagot pero nakuha ko ang ibig niyong sabihin. Tatanggapin pa rin nila, 98%, ang trabaho.


SUPERGULAMAN
Yes, ganu'n dito, masaya at sapat ang mga tambay.

Ayan, Yet. Kapag may reklamo ulit ako rito sa mga susunod kong posts, maiintindihan mo na ako. Hirap talaga ang trabaho namin dito. Hindi lang puro ballpen at computer ito rito. Pero kaya, nakaya ko naman.

Tama si Grasya, mas ayos kung direct hire, at mas mainam kapag kilala o nakita na niya ang kumpanya na yon doon. Magkakasama na rin kayo ni Wonder G! U

IBANG KLASE ba ang sulat-kamay ko? Pogi ang aking sulat-kamay. Talo pa niyan ang lahat ng nagsasabing pogi sila ang mga pogi rito sa blogosphere. o",) JOKE

Yes, pang 100 entry nga Yet. Pero ang iba nakatago. May sampung draft.


SARDONYX
Sa sweldo ba nagkatalo? U Huhmn, siguro.

TAMA ka Sardonyx. Nahulaan mo ang ibig kong sabihin. Hula ba talaga? Sa tingin ko ay tatanggapin pa rin ng mga applicants ang trabaho dahil sa pangarap nila.

Salamat! Bakit ka nabitin? Ah siguro dahil hindi kita isinama sa mga iTinAG ko? Sige, next time. Hulaan mo kung kailan. Hahaha!


LOIDA OF 2L3B'S
Binibeybi talaga ha. o",)

Madali pong tandaan kasi po may animal markers po kaming ginagamit. Iba't-ibang kulay po.

Yon ang gusto kong marinig- "sometimes the job provider doesn't even know how to describe the exact and correct job descriptions of the positions they are offering."

Thanks! Spring na sa China!

RJ said...

LUCAS
Iniisip mo palang nakakapagod na, Ron di ba? Mas lalo na sa actual, ah, sabi ko sa 'yo. Whew talaga! hahaha! o",)

Malaki nga itong manukan, sa ganyang mortality hindi pa naaabot ang 5% target sa 60-day cycle or grow.

Yes, Cool talaga, kahit pagod na sa manukan pwedeng-pwede at nakakaya pa ring mag-blog! o",)


JOSH OF ARABIA
Hahaha! Ayan may nag-print na ng article ko. Whew! Talagang isa-isahin mo ang mga salita rito sa Aking mga LIHIM... ha. Sige ayos lang. Tuklasin mo ang aking mga lihim, AJ. U

Sana makakita na ng work si Dude of the Desert. At si Yanah ay makauwi na rin. Si Pogi galing sa pagiging isang diesel attendant nasa office na ngayon kaya ayos na, promoted na. o",)

Sige, hahanapin ko sa profile mo ang YM ad mo. Ako nga yong nag email sa 'yo. Sorry hindi na kita na-reply.


DESERT AQUAFORCE
Ayos, investigative reporter nga po. o",) TAMA kayo, may mga draft po akong hindi ko pa naipaskil pero naisulat ko na dati pa, mas marami nga po 'yong last year pa. U Hindi pa ako nakapag-desisyong i-post na rin ang mga ito. Abangan!

Ayos! 'Yon ang may honesty talaga, kasi ang nakasulat sa position sa pinirmahan nilang visa application ay Aquaculture Caretakers. Naalala ko, nasa Western Australia po sila ano?

Ang South Australia may mining boom din po; sa mining industry sila sikat, pangalawa lang po yata ang agriculture.

Talagang may pangakong permanent residency sa kanilang family ha. Pero totoo po 'yan 99% sa mga kilala kong working-visa holders ay nabigyan din ng P.R. Kung mami-meet nga ng employee ang mga gusto ng employer.

Thanks! Talagang may 'hiling' pang naka-quote ha. U


NEBZ
Aba, nagback read po kayo sa blog ko?! Huhmn. Pagpasensiyahan niyo na po ang mga dati kong entry, di ko na-ayos ng mabuti ang mga thoughts nu'n.

Yes, fan ako ni Kuya. Pumupunta pa nga po ako dati sa ABS-CBN tuwing may eviction night kung Saturday. May kasama siyempre, Kung sino ang kasama kong 'yon, abangan dito sa The CMQuill! o",)

Sa mirror naman, ako talaga ay hindi po mahilig gumamit ng salamin. Pero kamangha-mangha nga po ang salamin, tama kayo, parang may ibang mundo sa likod nito!

