Kapag nagda-drive sa bansang ito, isang pangkaraniwang babalang trapikong makikita ay ang silhouette ng isang kangaroong anyong lumulundag at ang haba ng daang tatahaking (km.) posibleng masasalubong o tatawid bigla ang mga ito sa kalsada. Ngunit hindi masyadong problema ang mga kangaroo kapag nagda-drive sa araw, dahil ang mga ito ay nocturnal, o crepuscular- ibig sabihin aktibo lamang sila sa gabi, o bago sumikat at pagkatapos lumubog ang araw.
Pabigla-bigla kung tumawid ang palaging magkapares (maaring mag-asawa sila) na kangaroo sa gitna ng kalsada kapag ito'y nailawan ng headlight ng isang sasakyan, at bigla nalang silang hihinto sa harap mismo ng tumatakbong sasakyan dahil ang kanilang mga mata ay masyadong sensitibo at nahi-hypnotize sila ng nakasisilaw na liwanag! Sa kanilang taas na umaabot hanggang 6'7" at bigat na umaabot ng 90kgs. parang nakabangga ka na rin ng isang tao kapag nangyari ito. Kaya kung sa ibang bansa ang mga sasakyan ay mayroong bull bars, sa Australia ay uso rin ang roo bars.
Pabigla-bigla kung tumawid ang palaging magkapares (maaring mag-asawa sila) na kangaroo sa gitna ng kalsada kapag ito'y nailawan ng headlight ng isang sasakyan, at bigla nalang silang hihinto sa harap mismo ng tumatakbong sasakyan dahil ang kanilang mga mata ay masyadong sensitibo at nahi-hypnotize sila ng nakasisilaw na liwanag! Sa kanilang taas na umaabot hanggang 6'7" at bigat na umaabot ng 90kgs. parang nakabangga ka na rin ng isang tao kapag nangyari ito. Kaya kung sa ibang bansa ang mga sasakyan ay mayroong bull bars, sa Australia ay uso rin ang roo bars.
Lahat ng mga malalaking hayop ay naglalakad, maliban sa kangaroo na siyang tanging lumulundag kung nais nilang lumipat ng pwesto sa malawak na lupain ng Australia habang naghahanap ng mga paboritong dahon ng mga halaman na siyang tanging kinakain nila. Ang kanilang malalaking hita, binti at paa sa hulihan ay sadyang naka-disenyo sa malakas na pagtalong may bilis mula 20-70km./hr., at kapag tuloy-tuloy ang paglulukso nakakaya nilang abutin ng walang hinto ang 2 kilometro sa bilis na 40km./hr. Kapansin-pansin ang kanilang malaki at mahabang buntot, ito ay nagagamit sa pagbabalanse ng kanilang katawan.
Dahil napakatuyo at infertile ang malawak na bahagi ng lupain ng Australia, halos hindi naaabot ng mga kangaroo ang 4-6 na taon nilang life expectancy.
Samantala, kapag naging mature ang babaeng kangaroo, ito ay buntis sa lahat ng panahon (pregnant in permanence) habang siya'y nabubuhay, maliban sa araw na siya'y nanganganak. May kakayahan ang inahing kangaroong pigilin ang pagbuo ng embryo sa kanyang sinapupunan (embryonic diapause) sa panahon ng tagtuyot, at habang pinapasuso pa niya ang mas nakatatandang joey na kasalukuyang nasa loob pa ng kanyang pouch. Kapag handa nang humiwalay ang joey sa kanyang ina, na tumatagal ng humigit-kumulang isang taon, matutuloy na ang nahintong pagbuo ng embryo sa sinapupunan at ito'y iluluwal pagkatapos ng 31-36 na araw ng pagbubuntis. Ang kapapanganak na joey ay nasa fetal state pa rin (kasinlaki lamang nito ang isang lima bean) ngunit may kakayahan itong gumapang hanggang makarating sa pouch ng kanyang ina at doon sususo ng gatas hanggang lumaki.
Kapag sagana sa pagkain, ang inahing kangaroo ay kayang maglabas ng dalawang uri ng gatas- isa para sa mas nakatatanda, at isa para sa mas nakababatang joey. Ang mga barakong kangaroo naman ay nawawalan ng punlay sa panahon ng tagtuyot at nagiging aktibo naman ito kapag sapat na ang pagkain kaya hindi nagiging suliranin ang wala-sa-oras nilang pagpaparami.
Bukod sa mga zoo rito sa Australia, ang lahat ng kangaroo ay maituturing nang ligaw. Sila ay makikitang pagala-gala kung saan-saan. Sila'y karaniwang tanawin sa labas ng bakod ng mga malalaking manukan o babuyan, at nagpapakabusog sa mga taniman ng trigo (dahilan kung bakit galit ang mga magsasaka sa kanila!). Kaya may nakatakdang bilang ang pamahalaan kung iilan sa kanila ang pwedeng patayin (culling) bawat taon.
