Mahigit isang taon na akong naninirahan dito sa Yorke Peninsula (map by http://www.yorkepeninsula.com/) pero noong Sabado ko lang nasubukan ang isa sa mga kinahihiligang gawin ng mga Australiano kapag mga huling araw na ng linggo. Karamihan sa mga malls dito ay sarado tuwing Linggo, dahil mas pinipiling puntahan ng mga taga-rito ang dagat, gulpo, o baybaying dagat para mangisda, manghuli ng mga alimango at mag-camping.
Kahit nga noong nasa Queensland pa ako, na humigit-kumulang 230 km. ang layo namin mula sa dagat, sinasadya pa rin ng mga taga-roon ang malayong baybayin gamit ang kanilang mga sasakyang hila-hila naman ang kanilang pinakamamahal na mga bangka.
Ngunit dahil hindi pa namin kayang bumili ng bangka, nagpasya ang pangkat na sa Wallaroo jetty na lang magpalipas-oras habang namimingwit at nanghuhuli ng alimago. Galing Port Wakefield kung saan naroon ang manukan at ang Aking Tahanan, ang Wallaroo ay mga 30 minutong pagmamaneho rin sa bilis na 85 km./hr.
Ang pamimingwit at panghuhuli ng blue at sand crabs ay katulad din pala ng pakikipagsapalaran tungo sa katuparan ng ating mga minimithing pangarap sa buhay! Bukod sa dapat ay nasa tamang lugar at pagkakataon, kailangan din ang tiyaga, pinaglalaanan ng sapat oras, at mas nakabubuting maayos din ang samahan nang sa gayo'y may tuwa at galak habang nagtutulung-tulong sa panghuhuli ang mga pinakaaasam na mga isda't alimango.
Ngunit hindi basta may huli ay pwede na. Ang mga sand crabs (Ovalipes australiensis) dapat ay may habang 10 cm. para ito'y maiuwi; at ang mga blue crabs (Portunus pelagicus) naman ay dapat may sukat na 11 cm. Kapag maliit kaysa sa legal na sukat, kinakailangan itong itapon pabalik sa tubig kasama ang mga babaeng alimangong nakikitang may mga nabubuong itlog na sa kanyang tiyan.
May mga mabibiling panukat, at ang sinusukat ay buong haba ng carapace mula sa kung saan sumusulpot ang pinakamahaba at kabilaang crab spines.
Dumating kami sa Wallaro jetty ng alas dose ng tanghali, at nagpasyang umuwi ng mga alas sais ng gabi. Sa anim na oras na aming pamamalagi roon, may nahuli naman kaming isang pulang isdang may lapad na dalawang pulgada at habang anim na pulgada; di namin alam ang pangalan o kaya'y nakunan ng litrato ang isdang 'yon pero mukha itong dalagang-bukid. Medyo minalas kami sa pangingisda pero sa isang dosenang alimango naman ang aming naiuwi noong gabing 'yon.
Isang napakasarap na hapunan! At siyempre hindi mawawala ang pinakapaborito kong ulam. Kahit na may isda't alimango na, mayroon pa ring katakam-takam na litsong manok sa aming hapag.
Nakakatuwa talagang lasapin ang sarap ng bunga ng aming pinagpaguran! Kung tutuusin nga, mas mahal pa siguro ang ibinayad namin sa gasolina (dahil apat ang sasakyang aming dala- sa Wallaroo nalang kasi kami nagkita-kita kaya hindi kami nakasakay sa iisang sasakyan lang) pero ang saya, galak at siglang naidulot nito sa amin habang sama-samang sinubukan ang hilig ng mga Australiano ay hindi naman mapantayan ng kung ano mang bagay.
Matapos naming kumain, napag-usapang dapat ay muling maulit ang pamamasyal at gawaing 'yon.
