Friday, January 8, 2010

Fely

Ika-8 ng Enero 2010
Port Wakefield, S.A.
Australia


Mahal kong Fely,

Kumusta ka na?

Walong tulog nalang magtatatlong taon na ako rito sa Australia. Subalit pakiramdam ko wala pa ring nangyayari sa akin. Stale and still.

Simula noong taong 2007 pakiramdam ko ako'y naglalakad sa isang patag at baku-bakung kalsada ngunit ang mga pagsisikap na aking ginagawa habang naglalakbay ay tulad naman ng umaakyat sa isang napakatarik na bundok! Mahirap. Career-wise, akala ko noon kapag makarating ako rito, magiging pasulong pero hindi pala... Mali ako, dahil sa ngayon nag-regress na ako!

Kung hindi ako umalis after a year of working sa dati kong trabaho sa isang babuyan sa Queensland malamang naging permanent resident na rin ako ng bansang ito. Pero siguro, hindi talaga para sa akin 'yong trabaho, pati ang makuha ang residency ng ganu'n kabilis.

Very hopeful and positive
ako nu'ng nagsimula ako rito sa manukan. Kung hindi ko nakita itong trabahong ito, malamang magkasama na tayo diyan ngayon. Sabi nila, blessing na nandito ako, pero kapag nasa workplace at ini-execute ko na ang mga gawain pakiramdam ko ito ay isang curse!

Nagugulat lang kasi ako kapag nasa trabaho at malalaman kong kailangan kong magpalit o mag-ayos ng tumatagas na water pipe, magtanggal ng sirang motor, at makuryente habang nag-aayos ng naglolokong electrical control board! Hindi ko kasi narinig ang salitang 3/4" PVC TT coupling, thread at teflon sa Anatomy noon... absent siguro ako sa klase noong ini-lecture ang tungkol sa gearbox at ball bearing sa Pathology... bakit kasi wala akong na-encounter na vice grip at wrench noon sa Surgery! Nakakalito, kasi kung sa Microbiology gram negative bacteria stain red in Giemsa, ang wire at terminal na kulay pula ay positive naman sa Electronics!

Nakaya kong manatili ng dalawampu't-apat buwan sa manukang ito dahil sa pag-asang makakamit ko ang katuparan ng aking simpleng pangarap. Kinakaya ko dahil sa pangakong permanent residency (PR) pagkatapos ng dalawang taon. Subalit ngayong nakumpleto ko na ang kinakailangang panahon ng panunungkulan, tila tulog at manhid ang kinauukulan! Apat na araw na ang nakalipas nung ipinadala ko ang liham na nagri-request para sa aking PR nomination at sponsorship sa kumpanya pero hanggang ngayon wala pa ring tugon!

Very frustrating ang patakaran ng Australian Immigration, sa aking kasalukuyang posisyon sa trabaho, hindi maari ang independent PR application sapagkat hindi kasama sa critical occupation list ng bansa ang veterinarian at mga farm workers. Mas kailangan nila ng mga enhinyero, nars, at ang mga mahuhusay at bihasa sa kompyuter!

Very frustrating
din dahil takot ang mga employers na maging residente kaagad ang isang banyaga sapagkat maari na itong makahanap ng bagong mapapasukan at tuluyan na silang iwanan! Kaya kahit na nakumpleto na ang dalawang taong serbisyo, ngunit may bisa pa ang working visa at may natirang isa o dalawang taon pa ang kontrata, sorry nalang ang isang kawaning tulad ko- na umaasa ng agarang residency.

Nakakainip ang maghintay... 'di bale sanang maghintay kung talagang may paparating; masamang maghintay kung hindi darating ang hinihintay; at ang 'maghintay sa wala' ay ang pinakamasaklap na paghihintay!

Hangad ko ang Australian residency ngunit hindi ko alam kung kaya kong isagawa at panindigan ang lahat ng mga katungkulan at pananagutang kaakibat nito. Ayaw ko ring maging unfair, sapagkat alam kong ang residency na aking inaasam ay hindi dapat hanggang sa papel lang. Inaamin ko, hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko- Bb. Fely Pinas.


Nagmamahal,
RJ


.

