Wednesday, November 5, 2008

Bukod-tangi

Gustong-gusto ko sanang magsulat ngayon tungkol sa pagkapanalo ni Barack Obama bilang pangulo ng Estados Unidos, subalit alam kong napakarami nang maisusulat at maririnig na mga opinion at kurokuro tungkol dito. Kaya nagpasya akong magsulat ng something special para sa aking blog.

Umangal na si Paperdoll, napansin na ni Hiraya at si PCHI pag kumain sa KFC ako ay naalala. Minsan na rin akong tinawag na “Manok” nina Batanggero at Chico Kunejo. Kaya paninindigan ko na, heto...

Sana’y hindi kayo magsasawa sa mga kakaibang bagay na itong tungkol sa mga ibon o manok. Huwag po munang lumipat ng webpage! Heto’t sisimulan ko na:

1. Sa halip na buhok, balahibo (
feathers) ang tumutubo sa balat ng mga manok. Walang balahibong tumutubo sa kanilang kilikili o sa puno ng kanilang mga pakpak.

2. Hindi pinagpapawisan ang mga manok. Kapag mainit o maalinsangan, sila ay humihingal at sa pamamagitan nito, napapalamig nila ang kanilang buong katawan.

3. Kung pito (7) ang mga buto sa leeg ng tao, labing-apat (14) naman ang nasa mga manok. Ang hugis ng leeg nila ay tulad ng letrang “S” at kapag piliting ituwid ay kanilang ikamamatay!

4. Uropygial/preen gland ang tawag sa mamantikang parte ng manok na makikita sa ibabaw ng buto ng buntot o pygostyle (hindi balahibo ng buntot) nila. Ito ay ginagamit nila sa pagpapaganda o pagpapapogi lalo na sa panahon ng pagpaparami. Dito nagagamit ang mahaba nilang leeg—upang maabot ng kanilang tuka ang “feather conditioner” na ito at maihaplas sa kanilang balahibo sa buong katawan. Ito lang ang gland na makikita sa kanilang balat, walang sweat gland, at walang mammary gland.

5. Walang bone marrow ang mga buto ng manok, sa halip hangin ang laman nito. Dahil dito magaan ang kanilang mga buto, kaya sila ay may kakayahang lumipad. Kapag na-fracture ang isa sa mga butong ito, ilubog mo man sa tubig ang ulo ng manok, makakahinga pa rin sya basta iwan mong nakalitaw ang bahaging may fracture, dahil konektado ang kanilang mga 'pneumatic bones' na ito sa kanilang respiratory system..

6. Kung ang buto ng hita (femur) ang pinakamalaki sa tao, ang buto ng dibdib o pitso (sternum/keel) naman ang pinakamalaki sa manok. Dito makikita ang malalaking lamang ginagamit nila sa paglipad (flight muscles), ito rin ang pinakamalaking lamang makikita sa katawan ng mga ibon. Walang ganitong buto at mga laman ang mga rhea, ostrich, emu, cassowary, at iba pang mga ibong hindi nakakalipad (ratites).

7. Ang mga sisiw, bago pa man mapisa, at matapos itong mapisa mula sa itlog ay mayroong egg tooth na makikita sa ibabaw ng kanilang tuka. Sa tulong ng egg tooth at complexus (hatching muscle) nakakaya nilang basagin ang itlog sa oras na handa na silang mapisa. Ang egg tooth ay nawawala makalipas ang ilang araw pagkatapos nilang lumabas dito sa mundong ibabaw.

8. Walang ngipin, walang mga labi at walang ngalangala (hard palate) ang mga manok na tulad ng sa mga tao o sa iba pang mga hayop (ang gulo ano? Iba po yung egg tooth). Sa halip tuka (beak) ang makikita sa kanila.

9. Sa mata (eyeball) ng mga manok ay may 45-60 na mga butong nakapalibot, ito ay tinatawag na schlerotic rings.

10. Walang diaphragm ang mga manok. Ito yung lamang humihiwalay sa mga lamang-loob ng dibdib (thorax) at tiyan (abdomen), at may naitutulong sa normal na paghinga, etc. ng mga tao at iba pang mga mammals.

11. Kahit walang diaphragm ang mga manok at iba pang mga ibon tulad ng parrot may kakayahan pa ring silang umawit. Ito ay dahil sa kanilang syrinx at syringeal muscles na makikita sa dulo ng kanilang daluyang hangin (trachea o wind pipe). Ang syrinx ay cartilagenous at maihahalintulad sa larynx ng tao.

12. Kapansin-pansing walang mga daliring makikita sa pakpak ng mga manok. Dahil sa pagkakadikit-dikit at kaliitan ng kanilang mga daliri, nakakaya nitong alalayan ang kanilang paglipad.