Protein Content
Chicken (leg, roasted) 3 oz. - 13.49 grams
Crab (blue, moist heat) 3 oz. - 17.17 grams-http://www.annecollins.com/
38 comments:
wow... sarap ng alimango... penge naman dyan...
ahhhh usapang alimango ba?
sandali babalikan ko to.. dumaan lang pero papasok na sa trabaho..lols
kitakits doc:)
huwaw yum yum...kaso inde ko pa naprapraktis ang pagkain nyan.... onti pa siguro, mejo nakaka-survive na ako mga hipon na inihahalo sa gulay....pero minsan nga masubukan ang pagkain nyan...aheks...
pero ang galing ng panghuhuli nyo ng alimango ah, at tlagang may tmang sukat...sa pilipinas inde ko alam kung may mga ganyan policy.. kung meron man hindi ko din alam kung may sumusunod... hayysss...
gUMALA KA RIN PALA NOONG WEEKEND. oPPS SORRY, CAPSLOCK. Am working while blogging. lol.
Masaya mamasyal kapag marami.
Naglalaway ako sa pulang crabs. Luto na kasi.
oi alimango tong tong tong pakitongkitong lol.salamat s info dockie talagang may policy pa pala dyan para sa paghuli ng alimago kailangan pala may sukat akala ko kapag may huli ka na pwde na iuwi hindi pa pala.
nakakatakam naman ang alimango dito sa desyerto marami din nyan lalo na sa eastern region kasi malapit din kami sa dagat.
oi ang aga mo nabasa ko sa comment mo sa blog ko.salamat doc
ang sarap naman nyan doc...
ala ka pa bang rashes kakakain ng manok???
ako kase may pakpak na!? ahek!!!
MARCOPAOLO
Kung pwede ka lang pumunta rito, naku, pwedeng-pwede. Manghuhuli pa tayo, Mark. U
KOSA
Nagbago na pala ang oras mo sa work, brod? Hindi ito usapang alimango lang, mayron pang iba.
SUPERGULAMAN
Allergic ka pala sa seafoods, Yet?! Kung ganu'n, sa tingin ko napakarami mong na-miss.
Strikto sila rito, may random checks sa mga daan, kapag mahuli kang nagdala ng mga maliliit at mga buntis na alimango, may katapat na parusa. Nai-implement naman nila.
REDLAN
Yes, Sabado at Linggo nasa pasyalan ako, maraming gastos pero ayos lang. Kapag panahon naman kasi ng trabaho, trabaho rin talaga.
Marami ring mga alimango sa Panay di ba?
MIGHTYDACZ
Napakamasayahin mong tao, Mightydacz. U
Strikto ang implementation sa sport fishing and crabbing dito. Kaya hindi lang basta natatakam ka, manghuhuli lang nang manghuhuli, may sukat pa yan. o",)
AZEL
Sinwerte naman, hanggang ngayon hindi pa naman ako ginagalis sa kakakain ko ng manok. Masarap pa rin ang manok, kain nang kain para tumaas ang demand. Hahaha! Di ba?
Sawa ka na pala sa manok, kung ganu'n.
kuya ang sarap ng alimango! grabe! parang gusto kong kumain sa mga oras na ito ng alimango hahaha!!
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
nagutom tuloy ako, nakakamiss ang alimango sobra mahal kc dito. pwede pahingi na lng joke hehhehe..
Sarap a. Malapit din kami sa dagat dito sa Saudi pero hindi ko pa naranasang manghuli ng alimango.
Naranasan ko nang manguha ng talaba o kaya'y mamingwit. Tama ka, it's like life. You have to be very p-a-t-i-e-n-t...
Nasorpresa lang ako to find out na sarado ang mga malls sa inyo every Sunday considering that it's a weekend.
Same question as Azel's: d kb apektado emotionally kapag kumakain ka ng manok considering na puro manok ang nasa paligid mo every day? Hehe.