13 comments:

The Pope said...

Hangad ko ang katuparan ng iyong adhikain tungo sa pagkamit ng permanent Australian residency hatid ng pangangailangan sa pagabot ng mga pangarap sa buhay para sa iyo at iyong mga mahal sa buhay.

Ako'y naniniwala na hindi maitatatwa ng isang tunay na Pilipino sa puso't isipan ang ugat na kanyang pinagmulan bilang Pilipino kahit gaano man ito kalayo sa bansang kinapanganakan o kahit ilang beses na magpalit ng nasyonalismo, dahil ang dugo ng mga dakilang bayani mula kay Lapu-lapu, Rizal at Aquino ay paptuloy na nananalaytay sa bawa't ugat patungong puso ng bawa't mamamayang Pilipino.

Kosa said...

everything comes on their most perfect time Doc! kaya naman hintay hintay lang!

medyo mahirap nga yan! may kailangan pang nomination... haaays. mahirap nga ang maghintay ng maghintay na hindi tiyak...
wais na rin ang mga employers ngayon lalo na kung nakita nila na kaya mong magmulti-task.

apat na araw pa lang pala yung sulat mo eh.. baka naman nadelay:D
wait pa ng 4months.hehe jokeness!

pero kaya mo yan!
ikaw pa!

ps.
ikumusta mo naman ako kay Fely sakaling magkausap kayo. mahal ko din sya!

gege said...

may kaklase ako na gusto talagang makapagtrabaho sa Australia.
sabi ng isa kong klase sa knya...
mahirap dun.
pero go pa rin sya!
umaasa sya na after grad, kukunin sya ng kuya nya.
salamat!
sa post na ito.
may mai-si-share ako sa knya.
haaaaaaaaaaaaaaayst.
Wala talaga sa isip ko ang mag-ibang bansa..
pero ewan ko.
di naman natin masasabi.
STAY strong!
strengthen your faith kuya!
gogogogo!
:P

RJ said...

THE POPE
Napakaganda naman ng inyong mga wishes at mga sinabi! Maraming Salamat! U



KOSA
Pagod na akong maghintay, bro! Malapit na akong mag-give up... Whew!

Hanggang ngayon wala pa ring reply ang liham ko. =,{

Sigurado 'yan, ikukumusta kita kay Fely.



GEGE
Huwag mong i-discourage ang classmate mo sa pagpunta rito sa Australia, Ge... Magkaiba naman tayo ng kapalaran (kung may ganu'n). Malay natin dito sa Australia ang kanyang hinahanap na swerte.

Faith. Magandang salita 'yan, pati na rin ang kahulugan nito. Salamat, Gege. o",)

Dear Hiraya said...

awww... nice post kuya RJ! Hindi ko kagad na gets sa una na yung Fely na yun ay para kaya Fely Pinas.. pero alam mo kuya, nakakasad nga yung ganyan.. yung ang kailangan mo lang naman talaga ay yung papel para sa trabaho mo diyan.. para magkaroon ka at ang pamilya mo ng magandang buhay. Alam ko rin namang kahit papano eh mahal mo pa rin talaga si Fely Pinas.. tsk tsk.. kaya pala talaga kayo nabansagang mga bayani.. mga OFWs.. kasi ang daming sakripisyo ang hinaharap niyo diyan.

God bless kuya! Yaka mo yan! Apir!

Nga pala kuya, baka gusto mo rin i-check yung Entertainment Blog ko hehehe..

www.aroundthebuzzprimetime.blogspot.com

para naman nakahiwalay yung mga entertainment posts ko sa mga personal posts ko. Para hindi magulo hehehe.

Muli,

www.hiraya.net

SLY said...

hirap nga talaga ang ganyang doc, naranasan ko na din yan. mas masahol pa yung sa'kin dahil pinaasa ka ng pinaasa, wala naman tayo magagawa dahil sarili nilang bansa. ang kaya lang nating gawin ay maghintay at sabayan ng panalangin :)

animus said...