13. Tulad ng mga aso’t pusa, tatlo ang talukap-mata ng mga manok. Itong pangatlong talukap (nictitating membrane) ay makikita sa isang gilid ng matang malapit sa butas ng kanilang ilong. Ito’y ginagamit nila sa pagkisap-mata (blinking). Ang talukap na ito ay transparent kaya nakakakita pa rin ang mga manok habang sila ay kumikisap. May kakayahan din ang nictitating membrane na ipikit ang kanilang mga mata habang lumilipad, kaya sa mga ibong malayo ang nilalakbay, hindi natutuyo ang mga mata at hindi rin sila napupuwing!

14. Kailan ma’y hindi mahihirapang mangitlog ang mga manok at iba pang mga ibon. Ito ay sa kadahilanang ang kanilang pelvic bone ay hindi buo ang pagkasarado sa bandang ilalim, kaya wala silang tinatawag na pelvic opening.

15. Ang kaliwang ovary at fallopian tube lamang ng mga manok ang gumagana, ang kanang bahagi nito ay maliit at walang silbi (rudimentary). Samantala, dalawang bayag (testicles) naman ng mga tandang ay gumagana, ngunit hinding-hindi ito mahihipo at makikita habang sila’y nabubuhay sapagkat ito ay nasa loob ng kanilang katawan, malapit sa kanilang mga kidneys.

16. Magkasabay na inilalabas ng mga manok ang kanilang ihi at dumi. May tatlong bahagi ang excretang ito: ang kulay puti na anyong chalk (urates), ang kulay berde o kayumanggi (na siyang dumi nila), at ang malinaw na likido (na siyang ihi nila).

---------------------------------------------------
Sources:
1. Veterinary Anatomy notes, College of Veterinary Medicine-University of Southern Mindanao
2. http://www.exoticpetvet.net/avian/anatomy.html
3. Structure and Function of Domestic Animals by W. Bruce Currie, Currie Bruce Currie

20 comments:

Anonymous said...

manok! u r such an incredible being! kaya lang sori, kinakain ka namin, pero mag thank you sa akin, kasi kakakain ko ng manok dito sa dubai, nagkaroon ako ng galis? ewan parang allergy yata yun na makati at parang buni.kaya ngayun hindi ko na masyado kayong kinakain.

im saving some of you from extinction! hahaha

Anonymous said...

naku pag pumupunta ako sa page mo naaalal ko tatay ko. haha. mahilig sa manok yun eh. hehe.

paperdoll said...

haha! trivia to! tungkol sa manok. . wahaha. . nasa six pa lang aco. . may pumasok kasi sa isip co. . paano mo nalaman lahat toh? dati ka talaga sigurong manok? wahaha. . tatapusin co lang :D

Anonymous said...

Very informative, RJ. Ako, dalawa lang ang alam ko sa manok... fried at tinola.

lucas said...

wow..thanks for sharing with us your knowledge about the complex and interesting anatomy of the chicken! hehe!

enjoyed reading this! i didn't know na wala pala silang bone marrow. saan kaya napoproduce ang blood nila? sa liver lang? hmmm..at hollow pala ang mga buto nila. cool! ganun talaga karamihan ng ibon para madaling makalipad. its cool to know na wala silang diaphragm. weird..but cool!

God is so smart :)

Anonymous said...

Para akong nag-vertebrate anatomy ulit. share ko lang na nung mga panahong buto ng manok pa ang pinakikialaman ko at hindi buto ng tao, nag-iidentify kami ng parts sa kinakain naming fried chicken bilang practice. nerd alert. hehe.

abe mulong caracas said...

haaaaaaaaay manok manok...hehehe! Nice one!

RJ said...

CHICO
Ganun? Allergic ka pala sa manok? Hindi pala mabenta ang product namin sa iyo. So ano ang source of protein mo dyan sa Dubai? Tupa, baka at baboy? Siguro naman sa itlog ng manok hindi ka allergic?

JOSHMARIE
Tatay ko mahilig din sa manok noong nabubuhay pa! o",) Sa kanya siguro ako nagmana.

PAPERDOLL
Yan na nga ang duda ko eh, baka sa nakaraang buhay ko, ako'y isang manok.

BLOGUSVOX
Hahaha! Napatawa nyo po talaga ako sa remarks nyo. Adobong manok po, ayaw nyo?

RJ said...

RONEILUKE, RN
Buti naman napasaya ko ang isang RN sa post kong ito.

Nakalimutan kong banggitin na ang ribs, sternum at thoracic vertebrae ng mga manok ay may erythropoietic capacity.

Di ko na rin isinali na ang ulna ng mga birds ay mas malaki kaysa sa radius nila, at ang kanilang fibula ay mas malaki kaysa sa kanilang tibia. Baliktad talaga sa mammals.