Talaga yatang maski saan mas malaki ang magagastos pag nag- fishing or crabbing ka kaysa bumili ka na lang sa tindahan LOL. Pero yung enjoyment, thrill at relaxation mo ay priceless maski wala kang mahuli, hindi ba?
wow ang sosyal naman! alimango talaga! yung nahuhuli nga naming isda eh parang sa kanal lang. hehe! ang saya naman niyan! kainggit! hehe!
oo nga, balita ko sarado ang malls jan pag weekend. kakalungkot! pano na ang pagsho-shopping! hehe...
so nagsa-sideline ka narin sa pagfo-food blog tulad ko. hehe. pero yours have scientific value pa!
masaya nga ang roadtrip. i'm glad you all had fun.
hmmm, sarap ng alimango.
kso ndi ako kumakain nito.
tamad akong kumain nito. =D
totoo bang may bading na alimango?
hahaha, kung totoo eh di may tomboy rin!? ;)
FJORDAN ALLEGO
ANGEL
Salamat sa pagbisita rito! U
NEBZ
Hindi naman po ako apektado sa pagkain ng manok, tulad ng sinabi ko kay Azel kain lang kain para tumaas ang demand. (,"o
BERTN
Tama nga po. U
PUNKY
O, kumusta na nga pala ang fishing niyo? Kailan ulit mangyayari, Bert Loi?
REENA
May mga malls o shops naman pong bukas, pero kakaunti. Last Sunday may na-discover akong isa na namang mall na bukas, first time kong nakarating doon. Pero mas maganda pa rin ang mga malls sa Philippines. U
ROLAND
U Hindi ko alam ang sagot sa tanong kung totoo ang naririnig mong may bading at tomboy na mga alimango. Sorry. =,{
Ayun oh!!!Manok!!!Di mo ako tinawag pre? lolzz....next time ah, magtawag ka :)
huwaw! onti na lang kasing laki na sya ng tsiken! hihihi
sarap naman! teka kuha na nga ko ng oatmeal... huhu
huwaaww! weakness ko talaga seafood lalo na ang alimango at sugpo. PAti chicken lalo na kung roasted or fried. nagutom naman ako dun!
ang sarap ng alimango... lalo na kung matataba! haaaaay! yum yum! =)
huh? kelangan pang sukatin??? baka masipit pa ako ng pincers! hehehe! pano pag gutom na gutom na at kinuha ko pa din? huhulihin ako??? hmmm...
mga dagat pala trip ng mga tao dyan pag weekend. cool!
doktor RJ salamat sa alimango. nagawi rin ako sa iyong kabahayan at nagtanong na rin kung may multo ba roon?
hehe..
ang sarap naman doc, hehehe, namiss ko kayo!
ang pinakapaborito ko sa alimango yung hinlalako, hahaha, basta yung pinakamalaking mga sipit, isang buong platong kanin plus dalawa nung sipit, okay na, at may toyo na may kamatis, hansarapppp!
hehehehe..
Parang canada din pala dyan..para silang mag baliw at sira ulo..lols dito din ganyan, mahilig sa camping at kung anu anu pang outdoor na aktibidades..lols
ganun din sa paghuli ng ALIMANGO at maging sa Isda doc ganun din dito..
halatang halata na sagana sa manok ang mga taga Ausie ahhhh... hindi nawawala ang nilaga o inuhaw na manok..lols
LORD CM
Okay, next time tatawagin kita, Pre! Teka, marami rin sigurong alimango sa Palau, ano?!
MY-SO-CALLED-QUEST
Hahaha! Bakit oatmeal?! Nagda-diet ka ba, Doc Ced?
ORACLE
Ngayon, may alam na akong weakness mo Oracle. U
Ang mga nahuli naming alimango ay hindi ganu'n kataba... Papatapos na kasi ang crabbing season. [Huhmn, tama kaya ang theory ko?]
LUCAS
Yes, requirement sa batas nila rito ang pagsusukat ng mga nahuling isda at alimango, Ron. U Hindi ka lang huhulihin, magbabayad ka pa ng fine, or makukulong (hindi ko alam kong gaano katagal. Sorry).
Yes, karamihan ay nasa dagat, at hindi sa mall kapag weekend. o",)
Kumusta na ang nanay mo? Magaling na ba siya, Ron?
LOIDA
Kabahayan?! Ah sa aking caravan! Hahaha! Ikaw talaga. Walang multo rito. Ikaw naman, tinakot mo ako, kasalukuyan akong nasa loob ng aking caravan ngayon.