Hi RJ!
Naiintidihan ko ang nararamdaman mo sa ngaun. normal lang yan, sa mga taong nag-aantay. pero wag kng mag-alala, sigurado darating at ibibigay din ang iyong kahilingan in God's perfect time. Ikaw pa, eh ang bait bait mo na anak sa Kanya. (base ito sa mga nababasa ko sa blog mo & i believe i know one when i see one.)

Mahal ka din ni Fely lagi mong iisipin yan. Laking tuwa nga niya pag nakikita ka niyang masaya tuwing bakasyon mo at napapasaya ang pamilya mo. Hangad niya na magtagumpay ka sa anumang hangarin mo kahit pa malayo kayo sa isa't isa. Handa rin siyang magsakripisyo. Siyanga pala, very proud siya sa'yo! (naks, so wag nang malungkot. oks)

-tin
(isa sa mga close friends ni Fely. hehe..)

ps: 2nd attempt ko ito to comment, mukhang nde successful yung nauna kasi. i wish maging successful na ito this time.

Unknown said...

ewan ko pero habang binabasa ko ito parang napakalungkot ng atmosphere. lam mo doc, gustong gusto ko na makatapos. isang taon nlng para iwanan si fely. si amy tlga ang gusto ko eh. kahit nung mga bata pa kami. siya ang gusto kong makapiling. hanggang ngayun hindi nagbago yun. lalo pang tumindi. sa kanya ko gusto bumuo ng sarili kong pamilya. kaya siguro sobrang nakakarelate ako.

yaan mo doc, ipagdadasal kita ang sinisinta mong PR :]

happy new yr din DOC! :)

si amy nga pla, amy-rica. lol.

mightydacz said...

CHHHilllaxxx doc...darating yan sa takdang panahon sabi ni big bro...

Anonymous said...

Patience, dear. Perseverance. and whole lotta hope. Natawa ako sa comment ni M'Dacz but I totally agree: chill out and relax, RJ. Mapalad ka pa rin. Bata ka pa pero alam mo na ang gusto mo. That type of attitude will go places. D lang Australia.

Godbless.

Sardonyx said...

Doc RJ, don't worry ang lahat ng pagpapagal mo ay may mabuting bungang idudulot sa iyo nito di mo lang masabi kung kailan, ang mahalaga darating yun....sa tamang panahon. Habang naghihintay ka ng iyong PR ay huwag mo ring kakalimutan ang iyong natutulog na puso, maghanap na ng girlfriend para lahat ng ginagawa na kahit anong hirap ay di mo mararamdaman pag nasilayan mo na ang iyong sinisinta...bow! hehehehe

don't worry always be happy, di ka lang nag-iisa maraming ganyan ang sitwasyon sa US kaya cheer up!

RJ said...

FJORDAN ALLEGO
Naisahan kita, ano Fjordz? o",) Corny nga eh. Very common style na 'to.

Salamat sa pamumukaw mo ng aking sigla. U

Huwag kang mag-alala, dadalawin ko ang iyong entertainment blog. Ikaw pa, malakas ka sa akin.



SLY
Huhmn, nakaka-relate ka. Maganda ang Singapore pero kung ang bagay na siyang dahilan kung bakit ka nandu'n (trabaho) ay magkaka-problema, bale wala ang kariktan ng paligid. Tama ba?



ANIMUS
Si Tin, Animus pala ang name sa Blogger?!

Good, nakapag-comment ka na. U



JESZIEBOY
Si Amy pala ang type mo. U Gawin mo ang lahat para magkasama kayo. Walang masama kung iyong susubukan ang pangingibang-bayan.

Wow, salamat sa prayer. Happy New Year, din.



MIGHTYDACZ
Napapagod na nga siguro si Big Bro sa akin. U Pero may tiwala pa rin ako sa Kanya.



ISLADENEBZ
Maiksi lang ang iyong sinabi pero pakiramdam ko ay napuno po ang pahina. Very meaningful kasi. Salamat! o",)



SARDONYX
Parang mali ang iyong hulang wala akong GF. Hindi lang siya nababanggit sa mga posts ko pero meron. Huh! Bakit may pamangkin po ba kayo diyan, Tita? o",)

Thank you, Sardonyx. U

chingoy, the great chef wannabe said...

nararamdaman ko si Aling Fely sa puso mo Doc... yun ang importante..