May mga lisensyadong hunters naman, at maari silang manghuli ng mga kangaroo upang gawing pagkain. May pahintulot ang pamahalaang Australiang manghuli ng 5.5-7 milyong kangaroo bawat taon para gawing karne, ngunit wala pang 15% sa mga Australiano ang kumakain nito. Sa ngayon, ang kangaroo (tawag sa karne ng kangaroo) ay ini-export sa 55 bansa sa mundo.
36 comments:
wow..para kong pinanood si jessica soho o ni howie seberino na gumawa ng isang dokyumentaryo.... ang galing nman ng pagkakagawa.. well research at well informed..lolz
talagang napapamahal ka na nga yata sa mga kangaroo ah... taena baka di ka na umuwi ng pinas nyan pare ko... pag umuwi ka magdala ka ng mala-jelybean(ba?) na joey... hahahaha hindi yun mahahalata sa immigration itagom mo sa ilalim ng dila mo.. waaaahhh tapos pededehin nalang ni peperdol...lolz
astig ng post mo dockie gusto q rin makilala sila hehehe kung kangaroo dyan dito nman mga camel.ingat ka baka masipa ka ng mga kangaroo.
ang galing mo talaga kuya. . !
matagal co na gustong makakita ng kangaroo, nung bata pa aco huling nakakita sa zoo. . napapanood co rin sila sa discoverychannel. . pwede ka ba mag uwi ng ganyan dito sa pinas?
masarap ba ang karne ng kangaroo?
KOSA
Kung si JoshMarie pinapadala ako ng manok, ikaw naman neonate joey ang request! Parang di ko 'ata kayang itago sa dila ko yun ah!
Hahaha! Sana mabasa ni paperdoll ang comment mo rito. o",)
MIGHTYDACZ
Isang post nga about camel.
Hindi naninipa ang mga kangaroo. Mabait sila. Ewan ko lang kung yung mga talagang galit na.
May narinig ako nangangalmot sila!
PAPERDOLL
Naku, ikukulong ako ng customs pag maglalabas ako ng kangaroo sa Australia! Ang pwede kong dalhin dyan sa Pilipinas ay balat at balahibo lang ng kangaroo.
Masarap ang karne ng kangaroo. Parang karneng baka na mas malambot at mas pino ang hibla ng laman.
Ganon kadami? grabe...
kinakain din pala yon...? hehehe
i would say, more of "kuya kim" hehehe! even better!
parang di ko kaya kumain nyan. na-aawa ako eh.
ang ganda pa naman nila panuodin sa discovery o animal planet!
wow ang galing naman!!napaka interesting tlga ng mga kangaroo!!!hayz gus2 q magalaga nya sa bhay!!hehe!!at dream q din makapunta sa australia!!!!kjelan kaya m22pad un??huhuhu!!!^_^ nice one dude!TC!
bat ganun d ata successful ang pagcocoment ko??naresiv mo ba idol???
mike test hello..check..
check...
1,2,3...
hello mike test..hello...
wow, talaga? Masarap naman pala ang karne ng kangaroo.
kuya rjjjjjjjjjjjjjj! hehehe :D uy sorry sa post ko :D wala kasi akong maisulat hahaha :D musta kana?
hehehe... padala ka naman kuya rj ng meat ng kangaroo dito. hehehe.
or kahit isang joey na lang.
ingat sa mga yan, sabi ng cousin ko may pagka-pasaway yang mga yan e. heheheh...
MARCOPAOLO
Ganun karami ang mga kangaroo ayon sa paghahalungkat ko ng www. Mas marami pa nga kaysa sa mga tao rito sa Australia! Kinakain, talagang tinikman ko nga para buo na ang aking pagtira rito, ayos naman ang lasa.
MEOW
"Matanglawin" ba? o",) Naku Meow ni-research ko lang ito rito sa internet at sinalin-wika. Pero salamat at nagustuhan mo.
EILARMOS
Sana matupad na ang pangarap mong makapunta rito sa Australia, pag nandito ka hindi mo na kailangan pang mag-alaga nito sa bahay nyo. Pakalat-kalat lang sila rito.
Sorry, in-approve ko pa rin ang pangalawang comment mo, naka-moderate itong mga comments sa CM Quill!
Ngayon ka lang napadpad dito. SALAMAT sa pagdalaw!
ISHNA PROBINSYANA
Masarap?! Siguro depende rin sa dila, "TASTE is in the tongue of the eater."
JULES
Nag-sorry pa ito... OK naman yung post mo, ayaw ko lang mag-comment tungkol doon.
Ayos naman ako, nakapagpahinga ng kaunti kaya nakapag-sulat ng ganito kahaba. Wala rin kasi akong maisulat! o",) [Meron naman sana kaya lang baka magsawa na kayo sa pagda-drama ko.]