Salamat nga pala sa pagdalaw rito sa The Chook-minder's Quill. U
MR. THOUGHTSKOTO
Anong nangyari bakit kayo nawala sa blogosphere? Tapos na po ba ang holiday ninyo?
Sa akin po toyo at maanghang na suka. U
KOSA
Hahaha! Mag-ingat ka bro... Hindi naman siguro baliw, ikaw talaga. huhmn, siguro minsan ganyan din ang tingin nila sa atin, ano?
Kain lang nang kain ng manok para tumaas ang demand kahit na may economic recession. o",) Teka, hindi pa pala inaamin ng Australia na apektado na sila ng krisis dito.
ay ganun? ang toxic pala. kelangan talaga magaling kang magsukat. ahehe! ok na yun kesa magbayad or worse makulong! wahehe!
she's fine. niresetahan na siya ng analgesic pero kailangan na siyang operahan. ayun...thanks for asking :)
---
Any problem that isn’t fatal will surely make us stronger!---thanks for your kind and inspiring words, RJ :) something greater lies ahead, i know....
ahh yun ba? hulaan mo. hehe! i'm not sure kung nabasa mo na yun...hehehe!
peace out!
pards pano ba malalaman kung babae o lalaki ang alimago..talangka lang kasi ang alam ko eh.
uhaw sarap naman ng alimanok...hehehe
may manok kasi na nakahalo sa alimango eh kaya alimanok....
sarap pang pulutan...
Hi Doki, I'm back to distrub your tranquility...hehehe! Was hibernating lately like your blue crab.
My...my...my...what a delicious site but full of cholesterol!
I still prefer our Philippine mud crab (Scylla serata).
LUCAS
Walang problema sa panukat kasi mayroong nabibili, yang kulay dilaw dyan sa picture, yan ang pangsukat.
Kailangan ka pala talaga ng nanay mo ngayong mga panahon.
------
No worries!
Hindi ko kayang hulaan kung ano ang kulay pink na aklat na 'yon. Huhmn.
EVERLITO (EVER) VILLACRUZ
Naku, hindi po ako magaling sa alimango, itanong kaya natin kay Mr. Desert Aquaforce?
Basta ang palatandaan lang po na kailangang ibalik sa tubig/dagat ang buntis na alimanago- ito ay kapag nakikita na ang kanyang mga itlog kapag itinihaya. Huhmn, malamang pareho lang po 'yon sa talangka.
POGING (ILO)CANO
Tama ka, Pogi... Masarap nga siyang pulutan! o",)
Magaling ka na ba? Wala na ang sakit mo?
DESERT AQUAFORCE
Naku anong nangyari sa inyo, bakit ngayon lang po kayo? Ang dami niyong na-miss na posts dito sa The Chook-minder's Quill. (,"o
Maraming mud crab sa Cotabato City, di po ba? Mas masarap nga po 'yon. U
Kakatakam naman yun mga pictures mo at kakainggit , ang sarap! Favorite ko yang alimango at mas masarap kumain pag nagkakamay at may sawsawan na kamatis o kaya suka na may bawang hehehe. Nakapag crabbing na rin kami pero ang liliit nang nahuli namin parang talangka hahaha ano kaya tawag ng talangka sa ingles o scientific name nito?? hahaha nagtanong pa no? hehehe
Oo nga Dok. andami kong na miss. Minsang dumalaw ako't nakapag comment pa sa Epidemics I mo...ang haba pa naman sana...parang post rin tapos kumurap ang screen ng laptop ko dahil nawalan ng network...nalipad ata sa lakas ng sandstorm. hayaan mo babasahin ko ang bawa't isa at komentaryuhan ko... pambawi.