Sa lemon, yup... Substitute po 'yon sa tanglad. Nakakahiya naman sa inyo, siguro mahusay kayong magluto. Wala lang akong magawa dati kaya ipinaskil ko ang bagay na yon. Hindi po siya adobo, masarap kapag may soda drink. Pero hindi ko pa rin nakuha 'yong recipe na naaalala ko lang at ginaya ko. Try ko ulit next time.

MAHIRAP po ba ang mga ginagawa ko? Hahaha! Siguro akala niyo dati madali lang ang work ko at homesick lang ang problema. Naku hindi po ako naho-homesick, sanay na ako kasi bago pa ako makarating dito sa Au, 6years na akong nagtrabaho sa Luzon. 2hrs by plane at 2hrs pang magba-bus mula sa bahay namin. Sanay na.

Kaya nga po nagpasya akong isulat na ito rito para sa susunod kapag nagrereklamo na naman ako, maiintindihan na ako ng aking mga readers. Link ko nalang ang reklamo ko dito sa post kong ito. Pero iniiwasan ko na talaga sanang magreklamo.

Dapat malaman ng POEA at magawan nila ng mabuting action ang bagay na ito sa mga recruitment agencies natin. Pero dapat sana sina Cris at Ruel mas pinaniwalaan nila ang nakasulat sa dokumento.

Wala ngang hindi nakaya ang Pinoy. Aba, fan po yata kayo ng Pinoy Fear Factor, ah! o",) Salamat po sa mga sinabi niyong yan. Na-inspire po ako.

Salamat din, totoo po yan ha, maganda ang handwriting ko. U

100th post nga po, pero may mga nakakubli. Si Desert Aquaforce binilang niya po talaga. Hanga ako sa ginawa niya!

Hahaha! Nagulat ko ah! May bibili na ng kopya ng aking mga kwento sa buhay sakaling ito'y mailimbag/mailathala(?). Wow! U Salamat ulit!

Ken said...

Doc AgaRj, musta na po? Sori ngayon lang ako nakabalik ulit. natambakan ako ng work at maraming inayos.

Anyway, what's with the position as long as its an honest and honorable job. I always admire people who find the dignity working, even the dignity of working with bare hands.

Medyo maiba po ako konti. meron po kaming PROJECT entitled PROJECT HELP TWITCH. Kahapon ko po pinost yun and we got considerable response na din para mahelp ang isang kabayan at kablogs na makauwi ng Pilipinas. I will ask your support and prayers and by spreading the word just like I ask most of the kablogs.

Thank you ulit.

Unknown said...

yo sup kuya RJ?

I'm inviting you to join the EARTH HOUR 2009!

just check it out! :]

http://jeszieboy.blogspot.com/2009/03/flick-that-switch-off-make-difference.html

lucas said...

gravity: thanks, mate :) have you watched it? the movie i mean? the story just hit me and i just have to write this...hehe!

RJ: sleepy mode ka pa rin ba? ahehe!

nako bakit ka pa magtatanong? just share what you think. there's no right and wrong comment. besides, my point of view is almost insignificant kasi subjective naman literatuure even for my writing. mas naapreciate ko kung spontaneous at unpredictable ang comments... nakakatuwa at nakakasurprise :)

---
wow...ang dami dami pala tlaga...get enough sleep everyday para naman may lakas ka sa pagtatrabaho. hehe!

---
sori ha? hindi kasi ako nanonood ng mga telenovela...:P but thanks for those inspiring words :)

ps. pwedeng namatay siya, pwedeng nawala lang siya sa buhay nung nagsulat ng tula. :P

RJ said...

MR. THOUGHTSKOTO
Ayos lang po ako. o",)

Mas lalo niyo pa pong pinalakas ang loob ko sa mga sinabi niyo. Dignity of labor! Maraming Salamat po.

Ayan po, gumawa po ako ng post para sa project natin. U Sana po ay magustuhan niyo.


JESZIEBOY
Hindi ko alam ang 'sup' Jesz. Ano 'yan? Binisita ko ang post mo pero hindi ko alam kung paano gawin, medyo mahina kasi ako sa computer. Pero susubukan kong mag-join, OK? U


LUCAS
Pati yata ang reply niyo kay Gravity ay naisama rito, ayos lang. Hahaha!

Hindi na, kasi 2 days na akong nakahiga-tulog-higa kaya may energy na ulit for the coming week! Yey!

Ayun nga ROn, bago mo pa sinagot ang tanong ko, ayun may sinabi na ako. U

Ayan, posibleng hindi na naman pala namatay ang minamahal ng bida sa kwento mo. o",) 'Kaw talaga...