MNEL
Nagulat naman ako, nakarating ulit ang isang manggagamot dito. Maraming Salamat sa muling pagdalaw!

Mas OK yung sa fried chicken na inaaral ang anatomy, naku, mas mahirap yun, hindi 'in situ.' Hiwa-hiwalay pa. Pag nakabisado nyo, ibig sabihin mahusay na talaga. Bad, hindi pwedeng gawin ang ganitong style sa human anatomy.

ABE MULONG CARACAS
Bakit may "haaaaaaay?" Ayaw nyo na rin po ng manok na topic? o",)

Ah, may "nice one" pala sa dulo. That's good!

mightydacz said...

bukod tangi nga ang post mong ito doctor!!!masarap nga ang manok nabubukopd tangi lahat ng parte pwedeng kainin maliban lang sa mga feathers nito nyahahaha ngunit subalit datapwat sa ngayon war muna kami ng manok na yan walang pansinan dahil xia ang dahilan ng aking allergy n short mga tigidig o galis o buni na tumama saakin ngayon hay buhay nga naman dito sa saudi puro chicken kaya bye muna sa chicken shawarma at broasted chicken hay wala pa naman at forbidden to visit dito si porky babe.......salamat sa post mo na ito

Dear Hiraya said...

manok na naman?? hahahaha!!

grabe hindi ka pa po nagsasawa jan?

koala naman!!

hahaha!!

andaming pinagkaiba ng manok sa tao noh?

buti na lang hindi ako nagsulat nang tungkol kay obama kundi pareho tayo ng intro hahaha

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Anonymous said...

veterinarian ka pala :)

basta ako...masarap ang manok..lalo na yung ulo saka pwet lol!

Anonymous said...

Very informative ang post na ito about birds and fowls(?) :) Naalala ko nuong bata pa ako, nag-alaga kami ng white leghorns na pagala-gala lang sa loob ng bakuran; atsaka yung ordinaryong mga itik na angganda pala ng itsura pag fully mature na. Anglungkot namin nung kinatay na para kainin, ahehe. Palibhasa bata pa kami nuon, ginawa naming pets.
Napuna ko lang, kaibigan... talaga bang hindi sila makaaninag sa gabi? Atsaka yung itlog -- sa iisang outlet lang din ba lumalabas paris nung nilalabasan ng ihi at dumi? (kumbaga eh, nagsanga lang papaloob yung excretory at reproductive 'tubes')

Anonymous said...

Idagdag ko, RJ... hindi lang informative itong mga posts mo tungkol sa mga manok. Very interesting din. :)

RJ said...

MIGHTYDACZ
Pareho kayo ni Chico Kunejo, allergic sa manok, sana sa itlog ng manok hindi.

Salamat sa pagbisita at papuri. Na-special mention pa agad ako sa blog mo.

FJORDAN ALLEGO
Ayan! Mapatawa lang kita, bro, OK na sa akin. Ang lungkot mo kasi palagi sa Hiraya:Endless Journey. Yaan mo, gagawa ako ng paraang koala at kangaroo naman ang ma-feature dito.

HOMEBUDDYHUBBY
Mahilig din kayo sa mga animals. ano? Ako noon kahit baka namin kapag ibenta, naaawa at nalulungkot ako.

TAMA po kayo, hindi nakakakita ang mga manok sa madilim! Kaya ang chicken harvest (catch ang tawag ng mga locals dito), gabi ginagawa, at naka-off lahat ang mga ilaw! Kinakapa ng mga catchers ang mga manok sa dilim!

TRIVIA: Ang isang shed namin ay mayroong 42,000 heads na mga manok! Sila ay titira lang doon sa loob ng 35-52 days, pagkatapos nun, roasted o fried chicken na po sila.

Isang milyon pong mga manok ang mga alaga namin sa company.

bagito said...

andaming manok trivia ah... wala umeepal lang. pasensya na

Nanaybelen said...

oyyy... chicken anatomy na ito ah.

kumain ako ng native na manok sa probinsya. Ang sarap, bakit mas malasa ang native na manok RJ? 'lam mo ba?

Anonymous said...

wow, very informative post! andami ko natutunan tungkol sa manok. hahaha. parang ayoko na tuloy silang kainin haha.

Nebz said...

Through your post, nabigyan ningning ang buhay ng mga manok.

Nung bata pa ako hate na hate ko kapag ako ang pinapahawak ng nanay ko sa paa ng manok habang ginigilitan nya ang leeg nito. Tapos nangingisay ung manok tapos pag patay na, ilublob sa kumukulong tubig. Tapos icha-chop2x. Tapos igigisa. Massacre!

Magpapakabait ako. Ayokong maging manok sa after life ko.

...kahit pa impressive ang body parts nila (tulad ng isinalsay mo).

pamatayhomesick said...

kahanga hanga ka pards!...