Re Pareng Ever's query on sex (talagang mahilig cguro ang isang ito) - eto ang kasagutan: the male and female crab have entirely different shaped aprons which makes determining their gender very easy. Makita mo yan pag tinihaya mo ang alimango. Ang lalake merong apron na upside down T kamukha ng Washington Monument. Yung sa babae naman widened ang apron with a semicircular bell shape kamukha ng U.S. Capitol Bldg. Yung babaeng alimango nag mamanicure. Nagiging mapulapula o orange yung tips ng claw (kuko) nila pag matured cla...maarte na kasi eh. Yung sa lalake blue yung kuko. meron ring meztizoa o baklang alimango...
wow Doc! kakainggit sama ako fishing?! tsk...nagutom ako, very relaxing dyan sa AusTie...ganda more pangpa-inggit...lol tc Doc!
parang pwede ka ng maging tv host s amga ganitong bagay kuya... :)
sarap naman ng crabs pahingi!!! lol
sarap alimango. pahingi..
may naglalako ng alimango noong isang araw 2 piraso lang at hindi naman kalakihan 700 pesos daw? di bale na
Crabs! Why does that word remind me of a disease? lol!
Pero na miss kong kumain ng fresh alimango. sa bacolod kasi dati, buhay pa kung bilhin namin yan. D2 meron nyan pero frozen na. sigh... buti na lang at di ko masyadong fave yan, or else namatay na ako pagkakita ko ng fotos nila dito (exaj! lol!)
Bilib na ako sa yo RJ! Ang alimango trip nyo na compare mo pa sa struggles of life.
ayos! sarap kainin ng pinagpagurang kunin *wink* *wink*
pero pano kaya kung lahat ng kakainin e kailangan nating paghirapang hulihin? Siguro napaka-espesyal kahit tortang corned beef. paiitlugin mo muna yung manok tapos gigilingin mo yung baka!
dami kong inimagin sa post mo parekoy...
una yung bangka...langya eh kagaganda palang bangka ng sasakyan, akala ko yung may pakaway pa!
at ang alam ko, dito sa pinas trasdisyunal na kinakapa ang alemango kapag hinuhuli, sa inyo pala pa bilmit hehehe
tapos kakatuwa yung talagang may sukat at kapat mas maliit ay kailngang ibalik...disiplinado mga tao dyan.
dito maliit na alimasag ginagawa nang torta at pulutan P85 ilang piraso lang ng crispy crablets.
tapos ang itsura pala ng mga nahuhuli dyan eh more of alimasag than alimango tama ba?
SARDONYX
Hahaha! Itanong mo nalang, please, kay Pareng Yahoo o Pareng Google ang scientific name ng talangka. Hindi ko rin alam, pero 100% sigurado akong masasagot ni Tito NJ ng Desert Aquaforce 'yan. Kita mo ang tanong ni Kuya Ever sa akin nasagot niya. U
DESERT AQUAFORCE
Kung busy kayo, don't worry ayos lang kahit hindi niyo po mabasa.
Maraming Salamat sa sagot niyo para kay Kuya Ever, ayan si Sardonyx sa itaas may tanong na naman po sa akin. Hahaha! Rescue!
DARKHORSE
Yes, kung nandito ka lang DH isa ka sa mga isasama ko sa crabbing. o",)
JOSHMARIE
Kapag taga-TV station at producer talaga ang TV show ang palging nasa isip. Sige offer ka nga sa akin, tatapatan natin ang Matanglawin! Hahaha! (,"o
MAUS
Kung nandito ka lang, bakit hindi?!
NANAYBELEN
Ang mahal pala ng alimango diyan sa Manila! Kung mura at nakabili kayo, isang post na naman po sana 'yon para sa mga recipes nyo sa Survivor Mom. U
POGING PAYATOT
Hahaha! Ito pa isang Pogi. Dadalawin rin kita sa blog mo, Pogi.
Whew! Ang daming pogi sa blogosphere ah, talo yata si Tito Aga nito.
ABE MULONG CARACAS
Wow! Huli nga po kayong nag-comment pero kayo lang ang nakapansin dyan sa bangka. Hinihintay ko po talagang may makapansin niyan, kayo lang po!
OO nga, alimagsag nga po siguro yan hindi ko lang alam. Hahaha! Mahina po ako sa Filipino. Pwedeng i-kunsulta ko rin yan kay Mr. Desert Aquaforce. o",)
Post a Comment