BATANG MAILAP
Kung pwede lang sana, magpapadala talaga ako dyan ng joey at karne ng kangaroo. Hintayin nalang nating mag-iimport na rin ang Pilipinas ng kangaroo meat.
Tama ang pinsan mo.
[Sana OK ka na at ang iyong pamilya. Take it easy, bro!]
very informative parekoy. wala kasing kangaroo dito sa Pinas...
huwaw! very informative. alam mo kuya pagbalik mo ng pinas may karir ka na. pwede ka sa show ng GMA na born to e wild. hehehe. :)
----
wag mo kalimutan yung imported na manok kuya. haha. :)
Para din pala silang hamster na nocturnal at crepuscular. :D Dyan yata sa Australia pinakamarami (kung hindi man dyan lang mayroon) ang mga marsupials? Isa pang cute na hayop dyan na peborit ko ay ang koala bears.
I-quote ko lang pards itong nabasa ko sa librong nabili ko nuong 1983, tungkol sa ‘affliction’ ng mga rabbits na tinawag ng author as ‘Tharn’ “...which occurs when a rabbit crossing a road at night is suddenly caught in the glare of the headlights of an oncoming car and held transfixed there until tragedy strikes.”
Di tulad sa mga New Zealander na "kiwi" ang tawag sa kanila. Mabuti at hindi "kangga" o di kaya "roo" ang tawag sa mga european settlers dyan.
I AM BONG
Wala ngang kangaroo dyan pero may TARSIER at MONKEY-EATING EAGLE naman tayo, di ba?
JOSHMARIE
Sige, sige... Recommend mo ako sa GMA Born To Be Wild! o",) Naku magiging Kapuso na ako nyan...
Hindi mo talaga nakakalimutan ang manok galing Australia ha. Itlog nalang siguro, dyan na natin pipisain.
HOMEBODYHUBBY
Dito nga po sa Australia ang karamihan sa mga marsupials na makikita sa mundo, may mga nasa Indonesia (dahil siguro nasa itaas lang siya ng Au) at sa ibang bahagi ng Asya naman ayon sa pagbabasa ko.
Yes marami rin pong maantukin at cuddly koalas dito, may photo po ako kasama ang isa sa kanila (pero di ko alam kung maipo-post ko rito, parang nakakatawa kasi akong tingnan).
Pareho nga po ang rabbits at kangaroo sa lagay na yan, marami rin pong mga hares at rabbits ditong pagala-gala lang. Hinuhuli rin sila sa pamamagitan ng mga traps at inuulam. Ang rabbit (game)meat ay paboritong-paborito ng kasama ko sa trabaho (ipinagluto pa nga ako minsan ng rabbit stew, parang manok).
Tulad ng mga kangaroos, madalas ding nasasagasaan ang mga rabbits at hares sa mga kalsada ng Australia kapag gabi. Ang mga patay na hayop tulad nila ay karaniwang tanawin sa umaga kapag nagda-drive papuntang trabaho.
BLOGUSVOX
Hahaha! o",) Maganda 'yang naisip nyo. Buti nga hindi sila tinawag na 'kangga' o di kaya'y 'roo.'
I want to go Australia!
I want to see a Kangaroo... Hehe :)
Para na naman akong bata. Sinula pa kasi nung bata ako gusto ko nang makakita ng Kangaroo!
seryoso?? may bago akong natutunan ngayong araw.. una, alam kong maraming kangaroo sa Australia pero hindi ko alam na mas marami pala ang bilang nila compared sa mga tao dun grabe! parang mga askal lang ba yan dito sa Pinas? hehehe at ikalwa, nakakain pala nag karne nila,.. huwaat!! masarap ba yun? nakatikim ka na nun kuya rj? hehehe.. gutom talaga ako sa mga oras na to pero hindi ko inaasam na makatikim ng kangaroo hahahaha
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
LIONHEART
Pag naging RN ka na sigurado makakarating ka kahit saan mo gusto, hindi lang sa Australia. Makikita mo na rin ang mga kangaroo!
FJORDAN ALLEGO
May dagdag kaalaman para sa isang Promil Kid! Ayan, may naiambag na ako sa nag-uumapaw mong mga kaalaman. o",)
Tama ka, parang askal nga lang talaga sila rito sa Australia, mas marami nga lang ang bilang ng mga kangaroo kaysa sa mga askal natin dyan sa Pilipinas. Sa simula parang excited talaga akong makita sila, pero nang lumaon, ordinary nalang silang tanawin.
Yes, hindi lang nakatikim, kumain talaga ako ng karne ng kangaroo. Actually noong una parang ayaw ko ring kumain kasi ang balahibo ng mga kangaroo ay parang balahibo ng mga daga! Pero para kumpleto ang pagtira ko rito sa Australia, talagang kumain ako. Ayos naman, parang beef na mas fine lang ang muscle fibers.
ano kaya ang lasa ng karne ng kangaroo? ang galing! isa ka talagang dakilang vet!
may population explosion pala ng kangaroo dyan. Bakit hindi ba masarap na lechon, kaldereta, polutan ang kangaroo? at wala man lang 15% na Australiano ang kumakain ng kangaroo?
Agree ako. para ka nang si Jessica Soho. ang galing mo RJ. Salamat
Congrats sa post. Informative. Very enlightening.
Sa Saudi naman ang batas ay ganito: kapag nakasagasa ka ng camel during daytime, babayaran mo ang may-ari ng camel. kapag gabi ka nakasagasa ng camel, ikaw ang babayaran ng may-ari.
Heto ang catch: kung buhay ka pa after the accident.
sa bigat ng mga camels, total wreck ang sasakyan at madalas fatal ang aksidente.
FRANCIS KO
Parang beef, ngunit mas malambot at mas fine ang muscle fibres ng kangaroo.
NANAYBELEN
Sa tingin ko po masarap ding gawing kangaRETA (caldereta?) at gawing pulutan ang kangaroo! Sa lechon di ako sigurado. Nagtataka nga rin po ako, kaunti lang ang kangaroo meat sa mga supermarkets, karamihan ay beef, sumunod ay lamb, then pork at chicken.
Hanggang pagba-blog nalang siguro po ako, di ko na kaya ang maging TV personality pa. o",)
NEBZ
Delikado kapag makasagasa ng kangaroo, di lang sa tao, sira rin pati ang sasakyan... Pero tama po kayo, mas delikado kapag CAMEL ang babanggain mo!
Kaya mag-ingat po tayo sa pagmamaneho.
ok lng dude!
TY din sa pabisita mo nung isang araw. uu!bitter talaga aq s lyf!hehe
anti-human aq eh..anti-social, anti-a lot of things in d world!!hehehe
Naaliw ako sa pagsunod sunod mo ng detalye tungkol sa kangaroo. Narinig ko rin kay Pepe na maraming ngang kangaroo dyan pero iba ang magbigay ng informasyon ang tulad mong isang veterinarian.
kakatuwa naman ang kwento nyo ni manilenya...
sa kaniya kwentong usa, tapos sa iyo kwentong kangaroo...
di lang pala nakakatuwa...kakaingit din
EILARMOS
Ayan bumalik ka. Huwag magpasobra sa mga agony mo, maraming reasons para mag-enjoy. Malapit lang ang Tagaytay sa inyo.
REDLAN
Wow! Nakarating ang isang alagad ng sining dito! Salamat nagustuhan mo ang pagkasulat ko nitong post ko. Galing lang din yan sa internet, then isinalin-wika ko nalang. o",)
ABE MULONG CARACAS
Bakit kainggit?! Gusto mo rin makakita at makahawak ng kangaroo?
masarap kaya meat ng kangaroo? sarap cguro i-caldereta nyan! hehe!
MAYA
Para sa akin masarap ang karne ng kangaroo. Tulad ng isinulat ko rito bilang sagot kay NANAYBELEN, parang ayos din itong iluto bilang KangaRETA (caldereta?).
gusto ko makakita nyan pero ayko kumain ng karne nila.. hahaha
hop here from the blog of ever!
mkhang masaya dyan bro at nageenjoy ka..sigurado babalik ako para magkita tayo ulit:)
ipagpatuloy mo ang maganda mong simulain dyan sa land down under (bakit kya tinawag and OZ na ganon..?)
rgds bro,
huwaw nakakita na rin ako ng kangaroo! salamat salamat hehehe
:-)
DAVID EDWARD
Aba, first time 'atang nakapag-comment ah,kumusta ba ang Geeky Thoughts?
Ayaw mo ng mga inumin, ayaw mo rin ng kangaroo, anong gusto mo?
JOSH OF ARABIA
'to naman, pinahirapan pa ako sa tanong. hahaha!
Based sa pagkaka-intindi ko, kaya tinawag nilang 'Land Down Under' ang Australia kasi kung titingnan sa globe, talagang nasa ilalim na bahagi nga ng mundo ang bansang ito! Collective term ito ng Au at NZ, as far as I know.
May nakita nga akong map na itinitinda rito sa bookstore, binaliktad ang mapa ng mundo! Nasa itaas na ang Australia! Nahilo lang ako! Mahirap palang ang nakikita mong mapa ay hindi na tulad ng nakasanayan.
ONATDONUTS
Nakarating kayo rito... Salamat po. Dadalawin ko rin kayo.
SALAMAT professor sa TRIVIA..well-explained!..may bago na naman akong natutunan sayo..
hanggang sa muli..:)
Post a Comment